Chapter 2: Party DJ

Warning: Strong language, read at your own risk.

•••

My life is such a bore but I don't think it will stay the same if music is part of it.

I am wearing a stylish baggy pants and my signature hoodie which I always wear kapag pumapasok ako sa trabaho ko na ito.

I just also tie my hair in a messy bun at naglagay lang ako ng light make-up.

Mabibigat ang lakad ko papuntang bus stop dahil medyo nakakaramdam nga ako ng katamaran ngayon.

Mabuti nalang talaga at na-e-enjoy ko itong trabaho na pupuntahan ko ngayon dahil kung hindi ay baka matagal ko nang binitawan 'to.

"Ey! You're just in time Ms. Sound. It's your turn to make the party lit!" bungad agad saakin ng kapwa ko DJ sa club na pinapasukan ko.

Oo, I'm a party DJ at one of the most famous club dito sa Seoul.

Actually kahit anong trabaho pinapasok ko na e, dahil kailangan talagang kumita para buhayin ang sarili.

Marami-raming kpop idols ang pumupunta rito minsan kaya dagdag motivation din para ganahan magtrabaho.

I remember my co-worker told me that BTS Jimin was here with his friends last time pero ang malas dahil hindi ako ang nakatokang DJ. Sobrang pinagsisihan ko na nakipagpalit ako noon ng shift sa isa sa mga DJ dito. 'Di ko tuloy nakita si Jimin.

"Shall we start? I mean I think y'all are already on fire and I can see you want some blast now!" masigla kong sigaw sa mic kaya narinig ko ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga tao sa club bilang tugon na gusto na nga nilang magwala sa sayawan.

"Lezgetit! Ms. Sound!" sigaw ng isa sa mga audience

Ms. Sound ang palayaw sa'kin dito sa club. Isa ako sa inaabangan at hinahangaang DJ ng club na'to dahil according to them magaling akong DJ.

but. . . they only know me sa nickname na Ms. Sound, no one knows my real name.

At wala ring nakakakita sa'kin ng malapitan maliban sa mga co-workers ko. Madalas akong nagsusuot ng hoodie or mask para matakpan ang mukha ko. I tried to have a low profile dahil nagsimula akong magDJ dito noong underage pa ako kaya hanggang ngayon nag-iingat parin ako dahil mahirap na.

Kaya kahit makita ako ng kung sino man dito sa umaga walang makakakikala saakin.

Iba ang image ko sa umaga at sa gabi.

Marami ang nagtangkang malaman ang totoo kong pangalan at makita ako ng malapitan pero walang nagtagumpay.

Nah, unless you are BTS or Jeon Jungkook then I'll voluntarily show you my face and even tell you my real name.

But you're not.

"Alright! here we go!" muli kong sigaw at nagsimula nang ipihit ang volume ng tugtog.

Rinig ko ang masayang hiyawan ng mga tao at kita ko rin na nag-e-enjoy silang sumayaw.

Nagsimula na ulit akong paglaruan ang iba't ibang tunog at beat dahilan para mas lumakas ang hiyawan sa loob.

Ang saya talaga rito. Isa sa passion ko ang music kaya hinding-hindi ako maboboring sa trabaho na'to. Sabi ko nga, I dreamt to be a performer, a singer, a musician kaya dito palang ang saya-saya ko na.

Napapaheadbang nalang din ako sa ganda ng tunog at mga beat na pinaghahalo-halo ko.

Napapasayaw na nga rin ako, kasabay ng pagkalilot ng kamay ko sa controler ng music.

Pihit dito, pihit doon.

"Make some noise!" malakas kong sigaw at ibinato na sakanila ang beat na alam kong makakapagpabaliw sakanila.

Ganito kasaya sa loob ng club. Malalakas na tugtog, hiyawan ng mga taong masayang nag-iinuman at nagsasayawan. This is life. . . sa gabi.

Wala bang k-pop idol ngayon? Sayang naman 'di nila mararanasan ang pinakamagandang gabi sa buhay nila. Kidding.

Tuloy-tuloy lang ang ginagawa ko sa taas ng stage habang busy rin magheadbang at napapatalon-talon pa ng kaunti dahil kahit ako ay nasisiyahan sa sounds na pinapakawalan ko.

Maya-maya pa ay may narinig akong malalakas na hiyawan sa paligid. Mga babaeng kung makasigaw ay parang wala nang bukas.

Well, sanay naman na ako sa ganyan. Nasa club tayo hindi sa library.

Pero bakit kakaiba ang sigawan na iyon? Parang may tinitilian sila.

Dahil sa sunod-sunod na hiyawan ay na-curious ako kaya napatingin ako sa baba ng stage.

My eyes widen and my heart suddenly skipped a bit when I saw those beautiful young man na naglalakad sa gitna ng mga tao, not even bothered sa lakas ng mga tili nito.

Is this for real? Or is this some kind of my imagination, again?

Literal comic book.

Ang ga-gwapo!

And I can see him. HIM.

As in MY HIM.

MY JEON. JUNGKOOK.

Totoo ba 'to? nasa club sila? weh?

Nakita kong naupo na sila sa right side ng club. Pero apat lang sila. It's Cha Eunwo, I don't know the name of the second and third guy, but their face is familiar, and Jungkook.

I heard they are the 97liners, kung tawagin ng mga fans. So their circle do exist?

Gosh, sa wakas pumunta rin kayo sa tamang oras.

Dahil special kayo gagawin ko ring special ang sounds tonight. Para lang sainyo 'to kaya sumayaw kayo. Dapat yung tinataas ang damit ah. Joke.

My veins was trembling in excitement kaya dali-dali na akong nag-announce sa mic.

"So we have some very special guests tonight. Y'all didn't inform me. But yeah, because we have special personalities, let's add up some more exciting and fun sounds,"

"Let me hear your screams first!" malakas kong wika sa mic na nakapagpahiyaw ulit sa mga tao.

"Let's go Ms. Sound. Bring it on!" rinig kong sigaw ulit mula sa audience.

Hinanda ko na ang BTS, Got7, Astro at iba pang boygroup songs na alam kong pangparty pati narin ang sounds na imimix ko dito.

Puno ng kasiyahan ang puso ko habang inaayos ang tugtog. Halos hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

Ang medyo madilim na paligid kanina ay parang nagkaroon ng spotlight dahil tanging sila lang ang nakikita ko. Animo'y sinadyang lumiwanag ng awra nila sa gabing ito, dahil sakanila lang din ang atensyon ng lahat lalo na ng mga kababaihan.

Bigla akong napaubo noong nakita ko ang nakangiting kuneho sa upuan niya. Napakalaking ngiti na kapag tinitigan mo ay talagang mas maiinlove ka.

Bunny smile.

Itinuwid ko ang pagkakatayo ko at confident na pinihit ang controller. Unti-unti kong nakuha ang atensyon nila. Nabaling ang ulo nila sa direksyon ko.

Dahil sa taranta at kilig ay muntikan ko nang mabitawan ang kinokontrol kong sounds. Kung makatingin kasi si Jungkook ay parang nakarinig siya ng gintong tunog. Napa-O ang bibig niya saka diretso ang tingin sa stage, kung nasaan ako.

Alam ko namang madilim dito sa parte ko kaya hindi niya makikita kung paano ako mamula at napanganga nalang sa cute at gwapo niyang itsura ngayon.

Medyo nakalabas pa naman ang dibdib niya, ilang butones ang nakatanggal kaya kitang-kita ang dalawang hulma sa dibdib niya. Hindi tuloy ako makapagfocus.

Umiling ako, pinipilit na iwaksi ang pagpa-fangirl. Hindi ko talaga kasi mapigilang mapatitig sakaniya e. Ewan, madilim sa parte nila, pero bigla yatang nagkaroon ng flashlight ang mga mata ko sa sobrang linaw kong nakikita si Jungkook ngayon.

Wala na akong inubos na oras at pinihit ko ng pinihit ang controller. Binigay ko lahat ng kaya ko.

Ngunit hindi sila sumayaw. Daya.

Panay inom kasi e. Lasinggerong kuneho. Kukutusan kita pag-uwi mo sa bahay. Iniwan mo mga anak natin, pinakain mo ba ang mga iyon bago ka umalis, Jungkook?

Charot. Humaharot tayo ngayon, ah?

Halos isang oras akong nakatayo at nag-DJ bago nagpahinga muna saglit para kumain.

Gabi narin. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Hindi pala ako kumain bago umalis. Alas dos pa noong huli akong kumain.

"You chose the right songs today, Fuiena. Are you a fangirl?"

Nasamid ako sa tanong ni Junsok, katrabaho ko.

"I guess you are." dagdag niya noong hindi ako sumagot.

"I just admire those k-pop idols. Their talents are superb." simpleng sagot ko.

Gustong-gusto kong ipagsigawan na, oo, fangirl ako, pero dahil narin sa tinatagong identity ayokong mag-share ng kung anu-ano kahit katrabaho ko pa siya.

Hindi ko kasi close 'tong si Junsok, masyado siyang mahangin. Oo, kumbaga para siyang hanging habagat tuwing may bagyo, sobra sa hangin, nakakarindi minsan.

"Those make-up boys won't give you true happiness. They are just using your fangirling for money. To be rich. They don't really care about fangirls, like you." parang pumantig ang tenga ko sa narinig. Para akong sinilaban bigla sa sinabi niya.

Ayan na naman siya, he's so bida-bida. Napakakitid ng utak. Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya kinakausap noon pa. He was fine at first pero noong nagtagal, naging pakialamero na siya. And what did he say? Is he insulting my oppas?

Oppakan ko kaya 'to?

Hindi ko siya pinansin kahit na nanggagalaiti ako ngayon sa inis at galit sakaniya. Nakakainis! Sino ba siya? Anong alam niya?

Minsan, ang sarap nalang maging maldita e.

Tumayo na ako mula sa bench na lagi kong inuupuan tuwing break ko, sa labas ng club.

Ayokong makipag-usap pa sa hanging habagat.

"You will get hurt. Mark my words." pahabol niya.

Hindi ko na napigilan at humarap ulit ako sakaniya. Masama ko siyang tinitigan.

"What do you know? Are you a fanboy too? Or are you an idol yourself?" sinadya kong maging mataray ang boses.

Ngumiti siya ng nakakaloko at tumayo. Naglakad siya ng ilang hakbang palapit sa pwesto ko, halos abot kamay niya na'ko.

"Those guys are gays too. They fuck and kiss each other behind the cam-" sinapak ko siya kaya hindi niya na natapos ang sasabihin.

"You have NO RIGHT to insult any of them. They are working hard for their dreams. You don't know what they've been through to get to where they are right now. Don't even open your mouth if you don't have something nice to say. . ."

". . . and what it is to you if they are kissing each other. Don't you do that to your brother? Your mom? If they do that, still fuck off! You have no right to shame them especially infront of me? Boi, get a life. Don't waste your time hating and insulting people. Educate yourself and oh. . . maybe make -up can help your attitude. Try it." agad ko siyang tinalikuran.

Habang siya. . . hinihimas ang sapak ko sa kaliwang pisnge niya. Masakit ba?

Hindi lang 'yan ang mapapala mo sa susunod na ibuka mo pa ang bibig mo sa harap ko.

Pasmado ang bibig.

Nagdadabog akong pumasok sa loob ng club. Parang wala rin akong naririnig kahit sobrang lakas ng tugtog sa loob.

"You will get hurt. Mark my words."

Nag-e-echo ang sinabi niya sa utak ko.
Ano ba kasi ang problema ng isang 'yon? Papansin lang?

Alam ko namang 'di dapat ako maapektuhan dahil ano man ang malaman ko tungkol sakanila, tatangapin ko lahat 'yon. Wala akong pakialam dahil hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ko sila sinusuportahan.

Their music. It's the thing I love about them and their talents.

Kaya bakit ako magpapademonyo sa sinabi ni Jonsuk, 'di ba?

Sa lalim ng iniisip ko ay kahit may nakabangga ako sa dinadaanan ko ay wala akong pakialam.

Diretso at nakayuko ako habang papasok sa loob.

"Uh, sorry sorry, I didn't–"

Natigilan ako sa narinig.

Biglang kumalabog ang dibdib ko. Hindi lang dahil sa kaba dahil nasa harapan ko siya kun'di dahil nakikita niya ako ng malapitan.

Hindi pwede 'to!

Gusto ko mang makilala niya ako pero hindi sa ganitong paraan. Hindi sa ganitong lugar!

"Are you. . . hurt somewhere? Are you okay?" nag-aalangan siyang nagtanong.

"M-miss?" mahinahon niyang tawag sa'kin.

Ang sarap niyang titigan, pwede bang itigil muna ang oras? Ayoko kasing umalis sa harap niya e. Ang GWAPO!

"Excuse me? A-are you okay?"

Bigla akong natauhan at isinara ang bibig ko. Kanina pa pala ako tulala sa mukha niya.

Grabe naman, naglalaway na yata ako kanina pa. Kadiri ka, Fe!

"Ikaw na ba si Mr. Right?"

"Ne?"

Ay. Sa sobrang pagkamangha ay kung anu-ano na ang sinasabi ko. Nakakahiya.

"Sorry." wika ko habang nakayuko. Ngayon ko lang napagtanto na hindi niya dapat ako nakikita ngayon. Dito. Sa lugar na'to.

"No no. It's you I'm worrying about because it looks like, you were not with yourself just now. You will bumb with people if you walk like that. Be careful. Especially, there are so many drunk guys now."

Parang nagkaroon ng nahuhulog na pink blossom flowers sa paligid. Nakakainlove, ang bait.

"I-I'm fine. I just have something in my mind." nahihiya kong wika. Akmang aalis na ako pero may sinabi pa siyang muli.

"A lot?"

"Uh? Ah, n-no just things." Nagmadali na akong maglakad upang makatakas ang namumula kong mukha sa paningin niya.

"Hmm. Be careful then. Watch your steps." pahabol pa niya kahit malayo na ako.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit nakatulala parin ako dahil sa nangyari. Naiwan ang pabango niya sa paligid ko at dahil do'n ay para akong nakalutang. Parang nasa tabi ko parin siya.

Sinilip ko pa siya kanina pero mukhang paalis na siya. Pinukpok ko ang sariling ulo at nagsimula na ulit magtrabaho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top