Chapter Twenty- Seven
This chapter is dedicated to @iyay22_ buti naman hindi ka nagsisi na basahin ang story ko. Wahihi. Tsaka hindi morbid yung mga kontrabida dahil pati ako masi-stress din baka akala mo. Hehe.
***
His Past Time Girl by LittleRedYasha
Chapter Twenty- Seven
Kinuha niya ang bag ko at itinapon sa kung saan. Andun pa naman ang cellphone ko. Sana lang ay hindi naano. Humakbang siya kaya napaatras naman ako hanggang sa ma-corner niya 'ko sa dingding at magkahinang pa rin ang mga labi namin.
I moaned inside his mouth. I just can't get enough of him. He's just so irresistable.
"How dare you make me worry," he said huskily.
"I'm sorry. Hindi ko namalayan ang oras. Marami kasi kaming tinapos ni Fifi kanina,"
Hinalikan niya 'ko sa noo.
"Apology accepted,"
"Nagugutom ka na ba?" tanong ko pa habang magkadikit ang mga noo namin.
"Nung hindi ka pa dumadating,oo. Pero ngayon konti na lang."
"Kung ganun ipagluluto na kita ng dinner,"
"Kahit hindi na. I'm sorry about kanina. I didn't keep my promise,"
"I understand," sabi kong hinaplos ang sulok ng labi niya.
"I promise babawi ako."
"Ikaw ang bahala,"
And we kissed again.
Kahit pagod siya tinulungan pa rin niya 'kong magprepare ng dinner kasi alam niyang pagod din ako. He's so sweet. I know he'll make a good husband. Unfortunately, not to me.
"Hindi mo ba ikukwento yung nangyari sa lunch niyo with Leilah?" tanong ko habang kumakain na kami.
Napasimangot siya."No. It was aweful. Kaya nga nagsisisi ako na hindi natuloy ang lunch nating dalawa."
"Best wishes, Jeric."
"Nang-aasar ka ba?"
Tumawa lang ako saka nag-peace sign at nagpatuloy sa pagkain.
Tinulungan din niya 'kong maghugas ng pinggan. Ako ang nagsabon tapos siya naman ang nagbanlaw at naglagay sa lalagyan. Sanay na sanay siya. Hindi halatang lahat ng gusto niya nakukuha niya o di kaya naman ay may gumagawa para sa kanya.
Siguro magiging mabuti siyang provider at disciplinarian balang araw.
"What are you smiling at?" pansin niya nang pahirin na niya ang mga kamay niya.
Ngek, nahuli niya 'ko.
"Wala naman. Ang cute mo kasi tingnan."
"Bagay sa 'kin maging dishwasher, 'no?"
"Maging ama't asawa."
Tumaas ang isang kilay niya.
"Complement ba 'yan?"
"Oo naman. Ayaw mo ba?"
"You know I don't want to get married."
"Pero matanda ka na, 'di ba?"
"Ako matanda? Says who?"
"Ilang taon ka na ba? Fifty? Forty? O forty- five?" sabi kong pigil ang pagtawa.
He stepped forward kaya naman napaatras ako.
"Sino'ng forty-five?" nagbabanta niyang tanong.
Tumakbo ako papuntang sala at sumunod naman siya.
"You want a chasing game, huh?" sabi niyang nakangisi.
"Kung mahahabol mo 'ko,"
Sinubukan niya 'kong hulihin pero mabilis akong nakaikot sa sofa.
"Ang bagal mo naman pala,eh!"
"Nagpapainit pa lang ako. Masyado ka namang atat diyan,"
Paikot-ikot na kami sa sala pero hindi pa din niya 'ko mahuli-huli. Ano ba, pinagbibigyan lang ba niya 'ko?
"Sumuko ka na kasi! Hay, akala ko naman mabilis mo akong mahuhuli. Wala din pala,"
"Ang bilis mo naman kasing tumakbo,eh. Hinihingal tuloy ako,"
"Para ka namang sixty-five,eh!"
"Hey, sino'ng sixty-five?"
Mabilis akong kumilos nang gumalaw siya pero natigilan ako nang bigla na lang siyang napahawak sa sofa at sapo ng isang kamay niya ang dibdib niya.
"Jeric?"
"S-sandy, I can't.. . I can't breathe.. ."
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko.
"Jeric, okay ka lang ba?"
Nilapitan ko siya at inalalayan siyang maupo sa sofa. Naku sana naman walang mangyaring masama sa kanya.
"Ano'ng nararamdaman mo? Okay ka lang ba?"
"Masikip yung dibdib ko, Sandy,"
"Ha?" hinawakan ko ang pisngi niya. "Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? Tatawagin ko si Thomas para--"
"Joke lang! Hahaha! Naloko kita!" biglang sabi niya at tumawa nang nakakaloko.
Hindi ako nakapagreact. So joke niya lang yun?
"Sandy, sabi ko joke ko lang yun, hoy,"
Kumibot ang mga labi ko at ilang sandali pa ay umagos na ang mga luha ko.
"Sandy, bakit ka umiiyak?"
Napasubsob ako sa palad ko.
"Grabe akong nag-alala sa'yo tapos joke mo lang pala yun? Ano, gusto mo bang ako naman ang mamatay sa nerbiyos?!"
"Sandy, of course not!" niyakap niya ako at isinubsob sa dibdib niya. "Hindi ko gustong mag-alala ka siyempre. That was a bad joke, I apologized. Please stop crying. Hindi na mauulit. I'm so sorry,"
Hinaplos niya ang buhok ko.
"Pa'no kung totoo ngang may nangyari sa'yo? Alam mo bang hindi ko alam ang gagawin ko?"
"Kaya nga sorry na,eh. Nagsisisi na 'ko. Nasaktan na naman kita. Nangako pa naman ako sa sarili ko na hinding-hindi na kita paiiyakin,"
Naiinis naman ako sa sarili ko. Kung ganitong mabilis akong mag-alala para sa kanya, pa'no pa 'ko makakapagmove on kapag ikinasal na siya?
"Sandy, tell me you forgive me. I promise not to play that joke anymore,"
I hugged him back. Hinalikan naman niya ang buhok ko. Hinawakan niya ang pisngi ko para magtagpo ang mga mata namin. Pinahid niya ang mga mata ko at hinalikan ako sa noo.
"Pasensiya ka na talaga. Hindi ko naman gustong pag-alalahanin ka,eh."
"Nakakainis ka, alam mo ba yon?"
"Alam ko naman yun,eh,"
"Naiinis pa din ako sa'yo,"
"Sandy, kung naiinis ka pa rin okay lang. Tatanggapin ko," at hinalikan nya 'ko nang mabilis.
Marahan ko siyang hinampas sa dibdib niya.
"Akala ko talaga may nangyari nang masama sa'yo,eh!"
"Ano ka ba, I'm perfectly healthy,"
"Alam ko naman yun,eh,"
"Pero alam mo sa totoo lang masaya akong malaman na nag-aalala ka sa 'kin," sabi pa niya.
"Eh nag-aalala naman talaga ako sa'yo, ah?"
"Talaga?"
"Sige na nga wag na lang,"
"Ikaw talaga," natawang sabi niya at hinalikan ulit ako sa mga labi.
Papaanong hindi ako mag-aalala eh mahal na mahal ko siya? Ilang beses kong gustong sabihin sa kanya yun noon kaya lang wala akong lakas ng loob dahil wala pa naman akong napapatunayan sa sarili ko. Pero ngayon namang meron na, hindi pa rin pwede kasi huli na. Ikakasal na siya sa iba.
Paano mo naman ba kasi malalaman kung tamang panahon na?
***
Nakakatuwa naman at may readers akong active. Kayo din diyan baka may gusto kayong isuggest para lalo pang pahirapan si Sandy?
-LRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top