Chapter Twenty- One

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Twenty- One

"Okay ka lang ba, Sandy?" tanong sa 'kin ni Denver.

"Hmm? Oo naman," at ngumiti ako nang pilit.

"Parang hindi naman,eh,"

Nakahawak ako sa balikat niya at siya naman sa beywang ko.

"Psh. Psychic ka ba? Okay lang nga ako,"

"Ako nga ang kasayaw mo, iba naman ang nasa isip mo,"

"So psychic ka nga,"

"Hindi naman. It's just your eyes. They don't lie, Sandy,"

Umingos lang ako.

"Ako na lang ang mahalin mo. Tutal naman bagay tayo. Mas bata ako at mas gwapo at single na single pa,"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ano'ng sinasabi mo diyan?"

"Wag na lang si Jeric, ikakasal na siya,eh. Kung gusto mo ng magagandang anak mabibigyan din naman kita."

"Ha? Ano?"

Sira-ulo din pala 'to.

"Gusto mo ba ng malaking bahay? Ipagpapatayo din kita basta magpapakasal tayong dalawa. Sa'n mo gusto mag-honeymoon? Sa Italy, sa France o dun mismo sa Eiffel tower?"

Tawa lang ako nang tawa sa mga hirit ni Denver.

"Eh kung sabihin kong gusto ko dun sa Leaning tower?" pasakalye ko.

"Kahit pa nga sa Pyramids of Giza,eh. Magrowing pa tayo sa Nile River!"

"Haha. Ayoko nga. Okay na 'ko sa ilalim ng cherry blossom,"

"Honeymoon sa ilalim ng cherry blossom? Ma-deport pa tayo nun, di kaya?"

Natawa lang kaming dalawa. Nag-crack siya ng isa pang joke at ilang sandali pa ay hindi na kami nakakasayaw. Napasubsob na lang ako sa dibdib niya habang pinipigil ang pagtawa ko.

"O, eh, bakit? Wala ngang pinipili,eh. Kaya ayun pati langgam pinatulan,"

"Sira-ulo ka. Ang corny-corny ng joke mo!"

"Tawa-tawa ka naman,"

"Eh ikaw,eh. Hahaha!"

Tapos nagulat na lang ako nang may biglang humablot sa braso ko at inilayo ako kay Denver.

"Jeric!" anas ko at ang talim ng tingin niya sa 'kin.

"Uuwi na tayo," mariin niyang sabi.

"Ha? Teka bitiwan mo muna ako,"

Piniksi ko ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"Let's go,"

"Hey, let go of her, nasasaktan si Sandy!" sabi naman ni Denver.

"'Wag kang makialam dito!" singhal naman ni Jeric at halos kaladkarin na niya ako palabas ng venue.

"Jeric, nasasaktan ako!"

Binuksan niya ang pintuan ng kotse.

"Pasok!"

Kinabahan ako sa inaasal niya kaya napasunod ako. Ilang sandali pa palayo na kami.

"Jeric, ano bang nangyayari sayo?"

"Shut up!"

Natameme ako. Bakit ba siya nagagalit? Ano bang ginawa ko? Buong biyahe namin hindi man lang niya 'ko kinibo. Nag-aalala ako at the same time natatakot. Dahil ba sa magkasama kami ni Denver?

Mariin akong napapikit. Posible. Pero wala naman kaming ginagawang masama, 'di ba?

At bakit naman niya nakuhang iwanan si Leilah? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nung isa at nung daddy niya?

"Jeric, kausapin mo naman ako.. ."

"Sabi ko manahimik ka," may diin sa tono niya.

First time kong makitang ganito si Jeric. Hindi ko alam ang gagawin niya sa 'kin. Sasaktan ba niya 'ko? Ngayon pa lang kinikilabutan na 'ko.

Nang makarating kami sa building, mabilis akong bumaba at halos kaladkarin na naman niya 'ko papasok.

Gusto kong sabihing madudurog na ang mga daliri ko pero nangingibabaw ang takot sa mga sandaling 'yon.

Hindi man lang niya 'ko nakuhang tingnan habang nasa elevator kami. At nang makarating na kami sa unit niya, hinila niya 'ko papasok, pabalabag na isinara ang pinto at isinalya ako sa dingding.

"Jeric!"

Mahigpit na hinahawakan niya ang mga braso ko.

"What did I tell you, Sandy?! Bakit mo 'ko sinuway? Bakit sumama ka sa lalaking 'yon? Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa'yo?!"

"Jeric, wala kaming ginagawang masama!"

"Wala? You're obviously flirting with that son-of-a-bitch!"

"Hindi totoo 'yan, Jeric! Nag-uusap lang kami!"

"He's almost hugging you! Normal pa ba 'yon?!"

"Jeric, nasasaktan ako!" tapos bigla na lang kumawala ang mga luha sa mga mata ko.

"Ngayon ginagalit mo na 'ko? Ipapaalala ko pa ba sa'yo na akin ka lang?!"

"Bitiwan mo 'ko pakiusap!"

Hinalikan niya 'ko nang marahas. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin kaya wala rin. Kanina lang okay kami pero bakit ang bilis magbago ng mga pangyayari?

Tinulak ko siya pero parang hindi naman siya natitinag. Mas malaki siya, mas matangkad at mas malakas.

Hinalikan niya 'ko sa leeg habang ibinababa niya ang zipper ng damit ko.

"Jeric, 'wag pakiusap,"

Pero parang wala naman siyang naririnig. Hanggang sa mahubad na niya ang damit ko, binuhat niya 'ko at dinala sa kama.

Hinubad niya ang sapatos ko at hinalikan na naman ako nang marahas. Ang mga kamay ko, pinipigilan ng mga kamay niya. His mouth is already exploring my body at ako, nawawalan na ng lakas at tahimik na lang akong umiiyak.

Kung alam ko lang na magkakaganito siya, hindi na sana ako nakipagsayaw kay Denver. Ang iniisip ko lang naman kasi, mawala man lang ang atensyon ko sa kanila ni Leilah kahit sandali lang.

Ilang sandali pa, nahubad na rin niya ang mga damit niya. Nakapilig ang ulo ko dahil ayoko siyang makita. Masasaktan ako kapag titingin ako sa mga mata niya.

Hindi si Jeric ang kasama ko ngayon. Hindi si Jeric na mahinahon at masuyo. Hindi yung kalmado at malambing.

Nagpatuloy lang ako ng pag-iyak. Sana isa lang masamang panaginip ang lahat.

Bigla siyang huminto sa ginagawa niya sa 'kin. Tiningnan ko siya. Nakaupo siya sa paanan ng kama, nakatalikod sa akin at nakayuko. Ilang sandali pa, nakikita kong yumuyugyog ang mga balikat niya. Umiiyak ba si Jeric?

"Jeric?" bumangon ako at tinabihan siya.

Nakasubsob siya sa palad niya.

"I'm so sorry, Sandy. I'm so sorry,"

"Jeric.. ."

"Nagawa kitang saktan. I'm so sorry,"

Umiiyak siya! Biglang nawala lahat ng takot ko dahil sa nakita kong pagbabago sa asal niya.

"Hindi kita dapat sinaktan!"

Tumayo siya at nagulat ako nang bigla na lang niyang sinuntok ang dingding nang malakas.

"Wag, Jeric!" pigil ko sa kanya at niyakap ko siya sa beywang. "Wag mong saktan ang sarili mo pakiusap. Kasalanan ko naman,eh. "

"Hindi, eh! Hindi sapat na dahilan yun. Pinigilan ko dapat ang sarili ko! Ang gago ko!"

At sinuntok niya ulit ang pader.

"Jeric, tama na kasi, ano ba?"

Pinaharap ko siya sa 'kin at hinawakan ko ang mukha niya.

"Tama na, okay? Hindi makakatulong kung sasaktan mo ang sarili mo. Wag mo nang sisihin ang sarili mo,"

Hindi siya makatingin sa 'kin dahil hilam sa luha ang mga mata niya. Natunaw ang puso ko para sa kanya. Natauhan na din siya. Siya na ulit ang lalaking mahal na mahal ko.

***

Your votes and comments are very much fine with me. Hehe.

-LRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top