Chapter Twenty- Eight
This chapter is dedicated to all the readers na nagbu-vote, nagku-comment at nag-add ng story na ito sa mga reading lists nila. Nagulat ako kasi umabot ng 10K yung reads kahit three days akong walang update. Pasensiya na, umaasa lang kasi si Author sa wifi at sa mobile Wattpad niya. Hehehe.
***
His Past Time Girl by LittleRedYasha
Chapter Twenty- Eight
"Wake up, sleepyhead. Time to get up now,"
Nakangiting mukha ni Jeric ang sumalubong sa 'kin pagmulat ko ng mga mata ko.
"Good morning," sabi ko at kinusot ang mga mata ko.
"Good morning," sabi naman niya at hinalikan ako sa noo.
"Ang aga mong nagising,ah. Ano'ng oras na ba?"
"It's just past six,"
"Nagugutom ka na ba? Magluluto na 'ko ng breakfast,"
"Sana pala hindi na muna kita ginising agad."
"Bakit naman?"
"Para matitigan ko pa ang mukha mo nang matagal. You're a beautiful picture, alam mo ba yun?"
Umirap ako."Kay aga-aga nambobola na ang iba diyan,"
"At sino ang nambobola, ha?"
Napatili ako nang kilitiin niya 'ko sa tagiliran. Hinampas ko naman siya.
"Ano ba? Sinisimulan mo na 'ko eh hindi pa nga 'ko nakakapaghilamos o mumog man lang!"
"Maganda ka na, di na kailangan,"
Inirapan ko uli siya at bumangon na. Naupo lang siya sa kama at pinanood ako habang sinuklay ko ang buhok ko sa salamin. Nakikita ko kasi siya sa reflection.
His eyes are in awe. With me? I smirked. Ano ba ang special sa akin at ganyan na lang siya makatingin? Lagi tuloy akong naiilang at parang matutunaw.
"Okay ka lang ba, Trias? Bakit ganyan ka makatingin? May problema ka sa 'kin?" tanong ko.
Umiling-iling siya habang malapad ang pagkakangiti.
Pinameywangan ko siya.
"In love ka sa 'kin, 'no?" biro ko.
"What if I'd say I am?"
Natawa ako. Of course hindi siya pwedeng maging seryoso.
"Forget it," sabi ko na lang at dumiretso sa banyo.
Bakit ba yun ang naisipan kong sabihin?
***
"What do you want to do for this day?" tanong sa 'kin ni Jeric habang nagbi-breakfast na kami.
"Hmm? Hindi ko alam. Kung ako lang mas gusto kong titigan ka buong araw," sabi ko.
"You naughty kid!"
Natawa lang ako.
"I don't want to go anywhere, Jeric. Pero kung may plano ka, ikaw ang bahala,"
"I do have a plan. Aalis tayo pagkatapos nating magbreakfast,"
"Saan naman?"
"Surprise."
"Psh."
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami para sa pag-alis. Since wala naman akong idea kung saan kami pupunta, tinanong ko siya kung ano ba ang damit na dapat kong dalhin pero ang sabi niya bahala na daw ako.
Fine. Edi bahala ako.
"Sa'n ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nasa kotse na kami.
"Surprise nga. But I'm sure na magugustuhan mo."
"Baka naman malayo?"
He grinned."Ilang beses na ba tayong nakapunta sa malayo?"
Namula ako kaya inirapan ko siya.
Mga kalahating oras din ang biyahe namin nang marating namin ang lugar na sinasabi niya.
Napasilip ako sa bintana habang papasok ang kotse sa malaking gate ng parang--resort? Oh, resort sa city? Bago sa akin ang ganito,ah.
"Wow,"
"I told you."
Bumaba na kami pareho. Nakikita ko na ang swimming pool at mga cottages pero bakit yata walang katao-tao? Parang kami lang ang nandoon. Bakit ganun?
"Tara na," sabi niya at hinawakan ako sa beywang.
Takang napatingala ako sa kanya. Kaya pala manipis na white shirt at walking shorts ang suot niya with matching sunglasses pa. Kasi sa ganito kami pupunta. Bakit ba hindi ko agad na-gets sa porma pa lang niya? Ang slow ko din, eh, 'no?
"Dito pala tayo pupunta hindi mo na lang sinabi?"
"Surprise nga,eh," at kumindat pa siya.
Ang suot ko lang naman ay yung usual, shirt and jeans. O di ba, walang kinalaman sa pagsu-swimming?
"Ang daya mo talaga,"
Iginiya niya 'ko papunta sa isang parang malaking bahay at pumasok kami sa loob.
Namangha ako sa sobrang gara ng looban.
"Kaninong lugar 'to?" tanong ko pa.
"Sa family ko. I reserved the place for the whole day. Nagustuhan mo ba?"
"Kaya ba tayo lang ang nandito?"
"Uhuh,"
"Ang ganda naman dito, Jeric. Parang gusto ko dito na lang,"
"Sabi ko naman sa'yo babawi ako, 'di ba?"
Niyakap ko siya."Thank you, Jeric!"
"You're always welcome. Now, gusto mo bang magswimming agad?"
"Ano ka ba, wala naman akong dalang swimsuit dito at tsaka alam mo namang hindi ako nagsusuot nu'n. At hindi din ako marunong lumangoy!"
"Si Jennica may mga naiwang gamit dito. Pwede mong tingnan dun sa taas."
"Hindi pa din ako lalangoy. Ayoko,"
"I could teach you how to swim. Sige na, sasamahan na kita sa taas,"
Wala pa rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Dinala niya 'ko sa room ni Jennica at siya naman pumunta dun sa kabilang kwarto. Binuksan ko ang malaking cabinet doon. Maraming damit pambabae. May mga casual dress, long gowns, night gowns at siyempre bathing suits.
Sa totoo lang, never pa 'kong nagsuot ng two-piece buong buhay ko at kung pwede lang ay never na 'kong magsuot nu'n. Pero wala akong choice. Siguro magsusuot na lang ako ng shorts na ipapares sa itim na lacey bra.
Pagkatapos kung magpalit ay kumuha ako ng tuwalya at bumaba.
Wala pa si Jeric sa pool. Sa'n pa kaya yun nagsusuot?
"Ay kalabaw!" nagulat ako nang yakapin niya 'ko mula sa likuran.
Wala na siyang pang-itaas at naka-shorts na lang.
"Hi, gorgeous! What's your name?" sabi niyang nakakaloko.
Hinampas ko siya sa braso.
"At talagang may balak kang patayin ako sa atake sa puso?"
"Sorry. Can you forgive me for being excited?"
Kumawala ako sa kanya. Excited niyang mukha niya. Ilang na ilang kaya ako sa suot ko.
"I told you, Jeric, hindi ako marunong lumangoy,"
"Hindi naman problema yun,eh. Ako ang bahala sa'yo," lumusong siya sa pool. Nakatapak siya sa hagdan nang inilahad niya ang kamay niya."Take my hand,"
Sumunod naman ako. Kinuha ko ang kamay niya at lumusong din. Napakapit ako sa balikat niya nang bumulusok kami sa ilalim.
Ang lalim naman kasi. Hanggang dibdib niya yung tubig at baka malunod pa 'ko. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa beywang ko.
"Wag kang matakot, akong bahala sa'yo."
"Wag mo 'kong bibitawan, please? Natatakot talaga akong malunod,eh," sabi ko naman.
Ngumiti siya."Never,"
Tinuruan niya 'kong lumangoy pero kahit nakukuha ko ang mga itinuturo niya, natatakot pa rin akong sumubok.
"Pagod na 'ko, Jeric. Pwede bang time out na muna?"
"Nagugutom ka na ba? Pahinga muna tayo. Nagpahanda na 'ko kanina,"
***
Sino ang hindi marunong lumangoy diyan? Magpalista na at mag swimming session tayo with Jeric! Free swimming lessons daw! Nyahaha.
Before you click on the next page, don't forget to cast your votes and comments. Mwah!
-LRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top