Chapter Twenty

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Twenty

Whoa. So sobra ngang yaman ng pamilya ng fiancee ni Jeric. Napakalapad at ang garbo ng venue. Nanliit tuloy ako. Napakaraming invited guests. Pakiramdam ko ako lang ang hindi nababagay dun.

"Don't be nervous," sabi naman ni Jeric at pinisil ang kamay ko.

"Alam ko. Kung magiging mahiyain ako, pa'no naman ako makakahanap ng bagong boyfriend 'no," sabi ko naman.

"Seryoso ka diyan?"

"Oo naman."

"Mabibigo ka lang."

"Uhuh?"

"They're nothing compared to me,"

"So hindi mo 'ko pagbabawalang makipag-usap kahit kanino?"

Tumalim ang tingin niya sa 'kin pero ilang sandali pa ay gumalaw ang sulok ng labi niya at tipid na ngumiti.

"Yun lang pala,eh,"

Naupo kami sa isang bakanteng mesa. Kaya ayaw na ayaw kung pumupunta sa mga party na tulad nito eh. Mapapanisan lang ako ng laway.

"Sandy! Fancy meeting you here,"

Nagulat ako nang batiin ako ni Denver. Na-meet ko na siya sa fashion show dati. Pinakiusapan daw niya si Fifi na ipakilala ako sa kanya. Mayaman ang pamilya na pinagmulan ni Denver. Sila ang may ari ng number one car dealing company sa Pilipinas.

Gwapo siya, matalino kaya lang playboy at mahangin. Sa lahat ng mga nakilala ko, kay Denver ako pinakapinagbabawalan ni Jeric. Pareho silang may disgusto sa isa't-isa. Ewan ko ba sa kanilang dalawa. Si Denver, mas bata ng limang taon kay Jeric.

"Denver, h-hi," bati ko naman.

"Halos hindi kita nakilala kanina, ah. You look stunning,"

"She always looks stunning," sabat naman ni.Jeric na hindi maipinta ang gwapong mukha.

"Jeric, andiyan ka pala. Hindi ba dapat ikaw ang escort ni Ate Leilah ngayong birthday niya?"

"Nagpapatawa ka. Hindi naman siya debutant para mangailangan ng escort. She's old enough. Like twenty-nine?"

"Twenty-eight," pagtatama naman ni Denver.

"Whatever,"

"I'll see you around, Sandy." sabi pa ni Denver.

"Okay," tugon ko.

"By the way, you really are lovely,"

Tipid na ngiti lang ang tugon ko kahit naiilang ako sa malagkit niyang tingin. Hindi ko feel. Parang kadiri ang dating sa akin pero kapag si Jeric naman, simpleng tingin pa lang nanghihina na agad ang mga tuhod ko.

"You really are lovely," panggagaya naman ni Jeric habang magmi-make face kaya natawa ako.

"Tumigil ka nga diyan. Hindi bagay sa 'yo,"

"Mas lalo namang hindi bagay sa kanya, a sincere compliment is far different from a flirty one,"

"Uhuh," sabi ko at tinapik ng daliri ko ang tungki ng ilong niya.

"Stop that or I'll kiss you in public," kunwari banta niya.

"You always kiss me in public. Oh, alam ko na, baka kung ano ang isipin ng fiancee mo, tama ba?"

"'Wag mo nga siyang babanggitin kapag tayo ang magkasama,"

"Bahala ka,"

Ilang sandali pa, nagsimula na nga ang party. Agad ipinakilala ang birthday celebrant. Si Leilah Borromeo. Ang unica hija ng mga Borromeo. Tama ako. Maganda nga siya. Sophisticated at magaling magdala ng sarili. She looked stunning in her red gown.

Kung literal lang na halimaw ang insecurity, kanina pa 'ko nakain ng buhay. Lalo pa nang magsalita siya sa mic. English speaking at may accent pa. Pinalakpakan siya nang malakas ng mga tao. Hinalikan siya ng mga kamag-anak niya at nakita ko din doon ang daddy nina Jeric.

Sila na ang gumagalaw sa parehong mundo.

"Infairness, nagmatch ang kagandahan niya sa kagwapuhan mo," sabi ko kay Jeric.

Kumunot ang noo niya.

"Seryoso ka diyan?"

"Hindi ka naman bulag, 'di ba? Hindi ko alam kung bakit tutol ka sa fixed marriage niyo ni Leilah."

"Yun na nga ang malungkot dun,eh. Hindi mo alam,"

Ako naman ang napakunot-noo.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Wala. Just stay away from Denver,"

Ilang sandali pa ay may lumapit kay Jeric. Mommy yata ni Leilah.

"Jeric, bakit nakaupo ka lang dito? Samahan mo naman si Leilah dun. Sige na,"

Tumingin sa akin si Jeric. Tinapik ko naman ang braso niya bilang pagtataboy.

"Babalik ako agad " sabi niya at sumunod kay Mrs. Borromeo.

Kung makakabalik siya agad, duda ako. Alam ko naman kanina pa na buong gabi akong mag-iisa. Heto na, nasasaktan na naman ako lalo pa nang makita kong hinalikan niya si Leilah sa pisngi at kumapit naman yung huli sa braso niya.

"Gusto niyo na pong umuwi , 'no?"

Napatingin ako kay Thomas na naupo sa tabi ko.

"Ang totoo bigla akong nagsisi na sumama pa ako sa kanya," sagot ko at mapait na ngumiti.

"Duda akong may engagement na mangyayari,"

"Hmm? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Susunugin ni Jennica ang venue,"

"Pa'no mo nalaman?" natawang tanong ko.

"Narinig ko silang nagtalo ni Jeric sa phone minsan,"

"At kung kasuhan siya ng arson?"

"She'll have me to defend her,"

"Pinakiusapan ka niya?"

"No but I would volunteer,"

I giggled. So he also has something for her!

"Si Jennica talaga,"

"Ayaw niyo pa po bang umuwi? Pwede ko po kayong isabay sa 'kin kung gusto niyo," sabi pa niya.

"Salamat na lang, Thomas. Hihintayin ko na lang si Jeric, babalikan din naman niya 'ko,eh,"

"Ikaw po ang bahala," tinanguan niya ako at saka iniwan.

Para akong tanga na nakatitig sa mga palad ko. Kaysa naman sundan ko ng tingin bawat kilos nina Jeric at Leilah, sisikip lang ang dibdib ko.

Ang totoo kanina ko pa napapansin na may mangilan-ngilan na nakakatingin sa direksyon ko. Yong iba sa kanila mga may edad na which reminds me of Mr. Ong. Nakakakilabot. Yong iba naman mga kaedad ko lang, mga may itsura pero wala din. Yong hinahanap ng puso ko, andun, kasama ang fiancee niya.

And then nagsimula na palang magsisayawan ang mga tao dun. Nababakante na ang mga mesa at ako, wala akong balak umalis dito. Wallflower ang peg. Lalo akong napayuko. Ayokong makitang magkasayaw sina Jeric at Leilah.

"Now, I can't see any reason why a beautiful lady like you should be alone,"

Nilapitan na naman ako ni Denver.

"Ako ba yung tinutukoy mo?"

"Ikaw lang naman ang nakikita kong maganda sa gabing 'to,"

"Bola,"

"Can I have this dance?" tapos inilahad niya ang kamay niya.

Nag-atubili akong tanggapin ang kamay niya. Ang sabi ni Jeric lumayo ako kay Denver.

Pero asan ba si Jeric? Nandoon sa fiancee niya. At ako? Nandito mag isa. Wala naman sigurong masama kung libangin ko ang sarili ko, 'di ba?

"O-oo ba,"

"Great!"

Humalo kami sa mga magkakapareha. Nahagip ng tingin ko sina Jeric at Leilah na magkasayaw. Lalo akong inatake ng selos. Sa susunod nilang sayaw, naka-wedding gown na si Leilah.

***

Sunugin ang mga epal sa storyang 'to! Sunugin ako! Joke lang!

-LRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top