Chapter Three

His Past Time Girl by LittleRed

Chapter Three

Somehow napanatag ako ngayong gabi dahil may isang Jeric na nagligtas sa akin. May utang pa nga ako sa kanya. One hundred thousand is not some joke of amount. Kahit habang buhay pa siguro akong magtrabaho mahihirapan akong bayaran siya.

"Do you need anything?" tanong niya sa 'kin.

"Wala. Okay na 'ko. Salamat na lang,"

"Baka kasi nagugutom ka. May pagkain ako dito,"

"Okay lang talaga ako,"

Naupo kami sa maliit niyang sala.

"So ano nang plano mo?"

"Hindi ko pa alam,eh. Hindi ko naman kasi kabisado 'tong Maynila. Ang alam ko lang hindi na 'ko babalik kay Ate Sally,"

"Kung ganun dito ka na lang muna magpalipas ng gabi. Delikado na sa labas mga ganitong oras, hindi ka na ligtas doon,"

"Maraming-maraming salamat sa tulong mo, Jeric. Kung hindi ka dumating baka.. .baka kung ano na ang nangyari sa akin. Ang laki ng utang na loob ko sayo, hindi ko alam kung pa'no kita mababayaran.. ."

Kainis, naiiyak na naman ako.

"'Wag mo na lang isipin yun, Sandy, okay? Ang importante ligtas ka. Tulong nga yun so wala kang dapat bayaran. And when will you stop crying? Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak,"

"Pasensya ka na. Ang laki ko na kasing abala sayo,eh. Hindi mo naman ako kaano-ano pero tinulungan mo 'ko,"

"Hindi naman abala ang pagtulong,eh. Kaysa naman pabayaan na lang kitang mapahamak dun,"

"Thank you talaga, Jeric!"

"You're welcome. Now, I supposed you need to take a sleep. You can use my room here,"

"Papa'no ka?"

"I'll manage. Just go and rest. Bukas na lang uli tayo mag-usap,"

"O-Okay,"

***

Natulog nga ako sa kwarto niya. Malambot ang kama niya kaya napasarap ang tulog ko. Nagising ako mga alas singko ng madaling araw. Hinanap ko si Jeric and I saw him na natutulog sa sofa. Nakonsensya tuloy ako. Nahirapan tuloy siya dahil sa akin. Kumuha ako ng kumot at ibinalot sa kanya. That's when I got the chance na titigan ang mukha niya. Gwapo siya sa unang tingin pero mas lalo na pala kung tititigan mo siya nang matagal. Napakaamo ng mukha niya. Sa probinsiya namin hindi ka makakakita ng ganitong mukha. Grabe para siyang artista.

Bago pa niya 'ko mahuli, bumalik ako sa kwarto niya at nanghalungkat sa cabinet niya nang anumang pwedeng pampalit. Pumunta ako sa kusina niya at nanghalungkat din doon. Sa pamamagitan man lang ng pagluluto ng agahan niya makapagpasalamat ako.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Kakalapag ko lang ng kubyertos sa pinggan niya nang pumasok siya sa dinning area. Bagong gising at medyo magulo ang buhok.

"M-magandang umaga, Jeric. Ahm, nakialam na 'ko sa kusina mo. Pasensya ka na. Naisip ko lang na ipaghanda ka ng agahan bilang pasasalamat man lang sa tulong mo kagabi at tsaka--"nakita kong titig na titig siya sa suot ko."Pinakialaman ko din yung mga damit mo. Kailangan ko na kasing magpalit,eh. Pasensya ka na sa pakikialam ko--"

"Tamang-tama gutom na 'ko,"

Nagulat ako sa sagot niya. Ini-expect ko na kasi na magtataas siya ng boses at papalayasin ako sa condo niya.

"H-Hindi ka galit?"

"Magagalit saan?"

"Sa pakikialam ko dito sa tirahan mo,"

"Oh,no. Not at all. Nahihiya nga ako sayo. You're my guest remember?"

"Akala ko kasi ano,eh.. ."

"Magsa-shower lang ako then let's have breakfast together."

"S-sige."

Whew, akala ko talaga magagalit na siya. Ipinagpatuloy ko ang paghahanda. Hinahalo ko na ang kape niya nang lumabas siya ng kwarto. Nakasuot lang siya ng sando at puting walking shorts. Ang totoo kanina pa 'ko naiilang sa suot ko. Dahil malaking mama si Jeric, umabot sa itaas ng tuhod ko ang polo niya. Underwear lang kasi ang nasa ilalim nun na panloob ko.

"Magaling ka pala sa gawaing-bahay," sabi niya.

"Hindi naman. Nasanay lang ako sa bahay,"

He sipped his coffee first."And you make good coffee,"

"Salamat,"

Naupo na kaming dalawa. Nagsimula na siyang kumain habang ako naman ay nagdasal muna.

"What did you do?"tanong niya.

"Nagdasal. Nagpasalamat para dito. Sige kain na tayo."

"Ngayon lang ulit ako nakakain nang matinong breakfast," sabi pa niya.

"Hmm? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Mahirap kapag walang gagawa ng mga bagay para sa'yo kapag mag-isa ka lang. You get my point?"

"Edi sana kumuha ka na lang ng katulong,"

"I don't even have the time to. At tsaka mahirap nang magtiwala sa kahit na sino,"

"Hindi naman lahat kayang manloko,"

"Despite of what happened to you, you still think so?"

"Oo naman."

"Probinsyana ka nga,"

"Siguro nga. Ahm, Jeric, maraming salamat ulit sa tulong mo. Mababayaran din kita balang araw,"

"'Wag na. Hindi na kailangan. Sapat nang pinaghanda mo 'ko ng masarap na breakfast."

Napangiti naman ako.

Pagkatapos naming kumain naghugas agad ako ng pinggan. Kaunti lang naman kaya mabilis akong natapos. Siya naman nagbihis na para pumasok sa opisina.

Nang bumalik ako sa sala, nakita kong may kausap na babaeng nakauniporme si Jeric. May iniabot itong ilang malalaking paperbag kay Jeric at ilang sandali pa ay nagpaalam na din ito.

"Sandy, I got something for you,"

"Ha? Ano naman yun?"

"Lahat ng 'to ay sayo. Mga gagamitin mo,"

Nagulat ako."Ha? Kasi Jeric wala naman akong ipambabayad sa mga 'to,eh,"

"Wala ka namang dapat bayaran dahil walang naniningil sayo. Look, you need these, Sandy."

"Pero kasi--"

"Wala nang pero-pero. Aalis muna ako at ikaw dito ka, wag kang aalis dito. Delikado para sayo."tapos may inabot siya sa 'king mukhang mamahaling cellphone."Here, just call me kung may problema o may kailangan ka. Understand?"

"Okay,"tugon ko naman na tila batang pinagbibilinan ng magulang.

"Good. At wag kang mag-alala, lahat naman ng kailangan mo nandito. Pwede mo ding tawagan ang pamilya mo kung gusto mo."

"T-thank you, Jeric,"sabi ko sa gumaralgal na boses. Para kasing maiiyak na naman ako. Bakit ba ang bait ng taong 'to sa 'kin?

"And please stop crying. Wala ka nang rason para umiyak."

"Okay.. ."

"Maiwan na kita dito,"

"Mag-iingat ka,Jeric,"

"Why do you sound like a wife?"tanong pa niyang nakangisi.

"Ha?"

Pakiramdam ko ay nag- init ang pisngi ko.

"Biro lang. Sige,"

***

What do you think of this chapter? Vote and comment please!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top