Chapter Thirteen

Dedicated to @evangie14_sa pinakaunang nagshare ng kanyang comment. Salamat, dear!

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Thirteen

"Hindi," halos pabulong kong sagot.

"Buti naman,"

Isang singhap pa ang pinakawalan ko nang hilahin niya ang mga daliri niya sa loob ko. Tapos hinalikan niya ulit ang mga labi ko.

Niyakap niya ako nang mahigpit at nahiga kaming magkatabi sa sofa, nakaunan ako sa dibdib niya habang nanonood ng tv. Ang payapa lang ng kalooban ko nang mga sandaling iyon at kung pwede nga lang patigilin ko ang oras.

Napatitig ako sa mukha niya. Napansin kong wala naman talaga sa palabas ang atensiyon niya.

"Ano'ng iniisip mo?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"You,"

"Ako?"

"Yeah,"

"Bakit mo naman ako iisipin?"

"Because I've never seen someone as beautiful as you,"

Umirap ako."Yong totoo?"

"I am really thinking about you. Can I ask you some thing?"

"Ano naman yun?"

"Ano ba ang gusto mo maging? I mean if you were given a chance to go to college, what would you take up?"

Napaisip ako."Yong totoo? Simple lang naman talaga. Gusto ko lang magkaroon ng sarili kong boutique bata pa lang ako,"

"You wanted to be a fashion designer?"

"Kahit simpleng dressmaker lang. Magaling kasi manahi ang Nanay namin, eh. Kontento na ako dun,"

"Kapag ba nagkatotoo yun magiging masaya ka?"

"Oo naman. Malaking tulong na yun kapag nagkataon, eh. Mababaw lang naman ang kaligayahan naming pamilya,"

"You're such a wonderful daughter,"

"Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Bakit masama ba magtanong?"

"Pilosopo ka pa diyan,"

"Gusto kitang tulungan sa pangarap mong yun, Sandy,"

"Jeric, hindi mo naman obligasyon yun, eh. Siguro kapag nakaipon na 'ko ng sapat na pera uuwi din ako sa 'min para tulungan sina Nanay. Makakapagsimula kami ng hanap-buhay,"

"Wait, iiwan mo 'ko?"

"Pwede bang iba na lang ang pag-usapan natin? Masyado nang personal,eh,"

"Masama ba kung gusto pa kitang makilala nang lubusan?"

"Bakit mo naman ako gustong kilalanin?"

Wala akong idea kung saan pupunta ang usapan namin.

"Dapat alam mo na ang sagot,"

"Hindi. Bakit nga?"

"Never mind," at hinalikan niya ako sa noo."Just promise me na hindi mo 'ko iiwan, alright?"

"Okay,"

***

Nagulat ako nang tumawag si Jeric na maaga daw siyang uuwi at kasama niya ang assistant niyang si Thomas.

Nang dumating sila, kakatapos ko lang suklayin ang basa kong buhok dahil nagmadali akong maligo.

"Tungkol saan yung pag-uusapan natin?" tanong ko.

Lumapit siya muna sa akin at dinampian ako ng mabilis na halik kahit sa harap ni Thomas.

"You remember, Thomas, right?"

"Oo naman," medyo nahihiya kong sagot.

"Nakuha na niya ang mga complete papers mo. Kailangan mo na lang pirmahan ang application forms," sabi ni Jeric habang inilalabas naman ni Thomas ang isang brown envelope mula sa briefcase niya.

"Sandali, complete papers? At may application form? Hindi ko maintindihan," litong tanong ko.

"Tingnan mo,"

Mula kay Thomas, inabot niya sa akin ang envelope at nagulat ako sa laman. Birth certificate, high school card, diploma, ultimo good moral character ko, at iba pa.

"Papanong nakuha niyo ang mga 'to?" di makapaniwalang tanong ko.

"Thomas. He's a lawyer apart from being my right hand,"

"Pero para saan at kinuha niyo ang mga 'to? Hindi naman ako mag-aaral, eh,"

"Yes, mag-aaral ka, Sandy,"

"A-ano?"

Teka, tama ba ang narinig ko? Kahit regular akong naglilinis ng tenga ko pakiramdam ko nabingi pa din ako.

May isa pang envelope na inabot sa akin kay Jeric mula kay Thomas.

"Yan naman ang application form mo. May mga dapat ka ding pirmahan diyan tapos isa-submit mo sa skwelahan bukas."

"Jeric, naguguluhan ako,eh,"

"Mag-aaral ka ng Fashion design, Sandy. Ako na ang bahala sa lahat ng kakailanganin mo kaya wala ka nang dapat problemahin pa,"

"Pero bakit?"

"Ano'ng bakit?"

"Bakit mo kailangang gawin 'to? Hindi kaya masyado na kitang inaabuso?"

"Kung sa ibang bagay mo ako aabusuhin, alam mo namang payag ako. But Sandy, alam kong importante sa 'yo 'to. I told you gusto kitang tulungan, hindi ba? And please don't turn it down,"

"Jeric," gumaralgal na naman ang boses ko at maiiyak na naman ako.

"Sandy, kahit para na lang sana sa pamilya mo,"

Knowing na malayo ang probinsiyang pinanggalingan ko pero nakuha nilang kunin ang mga importanteng requirements para makapag-aral lang ako, talagang maiiyak ako. Hindi ko naman kasi ini-expect ang ganito.

"Jeric!" bigla ko na lang siyang niyakap at naiyak nang tuluyan.

"Sabi ko na paiiyakan lang kita,eh. Alam na alam mo na ang weakness ko." sabi niyang ikinulong ako sa bisig niya.

"Hindi ko alam kung pa'no ako lubusang makakapagpasalamat sayo. Hindi pa 'ko naging ganito kasaya buong buhay ko,"

"Hindi mo na kailangang magpasalamat, Sandy. Just do your best okay? Now, si Thomas ang magsasubmit ng mga 'to kaya pirmahan mo na ngayon,"

May iniabot na ballpen sa akin si Thomas at naupo kaming tatlo sa sala. Ilang piraso din ang dapat pirmahan at hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay necessary iyon.

Hinanap ko na lang ang mga dapat pirmahan at hindi ko na binasa ang mga nakasulat kasi hilam pa rin sa luha ang mga mata ko at nakakahiya naman kung mapatakan ang forms.

"Tapos na yata," sabi ko.

"You didn't even bother to read the papers?" komento ni Jeric.

"Hindi naman na siguro kailangan. Tsaka hindi din naman ako makakapagbasa nang maayos kasi umiiyak ako,"

Ngiti lang ang sagot ni Jeric at si Thomas naman ang binalingan.

"She's done, Thomas. Ano na ang kasunod?"

Awkward na tumikhim si Thomas.

"Alam niyo na po 'yon, Sir. Ang tradition, er--kayo na po ang bahala,"

Ano daw? Bakit may tradition pa? Para saan? Term ba nila yong mga businessman?

"Ano'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Wala. Bale, okay na pala ang lahat wala nang problema," kinuha niya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo."You just made me happy, Sandy." tapos ay hinalikan niya ulit ako.

"That's all for today, Thomas," sabi niya sa assistant niya.

"Okay, Sir. Ahm, congratulations. Have a good day," at lumabas na siya ng condo.

"At ikaw naman, stop crying," sabi niya at pinahid ang mga luha sa mata ko.

"Kasalanan mo naman kung bakit ako umiiyak ngayon, ah!"

"Kaya nga pinapatahan na kita,eh. Now, magbihis ka na at magsi-celebrate tayo,"

"Kailangan pa ba?"

"Just go and change your clothes,"

***

Votes and Comments niyo po ay mahalaga sa akin. Cast and share!

-LittleRedYasha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top