Chapter Nineteen

Red's Note:

Ahm, nagpost po ako ng one shot story entitled 'The Seductress'. Hehe. Sana po tangkilikin niyo. Votes and Comments, don't forget.

***

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Nineteen

Naging mahaba ang araw na yon para sa 'kin kaya naman laking relief ko nang lumapat na ang likod ko sa kama. Gising pa kaya si Jeric o tulog na?

Nasa ganoon akong pag-iisip nang magring ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Nang damputin ko, si Jeric ang tumatawag.

"O, bakit gising ka pa?" bungad ko.

"Nami-miss na naman kita,eh. Gusto ko lang marinig boses mo. Kahit boses mo na lang sana,"

I can feel the longing in his voice. Why do I have this feeling that he sounds in love? Hay, imagination ko nga naman. Matutulog na nga lang ako,eh.

"Kaninang umaga lang tayo naghiwalay, Jeric,"

"Basta, nami-miss na talaga kita, Sandy,"

"I miss you, too,"

"So, pwede ba kitang puntahan diyan para makasama mo 'ko?"

Nagulat ako."Seryoso ka ba? Dis oras na ng gabi, o. Mabuti pa matulog ka na diyan, sigurado akong pagod ka pa,"

"Ikaw lang naman talaga ang kailangan ko,eh."

"May hihingin kang pabor, 'no?" sabi ko pa.

"Bakit? Por que ba nagiging sweet may hihingin na agad na pabor?"

"Hindi naman sa ganun. Pero kasi kilala na kita, eh."

"You really know me, right?"

Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangisi siya.

"Ano nga 'yon?"

"It's Leilah's birthday on Wednesday. Be my date,"

"Okay. Magpapaalam ako kay Fifi. Pero wait, sino naman si Leilah?"

"Ahm, she's.. ." awkward na napatikhim si Jeric sa kabilang linya.

"Ah, you're fiancee-to-be," kaswal kong tugon pero sa loob-loob ko, parang may pumiga sa puso ko.

"Yes,"

"Hindi ba pangit naman na magdala ng date ang fiance niya sa araw ng birthday niya?"

"Hindi pa naman kami kasal,eh. Not even engaged, you see,"

"Kahit na. So Leilah pala ang name niya. I bet maganda siya and bagay na bagay kayo,"

"Are you jealous?"

"May karapatan ba 'kong magselos?"

Mas tanong ko iyon sa sarili ko. May karapatan nga ba akong magselos? Ano nga ba 'ko sa kanya? Girlfriend na parang hindi din? Kung alam ko lang na mangyayari ang ganito hindi ko na sana ipinasok ang sarili ko dito. Pagsisisi nga naman, laging nasa huli.

"So you're jealous," he teased me.

"Wednesday night, right?"

"Yeah, right."

"Goodnight, Jeric."

"Sweet dreams, Sandy,"

Naikwento na nga sa akin ni Jeric na nakilala na niya ang magiging fiancee niya dati pero hindi na 'ko nagbother magtanong ng iba pang mga detalye. Like what for? Masasaktan lang ako at mai-insecure.

Mahal ko siya kaya pumayag ako kahit ang kalalabasan naman ay torture para sa akin ang makita silang dalawa.

***

"Wait lang, wait lang, mujer. Are you out of your mind? Sasamahan mo ang lalaking iniirog mo sa birthday ng fiancee niya? Martyr ka. Dapat sayo bitayin nang bongga!" litanya ni Fifi nang magpaalam ako sa kanya.

"Martyr na kung martyr, Fifi. Kung ito ba naman ang makakapagpasaya sa kanya, bakit hindi?"

"Martyr of the year ang peg! Ikaw na nga yun, Sandy Isidro! At least kabugin mo man lang yung fiancee niya, 'no."

"Wala na 'kong panama, Fifi. Useless,"

"Pwede naman yun,eh. Lagyan mo ng pampatulog ang inumin niya sa araw ng kasal nila, tingnan lang natin kung may sumipot na groom sa simbahan!"

Inirapan ko siya.

"Puro ka naman kalokohan,eh."

Pero naisip ko, may point naman si Fifi. Pero hindi ko gagawin, siyempre. Ipapahamak ko si Jeric pagnagkaganun.

"May magagawa ka naman kung gugustuhin mo, eh. Kaya lang mas pinapairal mo yang pagka-insecure mo."

"Ayoko lang na suwayin niya ang gusto ng pamilya niya para sa ikakabuti niya."

"Ikakabuti ni Jeric? Ng interes kamo ng yaman nila,"

May point si Fifi dun.

"Pahihiramin mo ba 'ko ng damit o hindi?" sabi ko.

"Hindi lang kita pahihiramin, aayusan pa kita,"

***

"O, ano'ng sabi?" tanong ni Fifi nang ibaba ko na ang cellphone. Si Jeric ang kausap ko bago lang.

"Malapit na daw siya,"

"Great! I can't wait to see his reaction kapag nakita ka niya. He will be enchanted by you!"

Si Fifi talaga out of this world ang mga adjective kung minsan.

"Madam Fifi, sanay na yun sa pagmumukha ko," pakli ko naman.

"Can't you see the way everytime he looks at you? Parang lagi ka niyang gustong hubaran,"

"Fifi!" react kong nanlaki ang mga mata.

"O, eh, bakit? Totoo naman, ah?"

Pinasuot ako ni Fifi ng dark blue na off-shoulder dress na umabot lang sa itaas ng tuhod ko. It was simple yet elegant at may glittering diamonds na design sa laylayan. At kahit isinusumpa ko, nagsuot ako ng black heels na padala ni Jennica sa akin at ipinangalan pa niya sa akin. Sweet Sandy. Best-seller daw ito sa store nila. Kaya lang niya siguro sinabi yun para suotin ko. Si Jennica talaga.

Sumilip ang personal assistant ni Fifi na si Mandy sa opisina.

"Nandito na si Sir Jeric," nakangiting sabi niya.

Kumabog na agad ang dibdib ko. At nang pumasok na siya in his stunning gray coat but without a tie, pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko any moment from now. He only had a white long sleeve polo sa ilalim ng coat niya. But crap, he looked like a hollywood leading man.

Obviously, si Fifi naglalaway din. Kung hindi ko lang boss 'to,eh.

"Hi, Jeric. Can I take you home?"

"You are really funny, Fifi. Kaya mahal kita,eh," sabi naman ni Jeric pero ang mga mata niya ay nakapako lang sa akin.

Now my face is burning red. Kainis.

"I know, right? So, how's you like my creation?" tukoy ni Fifi sa 'kin.

"Gorgeous,"

Kailangan ko ng suporta. Nakakapanghina kahit kailan ang mga titig niya.

"Maiwan na namin kayo. Enjoy, lovebirds!"

Hinintay muna ni Jeric na makaalis sina Fifi at Mandy bago magsalita.

"Hindi kita halos na-recognized,ah?"

"B-bakit naman?"

"Lalo kang gumanda,"

"Wag mo na 'kong bolahin alam ko naman,eh. Sawa ka na sa pagmumukha ko,"

"Ako magsasawa? Never," he grabbed me by the waist and kissed me hungrily.

I will surely miss his kiss and his touch.

"Jeric, masisira ang make up ko," sabi ko kahit light lang naman ang nilagay ni Fifi.

"Not at all. Maganda ka pa rin naman, eh," at hinalikan niya ako sa noo."But seriously, parang ayaw na kitang dalhin dun sa party,"

"At bakit?"

"Pagtitinginan ka nila dun, tapos hindi mo na 'ko mapapansin,"

"Eh kanino bang birthday yun? Ikaw talaga. Halika na, baka hinihintay ka na ng fiancee mo,"

Wrong line. Ako mismo ang nagselos sa sinabi ko. Tsk.

***

You judge this chapter. Votes and comments lang mga pips!

-LRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top