CHAPTER 8


NATAGALAN kami sa pamimili ni Yohan, marami kasi kaming pinasukan na mga stall ng mga damit at gamit pambabae. Siya ang namimili ng mga damit na susuotin ko raw sa pang araw-araw lalo na kapag inuwi niya na ako sa pamilya niya.  Sa dami ng mga pinamili namin, nagpatawag na si Yohan ng mga back-up na body guards na magbibitbit ng mga shopping bags na pinamili namin.

"Here try these," iniabot niya sa akin ang silver na sandals na tansya ko ay may taas na 3 inches ang takong. "Maganda 'yan na ka-partner ng black dress na binili natin kanina." 

"Yohan, pang-sampung sandals na ito e. Sobrang dami mo nang binili sa akin baka naman maubusan ka na ng pera riyan. Huwag kang ubos biyaya."

"Marami? No Elle, kakaunti pa lang 'yan. Hindi pa nga natin nalilibot ang kabuuan ng mall e. Also, dapat masanay ka na sa bagong buhay na gagalawan mo, hindi na ikaw ang dating Elle na taga Barangay Masaya lang. Ikaw na ang bagong Elle na fiancé ng C.E.O ng Royal Gem, always remember that." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Umpisa pa lang 'to, sa mga susunod pa na araw 'yong mas mahal at mas marami pa riyan ang  bibilhin natin." Ngumiti ito at hinagkan ang noo ko. "Gutom ka na ba? Gusto mo muna ba na kumain  tayo bago magpatuloy sa pamimili?"

"Medyo, halos apat na oras na rin kasi tayong namimili rito. Nag-umpisa tayo ng ala-una, ngayon 4:30 na yata." 

Iniabot niya sa sales lady ang sandals na binili niya pati na credit card niya, "Bakit hindi ka man lang nagsabi? Ayokong nararamdaman mo ang gutom, babayaran lang natin lahat ng sapatos mo ha tapos maghahanap na tayo ng pinakamahal na restaurant dito." Siyang wika niya saka ako hinila papunta sa cashier para bayaran ang ika-sampong sapatos na binili niya para sa akin at pagkatapos ay lumabas na kami mula sa store. 

"Pwede bang kahit hindi na sa mahal? Pwede naman siguro na sa Jollibee na lang o kaya sa karinderia," suhestiyon ko sa kaniya.

Tinawanan lang ako ni Yohan, "Iniisip mo pa rin ba na mauubusan ako ng pera? That's impossible to happen, dear pero sige if you want na sa fast food na lang kumain, ako na kasi ang pumili ng kinainan natin noong lunch."

Sumakay kami ng escalator na magkahawak ang kamay, hindi maiiwasan na sa bawat daraanan namin ay pinagtitinginan kami at pinag-uusapan dahil kilalang tao ang kasama ko. Kaya nga yumuyuko na lang ako kapag may nga nagkukumpulang tao kaming nakakasalubong.

Bumaba na kami ni Yohan sa escalator, sa groundfloor namin natagpuan ang hilera ng fast food chain na pwede naming kainan. Sa Jollibee kami pumasok, si Yohan ang nag-presinta  na mag-order ng kakainin namin. Nang bumalik siya ay kasunod niya na ang tatlong crew ng jollibee na may dala-dalang tatlong tray ng pagkain.

"Yohan, ano na naman 'to? Napakarami niyan." 

"Chill baby, chill. Puwede naman natin i-take out at i-uwi kina nanay 'yan e."

Nawiwili na siya kakatawag ng baby sa akin, ewan ko ba sa lalaking 'to kung ano trip sa buhay.

Anim na spaghetti, sampung coke, dalawang bucket ng fried chiken, labindalawang kanin, walong burger, anim na coke float, walong sundae,  walong burger, walong large fries, at walong jolly hotdog ang nakahain ngayon sa lamesa namin.

"E 'yong mga kasama natin? Binilhan mo rin ba sila?"

"I gave them money, sila na ang bahala na bumili ng food nila. You eat na para makauwi na tayo kapag natapos ka at nabusog." Kumurba ang labi niya sa isang malapad na ngiti

Habang kumakain ako ay napansin ko na hindi ginagalaw ni Yohan ang mga nakahain sa lamesa namin, nakatuon lang ang pansin niya sa cellphone. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siya na sumusulyap sa akin tapos ay malapad na ngumingiti.

"Bakit hindi ka kumakain?"  tanong ko pagtapos  na humigop ng coke. 

"I'm still full," mahiksing sagot niya.

"Kanina ka pa nga hindi kumakain e, o heto." Kinuha ko ang dalawang burger na nasa harapan ko at iniabot ko sa kanya. "Sabayan mo ako."

"Elle, busog pa ako. Don't mind me, kumain ka lang nang kumain diyan."

"Kahit isa lang, kumain ka. Ang dami-dami ng in-order mo e."

"Fine, mapilit ka e." Siyang wika niya saka kinuha ang iniaabot ko. 

Matapos namin na kumain ay itinake out namin ang mga natira at hindi nagalaw na pagkain. Lahat ng pinamili namin ay inilagay namin sa likod ng kotse at ang mga hindi nagkasya ay sa passenger seat. Medyo natagalan rin ang byahe namin dahil sa Biyernes ngayon at rush hour. Magg  aalas-nuebe na noong kami nakarating sa bahay, naunang bumaba ng sasakyan si Yohan para pagbuksan ako ng pinto.

He's a gentleman.

Mula sa bintana ay naaninag ko ang mga kapit-bahay namin na nakikiusyoso. Lahat sila ay nagbubulungan at pinagtitinginan kami. Lalong lumakas ang bulongan nila nang pagbuksan ako ng pinto ni Yohan at makababa ako ng kotse.

"Ay ang taray!"

"Anak ni Elsa 'yan 'di ba?"

"Shota ba ni Elle yan?"

"Baka mare, tignan mo magkahawak ang kamay nilang dalawa."

"Naku ang kumareng Elsa napaka-swerte, instant donya ang lagay niya."

"Magpapa-ambon ako ng yaman."

"Ka-swerte naman ng pangalawa ni Elsa nakabingwit ng de-kotse at mykhang yayamanin pa." 

"Bukod sa ang talaga namang guwapo na ang lakas pa ng dating, tignan mo naman o."

"At mukhang mamahalin din!"

"Narinig mo ba 'yon?" bulong ni Yohan sa akin matapos isara ang pinto.

"Ang ano?" Pagtataka ko.

"Guwapo daw ako sabi ng mga neighbors ninyo," anito at ngumisi.

Napa-iling  ako at inirapan siya. "Yong iba  riyan ay mga sinungaling."

"Hindi ka ba nagaguwapuhan sa—"

"Nay, nandito na si Ate!" Malakas na sigaw ni Cathy nang makita niya kami na pumasok sa bahay. Agad na iniabot ko ang uwi naming pagkain kay Cathy, kinuha niya ito at  hinain sa kusina. 

Naghahadali naman na lumabas ang Nanay mula sa kusina, agad ako na nagmano sa kaniya  gano'n din ang ginawa ni Yohan. 

Sanay rin palang magmano ang katulad niya.

"Sir Yohan, kayo ho pala. Upo po kayo, upo po kayo." Pag-iimbita ng Nanay.

Malapad ang ngiti ng Nanay nang makita niya kami, sa mahabang sofa kami naupo ni Yohan. Nanatiling hawak niya pa rin ang kanang kamay ko na mukhang napansin ng nanay kaya ito napatingin sa akin. 

"Ano ho palang sadya ninyo?"  tanong ng nanay ng maka-upo ito sa isa pang upuan na nakaharap sa amin. Sinisipat-sipat niya pa ang kamay namin na magkahawak pa rin at pagka ay tinititigan ako na yaring nagtatanong.

"Nay, hihingi po sana ang basbas ninyo." Si Yohan ang sumagot, nagdedesisyon na naman ang lalaking 'to.

I mean, sige ikaw ang boss pero paano naman ako 'di ba? Sana tinatanong mo rin ako.

"Basbas?" Ang kakapasok lang sa pintuan na amain ko ang nagsalita. Sabay kami ni Yohan na tumayo at nagmano saka kami bumalik sa pagkaka-upo. "Para saan? Bakit kailangan ng basbas?"

"Pakakasalan ko po si Elle sa lalong madaling panahon," parehong napa-awang ang mga pang-ibabang labi ng mga magulang ko. Pareho rin na nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi ni Yohan.

"Agad? E teka… Hindi ko naiintindihan hijo," naguguluhang wika ng Nanay. "Ang akala ko kasi kaya mo pinapunta ang anak ko sa Manila ay para pagtrabahuhin, hindi ko naman inakala na gusto mo pala na pakasalan ang anak ko."

"Bakit ninyo ho ba gustong pakasalan ang Elle namin?" Siya namang tanong ng amain ko. 

"Mahal ko na po siya, noong una ko po siyang nakita." huminto siya at inakbayan ako sa harap ng mga magulang ko. "Alam ko po na siya na po ang babaeng dapat kong pakasalan at ang gusto kong maging ina ng mga future na anak ko." 

Muli silang nagkatinginan bago nagsalita ang step-father ko.

"Anong nangyari sa oportunidad na binigay mo? Sa trabaho niya? Ito na ba 'yon?"

"Hindi niya po kailangan magtrabaho, I own a company—hotel and resorts, even an island all over the world. Elle will going to manage some of them, wala  po kayong dapat alalahanin, Nay. Isa pa po pala, next week po ay makakalipat pa na rin po kayo sa bagong bahay ninyo." 

Teka hindi ko yata alam ang tungkol sa paglipat ng bahay ah, wala siyang nabanggit sa akin kanina. Kaya nakakapag-taka na bigla niyang sinabi iyon sa harap ng mga magulang ko.

Yohan "desisyonavility" Carbonel na talaga ang pangalan mo.

"Teka lang hijo ah, masyadong mabilis ang mga nangyayari. Hindi na ako makasabay e, puwede ba saglit lang." Bakas ang pagkagulo sa boses ng Nanay.

Tumayo si Yohan at lumapit sa mga magulang ko, lumuhod pa ito sa harapan nila. "Nay, Tay, kung ano man po ang bumabagabag sa mga isipan  ninyo ay alisin na po ninyo. Ako na po ang bahala sa pamilya ninyo, sa pamilya natin. Sagot ko na po ang lahat."

"Walang problema sa akin hijo kung sa ikagaganda naman ng buhay namin. Hindi ba Elsa?" sagot naman ng Tatay Jun.

"Hindi ko pa rin maintindihan, tara nga dito Maria Elliese. Mag-usap muna tayong dalawa."  Hinila ako ng Nanay kaya dagli akong napabitaw mula sa pagakkahawak ni Yohan.

Parang dinaga ang dibdib ko nang mag-iba ang tono ng boses ng nanay, tumayo ito at dire-diretsong umakyat sa taas. Ako naman ay walang sali-salita  na sumunod sa kanya. Pumasok ang nanay sa loob  kwarto namin ni Cathy, saka nakapameywang na humarap sa akin.

"Elliese ano 'to? Bakit bigla-bigla uuwi ka rito tapos kasama mo pa ang Sir Yohan at hinhingi ang kamay mo?" Mahinahon ngunit matalim ang tono niya.

"Nay, masyado pong mahabang kwento. Hindi ko rin po alam kung paano ko sisimulan."

"Elliese, maganda naman ang offer niya. Hindi ko maipagkakaila 'yon pero anak, paanong ang trabaho na akala ko'y ibibigay niya ay mauuwi sa kasalan? Pano 'yon?"

Magsisinungaling ba ako o sasabihin ko na lang ang totoo sa Nanay? Ang katotohanan na kinailangan akong gamitin ni Yohan kapalit ng magandang buhay.

Diyos ko heto na naman ako sa pagdedesisyon ko, I suck on making decision.

Bahala na…

"Nay heto ho 'yun, heto po ang trabahong binigay ni Yohan. Ang trabaho ko po ay ang maging nobya niya at gampanan ang pagiging may bahay niya, k-kapalit ng magandang buhay." Hindi ko direktang sinabi sa kanya pero ganun na rin naman siguro 'yon 'di ba? 

"Paano si Henry? Nagmamahalan kayo hindi ba?"

Si Henry…

'Yong agreement. Kailangan ko nga pala siya na hiwalayan.

"Nay, handa ko pong isaalang-alang ang sariling kasiyahan ko para sa ikaaganda ng buhay natin."

"Diyos ko Elliese… Hindi mo 'to kailangang gawin," ikinulong ako ng nanay sa mainit niyang bisig. Ramdam na ramdam ko ang paghikbi niya kasunod noon ay ang pagpatak ng luha niya na tumatagos sa balikat ko. "Hindi mo naman 'to kailangang gawin anak, hindi mo kailangan…"

"Nay, nandito na po tayo e. Nandito na po si Yohan, paninindigan ko na lang po ang pinasok kong ito. Para sa inyo ng mga kapatid ko, para kay Lolo pati na kay Tatay Jun." Humapdi ang mga mata ko, nanlabo ang mga ito dahil sa mga luha na nagbabadyang kumawala anomang oras.

Para banh anytime ay sasabog ang dibdib ko dahil sa hindi makawalang damdamin na pilit kong pinipigigilan. 

"Anak ko," ani ng nanay habang tahimik na lumuluha.

"H-Hindi na po tayo mamomroblema nay, h-hindi na tayo mapapalayas pa kapag nakalipat na tayo. Makakapag-aral na ng ayos sina Cathy at Crismar, tapos… tapos may panggatas na sina Tala ay Nemo. Blessing po ang pagdating ni Yohan sa buhay natin nay. Malaki po ang maitutulo—."

"Anak, paano ka? Paano kayo ni Henry?" 

"Kaya ko po ang sarili ko, h'wag po ninyo akong alalahanin, kaya naman po akong mahalin ni Yohan e. Siya na po ang bahala sa atin, sa akin."

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo, anak?"

"Opo nay, wala na pong atrasan to."

"Susuportahan kita, anak."

Pinakalma mo muna ang nanay bago kami nagpasya na bumaba, naabutan namin na kinakain ng mga kapatid ko pati na ni Lolo ang mga take-out namin sa Jollibee kanina. 

"Naku! Mukhang mamahalin ang mga alak na ito Sir, maraming salamat po.  Sana po ay maulit," sabi ng amain ko. Sinilip ko siya, may hawak ito na malaking bote ng alak na may naka-imprentang Black Label."

"Anytime po at for sure po, marami pa po ako nyan sa bahay. Pagbalik po namin ni Elle dito ulit, bibilhan kita ng mas marami pa riyan. May pinsan po kasi ang Papa ko na may-ari ng wine company kaya may supply po kami sa bahay."

"Napaka-bait mong bata, hijo. Mapag-bigay at  hindi madamot, kaya magaang ang loob ko sa'yo e. Kumpara ro'n sa dating nobyo ng anak ko."

Si Henry ang tinutukoy ng Tatay, ramdam mo naman na noon pa man. Hindi na siya gusto ng tatay dahil sa mga pagganap niya sa mga palabas niya

"Si Henry po?" 

"Hay naku! H'wag na h'wag mong mababanggit ang pangalan niya at naaalibadbaran ako," may halong pagka-inis ang tono ng pananalita ng Tatay.  "Ewan ko nga kung bakit nya pinatulan ang anak ko, mukhang hindi naman siya seryoso."

"Juanito, tama na 'yan." Pananaway ng Lolo Igme. 

"Tay, ako nagsasabi lang ng katotohanan. Alam mo 'yan, kung ano ang ganap niya sa mga teleserye niya mukhang ganon din ang pagkatao niya." Pagpapatuloy pa ng amain ko.
umako ang tingin ko kay Yohan, may napaskil na ngiting aso sa labi niya na para bang nagugustuhan niya ang mga naririnig niya. Hindi ko alam ang past issues nila pero pakiramdam ko ay malalim ito kaya ganun na lang ang pagka-inis niya kay Henry.

"Cathy, ilabas mo muna ang mga gamit mo sa kwarto ng ate mo. Doon sila matutulog ni Kuya Yohan mo, tapos ikaw naman doon ka muna sa kwarto ng Kuya Elyseo mo matulog." Siyang utos ng nanay kay Cathy. 

May ngiting aso na lumapit sa akin si Yohan saka hiniklat ang kamay ko at hinagkan ko. "Nakuha ko na ang basbas ng step-father at lolo mo, si Nay Elsa na lang ang hindi ko pa nakaka-usap. But base from what I heard, she want us to sleep together."

"Neknek mo!" otomatikong nabigkas iyon ng bibig ko. Agad kong tinampal ang sariling bibig, nakalimutan ko na boss ko nga pala siya at may pinirmahan akong agreement. Natawa lang si Yohan sa naging reaksyon ko. 

"Thinking out loud?" anito saka hinapit ang beywang ko.

"Yohan ano ba? Baka makita tayo ng mga bata," pigil ang pang-gigigil kong sabi. 

"Let's move on to your room," mahinang usal niya. 

"Yohan, h'wag dito sa bahay please lang. Nandito ang parents ko pati na mga kapatid ko, nakakahiya." Mahinang bulong ko habang pinandidilatan siya

"I'm just teasing you, Elle. I have a respect on your parents, masyado ka namang seryoso."  Hinawakan niya ang kanang pisngi ko saka hinaplos-haplos. "Chill ka lang okay? Ganun ba talaga kalaki ang takot mo sa agreement paper? We can just you know forget it and do this thing naturally."

"Alam mo ba kung saan ako mas takot?" Direkta ko siyang tinitigan sa mga mata. "Sa mga padalos-dalos mong desisyon, nagugulat na lang ako may sinasabi ka at ginagawang bigla na hindi ko alam. Sobrang spontaneous mo, pinakakaba mo ako ako sa mga gano'ng aksyon mo."

"It's my nature, I was careless. I'm sorry baby," sinserong sabi niya. 

"Elle… Yohan…"

Isang pamilyar na tinig ang nagpatalon sa puso ko… sa kaba.

Tila dinaga ang dibdib ko nang marinig  ko ang boses niya, sabay namin siyang nilingon. Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Henry, marahan ko naman na itinulak si Yohan papalayo sa akin. Dali-dali ako na bumaba mula sa hagdanan at tumungo sa kinaroroonan ni Henry.

"Anong ginagawa mo rito Yohan? Bakit mo kasama si Elle?" 

"Hijo, kumalma ka ng." Si Tatay pilit niyang inilalabas si Henry. "Huwag ka dito kung maghahamon ka ng away."

"Elle, mahal ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit kayo magkasama ha? Anong meron sa inyo?" Sunod-sunod niyang tanong nang makalabas kami. 

"Tay, ako na po ang bahala rito." Tumango nga lamang ang tatay at bumalik sa loob ng bahay. 

"Elle, ano 'to? Bakit kayo magkasama ng kapatid ko? Bakit kayo magkasama ni Yohan? And the worst part is… magkadikit pa ang mga katawan ninyo. May relasyon ba kayo? Kayo na ba? Aminin mo!"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung ano ang isasagot ko kay Henry sa mga oras na ito. Magulong-magulo ang isipan ko, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang dahilan o kung paano ko uumpisahan.

"Elle, bakit… bakit hindi ka nagsasalita?" 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, halo-halong emosyon at pagkabagabag. Nakapili na naman ako in the first place e, parehong matimbang pero kailangan kong isakripisyo ang isa.

"Let's break up." Ito ang unang namutawi sa labi ko.

"E-Elle… H-Hayaan mo na nga, anniversarry natin. Punta na lang  tayo sa paborito natin na kwek-kwekan."

"Henry!"

" Elliese, ilelegal na kita kay Mama, uuwi tayo sa bahay. I-lelegal na kita sa pamilya ko. Tutal nakilala mo na naman ang kakambal ko." Basag ang boses nito na pinilit na iniiba ang usapan namin.

"Henry, wag mo na akong pahirapan pa, maghiwalay na tayo!"

Tila ilog na rumagasa ang mga luha ko  sa mga mata ko na nagpapahapdi rito. Kumikirot ang puso ko, napakasakit sa akin ng gabing ito.

"Elliese, mahal na mahal kita. Please wag mo akong iwanan, a-alam kong madami akong pagkukulang. A-Alam ko na ilang beses kita d-dineny, maraming hadlang sa pagmamahalan natin pero Elliese mahal na mahal kita."

Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko rin siya pero wala akong magagawa. Nakapili na ako and I choose my family's welfare over him.

"Henry please, just let me go…"

"Love naman, huwag ka naman magbiro ng ganito. Love, alam kong wala na akong time sayo pero promise, sa mga susunod na araw… Magkakaroon na ako ng time sayo, magku-quit na ako sa  showbiz para sa iyo. H'wag lang ganito please, ayusin natin. Ayusin natin 'to, ayokong maghiwalay tayo."

Ayokong madinig na nagmamakawa siya… Mas lalo akong nasasaktan.

"Stop it! Ayoko nang makita ka Henry, tapos na tayo."

"Ayoko Elliese please—"

Nakapili na ako, I am sorry Henry… I'm really sorry, mahal kita pero mas pipiliin ko na makaramdam ng kahit kaunting kasayahan ang pamilya ko… saka na ang puso ko.

"Love, love please mag-usap tayo, h'wag namang ganito. Ayoko ng hiwalayan, ayoko ng break-up. Wag mo kong iwanan" Tinangka niya akong yakapin ngunit ako na ang lumayo."Elle… Please love ayusin natin, wag namang ganito"

"Henry, nakapagdecide na ako, magkaniya-kaniya na tayo. Tutal naman mas masaya ka na kay Sabrina 'di ba? Mas bagay ang mga estado ninyo, mas bagay kayo sabi ng mga fans mo." Pinipilit kong h'wag umiyak, ayokong maramdaman niya ang paghihirap ko.

Hindi totoo ang mga sinasabi ko, hindi totoong masaya siya pero wala na akong magagawa pa.

"Love sa'yo ako masaya, ikaw ang mahal ko at hindi si Sabrina. Palabas lang 'yung sa amin e, 'yung sa atin ang totoo. For publicity lang ang loveteam namin at hanggang doon lang 'yon."

"Sana maintindihan mo, hindi rin naman madali para sa akin ito. Hindi madali na itapon ko ang tatlong taon na relasyon natin.

Actually, it's our 4th year today.

"Kung hindi madali sa'yo bakit mo pa ginagawa? Mahal, pag-usapan natin 'to please."

"Hindi na kita mahal Henry,"

Mahal kita Henry…

"Hindi! Elle, Elle h'wag kang magbiro ng ganyan."

"Tama na Henry, h'wag mo nang pahirapan ang sarili mo. H'wag mo na rin akong pahirapan, palayain mo na lang ako."

"Pagod ka na ba?" 

"Hindi na kita mahal Henry!" Sigaw ko pa. 

"Mahal na mahal kita Elliese…" 

"Tama na nga Henry, sinabi kong hindi na kita mahal. Umalis ka na!"

"Love, alam kong may bumabagabag sayo. Tell it to me baka puwede pa nating ayusin."

"Magpahinga ka na Henry, alam kong pagod ka na. Sige na,"

"Si Yohan, siya na ba ang mahal mo?" Tumango lang ako, "hindi tayo magkahiwalay, okay? Tayo pa din Elle, ? Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan. Matutulog ako na girlfriend kita gigising ako na girlfriend pa din kita, okay? Wala akong pakielam kung hindi mo na ako mahal, wala akong pakielam kung hindi na ako. Basta… basta girlfriend pa rin kita ha." Sabi nito saka ako niyakap, ngumiti pa ito at hinagkan ako sa noo saka nagpaalam.

Pagpasok ka sa loob ng bahay ay si Yohan ang agad na sumalubong sa akin, ang mahigpit niyang yakap ang isinalubong niya. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya saka ko inilabas ang mga luha na kanina pa nagbabadya.

"Shush, let it out. I'm here for you."

"Sir Yohan, mabuti po siguro na iakyat ninyo na lang po siya sa kwarto niya, mas maigi pong naroon po siya." 

"Sige po Nay."

Inihatid ako ni Yohan sa loob ng aking silid, yakap niya pa rin ako habang hinahagod ang likod at sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. 

Hindi ko namalayan na nakatulog rin  ako sa mga bisig niya at nagising ako habang nakakulong sa braso ng nahihimbing na si Yohan. Ipinikit ko na lan ang mga mata ko, ngunit saglit akong napadilat nang maramdaman kong inaalis ni Yohan ang mga braso niya sa katawan ko at dahan-dahan niya akong inihiga sa kama. Dumampi pa ang mga labi niya sa aking noo at pagka ay nawala na siya.

Nagpanggap ako na mahimbing ang tulog, rinig na rinig ko ang yabag niya pati na ang marahang pagbukas at sara ng pintuan. Sinipat ko ang wall clock na nasa may ulonan ko, alas-dos na ng umaga. Dahan-dahan ako na bumaba sa kwarto at sinundan siya, nakita ko na pumasok si Yohan sa kusina habang may kausap sa cellphone niya.

"Please just this time, hayaan mo muna ako Daniel."

Sinong Daniel? Siya ba 'yong nakabanggan ko kaya kanina? Anong meron sa kanila?

"She's asleep, hindi niya tayo naririnig. Wala siyang alam tungkol sa atin at wala akong balak ipaalam, ayoko nang makadagdag sa iniisip niya. So please, I beg you not to call, or text first,  h'wag ka rin munang magpakita sa akin, o kay Sam and especially kay Elle." Saglit pa siyang huminto, pinakikinggan niya yata ang kausap niya. "I know it's hard Dan pero we don't have any choice and in the first place ikaw ang nag-suggest sa akin nito."

Aalis na sana ako para hindi na umariba ang inner-chismosa ko, ang kaso lang aksidente ko na nabangga ang kahoy na sofa at nag-create ito ng ingay. Agad na napalabas si Yohan mula sa kusina, kaagad niya rin akong nilapitan at ineksamina ang katawan ko.

"You okay?" Tanging tango lang ang naisagot ko. "Next time be careful okay? Saan ka ba kasi pupunta?" 

"N-Nakaramdam kasi ako ng pagka-uhaw…" Pagsisinungaling ko sa kanya. 

"You stay here, ako na ang kukuha." Ini-upo niya ako sa sofa na nabangga ko bago siya pumasok sa kusina, pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig. "Here, you drink," agad niya ito na iniaabot sa akin. "You okay?" Muling tanong niya sa akin nang maka-inom ako. Tanging tango lamang ang isinagot ko sa kanya. "Let's go back to sleep," inilapag niya ang baso sa lamesita saka kinuha ang kamay ko at hinawakan ito. 

Hindi ko na nagawa pa na tanongin siya tungkol sa narinig ko na usapan nila nung Daniel kanina. Ayoko rin na pakielaman ang personal na buhay ni Yohan, baka kasi isipin niya na pinanghihimasukan ko ang buhay niya. 

Muli kami na bumalik sa pagtulog, hawak niya pa rin ang kamay ko ay nakayakap sa akin. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na may kayakap sa pagtulog pero mukhang kailangan kong sanayin ang sarili ko dahil sa pagdating ni Yohan. Halos alas-dyis na kami ng umaga nagising, mainit na at may  sinag na ng araw na tumatagos sa butas na bubong ng kwarto ko. 

"Good morning," ang mapupungay niyang mga mata, matangos na ilong at mapulang labi ang una kong nakita sa pagmulat ng mga mata ko. Isang mabilis na halik ang iginawad niya bago pa man ako maka-bati pabalik. "Wake up sleepy head," malapad ang ngiti nito na nakapaskil sa labi niya.

"Nagugutom na ako," usal ko. Sinadya kong hindi umimik tungkol sa pag-halik niya at umarte na para bang walang nangyari kahit ang totoo ay para nang kinakabayo ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Bumangon ako mula sa kama habang kinukusot ang mga mata ko, akma akong tatayo ngunit hindi ko nagawa nang maramdaman ko ang pagpuluput ng nga braso niya sa beywang ko. "Yohan,"

"Let's stay here for a while, I wanna hug you," aniya habang nakabaon ang mukha niya sa likod ko. 

Ilang segundo kami na nasa ganoong ayos hanggang sa mawala ang morning sumpong ng lalaking ito, naabutan namin sina Nanay na pinaiinom ng gamot ang lolo na nasa tumba-tumba. 

"Good morning po," bati ni Yohan saka nagmano sa nanay at Lolo.

"Good morning din, mag-almusal na kayong dalawa. Pasensya na po sir, pandesal at itlog lang po ang meron kami."

"Nay, okay lang po. I eat what Elle eat saka isa pa po, h'wag mo na po akong tatawagin na 'Sir'. Yohan na lang po, tutal magiging mother-in-law ko na po kayo."

"Hindi kasi ako sanay si—Yohan pala, nakilala ka kasi namin bilang isang mataas na tao."

"Kilalanin po ninyo ako bilang Yohan, ang mapapangasawa ni Elliese. Kakain na po kami nay, lolo," wika pa nitong si Yohan. "Tara na, magbreakfast na tayo." Muli niyang inabot ang kamay ko at hinawakan ito. 

Halos buong araw kami na magkasama ni Yohan, ni hindi niya ako pinapayagan na lumayo sa kan'ya o bumitiw man lang kahit ilang segundo kahit na parehong namamawis na ang mga kamay namin. At kahit sa banyo ay naka-bantay rin ito, kulang na nga lang na pumasok siya loob at siya  na ang magpaligo sa akin e. Which is kinatatakutan ko talaga na mangyari,

Nakatayo ako ngayon sa may salaminan at nagpapatuyo ng buhok, habang si Yohan ay nasa loob ng banyo ng kwarto. After namin na mananghalian ay sinabihan niya ako na maligo na at may pupuntahan raw kami, tumulong siya sa gawaing bahay at pinauna na ako na maligo. 

Napansin ko lang, ibang-iba si Yohan sa mga kakilaka ko na mayayaman. C.E.O siya ng isang kilalang kumpanya, anak mayaman, at laki sa yaman pero hindi ko siya narinig na nagreklamo o nag-inarte man lang tungkol sa buhay at bahay na meron ako. Siya pa nga ang nagpresinta na mag-igib kanina ng pampaligo namin, tinulungan niya rin ako na maglinis ng bahay at mga kwarto. Ni hindi rin siya nagreklamo sa papag na hinihigaan namin at kahit sa isang electricfan na gamit namin. Mukhang desidido siya na makibagay talaga sa akin at sa pamilya ko,

"I'm done!"

"Ay pusakal!" Agad ako na napatakip ng kamay sa mga mata ko nang  lumabas si Yohan mula sa banyo na walang saplot, wala siyang suot na kahit ano.

Oo, nakita ko. *gulp* Malaki, mahaba, at naghuhumindig.

"Magbihis ka nga! Binabalandra mo pa 'yang ano mo!" 

"Why would I? It's just you and me and the door is locked, wala kang dapat ipag-alala."

"Babae ako, Yohan!"

"So? I'm your fiancé, karapatan mo na makita ang lahat. I have my right to see yours too, we're not just pretending. Kailangan ay totohanin natin ang lahat ng ginagawa ng magkasintahan, para hindi tayo mahalata. We have to do what  normal couples do, like hugging, cuddling, holding hands, kissing... kissing passionately and... FCKING." Sa tingin ko ay ngiting aso siya habang binabanggit ang huling mga salitang iyon. 

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin, marahan niya na hinawakan ang mga kamay ko na nakatakip sa mga mata saka unti-unti ito na ibinaba. Ang nakangiting mukha niya ang sumambulat sa akin, ipinatong niya ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya. 

"Look at me," bulong niya. Lapit na lapit ang mga mukha namin kaya amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Direkta ako na tumingin sa mga mata niya, at nang magtama ang mga paningin namin ay ismo may mga daga na nagkalampagan sa dibdib ko.

Hinapit niya ang beywang ko papalapit sa kanya gamit ang kanang kamay habang isa niyang kamay ay iniaabot ang zipper ng suot kong dress. 

Naasinghap ako nang lalo niya na ilapit ang mukha niya sa akin, pigil ang bawat paghinga ko lalo na nang maramdaman ko na tuluyan na niyang naibaba ang zipper ng dress ko. Muli sana niyang ilalapit ang mukha niya sa akin ngunit natigilab aiya nang tumunog ang cellphone niya,

"Fcking phone!" iritableng sabi niya habang padaskol na inabot ang cellphone niya na nasa papag.

Ako naman ay inasikaso ko ang zipper ko na binuksan niya, isinara ko ito saka inayos. Hinagisan ko na rin siya ng tuwalya, nang mareplayan niya ang nagtext sa kanya  ay tuluyan na siyang nagbihis. Blanko ang mukha niya at para bang nagdadabog, halatang-halata sa kanya na na-badtrip siya dahil sa umeksenang cellphone niya

Hindi niya ako inimik hanggang sa makapasok kami ng kotse pero andon pa rin ang nakasanayan niya, ang paghawak niya sa kamay ko na para bang lagi akong mawawala.

"I'm sure masaya ka kasi hindi natuloy ang balak ko kanina, I'll give you a chance to celebrate for now... Just for now," nilingon niya ako na may ngiting aso sa labi niya.

Muli na namang kinabayo ang dibdib ko, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Anong balak ng lalaking 'to? Teka! Hindi pa ako handang isuko ang Lireo T.T

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top