CHAPTER 7

YOHAN

I didn't mean to act like a hungry wolf in front of Elliese earlier but my desperate ass says so. I literally want to kill my whole self right after realizing how  stupid and desperate I am in front of her, I was even felt more embarrassed when Sam started to  annoyed the hell out of me.

"Straight ka na ba? Straight ka na ba? Straight ka na ba ha? Hoy! Yohannie Samuellie Carbonel, pansinin mo naman ako. Ano ba? Hoy!"

"Samuella Jean Lim, ano ba? I'm focusing here, don't you see that I'm working?"

"Workingin mo mukha mo, h'wag nga ako Yohan. Sa akin ka pa ba magsisinungaling? E kilalang-kilala ko na pati amoy ng utot mo e," I glared at her, "I, Samuela Jean Lim…" she said as she raised her right hand. "Ay nangangakong pepestehin si Yohan hanggang sa umamin siya. #WelcomeSaTuewidNaDaan. Ang ganda ni Elle 'no? Ang ganda rin ng katawan niya, 'di ba? 'Yong mga mata niya laging nangungu—"

Elle is really a beauty, period  Yes she is, that's why I'm trying to divert my attention on other thing para hindi ko na maaalala ang mukah niya. Tapos itong si Samuela, paepal. Pinaaalala niya pa sa akin ang hitsura ni Elle.

"Sam,  hindi ba dapat kasama mo si Julia ngayon? Dapat nagde-date kayo 'di ba?" 

"She's busy, nasa conference siya."

"You should be taking care of the location checking in Direct Liza's soap opera right?"

"Not my duty, si Escanor at Migs ang Location Director at hindi ako."  She said while walking around my place. "Tagal na natin na magkaibigan, may dalawang dekada na siguro 'yon? Alam mo Yohan, you don't have to lie. Basang-basa ko na 'yang mga pa-working working effect mo. Stop pretending, tamad ka remember?"

"What are you talking about?"

"I think you have an eye for Elliese, kaya mo 'to ginagawa." She said, proudly. I rolled my eyes in disagreement.

"I'm just doing this because of favors, I really need her help. Alam mong homophobic ang Ninong Harisson mo, Sam."

"Iyon lang ba talaga? Or you're just in-denial, Yohannie. Grabe 'yung titig mo sa kanya, sobrang lagkit. The way you held her kanina, really makes me think na straight ka na talaga." Tatawa-tawang sabi niya.

"I am gay Sam, I also have a boyfriend and I really love him so much, alam mo naman 'yun. Hindi ko ipagpapalit si Daniel sa isang babae, gusto ko lang makuha ang loob ni Elliese just because of my homophobic Dad."

"Fine," she said while rolling her eyes. Impakta talaga 'tong si Samuella. "I'm still not convince, Yohan. Hindi mo naman pag-eeffortan si Elli—"

"Sam, go back to your work." I said in a serious tone.

"Hindi mo ako madadaan sa pa-seryoso effect mo, perks of being your best friend for the past two decades." 

Oh God! Please grant me a very long patience. H'wag ko sanang makalimutan na kaibigan ko ang babaeng may pusong lalaki na ito. I said inside my mind while glaring on her, she's still here inside my office and she keeps on teasing me about Elliese.

That girl who owns a beautiful brown orbs and a goddess-like feature, an hour glass shape of body, she's indeed a beauty and I barely admit that I was caught by her. She own a breath-taking beauty which I never seen before, in my entire life.

"Si Yohan na-fall kay Elliese! Si Yohan na-fall kay Elliese!" she was still singing that cringy song that she made just to tease me and pester me while I'm busy doing  very important things.

"Okay Samuela, I give up. Ano bang gusto mong gawin ko para magtigil ka na sa kaaasar mo sa akin?" Itinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere, ngumisi lang siya habang direktang nakatingin sa akin.

"Simple lang," she said. "Pinahirapan mo kasi ang Julia ko sa paghahanap ng info about Elliese, now I want you to suffer the same things." She sat on my desk while pointing her index finger on me. "You will invite Elliese for a lunch date mamaya at exactly 12 noon tapos you will going to ask her everything about her. And in return, ako na ang bahalang gumawa ng contract agreement ninyo."

Ano na namang pinagsasabi ng babaeng 'to? May nalalaman pang contract agreement, ano naman kaya ang gagawin ko roon?.

"Para saan ang agreement na tinutukoy mo? What do you think about this set up? A stupid kind of game that we I'm going to play just because I'm bored."

"Bakit? Hindi 'ba?"

 Wait, this is really a game and I am the game master.

"E 'di ba nga you and Elliese will going to act as a "fake couple"? Kakailanganin mo 'to Yohan, hindi naman kasi pupwedeng puro lang kayo pagpapanggap. Dapat may mga rules, like do's and don'ts ka rin na ipapagawa sa kanya." Pagpapaliwanag pa niya sa akin.

"Ikaw talaga Samuela Jean kung ano-ano 'yang iniisip mo, ewan ko sa'yo." Pag-kontra ko pa sa suhestiyon niya.

"H'wag kang tanga Yohan, ikaw rin naman ang magbe-benefit dito. Para hindi ikaw ang lugi sa huli."

"Explain it more further para naman aware ako kung ano ang benefits sa akin ng agreement na sinasabi mo," wika ko saka isinara ang laptop ko. "I'll listen."

"Okay, for example… If ever na gustohin mo na makipag-sex sa kan—" Pinandilatan ko siya ng marinig ko ang unang lumabas sa bibig niyan "H'wag mo kong panlakihan ng mata, tigil-tigilan mo ako Yohan. H'wag kang umarte na wala ka pang experience sa babae, remember Isabella Fuentabella? Oo siya, kaya nga nagkaroon siya ng special treatment diba? Lumabas pa ang issue na 'yun, ginawan mo lang ng paraan para magkaroon ng media block out about that insident."

"That's—" she cut me off.

"Patapusin mo ako, Carbonel kung'di ikaw ang tatapusin ko."

"Listen, that thing is  clearly a mistake, Sam. Kaibigan kita and you knew it."

"Mistake? Three times nangyari? Mistake pa ba 'yon?" Gumulong ang kaniyang mga mata.

"Teka that wasn't the issue here—" she didn't let me finish speaking again.

"Oo nga pero na-bring out muna, sabi ko sa'yo patapusin mo ko 'di ba?"

"Fine, yung unang beses na ginawa namin 'yun ni Bella, it's a mistake yung second and third time ginusto ko kasi I want to make a revenge. Daniel comitted infidelity and she made the girl pregnant."

"Kaya nga, hanggang nandito si Elle sulitin mo na. You're gay but that doesn't mean that you're not longing for a female flesh."

"Sam—"

"Una kong ilalagay sa agreement 'yan, anito saka naglabas ng maliit na notebook at ballpen. Everytime na you want to fck her, anytime, anywhere. She's not allowed to say 'no'. O baka may isa-suggest ka pa d'yan? Tutal ikaw rin naman ang magbebenefit dito at hindi ako,"

"Hmmm…"

Ano nga ba ang pwede kong ilagay sa agreement na sinasabi ni Sam? Oh wait, base on Julia's investigation. Elliese is Henry's non-showbiz girlfriend, Henry will probably going to meddle with my business with Elliese. I want her to broke up with my dear half brother, oooh… an instant revenge para sa magaling kong kapatid.

Deserve!

"You're smiling Yohan, anong kagaguhan 'yang inisiip mo?"

"Elliese is Henry's girlfriend, I want her to dump Henry."

Sam stop from writing she even glance at me with her eyes widen in shock. "Ang sama ng ugali mo." 

"This contract is indeed beneficial," I look at her with a smug in my face.

"You should broke up with Daniel too, para naman hindi unfair kay Elliese."

"No, why would I? E siya naman ang babayaran ko, it's a win-win situation for the both of us."

"Fine," She rolled her eyes in disgust. "Iyon lang ba?"

"I wont allow her to talk, meet, and even text other boys  except sa family members niya."

"Yohan!" 

"Just write it, first of all ay ikaw ang nagsuggest nito."

"That's too possessive, balak mo na nga silang paghiwalayin. Ayaw mo pa siyang ipakausap sa iba, poor Elliese."

"I own her, oras na isuot niya ang singsing na' yun. Pagmamay-ari ko na siya, hindi na siya makukuha ng iba pa. No one, not even Henry."

"E paano kung hindi?"

"She wouldn't resist, Sam. I already knew her weakness, her family. At alam kong hindi niya kayang tiisin ang pamilya niya. She's the bread winner and she is also a very family orriented woman. I'll help her and she'll help me.."

"It's more like, you will use her and she will use you." mahinang sambit niya habang nagsusulat.

Once she broke up with Henry, natitiyak ko na sobrang malulungkot ang kapatid ko at ako naman sobra-sobrang sasaya. Makakabawi na rin ako sa ginawa niyang pang-aagaw sa lahat ng  dapat sa akin  I'll make sure that he will suffer from it. Kinuha niya noon ang atensyon ni Mama, kukuhanin ko naman ngayon ang babaeng iniingat-ingatan at sobrang mahal niya.

Nagpaalam na si Sam para i-encode na ang mga napag-usapan namin na ilalagay niya sa magiging agreement namin kalakip ng pagpapanggap niya bilang fiancé ko. This isn't againts my will, in the first place I was the one who own the idea para mapagtakpan ang tunay na identity ko.

I'm not straight  at kahit na ilang babae pa ang makasama ko, itabi sa akin, o ikama ko. Mananatili akong ganito, that's the real me. Isang pagpapanggap lang ang kung paano ako manamit at humarap sa ibang tao. Kapag kami na lang dalawa ng boyfriend ko ang magkaharap, nawawala ang mapagpanggap na Yohan. Nagiging maamo ako at clingy kapag kasama si Daniel, I even became horny pero not the fact na nagse-sex kami, there's no sexual intercourse happened between Daniel and I. Alam namin kung hanggang saan lang kaming dalawa. Kontento na ako na nahahawakan ko ang jamay niya at nakakasama ko siya.

After finishing my business stuff, inutusan ko na si Alona para bilhan ng damit at sapatos si Elliese. I want Elliese to look elegant para hindi siya pagdudadahan. Kinuha ko na rin kay Sam ang kontrata, umaasa ako na suot na niya ang singsing na ibinigay ko sa kanya kaninang umaga. Nang sa gayon ay masimulan na namin ang palabas na ito.

Mayroong 20 minutes na akong naghihintay kay Elliese dito sa sasakyan, sinusunod ko ang lunch date na sinasabi ni Sam sa akin. Gusto ko rin naman na makasama siya para makapag-sorry dahil sa inasal ko kaninang umaga. Abala ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang makatanggap ako ng chat mula kay Alona.

                  • Alona Castro (active now)
12:03
Alona: Nagbihis na po siya sir.
Alona: Paniguradong matutuwa po kayo kapag nakita ninyo siya.
12:23
Alona: Kasama ko na po si Ms. Elliese palabas na po kami.

 Dumungaw ako sa bintana ng sasakyan ko, naaninag ko na si Alona, kasama na nga niya si Elliese. Otomatikong kumurba ang labi ko sa isang ngiti noong mamataan siya ng mga mata ko. Agad na akong bumaba sa kotse para abangan silang dalawa, ang matatamis na ngiti agad ni Elle ang sumalubong sa akin. Para akong nakaramdam ng kakaibang kuryente sa loob ng katawan ko when I met her again.

"H-Hi?" I dont know why but I  stuttered when she stop in front of me. 

"Good afternoon po Sir Yohan."

God! She's really beautiful.

"Y-You look beatiful," My right hand automatically reach her cheeks and gently caresses it.

"Salamat po."

What am I doing? Para ba akong naging statue sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko ba ay my mind just stop from functioning.

"Ayos ka lang po ba sir?" 

"H-Huh? Ah… Yes, I'm fine don't worry about me." I said without hesistant as soon as I got my consciousness back. "I was just amaze by your presence…" Isang ngiti ang isinagot niya sa akin. 

Damn this woman, ganito pala talaga kaganda ang  girlfriend ng Henry na 'yon, kaya naman pala binabalak na mag-quit na sa showbiz but I won't let him. Aagawin ko sa kaniya si Elliese, slowly but surely.

Wait... what is happening?

Damn it Samuela Jean Lim, kasalanan mo 'to.

Inaya ko na si Elliese na sumakay sa kotse, ako na ang nagdrive. Hindi ko na inabala pa si Mang Andoy na personal driver ko at ayoko rin naman na may ibang tao. Gusto kong ma-solo si Elliese ngayong araw at sa mga susunod pa.

"Yohannie Samuellie Enrile Carbonel and I'm 31 years old." I said as I break the silence that surrounds us. "February 13, 1985 ang birthday ko at ang zodiac sign ko ay Aquarius. Call me Yohan for short, or kung ayaw mo naman just call me, mine and I'll be yours." I glance at her, she's looking at me with confusion flooded her entire face. Na-kornihan siguro sa binitiwan kong pick-up line. Sabagay, korni naman talaga ang sinabi ko. "I'm sorry… ang tahimik kasi natin at hindi ako sanay."

"Maria Elliese Salazar Altamirano, 24, April 7, 1992. Aries naman ang zodiac sign ko." Siyang pagsakay niya sa sinabi ko. 

"Seven years gap…" I said as I chuckles. "By the way, I just want to apologize sa ginawa ko kanina. I really didn't mean it Elliese…"

"Elle, just call me Elle. At wala po 'yon, naiintindihan ko po.  Siya nga po pala Sir," she said as she raises her left hand.

She's wearing the ring.

"You did wear it, ibig sabihin…"

She nod. "Pumapayag na po ako Sir, napag-isip isip ko po kasi na kayo po ang sinadya ko rito sa Manila para sa trabaho. Tapos tatanggihan ko pa po kayo para ko na pong tinanggihan ang grasya non." She said in a pale tone. "Sobrang kailangan ko po ng pera, Sir." 

"Don't worry," I held her hand and gently squeezes it. "I got you, hindi kita pababayaan pero  Elle…"

"Po?"

"You have to sign a contract first bago tayo mag-simula, sana okay lang sa'yo." mahinang sambit ko.

"Kahit ano po 'yan Sir, tatanggapin ko po. Sobrang desperado na po ako na maka-ahon at maiahon ang pamilya ko mula sa hirap.

"Bukas na bukas rin Elle, may magandang balita kang ihahatid sa pamilya mo." I said as I parked the car. "We're here," I put out my seatbelt before getting off the car. 

"Thank you," Elle said when I opened the door for her.

Magka-hawak kamay kami na pumasok sa isang five star Asian restaurant, ipina-reserve ko talaga ito just for the two of us. Isa itong kilalang restaurant na pagmamay-ari ng dati kong kaklase na si Breanne Xian. 

"Sir, mukhang mahal po dito." bulong ni Elle nang maka-upo kami. 

"Don't worry it's my treat," I said as I hands her the menu. "Order everything you want and please refrain from calling me Sir. Just call me Yohan, fiancé na kita Elle, 'di ba? You shouldn't call me "Sir" kasi baka pagdudahan nila tayo." 

"O-Okay… Y-Yohan." 

Damn this woman, bakit pakiramdam ko ay mas lalong naging expensive ang tunog ng pangalan ko?

"Um-order ka na at alam kong gutom ka na rin. Siya nga pala, naubos mo ba ang ipinahanda kong breakfast for you?" 

Biglang nanlaki ang mga mata niya at napakagat siya sa pang-ibabang labi niya saka siya yumuko. "Sorry po, hindi ko po naubos. Masyado po kasing marami pero hindi ko  po 'yun tinapon, nilagay ko po sa fridge para bukas po may makain ako." 

"Just dump it."

"H-Ho? Pero sayang 'yon ."

"Hindi mo naman na makakain 'yun, iuuwi kita sa bahay ko. I'll cook for you, hindi talaga masarap magluto 'yang si Sam kaya starting tomorrow, I am going to spoil you with my recipe."

"Nagluluto ka?"

"Yeah, I really want to be a famous celebrity chef kaso my Dad stop me from pursuing my dream. He wants me to become a businessman instead, kaya nandito ako ngayon."

"Dinidiktahan ka niya?" 

"Nope, kinokontrol niya ako… Naka-order ka na ba?" Pag-iiba ko ng topic. 

Tumango siya saka hinarap sa akin ang menu, itinuro niya rin ang pagkain na gusto niya. Tinawag ko ang waiter para sabihan ito na ilista lahat ng itinuro ni Elle, hinayaan ko rin siya na pumili ng kakainin ko. Nang dumating ang lahat ng inorder ni Elle ay sabay namin ito na kinain habang nagkukwentuhan.

"So idol mo pala si Lorraine," wika ko nang malaman ko na isa sa mga artista na minamanage ko ay idol. 

"Ay naku sobra, ang ganda niya kasi tapos ang galing niya pa na umacting. Sabi ko talaga sa sarili ko, handa kong halikan ang mga paa niya kapag nakita ko siya." Impit akong natawa nang sabihin niya iyon habang nagchu-chew ng pagkain. "Siya nga po pala, hindi ba sabi mo may pag-uusapan tayo about sa pagpapanggap natin?"

Shit muntikan ko nang makalimutan yung about sa contract, masyado kasi akong nag-enjoy na panoorin siya habang kumakain e. Tapos bigla rin na lumabas ang kadaldalan niya and I honestly admit that I got mesmerized because of her talkativeness. My Dad will surely like  her, thats the undeniable fact…

"Here…" wika ko saka ko nilabas ang contract na agad niyang inabot sa kamay ko. "Thats a contract agreement, just read  and sign it."

"Buklatin ko mamaya, I just need to use the rest room. Pwede ba?" 

"Sure, I'll go with you." Sabay kami na tumayo, habang nagalalakad papunta sa restroom ay bigla akong nakatanggap ng text from Daniel.

              FROM: HON
 Messaga Body: I'm watching you

I breath heavily as I turned off my phone, hindi ko alam kung bakit may kakaibang kaba ako na naramdaman nang mabasa ko ang text ni Daniel.

"I'm sorry Miss…"

"I'm sorry din po kuya…"

ELLE 

Sumama ako kay Sir Yohan sa pagkain ng lunch, habang kumakain ay patuloy lang kami sa pagkukwentuhan. Mukha ngang nalilibang ko siya, malimit siyang ngumiti pero inaamin ko na sobrang attractive niya once na kumurba ang labi niya.

I will admit na mas attractive talaga siya compare kay Henry, I mean basta. His eyes speaks a lot, sobrang ethereal ng features ng mukha niya. Hindi nakakasawang tignan and sa tuwing nangingiti siya at napapatingin ako sa kaniya ay napapatulala't  napapainom na lang ako ng juice kaya naman nakaramdam ako na para bang naiihi ako.

Sinamahan ako ni Yohan papunta sa comfort room, nasa labas siya at matiyaga niya akong hinintay

Habang pabalik kami sa upuan namin ay hindi sinasadyang may nakabanggaan akong lalaki. Matangkad ito at may kalakihan ang katawan kaya naman napa-upo sa sahig

"I-I'm sorry Miss," ani ng lalaking nakabanggan ko. Nag-atubili siyang tulungan ako  na makatayo.

"I'm sorry rin po kuya."  I said habang pinapagpagan ko ang sarili ko

"Look, I am really really sorry. Hindi ko talaga sinsadya, kasalanan ko kasi hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko." Patuloy  niyang paghingi ng tawad.

"Okay lang po talaga kuya, wag ninyo na po alalahanin iyon."

"What do you want me to do para makabawi?" Tanong nito, umiling lang ako.

"Elle?" Boses iyon ni Yohan, agad ko siya na nilingon.

"Yohan?" Sambit naman ng lalaki na para bang nagulat.

Magkakilala sila? 

"Daniel…?" Bakas sa boses ni Yohan ang labis na pagkagulat.

"Siya na ba?" tanong ng lalaki at saka tumingin sa akin.

"Yeah, she's Elle…my fiancé" wika ni Yohan.

"Hi Elle, I am Daniel Yohan's…." he paused and stare on Yohan na para bang nagkaka-isa ang mga isipan nila "Friend… Yohan's friend" he said as he offer his hands for a shake hands.

I accepted his offer "Elle, his fiancé"

"Nice to meet you Elle. Gosh! You are so beautiful. Ang galing pumili ni Yohan." puri ng lalaki saka akmang hahalikan ang kamay ko ngunit hinigit ito ni Yohan. 

"Mabuti at nagkakilala na kayo, you may go Daniel," ma-otoridad na sabi niya sa lalaking tinatawag niyang Daniel.

"Scary as ever Yohanie? " Malokong tumawa itong si Daniel "Oh well, nagiging possessive na si King Yohan. Mauuna na ako" dagdag pa nito at kinindatan pa ako.

"Let's find our seat" ani Yohan habang mahigpit niyang hawak ang kanang kamay ko. 

Sa tingin ko ay hindi nagustuhan ni Yohan ang inakto ni Daniel kanina, may pagka-presko kasi ang dating nito. Lalo na ang nga pakindat niya, playboy siguro si Daniel kaya agad akong nilayo ni Yohan sa kanya.

"Rule number one, I forbid you to talk, look at, and get acquainted with any men other than me," matigas na sabi ni Yohan nang maka-upo kami sa upuan namin.

"H-Ha?"

"Kapatid, pinsan, lolo, at tatay mo lang ang lalaking pwede mo na lapitan."

"T-Teka hindi ko naiintindihan."

"Nakita ko kung paano mo tinignan si Daniel, I know guwapo siya at mas matangkad kaysa sa akin pero ako ang fiancé sa akin lang dapat ang tingin mo"

"Fine…" I deeply sighed

"Rule number two, you can't leave without me and  without my permission in short, going out with your friends is probihited lalo na kung may kasama kayong lalaki."

"Ha? Abuso naman yata iyon pero sige, hindi naman ako mahilig maggagala e."

"Rule number three, I should know and you will let me know all your schedules and things you will do." Pagpapatuloy niya  sa pagdikta ng mga rules, agad kong chineck ang kontrata. Tumutugma ang mga sinasabi niya sa mga nakasaad dito.

"Yohan naman…"

"Rule number four, whenever they asked you bout your background. Allow me to answer it"

"Okay…"

"Rule number five, whenever I ask you to f*ck me. We will f*ck, you are not allow to say no." 

"H-Huh?" Para akong nawalan ng hininga nang banggitin niya ang rule number five. 

"Ang usapan natin magpapanggap lang tayong mag—-" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita, tinaasan niya ako ng kilay.

Napasinghap na lamang ako sa mga narinig ko. Alam ko naman na kasama iyon pero kasi nangako ako sa sarili ko na si Henry lang… at kay Henry ko lang ibibigay ang buong pagkatao ko.

"There's a rule for our marriage too. Malalaman mo 'yun kapag kasal na tayo."

Sinabi niya bang marriage? Teka nga, ika-clarify ko.

"I-ikakasal tayo? Pero diba ang napag-usapan natin ay magpapangap kang tayo na mag-fiancé"

"Hindi lang kita basta fiancé. You'll be my soon to be wife too."

Makaka-hindi ba ako?

Paano na si Henry ko?
Paano na ang future namin ng minamahal ko?

Paano na kami ni Henry?

"Don't worry, Elle. Everything is under my control," wika pa niya. Halata naman, kinokontrol mo nga ako e.

Labag man sa kalooban ko ang lahat ng ito pero alang-alang sa pamilya ko ang gagawin ko na ito. Uunahin ko ang kapakanan at kaginhawahan nila bago ako. Bago kami ni Henry, bago ang pagmamahalan naming dalawa. Agad kong kinuha ang ballpen na naka-ipit sa folder at pinirmahan ang kontrata.

Sinipat ko si Yohan na  ngayon ay abala sa pagnguya ng pagkain. Napapa-isip ako kung bakit kailangan pa niya nagawin ito. Guwapo naman siya, mayaman, at matalino. Makakahanap siya ng babaeng babagay sa kaniya pero bakit mas pinili niya ang ganitong set-up?

"Yohan…" mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"What's the matter?" Binitiwan niya ang hawak na baso saka direktang tumitig sa mga mata ko.

"Kailangan din ba na magka-anak tayo?" 

"Of course, my parents wants to have a grandchild. Alam mo naman na nag-iisa akong lalaki, sabik sila na dalhin ko ang apelyido nila, especially Dad."

Nag-iisang lalaki? Kakambal niya si Henry 'di ba? So that means, hindi niya kinoconsider si Henry as his sibling. Gano'n ba 'yon?

Tumango na lamang ako nang marinig ko ang sagot niya, wala na Elle, nandito na ito. Panindigan mo na itong pinasok mo, Elle. Isa pa, naka-pirma ka na. Alalahanin mo na kaginhawahan nila Nanay ang nakasalalay rito

"And one more thing," wika pa ni Yohan matapos siyang uminom ng juice mula sa baso. "Please look on the backside of the contract." 

Agad ko naman na sinunod ang sinabi niya, agad na nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakasulat roon. Agad kong naibaba ang folder na hawak ko. "Yohan…"

THE GOLDEN RULE:
For us to be able to perform this 'fakery''.  You need to end your three years relationship relationship with Henry Conception Enrile. Thru phone (text messages or voice call/ video call) and even personally.

Namasa ang aking mga mata at napakural-kurap.

Kailangan ko ba talagang gawin?

Kailangan ko ba talaga na makipag hiwalay kay Henry?

"Just do it."  Seryoso niyang sabi.

"Yohan hindi ko kaya, puwede bang iba na lang?"

"Si Henry o ang pamilya mo?" Matigas niyang tanong. Umigting din ang kaniyang panga habang diretso ang tingin sa akin.

Alam ko naman na darating ang oras na kailangan ko mamili pero hindi madali, parehong mahalaga si Henry at pati na ang pamilya ko. 

Huminga ako ng malalim habang inilalapat ang dulo ng ballpen sa papem at sinimulang lagdaan ito.

"Kailangan ko ba talaga na mamili?" tanong ko pa ng mag-angat ako ng ulo, tango lamang ang isinagot niya sa akin. "Okay fine, I'll break up with him…."

Kahit hindi ko kaya, kahit labag sa loob ko, kahit masakit. Kailangan kong gawin, wala naman na akong choice…

"I'm sorry if I'm putting too much pressure on you."

Umiling lang ako saka muling tumitig sa laman ng folder, matagal ko 'tong pinagmasdan bago ko ito isinara at iniabot kay Yohan. "Pagod na ako, puwede na ba akong umuwi?"

"Sure pero hindi ka na uuwi sa condo mo," anito habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Agad niya na inabot ang kamay ko mula sa ibabaw ng mesa at pinisil ito.

Ano na naman ba ang pinaplano ng mokong na'to? E dinaig niya pa ang kwento ni pinkishrose na may mga unexpected plot twist sa dami ng pakulo niya ah.

"Uuwi tayo sa bahay nila Nanay mo, pormal ako na magpapakilala sa kanila. Bilang mapapangasawa mo..." 

"Ikaw ba Yohan, naka-drugs ka? Bakit bigla-bigla kang nagde-desisyon? Si Henry ang alam nilang boyfriend ko at kakabisita lang niya sa akin last week, bago ang pageant." 

"Elle, my precious Elle just chill. Ako na ang bahalang magpaliwanag kina Nanay kapag nagtanong sila about kay Henry." Muli niyang pinisil ang kamay ko, "pero bago tayo umuwi, maggo-grocery muna tayo."

"Kung ano-anong pakulo ang nasa isip mo..." 

Matapos makapagbayad ni Yohan ng bill ay agad kaming dumiretso sa pinakamalapit na mall, hindi ko alam kung natatawag kong 'instant milyonarya' ako dahil sa nangyayaring ito. Dati-rati sa tuwing dumadaan ako sa mall, hanggang tingin lang ako sa bawat magagandang damit at sapatos na nadaraanan ko. Ngayon sa bawat may hintuan ako na stall sa mall bukod sa nahahawakan ko na ang mga gusto ko, nabibili ko pa ito. 

"How bout you? Wala ka bang bibilhin para sa sarili mo?" 

"Wala naman akong kailangan e,"

"New clothes? Make up?"

Umiling lang ako sa mga binanggit niya.

"You're so selfless..." 

"Kailangan e para sa pamilya ko." 

Ngumiti ito at hinagkan ako sa noo, "You deserves a reward, kaya halika na bibilhan kita ng mga kailangan mo." Hinigit niya ang kamay ko saka marahan na hinila papasok sa loob ng Watson store. 

"Teka e ang dami na nating pinamili e,"

"Sabi ko naman sa'yo, I'll spoil you."

"Yohan, okay lang ako."

"Nah, you're my fiance. Hindi puwedeng wala akong bibilhin for you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top