CHAPTER 6


PASADO alas-4 ng umaga ng makatanggap ako ng text message mula kay Sam na nagsasabing, 8:00 a.m daw papasok si Sir Yohan kaya agahan ko raw ang gising. Mabuti na lang at sanay ako sa maagang gisingan at maagang pagkilos sa gawaing bahay, maaga akong nag-brew ng kape sa coffee maker na nasa kusina. Iyon na lang muna ang gagalawin ko, ayokong pakielaman ang lahat ng gamit na nandirito. Baka kasi makasira ako, medyo clumsy pa naman ako.

Habang hinihintay ko na mag-brew ang kape ay nagwalis-walis muna ako, bigla na lang akong tinubuan ng pagtataka nang matapat ako sa side table kung saan nakapatong ang cellphone ko.

"Saan nga pala nakuha ni Ms. Sam ang phone number ko?" Siyang bulong ko sa sarili. "Wala kasi akong natatandaan na ibinigay ko kay Sir Yohan o kahit sa kanya 'yong phone number ko nung gabi ng contest."

Umiling-iling ako at iwinaglit na lang ang tanong na 'yon sa isipan ko, nag-almusal na ako at itinuon sa ibang bagay ang aking isipan . Habang nagkakape ay nag-iwan ako ng text message kay Cathy, ipinaalam ko sa kanila na nandito na ako sa Manila. Ipinaalam ko rin sa kanila na maayos ang kalagayan ko at may natulugan naman ako. Nag-iwan na rin ako ng message kay Henry, ipinaalam ko rin sa kanya na nasa Manila ako. Kasalukuyan siyang nasa Cebu at nagtetaping ng bago niyang telenobela.

Hindi ko na maramdaman ang antok kaya naman nanood na lang ako ng balita sa television. Umupo ako sa sofa habang sumisimsim ng mainit at masarap na kapeng barako.

"Sa ating showbiz chika, Henry Enrile at Sabrina Monreal at iba pang mga stars ng Bumangon ka sa Putik. Enjoy na enjoy sa kanilang Maldives Escapade, tinutukan 'yan ni Hans Santillan. Hans." Ito ang bumungad sa akin nang bumukas ang screen ng flat screen television.

Halos naibuga ko ang kapeng iniinom nang marinig ko mula sa television ang balita kung nasaan sina Henry at mga kasama niya.

Maldives? Nasa Maldives si Henry ngayon? Pero ang sabi niya sa akin, sa Cebu lang sila magte-taping. Iyon din ang akala ko, na nasa Cebu lang siya at wala sa ibang bansa.

"Bakit hindi niya ipinaalam sa akin ang totoo?"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko right now, sanay naman ako na parating ganun kasi nga artista siya. At kailangan kong intindihin na naman kasi nga mahal ko siya pero bakit parang ang sakit? Bakit parang ang hirap tanggapin? Pakiramdam ko ay parang sasabog ang puso ko kaya naman pinatay ko na lang ang t.v. bago pa man ako tuluyan na masaktan. Huminga ako ng malalim at marahan na ipinikit ang mga mata habang pinapakalma ang sarili.

Isang doorbell mula sa pintuan ang nakapagpamulat sa mga mata ko, dali-dali kong binuksan ang malaking pintuan. Tumambad sa akin ang isang babae na nakasuot ng puting polo at itim na palda, may suot rin itong I.D na may nakalagay na Royal Gem sa I.D lace. Mahaba ang buhok niya at nakasupil na kulay pink, may hawak siya na dalawang itim na paper bag sa kanang kamay at isa pang paper bag na brown sa kaliwang kamay. May hawak rin siya na cup ng kape na may naka imprintang "starbucks" dito.

"Good morning po Ms. Elliese," nakangiti niyang bati.

"Good morning din, kilala mo ako?" tanong ko at itinuro ang sarili.

"Opo Ms. Elliese, ako nga po pala si Alona. Ako po ang secretary ni Sir Yohan, pinapunta niya po ako rito para ibigay po ito sa inyo." Iniabot niya sa akin ang brown na paper bag. "Mag-breakfast daw po muna kayo bago po kayo pumunta sa building. At heto po, ito daw po ang suotin ninyo sa pagpunta sa building." Iniabot niya rin ang dalawa pang itim na paper bag.

"S-Salamat, halika tuloy ka muna."

"Hindi na po Miss, maghihintay na lang po ako dito." Muli siyang ngumiti, "nakahanda na po ang sasakyan na gagamitin po ninyo."

"Sasakyan? T-Teka... e wala naman akong kotse na dala at wala akong pambili nun."

Impit itong natawa, "kotse po ni Sir Yohan iyon, doon na lang po ako maghihintay sa lobby." Pagpapalam niya. "Sige po, bababa lang po ako."

"A-Ah.. sige..." alanganin na wika ko bago isara ang pinto.

Napuno muli ng katanungan ang isipan ko, ganito ba talaga si Sir Yohan sa mga bago niyang aplikante? Mabait at may pa- 'special treatment' ang bait niya naman palang boss kung ganun. Kaya naman pala siya succesful, ganito siya sa mga empleyado at magiging empleyado niya.

Tumungo ako sa dining area at inilabas mula sa paper bag ang mga naka tupperware na pagkain. Mukhang lahat ng ito ay mamahalin, at nang amoy-amoyin ko ito ay tila nagustuhan ang kakaibang bangong meron ang pagkaing ito. Bawat tupperware ay may label sa kung ano ang tawag sa mga pagkaing ito. Sa unang lalagyan ay may nakalagay na Pancakes, sa pangalawa ay avocado toast, at ang huli ay may nakalagay naman na breakfast wrap.

"Nakakagutom," bulong ko saka impit na natawa. "Gutom ako pero paano ko uubusin ang lahat ng 'to? Ang dami-dami e," pagkausap ko sa sarili.

Napagdesisyonan ko na ang walong pirasong pancakes na may mga strawberry at mga blueberry ang kainin ko kasabay ng kape. Samantalang ang dalawang iba pang nasa tupperware ay inilagay ko sa ref at pagtapos ay naligo na ako at gumayak. Mabilisan lang ang ginawa ko dahil nakakahiya kay Alona na naghihintay sa lobby, nakigamit narin ako ng blower para madali ko na mapatuyo ang buhok ko.

Suot ko ang puting bathrobe habang nagpapatuyo ng buhok, abala ako ng mga oras na 'yon sa pagboblower nang dumako ang mga mata ko sa itim na paper bag. Pinindot ko ang blower sa turn-off at tinanggal ito sa saksak, nilapitan ko ang unang itim na paper bag saka ko kinuha ang kahon ng sapatos na nasa loob. Isang kulay itim na stilletos ang tumambad sa akin pagkabukas ko sa kahon, ka-agad ko itong sinukat.

Kasyang-kasya ito sa akin at animo'y sinadyang bilhin na eksakto sa size ng paa ko, isinunod ko naman ang isa pang kahon. Isang hanggang tuhod na kulay blue na dress ang laman ng kahon, may kasama rin itong manipis na sinturon na kulay itim. May pasunod din itong bag na may naka imprentang Blanc & Eclare.

Isinuot ko ang damit pati na ang sinturon sa may bandang tiyan, sinuklay ko rin ang buhok ko at itinali ito nang pa-pony tail. Isinukbit ko na ang bag sa balikat ko bago ako lumabas ng condo, sinigurado ko na iniwan ko na malinis at nakakandado na maigi ang condo bago ako sumakay ng elevator pababa sa lobby.

Sinalubong ako kaagad ni Alona nang makalabas ako mula sa elevator, iginaya niya ako papalabas ng gusali at papunta sa parking na kung saan naghihintay ang kotseng sasakyan ko patungo sa gusali ng Royal Gem. Sa passenger seat ako sumakay, habang sa tabi ng driver seat na-upo si Alona. Mahaba-haba ang byahe kaya naman, nilibang ko ang sarili sa paglaro ng cellphone.

"Ms. Elliese, siya po si Mang Andoy. Personal driver po siya ni Sir Yohan." Pagpapakilala ni Alona kay Mang Andoy.

"Magandang umaga po Ma'am Elliese," bati nito nang saglit niya akong lingonin.

"Magandang umaga rin po Mang Andoy," siya namang bati ko pabalik.

"Please enjoy the ride po ma'am," sabi pa ni Manong Andoy nang bumalik ang tingin niya sa kalsada.

"Salamat po," wika ko naman.

"Ang ganda ng tipo ni Sir Yohan, mala-diyosa." Pabulong na sabi ni Mang Andoy kay Alona, mahina ang pagkakasabi niya ngunit hindi ito nakaligtas sa pandinig ko.

"Hindi mo po alam? E halos 2 dekada na po kayo na mag-kasama ni Sir Yohan ah." Mahinang pagsagot ni Alona,

"Pihikan pa sa pihikan 'yang si Sir Yohan, kaya naman pala sobrang pihikan e Gandang pang mala-koreana ang gusto kung sabagay ay napakaguwapo naman talaga ni Sir kaya maganda rin ang tipo niya."

Hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila, parang mas nadagdagan pa ang mga tanong ko sa isipan na nagsimula kahapon.

Matapos ang mahabang byahe ay nakarating na kami sa Royal Gem building, agad akong sinamahan ni Alona papaakyat sa sinasabing opisina ni Sir Yohan, nauna siya na pumasok.

"Sir Yohan, she's finally here." Mula sa loob ay liningon ako ni Alona, sinenyasan niya ako na pumasok na sa loob. Agad naman ako na pumasok sa loob ng opisina, ang mabangong amoy ni Yohan ang sumalubong sa ilong ko. Malapad ang kan'yang ngiti habang diretso ang tingin sa akin na tila sinusuri ang kabuuan ko nang papasok, gano'n din si Ms. Sam na nasa loob rin ng opisina niya.

"Alona, Sam, you may go." utos nito na agad naman na sumunod kay Sir. Naiwan kaming dalawa pati na ang katahimikan sa loob ng opisina. "It's nice to meet you again, Ms. Elliese Altamirano." Pagbabasag niya sa katahimikan na bumalot sa loob ng silid na 'yon.

"Good morning po Sir," hindi ko alam ang sasabihin hehe.

"Have a sit," wika niya habang nakapaskil pa rin ang malapad na ngiti sa labi niya. "How's your sleep?" Siyang bungad na tanong niya nang sabay kami na maka-upo. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Opo Sir, maayos naman po ang tulog ko. Siya nga po pala, salamat po sa libreng pasakay, sa damit, sa breakfast, at sa pagpapahiram po ng condo ni Ms. Sam."

"Don't mention it, and about the condo... That condo is already yours,

"H-Ho? Sa akin po?"

Wait? Wait lang? Tama ba ang narinig ko? Sa akin na daw ang condo unit na tinulugan ko kagabi?

"Of course, parti iyon ng sweldo mo habang nagtatrabaho ka dito."

Para akong nabingi bigla at tila umurong rin ang dila ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Sir.

"S-Salamat po... Siya nga po pala, ano po ba ang magiging trabaho ko?"

"Ano ba ang gusto mong aplayan?"

"Kahit ano po, janitress, messenger, maintenance staff. Basta magkatrabaho lang po ako."

"You can do better Elliese," seryosong wika niya. "I can see your full potential upon watching that contest. Hindi ko nga lang tanggap na second runner up ka lang, mas bagay sa'yo ang title crown. Anyways, about sa company position. Ayaw ko naman na maging janitress ka or messenger cause that position is jot for you."

Kaya ko naman umintindi ng english e, nakakatulala lang talaga kapag si Sir Yohan ang nagsasalita. Para bang nakaka-lutang ng isip ganun, ang hirap iexplain e.

"A-Ano pong ibig ninyong sabihin?"

Ngumiti itong muli ngunit nawala rin, "I can hire you on a higher position pero kung desidido ka na sa posisyon na inaapplyan mo. Let's proceed to the interview session."

Grabe yung bridge ng ilong niya, pakak kong pakak. Yung mga mata niya naman parang nambibihag sa tuwing tinititigan ko ito ng diretso, tapos yung lips niya ang pula-pula. Parehong-pareho ng kay Henry, hindi mapagkakaila na magkapatid sila.

"Elliese Altamirano?" Siyang banggit ng gwapong lalaking nasa harapan ko ngayon.

Napakabaritono ng boses, ang manly at ang sarap pakinggan. Kulang na lang sabihin niya sa akin ang mga katagang "Are you lost baby girl?"

Maayos ang panananimit niya lalo naman ang pagkakahati ng buhok niya mala Zoren Legaspi at Gabbi Concepcion. Mukha siyang isang greek god na nabuhay ngayong modern era. Napakabango din niya at pink na pink ang lips ang sarap halikan. Hmm...

"Ms. Altamirano..."

"P-po?"

"What is your possible contribution for my company?" may otoridad na tanong niya

Paano ba 'to? Hindi naman ako college graduate eh, ano bang isasagot ko? First job interview ko rin 'to kaya nangangapa pa ako.

Wala namang nagsabi sa akin na dapat ay english spokening dollar ka bago makapag-apply rito pero bahala na si Batman. Sasagot na lang ako kung anong puwede kong isagot.

"Sir, I am not applying for a high position. pero kung ihahire ninyo po ako as janitress po, siguro po ay to clean and disinfect every edges of the building and to maintain the cleanliness of your property." May pagmamalaking sagot ko, hindi ko alam kung tama ang 'yun pero bahala na.

"Are you really sure that you're applying for a maintenance staff?" tanong pa nito

"Yes po sir." sagot ko naman. Mukha po ba akong nagjo-joke sir?

"Final answer?" Tumango ako. "Wala kasi talagang vacant for a maintance staff pero I can give a position that can only fit for you."

"Talaga po, Sir?"

"Of course, ikaw pa ba? Like what I've said, you have a potential. Minsan ba naisip mo na maging bidang babae sa isang serye?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"H-Ho? B-Bidang... Bidang babae po? " Tumango lang siya habang hindi pa rin inaalis ang nakakatunaw niyang ngiti. "Ano pong ibig mong sabihin?"

"Well, I'll make you my biggest star, the shiniest and brightest star ng Royal Gem."

"Gagawin po ba ninyo akong artista?" Hindi ko napigilan na magtanong.

"Hindi lang artista, isang star Elliese... gagawin kitang isang maningning na bituin." Mariin ang bawat salitang tinuturan niya. Tumayo siya sa swivel chair at lumakad papunta sa sa aking direksyom, lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko saka binulungan."Stand up baby."

Baby? Wait, alam kong baby face ako pero... eme lang.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko. Lumayo siya ng kaunti para makatayo ako, hawak niya pa rin ako sa magkabilang balikat. Nang magtagpo ang mga mata namin ay ismo ako nakuryente nang dahil sa mga titig niya.

"Beautiful," mahinang usal niya habang gumagala ang tingin sa kabuuan ng aking mukha , itinaas niya pa ang ulo ko gamit ang hinlalaki niya at hinapit ang beywang ko gamit ang isang kamay niya.

He's driving me crazy.

"S-Sir..." Halos maubusuan ako nang hininga lalo na ng magtagpo ang mga mata naming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at pinadaanan niya ito gamit ang hintuturo saka muling hinapit ang katawan ko. "S-Sir..." Pakiramdam ko ay anytime, malalagutan ako ng hininga dahil sa ginagawa niya.


Okay? May nababasa na down there potarakes.

"My soon to be big star..." sambit niya sa may pagka-husky na tono. "I apologized for being too fast pero kasi I badly want you to become my own star. I'll get straight to the point Ms. Altamirano, Elliese." He breaths.

Napasinghap ako nang muling magtagpo ang mga mata namin, bumibigat ang bawat paghinga ko lalo na't pahigpit nang pahigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko.

"Whether you like it or not, you'll going to act as my fake fiancé. Isipin mo na artista ka, isipin mo na umaarte ka lang sa isang telenovela. I know you will going to refuse and I will not allow you to decline, Elliese."

Tama ba ang pagkakarinig ko, fake fiancé? He wants me to be his fake fiancé? Nabibingi ba ako o ano?

"S-Si... Sir Yohan, hindi ko po maintindihan. Akala ko po... Akala ko po trabaho ang ibibigay mo sa akin."

"Yes, babayaran kita Elliese. Babayaran ko lahat ng oras mo, araw na nagpapanggap ka bilang fiance ko. Kapalit ng pagpapanggap mo ay ang pag-ahon ng pamilya ko" Marahan niya akong binitiwan, "I need you Elliese, I need your help."

"Hindi ko po maintindihan Sir."

"Please," anito. "Please Elliese help me, just be my fiancé. I promise to do anything, I will owe you big thing kapag pumayag ka."

"Your fiance..." pag-uulit niya sa sinabi ko. "B-Bakit ako? B-Bakit hindi na lang iba? Sir kasi po... matinong trabaho po ang gusto ko, kailangan ko po ng trabaho para maiahon ko ang pamilya mo sa hirap."

"Elliese listen, I can help you. I can pay for your grandfather's medication, for your sibling's financial and educational needs. I can also buy you a house and lot para hindi na kayo umuupa pa, sasagutin ko ang lahat ng expenses ninyo. Even the water and electricity bills, school fees, and even the WiFi. Everything you want and everything you need, I can give it all."

"P-Paano po ninyo nalaman na-"

"Ganun ako ka-desperado Elliese, the first time that I saw you from that pageant. Sinabi ko sa sarili ko na, you are the perfect woman that I need."

"Pwede ko po bang pag-isipan muna? Hindi ko po kasi alam ang isasagot ko..."

"I'll give you time to think," aniya habang hinahawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko.

"Sir kasi kung papayag po ako parang... parang nagpagamit po ako sa iyo kung gano'n."

"It's not like that, ganito kasi yan. Kung hindi ako makakahanap ng nobya sa loob ng isang buwan, ipapakasal ako ng Papa ko sa babaeng hindi ko naman gusto at hindi ko kayang mahalin." Pagku-kwento niya pa. "Hindi ko maatim 'yon Elliese,"

"Kaya kakailanganin ninyo po akong idamay at gamitin sa pagsisinungaling ninyo para po makatakas kayo sa obligasiyon ninyo?"

Hinawakan ng mga kamay niya ang magkabilang pisngi ko bago siya nagsalita. "Puwede naman nating totohanin kung kinakailangan 'di ba? K-Kung iniisip mo na gagamitin lang kita, then used me too. I won't mind it, please Elliese."

"S-Sir kasi po ano... m-may boyfr-" He cutted me off.

"Boyfriend mo na walang time sa'yo, na hindi makagawa ng paraan para makapag kita kayo pero ginawang dahilan ang trabaho para makasama ang pamilya ng on-screen ka-love team niya sa Maldives."

"S-Sir..."

"Paano ko nalaman? Bukod sa pagiging boss niya, kapatid ko rin siya. Kapatid ko na manloloko at hindi mapapagkatiwalaan." His eyes darken, nawala ang masuyong mga titig niya.

Tila sinaksak ako ng isang mapurol na kutsilyo sa puso, naramdaman ko ang mga layer ng hindi nakakabagabag na damdamin. Ang isang mahusay na pakiramdam ng pagkapagod ay naghahari sa akin at humihigop sa natitira kong lakas kasama nito ay ang pakiramdam ng maytinding kalungkutan at pagkalito.

"I'll give you some time to think at bukas kailangan bumalik ka sa ganito rin na oras, gusto kong malaman ang sagot mo sa inaalok ko." mahinan usal niya.

"Uuwi muna po ako sa amin Sir, kailangan pong malaman muna ng Nanay ko ang-"

"Elliese, Elliese, makinig ka sa akin. Makinig ka muna sa akin, hindi nila kailangan malaman ang pagpapanggap nating dalawa. Hindi dapat nila malaman na nagpapanggap tayo, ang kailangan nilang malaman ay ang good news na gaganda na at mababago na ang kanilang buhay . Na magiging maayos na ang pamumuhay nila, ng pamilya mo."

May parte sa akin na gustong-gustong pumabor sa lahat ng sinasabi ni Sir Yohan pero may prinsipyo kasi ako. Once na tinanggap ko 'yon ay para ko na ring binenta ang kaluluwa ko alang-alang sa magandang buhay kung tatanggapin ko ang inaalok niya.

Hindi ko alam, naguguluhan na ako.

I mean, the offer is good. Future ng pamilya ko ang nakasalalay pero paano ang future namin ni Henry? I mean, hindi ba ako puwedeng sumaya.

Gusto ko lang ng maayos na buhay para kina Nanay at alam kong kaya ni Sir Yohan na ibigay lahat ng 'yon, gusto ko lahat ng sinasabi niya pero... pero pakiramdam ko na mali. Para akong nagtaksil kay Henry at sa sarili ko kung tatanggapin ko ang inaalok niya.

May napagtanto, si Yohan. Kakambal niya ang boyfriend ko, alam niya kaya ang ginagawa niya? I mean, he must know. Pamilya niya si Henry ko e...

Ipinahatid ako ni Sir Yohan pabalik sa condo unit para daw makapag-pahinga at mapag-isipan ko ang isasagot ko tungkol sa inaalok niya. Iniwan niya sa kamay ko kanina ang kulay silver na singsing na puno ng makikinang na bato. Bagsak ang balikat ko na lumupasay ako sa sahig habang nakasandal ang likod ko sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang singsing na hawak-hawak ko.

"Take this ring, Elliese. Ito ang magsisilbing engagement ring natin, Elliese. Gusto ko bukas pagbalik mo, suot mo na 'to."

"Hindi dapat nila malaman na nagpapanggap tayo, ang kailangan nilang malaman ay ang good news na gaganda na ang buhay nila. Na magihing maayos nila ang buhay nila, ng pamilya mo."

"Elliese listen, I can help you. I can pay for your grandfather's medication, for your siblings' financial and educational needs. I can also buy you a house and lot para hindi na kayo umuupa pa. Everything you want and everything you need, I can give it all."

"I need you Elliese, I need your help."

"Kapalit ng pagpapanggap mo ay ang pag-ahon ng pamilya mo sa hirap."

"Mag-isip ka Elle... Mag-isip ka... Kailangan tama ang maging desisyon mo." Siyang bulong ko sa sarili habang minamasahe ko ang aking sentido

"Elisa?" Isang pamilyar na boses ang siyang nakapag-patayo sa akin mula sa pagkalugmok.

"Zarina?" Naghahadali akong tumayo at lumabas ng kwarto nang marinig ko ang beses ng kaibigan ko. Patakbo ako na tumungo sa kaniya at nang makalapit ay agad siya na niyakap. Hindi ko alam kung bakit biglang namasa ng mga luha ang akin mga mata nang maramdaman ko ang pagyakap niya pabalik.

"Ay! Ano pong nangyari? Anong drama 'yan? Gusto ko malaman, i-chika mo agad saka na ngawa kapag na-ichika muna."

"Hindi ko alam kung paano sisimulan," wika ko nang magkalas kami mula sa pagkakayap.

"Simulan mo sa umpisa-o e teka, singsing ba 'yang hawak mo?" aniya saka hinablot sa akin ang singsing na binigay ni Sir Yohan kanina. "Nag-propose na si Henry sa'yo? Ikakasal na kayo? Ang shala nito bess, daming bato. Ilang gives kaya ito?"

"Hindi, hindi si Henry."

"Hindi si Henry?" Nagtataka niya akong tinignan. Kunot ang kaniyang noo at tila hindi niya batid ang sinabi ko. "Kung hindi sa kaniya, kanino 'to galing?"

"Naalala mo si Sir Yohan? Siya, sa kanya galing ang singsing na 'yan. Engagement ring 'yan, Zarina."

"Engagement ring? Bakit ka naman niya binigyan ng engagement ring? Gago ba siya?" tanong niya habang umuupo sa sofa. "Hindi joke lang, eme lang 'yong gago. Pero pwera biro, bakit nga?"

"Naalala mo ba no'nng gabi ng pageant? Hindi ba at  sinabihan niya ako na bibigyan niya ako ng trabaho Za?" Tumabi ako sa kan'ya habang tinutuloy ang kwento. "Ito 'yung trabaho na ibibigay niya sa akin, bess."

"Ha? Teka, hindi ko nage-gets bess. Trabaho mo ang magpanggap na fiancé niya? Gano'n ba?"

"Ang sabi niya sa akin, tutulungan niya raw ako at ang pamilya ko na makabangon sa hirap basta magpanggap ako na fiancé niya. Ito 'yung trabaho na sinasabi niya Za, ang pagpapanggap bilang fiancé niya."

"Tapos ang kapalit, babayaran ka niya?"

Tumango ako bilang sagot. "Ang sabi niya ay babayaran niya lahat ng problema naming pinansyal kung tatanggapin ko ang alok niya."

"Mare!!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka ako inalog-alog. "Mare! Mare! Mayaman ka na! Once in a life time opportunity na ito. I-grab mo na sis!" Malakas niyang sigaw, siya pa ang mas excited kaysa sa akin na nag-aalangan pa.

"Zarina, Zarina wait lang. Wag mo akong alugin," wika ko, tumigil naman siya. "Bakit ka ganiyan maka-react? Ibig mo bang sabihin, okay lang na tanggapin ko ang alok ni Sir Yohan?"

"Oo sis, 100% sureball na 'yan. Magpapanggap ka lang naman  kahit  na mas boto ako sa pag-iibigan ninyo ni Henry..." lumamlam ang tono ng boses niya. "Paano nga pala siya?"

"Ayon nga, sa pa 'yon sa mga problema ko e, kung papayag ako sa inaalok ni Sir Yohan. Paano na lang kami ni Henry? Mahal na mahal ko siya Zarina,"

"Tapos ang malala here is, kambal pa sila. Mas lamang lang talaga si Yohan ng anim na paligo." Pagbibiro niya pa, to lighten up the mood.

"Mahal ko siya..."

"Alam ko naman 'yon e, basta ako doon ako sa kung saan ka mas masaya pero Bes..." Huminto siyang saglit at inabot ang singsing sa akin. "Masaya ka nga pero paano naman ang pamilya mo? Maaatim mo ba na naghihikahos sila? Na oo, ikaw masaya ka sa piling ni Henry pero paano naman sina Tita Elsa, sina Tala at Nemo, pati na si Lolo Igme."

May punto siya.

"Tulungan mo ako Za."

"Magpapanggap lang naman kayo 'di ba? Wala namang kasalan na mangyayari, tama ba? Basta magpapanggap ka lang tapos babayaran ka niya."

"Iyon lang ang napag-usapan namin, wala naman siyang nabanggit tungkol sa kasal."

"'Yon naman pala e, saglit lang 'yun sis. Matatapos din ang kontrata ninyo sa pagpapanggap bilang mag-fiance, babalik at babalik ka rin kay Henry your loves. Kaya nga sinasabi ko na sa'yo na i-grab mo na, sayang 'yun Elle. H'wag mo nang pakawalan, si Sir Yohan na nga ang lumalapit sa'yo."

May punto naman ang mga sinasabi ni Zarina, hindi lang siguro matanggap ng sistema ko dahil iniisip ko pa rin si Henry. Wala kasi akong pamimilian, mahal ko silang lahat. Mahalaga si Henry at mahalaga rin ang pamilya ko sa akin.

"Sa tingin mo ba Zarina, tama ba ang gagawin ko? Tama ba na tanggapin ko ang alok ni Sir Yohan?"

"If I were you Elle, iyon ang gagawin ko. I will rather choose to accept his offer. Bes, matagal mo nang pangarap 'to."

Matagal ko nang kaibigan si Zarina, mas kilala niya ako kaysa sa iba. Alam niya kung ano ang mas makakabuti sa akin kasi elementary pa lang kami, siya na talaga ang takbuhan ko lalo na sa mga oras na kinakailangan kong magdesisyon...

Isinuot ko sa palasingsingan ang engagement ring na binigay ni Yohan kanina, noong tinititigan ko pa lang siya... Napaka daming tanong ang naglaro sa isipan ko pero noong dumating si Zarina at pinayuhan ako na isuot ko na ito sa daliri ko para akong nakahinga ng maluwag at nakaramdam ng kapanatagan sa dibdib ko.

Nasa kasagsagan kami ng pag-uusap ni Zarina nang matigilan kami nang marinig namin na may nagdoorbell. Si Zarina na ang nagpresinta para buksan ang pinto, si Alona na sekretarya ni Sir Yohan ang tumambad sa kanya. May hawak siyang dalawang paper bag na may naka-imprentang chanel.

Tinubuan ako ng kaba nang muli ko siyang makita feel ko kasi ay para bang mauulit ang nangyari kaninang umaga.

"Good afternoon po Ms. Elliese," bati ni Alona.

"O Alona ikaw pala, anong ginagawa mo rito?"

"Kilala mo sia bess?" usisa ng aking best friend.

"Secretary ni Yohan," tugon ko naman bago ko sila lapitan.

"Pinapunta po ako ni Sir Yohan dito para sunduin ka po." aniya

"Sunduin?" Saglit kaming nagkatinginan ni Zarina. "Bakit daw? A-Anong mayron?"

"Gusto niya daw po kasi na makasama ka na mag-lunch, sa katunayan nga po ay nasa parking lot na siya at naghihintay."

Muli kaming nagkatinginan ni Zarina, tinanguan niya ako at para bang sinenyasan na tanggapin ko ang inaalok ni Sir Yohan.

"Heto po Ms. Elliese," iniabot niya sa akin ang dalawang paper bag. "Ito raw po ang suotin ninyo," wika pa niya.

"Salamat," wika ko nang makuha ko ang iniaabot niya. Saglit niyang tinitigan ang mga kamay ko at sinapat ang mga daliri ko.

"Bagay po sa inyo ang suot mong singsing Miss," aniya na may kalakip na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Salamat, Alona." Muli kong pagpapasalamat. "H'wag mo na akong tawagang Miss Elliese, Elle na lang. Iyon ang palayaw ko, mas sanay rin ako na tinatawag akong Elle ng mga taong nasa paligid ko."

"Hindi po kasi pwede e," tugon ni Alona.

"E bakit naman?" si Zarina ang nagtanong.

"Boss ko na po rin po kasi si Ms  Elliese simula ngayon, iyon po ang sabi ni Sir Yohan. Sige po, mauuna na ko. Sasabihan ko na po si Sir Yohan na nagbibihis ka na po." Paalam niya saka naglakad na paalis.

"Bes, instant yaman ka ah at may empleyado ka kaagad. Taray naman no'n!"

"Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko Bes," aniko habang nakatuon pa rin ang pansin sa pintuan na nilabasan ni Alona.

"Bes, maging masaya ka, deserve mo jaya 'yon. You've been working hard simula pa noon diba? Mas pinili mo na huminto sa pag-aaral at h'wag nang mag-college para maipagamot si Catherine 'di ba? Mas pinili mo na magtrabaho para sa kanila 'di ba? Kung ano-ano na nga ang  mga raket ang pinasok mo, ultimo beauty contest sinalihan mo na. Kung ano man ang nangyayari sa'yo, isipin mo na reward mo ito."

Tanging tango lamang ang naisagot ko kay Zarina, matapos namin na makapag-usap ay nagpaalam na rin siya. Ako naman ay nagpalit na ng damit at sapatos at inayusan ang sarili bago. Isang puting dress na may itim na flower brooch at puting platform shoes ang laman ng paper bag, ito raw ang suotin ko sabi ni Yohan. Wala naman akong choice, alang-alang naman 'to sa pamilya ko.

Huminga ako ng malalim at humarap sa salamin matapos kong makapaglagay ng pulbos, "Sana tama itong ginagawa ko, sana wala akong pagsisihan sa huli." bulong ko sa sarili bago ko lisanin ang condo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top