CHAPTER 5


SAM

It's been a week simula nang ma-meet namin si Elliese Altamirano at mag-imbento ng award si Yohan para lang malapitan at ma-eksamina ang kabuuan ng babae. Isang linggo niya na rin akong kinukulit pati na rin sina Cherry at Eliseo kung ano na ang balita kay Elliese o kung nakapag-desisyon na ba ito na pumunta sa kumpanya.  Kuliling na kuliling na ang tenga ko sa paulit-ulit niyang pagtatanong, pumapasok lang siya para itanong 'yon at kapag nakuha niya na ang sagot ay umaalis na rin. Ni hindi siya tumatagal ng isang oras dito sa gusali o kahit sa opisina niya man lang. 

"O eto na nga, ang balita ko napagalitan na naman ni Madam Esme si Henry, ang kulit daw kasi parating katawagan ang non-showbiz girlfriend niya." 

Umagang-umaga boses ni Janmy at Faith ang naririnig ko, nag-chichismisan tungkol  sa natanggap naming report last week, kakauwi lang ni Yohan mula sa conference sa Batanggas kahapon kaya naman ngayon niya lang malalaman at mahaharap ang isyu tungkol sa kapatid niya. Kahit kasi nasa conference ang bruha ay si Elle ang bukambibig niya sa tuwing tumatawag siya. Kung hindi ko talaga kilala itong si Yohan ng dalawampung taon, iisipin ko na straight siya pero hindi e, desperado lang talaga ang gaga.

"Janmy, ang aga-aga niyan. Bakit  hindi ang report mo para mamaya ang  asikasuhin? At ikaw naman Faith, hindi ba dapat nasa lobby ka? Maagang darating si Sir Yohan ngayon, maganda ang mood no'n kaya magsi-ayos kayo. Go back to your work!" Utos ko sa kanila  bago ako makapasok sa cubicle ko. 

Wala talaga akong posisyon dito sa kumpanya, proxy lang talaga ako ni Yohan kapag tinatamad siya na pumirma o umattend ng mga meetings niya. Sa edad niya na 31 years old, pagod na ang bruha dahil malamig ang lovelife niya. 

"Good morning Sam!" 

Speaking of the devil, the devil is here

"May appointment ka kay Madam Esmeralda mamaya ng 10:00 a.m." Ito agad ang ibinungad ko nang mamataan kong paparating siya at patungo sa direksyon ko.

"Samuela," inirapan niya pa ako. "Hindi 'yan ang gusto ko na marinig. "Is there any news about Elliese?"

"Malay ko, wala si Cherry 'di ba? Day off niya, 'yong asawa niya naman naghatid ng proposal project sa manager ni Debbie Sarmiento." Umirap din ako, 'namo ha.

"Wala ka bang contact number nila? I badly want Elliese, in a couple of days darating na si Daddy. At siya lang ang napipisil ko na pwedeng ipakilala sa parents ko," He really sounds so desperate. Poor Yohana.

"Ipakilala? Sino? Do you have a girlfriend already?" 

Sabay kami na napalingon ni Yohan sa babaeng nagsalita ang demonyong ate ni Yohan na si Yoora. Oo demonyo, period.

"Ate…"

"What? Go ahead, I want to know who is she, is that Isabella? Natuloy na ba ang naudlot ninyong pagliligawan, kung siya ngayon that would be a great news." 

Bago sumagot ay napabuntong hininga ang lalaking 'to. "No ate, alam mo naman na kapatid lang ang turing ko kay Bella."

Ay wow! Kapatid lang talaga? Duda ako, Yohan—mga 100%

"So sino nga? Who's the lucky girl, na nakabihag sa pihikang puso mo?" 

"You'll meet her soon ate, I promise." 

"Just make sure you introduce that lucky girl to our family, okay? Para naman masuri ko kung saan siya galing baka naman gold digger at social climber ang makuha mo."  May pang-aalipusta itong tumingin sa akin na para bang ako ang tinutukoy niya.

Hayop 'to ah, pikang-pika na ako.

Itsura nito mukha namang chararat na hukluban. Kaya hindi 'to pinapatulan ng mga lalaki e, bukod sa masama na ang mukha, sobrang sama pa ng ugali. Na kahit ilang Victoria Secret na perfume pa ang ipaligo niya, umaalingasaw pa rin ang kabahuan ng ugali.

Bagay na bagay ang pangalan niya, Yoora. Yoorangot na bisangot. Yoora, YoRak na Burak. Pasalamat talaga siya at pet lover ako at may respeto sa MAS MATANDA.

"Ate, she's fine, she's classy and gorgeous. You don't have to worry about her," malapad na ngumiti si Yohan.

Hindi mo pa sure kung papayag si Elle e,  jusmiyo ka!

"That's good,  kapatid kita alam ko ang mga tipo mo, oh and by the way gusto mo ba na ako na lang ang humarap sa meeting mo with Esmeralda and Henry? Para naman magawa mo na ang iba mo pang business mo and I'm aware naman na hindi mo kayang tignan face to face ang sampid ng pamilya."

Sampid sa pamilya, you mean—you? Kasi ikaw lang ang walang maipagmamalaki bukod sa rebonded mong buhok.

"Yeah sure ate, go ahead at wala naman talaga akong balak na harapin si Henry. I still hate him." 

Isa pa 'tong si Yohan, bakit ba kasi kailangan mamana niya ang panget na ugali ng ate niya ? Umiral na naman ang pagiging immature ng baklang 'to, napakatagal nang issue hindi pa rin makalimutan. Mature naman siya most of the time pero kapag si Henry na ang usapan, bumabalik sa pagkabata ang gago. 23

Tapos itong si Yoora naturingan na MATANDANG kapatid, e hindi naman kayang pumagitna. Parang shunga lang, nakakapika.

"Sam, gawan mo na nga nang paraan please. I badly want to see Elliese, as soon as possible. Kung kinakailangan na magbayad ka ng tao go!  I'll triple it, just find Elliese and  bring her here." Desperadong utos nito na may halong pang-gigigil pa,  pagka-alis  ng ate niyang demonyo. "Desperado na ako."

"Ano namang mapapala ko rito?" Nginisian ko siya saka pinalumbabaan. Aba! I don't work just for fun, nangangailangan din naman ako 'no.

Muli niya akong inirapan, "Fine, I'll give you and Julia a free stay for 3 days and 2 nights sa beach resort ko sa Palawan. Okay na ba 'yun?" 

"Hindi pa."  Mas lalo kong pinalapad ang pagngiti.

"Name it!" 

"Here," inilabas ko mula sa ilalim ng desk ko ang 1 box ng mga pipirmahan na project proposals, budget proposals, reports, appointment, at marami pang iba. "I'll give you 48 hrs para pirmahan lahat ng 'yan, kapag natapos mo lahat 'yun say hello to Elliese pero kapag hindi e bahala ka nang magladlad sa pamilya mo."

"Sino ba talaga ang C.E.O sa ating dalawa?"

"Edi h'wag! Kilala mo ako Yohan, madali akong kausap." Tumayo ako mula sa swivel chair at akmang kukuhanin ang itim na box ngunit pinigilan ito ni Yohan.

"Fine, I'll do it!" Matigas niyang sabi saka nagmamadaling binuhat mula sa desk ko ang box. Nagmamadali rin siya na sumakay sa elevator patungo sa opisina niya sa taas.

"Pinaglaruan mo na naman si Sir Yohan," puna nang kanina pa nakikinig na si Aira. 

"Ikaw lang nakakagawa ng ganyan sa boss natin," dagdag pa ni Humbert habang bumabalik sa cubicle nya na katapat ng sa akin.

"Syempre, best friend ko 'yan e." wika ko habang kinukuha ang cellphone sa bag ko. At nang makuha ko ay kaagad ko nang idinial ang number ng girlfriend ko na si Julia. She works in NBI as an investigator and she's also a businesswoman who owns a skin care company. "Babs, may ginagawa ka ba?" 

"In any minute magsisimula ang conference namin, bakit? May kailangan ka? Hurry up babe, I need to go na e."

"Okay, okay, bibilisan ko lang. In-offeran tayo ni Yohan ng 3 days and 2 night sa beach niya sa Palawan para sa isang misyon. Kaya ba natin?"

"And what is it? Just spill it, babe."

"Hanapin si Maria Elliese Salazar Altamirano." 

"W-Wait? Did you say Altamirano? Altamirano from Baranggay Masaya"

"Oo, bakit?"

"Yung laundress ni Mommy, Altamirano ang apelido niya and also, dhe came from that said baranggay. I'll call you back later, right after this meeting sisimulan ko na ang investigation." 

"Okay, thank you babs. I love you,"

"Tatawagan na lang kita ulit, magsisimula na ang conference, I love you so much." Pagpapaalam niya bago niya patayin ang tawag. 

Ibinalik kong muli ang cellphone sa bag ko saka ito isinukbit, isinaayos ko muna ang desk ko bago  naglakad papunta sa elevator. Sisilipin ko lang si Yohan at aabalahin, titignan ko lang kung ginagawa niya ng maayos ang trabaho niya bilang C.E.O ng Royal Gem Entertainment. Ang tanging gawain niya nga lang ay pumirma, mag-approve, umattend ng meeting, at magpasahod pero kinatatamaran ng gago.

Isang hindi inaasahang tao ang nahagip ng mata ko na pumasok sa elevator, muli kong sinipat kung tama nga ang kutob ko. Siya nga, hinarap ko ang lalaki saka kinausap.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Good morning din Sam," naka-ngiti niyang sabi.

"H'wag mo kong ngitian Daniel, ang tanong ko ang sagutin mo. Anong ginagawa mo rito?"

"I'm just visiting my boyfriend, bawal ba?" May pagka-sarkastiko niyang sagot.

"Nandito si Yoora, paano kung makita niya kayo ni Yohan na magkasama? Sa ginagawa mong 'yan, ipinapahamak mo lang ang best friend ko."

"Chill Samuela, nag-iingat naman kami ng boyfriend ko e," wika pa niya saka hinawakan ako sa balikat na agad ko naman na inalis at pinagpagaan.

Mamaya may germs or something, mahawahan niya pa ako.

"Sinasabi ko talaga sa'yo Dan--" napahinto ako nang mag-ring ang cellphone, muli ko ito na kinuha mula sa shoulder bag ko at itinapat sa tainga. "Babs anong balita?" 

"I already sent you the details in your e-mail account, pakisabi kay Yohan na kailangan ko ng libreng pa-spa, manicure, and pedicure, magpapa-rebond na rin ako ng buhok ko."  Dire-diretsong sabi ni Julia na may pahabol pa. "3 days and 2 night in Palawan, here we come."

"Bilis naman no'n! The best ka talaga, kaya mahal kita e."

"I love you more," anito bago i-hang up ang tawag.

"Si Julia?" Tanong ng pakielamerong lalaking 'to.

"Anong pakielam mo?"

"I'm just asking, bakit ba sinusungitan mo ako? We're supposed to be friends 'di ba?"

"Si Yohan lang ang best friend ko."

"But, I am his—"

"Feeling jowa ka lang, huwag assuming dahil matatapos na rin naman ang serye mo. Good bye, pangit!"

ELLE

Abala ako ngayon sa pagsasara ng tindahan ni Aling Lina, rumaket ako bilang tindera ng suman at mga kakanin habang inaalagan ko ang dalawang nakababatang kapatid ko. Naubos na kasi ang mga paninda kaya naman uuwi na kami at kailangan ko na rin umuwi para makapag-luto ng pananghalian. 

"Naku ubos na naman ang paninda mo Mareng Lina, ibang klase naman kasi ang tindera mo." Boses ng chismosang si Aling Tess ang narinig ko, kasama ang isa pang chismosa na si Aling Bebang.

"Ano bang sikreto niyang si Elle? E lahat ata ng pinapasukan mong raket laging sold out kapag ikaw tindera e." saad naman ni Aling Bebang habang nagpapaypay ng abaniko niya.

"Baka nilalagyan ng gayuma ang mga kakanin mo." Maloko itong tumawa habang inuuyam ako ng tingin.

"Mabuti pa nga itong si Elle masipag, madiskarte. Hindi kagaya ninyo na puro chismis! Magsilayas nga kayo sa tapat ng tindahan ko!" Pagtataboy ni Aling Lina sa mga chismosa habang siya ay nakapameywang. " Ikaw naman Elle, masipag kang bata. H'wag na h'wag mong pakikinggan 'yang sina Tess, o siya heto." Iniabot niya sa akin ang tatlong daang piso na sahod ko kasabay noon ay ang pag-abot niya ng dalawang lata ng gatas at isang plastik na puro tsokolate at candy. "Para 'yan sa mga kapatid mo." 

"Gatas!" Masayang sigaw nina Nemo at Tala habang pumapalakpak pa. 

"Yehey tatas!" muling sabi pa ni Tala nang iabot sa kanya ang lata ng gatas.

"Naku Aling Lina maraming salamat po rito."

"Wala 'yon, parati mo na lang nauubos ang paninda natin kaya dapat lang 'yan. O siya tatanghaliin na kayo, 'yong dalawang kapatid mo baka kailangan na kumain. Umuwi na kayo," ani pa niya.

"Maraming salamat po ulit," wika ko bago naglakad papaalis. 

Malayo-layo ang bahay namin kaya naman mahaba-habang lakaran ang gagawin namin nina Tala para maka-uwi, alaas-nuebe na mga saktong alas-dyis ay nandoon na kami sa bahay. Sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Nanay Elsa na dala-dala ang kanyang bag. Patakbo ako na lumapit sa kanya habang hawak ko si Nemo sa kanang kamay at buhat ko si Tala. Nang makalapit ay agad kami na mag-mano sa nanay, agad niya na binuhat niya si Tala.

"O Nay, akala ko po ba sa isang linggo pa po kayo makaka-uwi. Napa-aga po yata kayo," wika ko habang naglalakad kami.

"Dumating na kasi yung bagong katulong ni Mrs. Veloso, tengga na na naman ako. Kung kailan nga kailangan na ni Crismar ng pambayad sa eskwela," halata ang pagkalungkot  sa basag na boses ng nanay. "Anak bakit hindi mo subukan 'yong inaalok ni Sir Yohan sa'yo? Mababantayan ko na naman ang mga kapatid mo dahil wala na akong trabaho." 

"Sa Manila pa po kasi 'yun nanay e, kahit naman po gustuhin ko e baka hindi rin po ako matuloy. Napakamahal po kasi ng pamasahe." 

"Makisabay ka kay Xavier, mabait naman ang batang 'yon e." Suhestiyon ng nanay ko.

"Nay, busy po ang tao na 'yun. Ayoko na po na maka-abala," wika ko saka kami nagpatuloy sa paglalakad pauwi.

Naabutan namin sa salas si Crismar na may mga kasama na apat na kaklase, agad siya na nagmano sa nanay at humalik sa pisngi ko.

"Ate baka meron ka dyan, papameryendahin ko lang sila. Magpapractice kasi kami ng roleplaying dito e," bulong niya sa akin. Iniabot ko sa kanya ang isang daan na sinweldo ko kanina. "Salamat po ate!" Masayang wika niya bago lumabas ng bahay. 

"Good morning po," bati nila saka isa-isang nagmano kay Nanay. 

"Good morning din, kayo ba ay nga nagsikain na?" 

"Busog pa naman po, salamat po." Sabi ng isang dalaga na nakasalamin.

"E ano palang sadya ninyo?" Siyang tanong muli ni Nanay.

"Gagawa po kami ng props at mag-papractice po para sa roleplay namin sa Filipino subject po," sagot muli ng babaeng nakasalamin. 

Si Nanay na ang nagboluntaryo na mag-asikaso sa mga bisita ni Crismar, katulong niya si Cathy sa ibaba. Ako naman ay umakyat na sa kwarto ko para mamahinga saglit. Bago ako makahiga sa higaan ko ay nahagip ng mga mata ko ang itim na calling card na ibinigay ni Sir Yohan sa akin noong gabi ng contest.

"Hulog ka talaga ng langit sa akun Sir Yohan," bulong ko habang tinitititigan ang kapirasong papel.

Wala ng trabaho ang nanay, hindi naman sapat ang kita ng amain ko. May dalawa pa akong kapatid na nag-aaral, may maliliit din ako na kapatid na kailangan mag-gatas at mag-diaper. Kailangan rin ng gamot ng Lolo Igme at ng amain ko, panahon na siguro para i-grab ko ang malaking oportunidad na ito. Palay na ang nalapit sa manok, so why not?

Tumungo na ako sa tokador para maghanap ng malaking bag at mag-impake ng damit at gamit na gagamitin ko sa pagbyahe. Habang naglalagay ako ng damit sa malaking bag ko ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang unknown number. 

"Sino kaya 'to?" Agad kong inabot ang cellphone ko na nakapatong sa maliit na lamesa saka sinagot ito. "Hello po?" 

"Hello, this is Samuela Jean Lim from Royal Gem Entertainment, pwede ko bang maka-usap si Ms. Maria Elliese Altamirano?"

"A-Ako po 'yun Ma'am Samuela."

"Hello Elliese, call me Sam. Kung matatandaan mo, ako ang kasama ni Mr. Yohan Carbonel noong gabi ng pageant." Pagpapakilala niya mula sa kabilang linya. Ang ganda ng boses niya, mala-anghel.

"Opo, opo natatandaan ko po kayo." 

"Ask ko lang sana if napag-isipan mo na bang i-accept 'yong about sa offer ni Sir Yohan he's  been waiting for you kasi."

"'Yong about po sa offer ni Sir… opo, malaking oportunidad po kasi 'yln para sa akin at sa pamilya ko. Kailangang-kailangan ko rin po talaga ng permanenteng trabaho, sa katunayan nga po ay nag-iimpake na po ako at balak ko po na mamayang gabi po para maaga po akong makarating sa building."

"That's good, send me your address ipapasundo na kita." 

Hala weh? May pagsundo, napakabait naman ng Sir Yohan na 'yon.

"Hindi na po, Ma'am. Nakakahiya naman po, magko-commute na lang po kami."

"It's okay Elliese, h'wag ka nang mahiya. Just send me your address para malaman namin kung saan ka susunduin, utos din kasi ni Sir Yohan ang accomodation mo e." Muli pa niyang pangungulit.

"A-Ah… sige po. Ite-text ko po ang address sa'yo kaagad. Maraming salamat po Ms. Sam," crush kaya ako ni Sir Yohan? Joke lang! Baka knows niya na nobya ako ng kapatid niya and soon to be sister-in-law kaya may pa-accomodation siya sa akin.

"Huwag mo nang lagyan ng Miss, Sam na lang, okay? O sige Elliese, See you later!" 

"Salamat po Sam," hinintay ko na siya mismo ang unang pumatay ng tawag bago ako magpatuloy sa pag-iimpake. At nang mapatay niya ay agad ko nang isinend ang address ko sa kanya bago ko pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Nag-iimpake ka na pala," wika ni Nanay habang pumapasok sa kwarto ko, may dala siyang pancit canton, monay, at juice na nakalagay sa serving tray. Inilapag niya ito sa maliit na lamisita. "Mag meryenda ka muna," aniya saka marahan na inagaw sa akim ang damit na tinitiklop ko. "Pasensya ka na anak at ikaw pa ang nakamana ng kamalasan ng nanay."

"Nay, hindi po tayo malas. Nakita ninyo nga po o, sa isang kisap mata magkakatrabaho po ako. Kanina nga po tinawagan ako ni Ms. Sam, nagtatrabaho po 'yon sa Royal Gem. Susunduin po nila ko mamayang gabi, sila na po ang sasagot sa pamasahe ko para makapunta po ako sa Manila." 

"May titirahan ka na ba roon?" 

"Hindi ko pa po alam pero kung wala po baka po makitira ako kina Kuya Ely."

"Ah basta anak, mag-iingat ka roon ha? Laging magsasara ng pinto, kakain sa tamang oras ha." Pagpapaalala pa niya.

Tumango ako at yinakap ang nanay na bakas ang pag-aalala at pagkalungkot sa nalalapit kong pag-alis. Ito ang unang beses na aalis ako at malalayo ako sa kanila pero kakayanin ko. Ilang oras pa ang hinintay ko bago ako bumyahe pa-Manila, pasado alas singko ng ibinaba ko ang gamit ko salas. Maya-maya pa ay napansin ni Crismar ang pagparada ng isang BMW sa harap ng bahay namin. 

Isang matangkad at morenang babae na may mahabang buhok ang bumaba mula sa sasakyan, naka-suot ito ng office attire, pamilyar ang mukha niya at para bang nakita ko na noon pa. Dire-diretso itong naglakad papunta sa harap ng pintuan namin.

"Magandang hapon po," bati niya na nakangiti. 

"Sino po sila?" Si Cathy ang kumausap sa kaniya.

"Samuela  Lim po from Royal Gem," pagpapakilala ng babae. "Nandito po ba si Elliese Altamirano?" 

Nang banggitin  niya sa pangalan ko ay dali-dali na akong nagpaalam sa pamilya ko.  Tinulungan ako ni Ms. Sam na ipasok ang mga gamit ko sa likod ng kotse ng masigurado na maayos na ang lagay ng mga gamit ko ay muli akong humarap sa nanay at yumakap.

"Mag-iingat ka sa Manila anak ha." 

"Opo nay." aniko nang humalik ako sa pisngi niya.

Nang pormal na akong makapag-paalam ay agad na akong sumakay sa passenger seat ng kotse, mahaba-haba ang babyahihin namin. 

"Ms. Sam, salamat po sa libreng pasakay. Naka-lessen po ako ng gastos," wika ko kay Ms. Sam na kasalukuyang abala sa pagmamaneho

"Actually, this isn't free Ms. Elliese," anito at liningon ako. "Pero don't worry, si Yohan naman ang magbabayad ng lahat ng oras ko." 

"Si Sir Yohan po?" 

"Aha! Actually, matagal ka na niya talagang hinihintay. Walang oras na hindi niya ako tinatanong about you,"

"H-Ho? Bakit po?" 

"I'm not in the position to tell you, his intention must come from Yohan's own mouth," wika niya bago muling ituon ang pansin sa pagmamaneho.

Nakaramdam ako ng tila ibang sensasyon nang marinig ko 'yon mula kay Ms. Sam, hindi niya direktang sinagot ang tanong ko pero noong marinig ko ang salitang "intensyon" mula sa kanya ay na-bother ako. Anong meron? Isa pa, sabi niya pa na wala raw araw na hindi ako ang hinahanap ni Sir Yohan. Bakit? Paano?

Sa buong biyahe ay hindi ako mapakali, ayaw akong patahimikin ng kaninang mga sinabi ni Ms. Sam dahil sa hindi malamang dahilan ay kanina pa naglalaro sa aking isipan. Kahit anong paglilibang ang gawin ko ay hindi ko magawa, pilit itong sumasagi sa nananahimik kong isipan. 

Nasa kalagitnaan kami ng pagbiyahe humingo ang sasakyan ni Ms. Sam sa tapat ng isang restaurant. May babae na lumapit sa kaniya na may dala-dalang dalawang paperbag, agad niya ito na iniabot kay Ms. Sam nang bumaba ang bintana ng kotse.

"Thank you Erlyn," wika nito havang nag-aabot ng pera sa babae. 

"Anytime Ms. S," wika ng babae bago pagtaasan ng bintana ni Ms. Sam.

"Here, baka gutom ka na. Pagagalitan ako ni Yohan kapag nalaman niyang hindi kita pinakain bago dalhin sa RG. Pasensya na, hindi kasi tayo pwedeng bumaba, may hinahabol akong oras. Dadahan-dahanin ko na lang ang pag-mamaneho para makakain ka ng maayos," wika pa niya nang iabot ang dalawang paperbag na agad kong kinuha.

"S-Salamat po."  

"Kainin mo lahat 'yan," sambit pa niya saka nagsimula nang magmaneho. "No left over please, ayaw ni Yohan no'n."

Agad kong binuksan ang unang paper bag, hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga pagkaing ito pero sa amoy palang sobrang bango na.

Nakakagutom nang sobra.

Tahimik kong nilalantakan ang mga pagkain habang bumabyahe, eto na lang ang pinagkaabalahan ko habang abala rin si Ms. Sam sa pagmamaneho. Napatigil lang ako sa pagkain ng marinig kong may kausap siya mula sa  cellphone niya na nakaconnect sa parang itim na bagay sa tainga nya. 

"Yes, kasama ko na nga si Ms. Elliese.  Natapos na ba ni Yohan ang lahat ng dapat pirmahan?" Huminto siya saglit, "Aba himala yata na bukod sa nag over-time ang MASIPAG nating amo ay inuwi niya pa lahat ng papeles." May riin at tunog sarkastiko ang boses ni Ms. Sam.

Natigilan ako sa pag-nguya ng pagkain at gumana ang radar ng pagiging chismosa nang marinig ko si Ms. Sam, sorry po nay. Nahawa lang po ako kina Aling Tess, pero promise hindi po ako kasing husay nila. 

"H'wag mo munang sasabihin kay Sir Yohan ang tungkol kay Elliese ha? Makaka-asa ba ako sa'yo Alona?" Matagal bago muling nagsalita si Ms. Sam, mukhang hinintay niya pa ang Alona na kausap niya sa kabilang linya. "Ako na muna ang bahala sa kanya, I will let her live in my condo muna. About sa ate Cherry niya, ako na rin ang bahala na magsabi sa kanya— Sige, I'll see you tomorrow."

Pinindot niya ang telepono na nakapatong sa parang patungan sa tabi ng manibel, hindi ko alam ang tawag basta sa taas 'yun ng parang radyo. Liningon niya ako at nginitian, nginitian ko rin namang siya pabalik.

Si Ms. Sam? Ang ganda-gand niya sobra. Sobrang perfect ng mga labi niya, ng ilong niya, ng mga mata niya. Feel ko nga ay crush ko siya e, 'de joke lang. Loyal ako kay Henry ko.

"Madilim na and you need rest, I'll bring you to my condo muna. Bakante naman 'yon at nagagamit ko lang kapag dumadating ang girlfriend ko but for the mean time ikaw na muna ang gumamit since wala ka pang permanent na matitirahan. And hopefully bukas, meron na." 

Girlfriend? Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya?

"Paano ka po Ms. Sam? Saan ka po titira?"  Tanong ko naman, kasi kung ako ang titira sa condo niya paano siya?

"Don't worry, I have my own house," wika pa niya.

Sana all!

"Salamat po Ms. Sam, sobrang laki po ng tulong mo po sa akin." 

"Just call me Sam and please refrain saying thank you, alam ko naman na you are grateful pero don't thank me. Thank Yohan instead, siya talaga ang utak ng paghahanap sayo."

"Si Sir Yohan po?"

"Yes, siya ang lahat ng may nais nito."

Hindi na ako muling nagtanong kahit na na sobrang nakakaka-curious kung bakit kinailangang hanapin pa ako ni Sir Yohan. Medyo nababahala ako ng very light pero ignore ko muna since wala pa namang nangyayaring masama sa akin baka he's just kind and siguro nga, alam niya na maggiging bayaw ko siya in the future.

Sumakay kami ni Ms. Sam sa elevator ng makarating kami sa condominum building, sa floor 10 matatagpuan ang condo niya. Matapos niyang ikonekta ang cellphone ko sa wifi at habilinan kung saan nakalagay ang mga stock niya ng pagkain, safety protocols, at kung ano-ano pa  ay umalis na rin siya.

Kasalukuyan kong inuubos ang pagkain na ibinigay ni Sam kanina nang makatanggap ako ng video call mula kay Zarina, ang matalik kong kaibigan.

"Patay ako dito, hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanya kanina."Siyang bulong ko sa sarili.

"Elisa!!!" Sigaw nito mula sa cellphone ko. "Nasa Manila ka pala hindi ka man lang nagpaalam sa akin," wika niya na may halong pagtatampo.

"Pasensya na Za, biglaan kasi e. Kailangang-kailangan ko na rin maghanap ng trabaho." 

"Wait, kung nasa Manila ka that means tinanggap mo 'yong alok na trabaho ni Sir Pogi," 

"Sir Pogi?" 

"Oo! 'Yong Yohan Carbonel, kapatid ng jowariwap mo. Ayun si Sir Pogi," wika pa niya.

"Ahh... oo, tinanggap ko na. Gipit na gipit na ako sis e, nawalan na ng trabaho ang kumareng Elsa mo." aniko saka muling sumubo ng mga gulay-gulay.

"Goods naman pala, siya nga pala, saan ka tutuloy ngayon?" tanong pa niya na tila may sinisipat. 

Uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot, "Pinahiram ako ni Ms. Sam ng condo, tignan mo oh." Inalagay ko sa back cam ang camera at inilibot ito para ipakita kay Zarina ang kabuuan ng condo. 

"Taray Sis, yayamanin tayo ngayon ah." Natatawa niyang sabi.

"Shungak! Pahiram lang 'yan, hindi naman habang panahon nandito ako sa condo at nakikitira. Kailangan ko rin magsumikap 'no? Nakakahiya rin kasi na umasa sa kanila." 

"Kaya loves kita e, sobrang hardworking talaga ng best friend ko na 'yan, o siya mag-iingat ka d'yan. Dalaw ako sa condo na 'yan minsan, text mo na lang 'yong address ah. Kailangan ko na ibaba Elisa, sumisigaw na ang Ninang mong Chona at pinapatulog na ako." Nagmamadaling paalam niya.

"Sige na sige na, tulog ka na. Love you Za."

"Love you Elle!" 

Matapos ang tawagan namin ni Zarina ay agad ko na rin na itinext ang eksaktong address ng condominum. Napagpasyahan ko na rin na ligpitin ang mga pinagkainan ko at urungin ito, naligo na ako at nagpalit ng damit.  Bago ako pumasok sa kwarto ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng condo unit.  Ang malaking bintana, yung balkonahe, yung magagarang pinggan at gamit sa kusina, malambot na sofa, malaking kumot, yung aircon at wifi, pati na ang pantry na maraming pagkain. Lahat lahat, isa-isa kong hinawakan at inamoy-amoy.

"Balang araw, magkakaroon din tayo ng sariling bahay, nay." bulong ko sa sarili habang iginagala ang mga mata ko. "Kaunting tiis na lang po, magkakaroon rin tayo ng sariling bahay at lupa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top