CHAPTER 45
YOHAN
Katatapos lang ng wedding seminar namin kanina sa St. Agustin Church, bumabyahe kami ngayon ng fiancée ko papunta. I want to spend a day with her, masyado siyang maraming iniisip. Elle deserves a break- peace in particular.
Gusto ko siyang dalhin sa isang lugar kung saan mapapayapa ang kaniyang isipan. Wala akong ideya kung saan- tho marami akong alam na lugar kung saan puwede ko siyang dalhin. Hindi ko nga lang alam kung magugustuhan ni Elle.
Kanina pa siya walang imik, tila malalim din ang iniisip niya.
Hindi ko kaya na tumagal ang isang minuto na hindi ko man lang naririnig ang boses niya. Kating-kati na ako na kausapin siya ngunit hindi ko naman puwedeng pilitin siya.
I don't want to control her- na gaya ng ginagawa ko noon. Tapos na ang pagpapanggap namin, she's not my employee anymore. She's my fiancée- no, she's my wife. With or without wedding, she's still my wife.
"Mahal, saan mo gustong pumunta?"
Otomatikong gumalaw ang aking ulo para lingunin siya.
"M-Mahal, ikaw ba?"
"You choose, ako nga itong nagtatanong e." Impit siyang natawa.
"No, you choose."
"Kung saan ka, doon din ako. Iisa na tayo, Yohan." Mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti
Napangiti na rin ako, seeing Elle's smile makes me happy. Walang katumbas, nag-iisa lang.
"Do you want to buy something? Mag-shopping tayo, baby."
"Ikaw ang bahala, do your thing." aniya saka niya iniabot ang isang kamay ko na nasa manibela.
"Hindi ka na magagalit kung magwawaldas ako ng milyon?"
"Wala naman akong magagawa kahit pa magalit ako e." Impit siyang natawa- a genuine laugh.
Kind off weird pero mas mabuti nang ganito siya tho hindi ko maiwasan na mag-overthink.
"Magsa-shopping tayo then we'll going to a place where we can spend our day alone."
"Gusto rin kita ma-solo Yohan- this passed few days kasi lagi ka na lang wala."
"Sorry baby, alam mo naman na sobra akong naging busy sa opisina. Para sa atin naman ang ginagawa ko, para sa future nating dalawa."
"Alam ko naman 'yon, mahal." Muli siyang ngumiti. "Natatakot lang ako na mawalan ka ng oras sa akin."
"That thing won't happened." I said as I gaze at her. "I love you, Elle."
"Mahal na mahal din kita, Yohan ko."
"Baby, I will assure to you that I will going to be a good father, provider, and husband to you." I took her hand and showered it with little kisses. "Rest assured that everything will be fine, wala kang dapat isipin."
She just nod, and gave me a half-smile. A half, worried smile.
"Are you okay? What's the matter?"
"Si Bella..."
"Baby-"
"M-Magkaka-anak na kayo, Yohan. Malaki ang tiyansa na gamitin niya 'yong baby niya para makuha ka at-"
"Hindi mangyayari 'yon, Elle. Hinding-hindi, okay? Trust me, I won't leave you. Kung para sa kaniya, mas gugustuhin ko na lang mawalan ng kakayahan na magkaanak."
"Pero Yohan..."
"She deserves to rot in jail."
Tama.
Bella deserves it.
Bakit pa kasi kailangan niya na makalaya pa?
Ang kriminal na kagaya niya, hindi dapat binibigyan ng freedom.
Kung hindi kikilos ang ate ko, ako ang gagawa. Ako ang magpapakulong sa kaniya, I just need to gather a lot of solid evidences to put that devil woman in jail.
"Gusto ko ng ice cream," put of nowhere ay sambit ni Elle. "Chocolate flavor, 'yong maraming chocolate syrup. May almond at marshmallow."
"Is that all?" Hindi na ako nagtanong pa, hinayaan ko na lang siya. Atleast, nawala sa isip niya ang bagay na 'yon.
"Gusto ko rin ng cotton candy, ng cake, at..." huminto siya saglit. "Ano nga ba ulit 'yon?"
"Chicken inasal?" I guesses. It's her favourite.
"Paano mo nahulaan?"
"It's your favourite, paanong hindi ko mahuhulaan?" Natatawa kong tanong.
"Hm..." He look at me suspiciously.
"What?"
"Maglaro tayo, Yohan. Traffic pa naman e, para iwas buryong."
"What kind of game?"
"Kapag nasagot mo lahat ng itatanong ko, I will let you do everything during pur honeymoon pero kapag hindi—" She paused, her lip was curved into a smirk.
"Kung hindi, anong mangyayari?"
"Magkakamay ka sa honeymoon natin, no penetration, no foreplay."
"What do you mean by—"
Wait...
No penetration?
No foreplay?
In short, walang making love session sa honeymoon namin.
That's fine, actually.
Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya but it's our honeymoon but—
"Wala rin palang kiss— any type of kiss bawal. Bawal din ang hug, bawal din hold hands." Natatawa niyang sabi.
Damn it.
"No." Mariin kong sabi.
"No?"
"No."
"Why no?"
"Kung kailan naman ikakasal tayo, saka mo naisip yang laro na 'yan. Huwag na lang kaya tayong magpakasal." Kunwaring pagtatampo ko with matching padyak effect.
"Ayaw mo na ba akong pakasalan?"
Oh shit.
No.
Yohan, take it back.
"Ayaw mo na ba akong maging asawa?"
"That's not what I mean, it was just a mis—"
"H-Hindi mo na ba ako mahal?" She was teary-eyed.
Great, Yohan. You make your future wife cry.
"Of course, I love you. Hindi ko sinasadya na—"
"S-Si Bella na ba 'yong—"
"Baby, listen to me." I turn my body to her. "I love you okay, that's not what I mean. It supposed to be a joke."
"Jokes are half meant." Seryosong sambit niya kasabay ng paglaglag ng mga butil ng luha sa kaniyang mga mga
"Baby, please listen to me—"
Sinubukan ko na iharap siya sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang magkabilang balikat ngunit umiwas siya at humarap sa direksyon ng pinto.
"Baba ako, buksan mo ang pinto." mahinang usal niya.
"No, Elle. Hindi ka puwedeng umalis." aniko habang inaalis ang seatbelt ko.
"Bakit? Dahil sinabi mo?"
"Listen to me first, please."
Nang maialis ko ang seatbelt ay agad ko na ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang beywang saka ko siya hinila papalapit sa akin.
"You can't go anywhere, baby. Hangga't hindi tayo nagkaka-ayos, dito ka lang." I whisper on her ears. "I will never, ever let you go again. Never again, not even in my dreams. I won't let this little misunderstanding decide our fate nor ruin us." I said as I buried my face on her shoulder.
"Mahal na mahal kita, Yohan. Alam ko naman na nagbibiro ka lang pero hindi ko maiwasan na—"
"I'm sorry, I'm sorry I didn't mean to hurt you, baby. I'm sorry for being insensitive, baby. I'll be careful, next time. Just don't leave me, Elliese."
"Hindi kita iiwan, dito lang ako."
"Bati na tayo, please. Hindi ko kaya na nag-aaway tayo e, hindi ko kaya na nagtatampo ka sa akin. Nakapanghihina Elle, sobrang nakapanghihina."
"Bati na tayo, mahal ko."
"I love you, Elliese ko."
"I love you too, Yohan ko."
That stupid misunderstanding nearky choked me to death.
Akala ko talaga ay hindi na talaga kami magkaka-ayos after it, mabuti na lang talaga't nagka-ayos at nagka-intindihan kaming dalawa.
I admit, I become insensitive by telling that hurtful words that nearly ruined my relationship with my wife— yeah wife, whatever you say. Elle is my wife.
First of all, I shouldn't said that kahit pa joke lang or what. Maling-mali pa rin na sinabi ko ang bagay na 'yon.
I need to be extra careful, next time. I don't want to hurt her.
"Look baby, ang ganda ng nails ko." Elle said with a huge smile plastered on her face while showing her newly manicured nail— kakalabas lang namin galing sa loob ng spa and salon. Wala lang, na-miss ko lang na magpa-pedicure at manicure ulit.
Noong single pa kasi ako— yeah noong single pa ako. Technically, I'm taken now— malapit na maging married— ay halos araw-araw ako na nadirito.
I'm kind off vain— mahilig akong magpa-pogi. I do skin care— kumpleto rin ako sa skin care products. Nagpapa-facial, spa, manicure and pedicure ako.
"May I see?" I said as I took her hands and examine her fingers. "Ang ganda naman ng nails ng bride ko pero mas maganda pa rin ang bride ko." Nakangiti kong sambit.
"Bolero!" sambit niya.
"What? Kailan kita binola?"
"Lagi," nakanguso niyang sabi.
"Lagi? Lahat kaya ng sinabi ko, totoo."
"Alam ko naman 'yon, 'to naman seryoso agad."
"Seryoso kasi ako sa'yo, baby."
"Alam ko yon," ngumiti siya.
"Let's do this often, sabay tayong magpa-spa, magpa-manicure and pedicure, magpa-massage. Gawin natin 'to sa libreng oras natin, hindi kasi natin to nagawa noon e."
"Busy kasi tayo na magpanggap, hindi mo na naasikaso ang sarili mo. Puro ako na lang ang inalala mo noon, I mean magpahanggang ngayon naman . Ako pa rin naman ang inaalala mo."
"Of course, ikaw ang aking reyna. Nararapat lang na pagsilbihan, alagaan, at mahalin kita."
"I love you," aniya.
"I love you so much, Elle."
Nagpalitan kami ng mga ngiti at matapos ay magkahawak-kamay kami na naglakad patungo sa mga stall ng mall.
Matagal-tagal na rin kasi namin 'tong hindi nagagawa, ilang buwan din kaming nagkahiwalay. Kaya naman wala na akong pakielam kahit magkano pa ang mawalang pera sa wallet ko dahil para naman sa kaniya, kay Elle ang binibili ko.
She didn't ask for it.
Kusa kong ibinibigay, minsan ay pinipilit ko pa siya na bumili ng mga bagay na alam kong kailangan niya.
Why?
Cause why not? I love spoiling my wife, I love giving her present.
"Baby, try to put this on. I'm sure, babagay 'yan sa'yo." wika ko habang iniaabot ang color beige na dress kay Elle.
Ruffle top with v-neckline, above the knee ang haba, at medyo fitted ang dress.
Sigurado ako na babagay sa kaniya ang damit na 'yon that's why I pick it up and ask her to wear it.
Elle looked at me with a crampled forehead. "Another clothes?"
"Yeah."
"Yohan, pang-dalawampu't anim na 'to. Akala ko ba kaunti lang ang bibilhin natin?"
"Then let's make it thirty," I said as I move on to the next aisle.
"Yohan, stop. Huwag tayong ubos biyaya."
"This is all for you, I don't care kung magkano pa ang maging bills natin."
"How about our wedding? Hindi pa tayo tapos sa preparation? Baka ma-short tay—"
"You will marry a guy who cares money above all noong binata pa siya. Napagtanto ko na hindi ko madadala ang pera ko sa hukay so I better just spoil my wife with everything that I can buy—"
"Technically, you can buy everything." Gumulong pa ang kaniyang mga mata.
"Exactly! Just take the dress and buy more, huwag ka nang magreklamo dyan. Hindi tayo masho-short baby, trust me."
"The math ain't mathing." Muli niya akong inirapan bago kuhanin ang inaabot kong damit.
A good woman should be a man's greatest investment. Elle is a good woman, she's my greatest investment.
Sobrang worth it.
Jewelries, make-up, clothes, bikinis and swimsuit, perfume, shoes and bags— everything.
Spoiling Elle with everything makes me feel satisfied, it makes me feel alive.
Katatapos lang namin na mamili, nakaramdam ako ng gutom kaya nag-aya ako na kumain. Well, syempre si Elle ang pinamili ko ng kakainan namin— she choose to eat in a food court. Ayaw niya sa mamahalin so pinagbigyan ko, I want to try new things in her world. Iisa na kaming dalawa— there's no turning back.
"Nagwaldas ka na naman ng pera." Nakasimangot niyang sabi nang maka-upo kami matapos namin na um-order ng food.
"Mamaya mo na ako sermonan, after kumain."
"Yohan naman kasi—"
"After this, okay? Let's just eat first, alam kong pagod at gutom ka na rin."
"We have to save money, hindi habang panahon may pera tayo. Hindi habang panahon, ikaw ang CEO. Darating ang oras na bababa ka sa posisyon na yan at—"
"Yeah, I know. I will let our child run our business. Regardless of her gender, siya ang magiging Chief Executive Officer ng Royal Gem." Nakangiti kong sambit.
"Speaking of Royal Gem, this week pala magiging busy ka na. Nakita ko 'yong schedule mo, pinasa ni Alona sa akin."
"Yeah, I need to attend lots of seminars and meeting sa darating na weekdays para makapag-leave ako ng mahaba-habang araw for our honeymoon. Hindi na kasi puwedeng puro si Sam or si Ate na lang e, I need to take an action also."
"You have to, ayaw ko naman na isipin nila na dahil sa akin ay pinabayaan mo na ang kumpanya mo."
"Please, don't say that. Kumain na tayo, mahal ko."
"I just want to say something..." Elle said as she took my left hand.
"What is it, baby?"
"I-I want you to know that with or without money, with or without the fame, mahirap ka man o mayaman, regardless of your identity, regardless of your past. Yohan, I'm still going to marry you. Hindi magbabago 'yon."
God, what did I do to deserve this lady?
I feel so kilig.
I mean you know— the time freezing, sweaty palms, heart beating rapidly, my knees weakening, butterfly inside my stomach and the tears that I couldn't stop from flowing.
Gusto ko na po talaga na mapadali ang kasal nami ni Elle, hindi na ako makapaghintay na mapakasan ang babaeng 'to.
Elle, sobrang mahal na mahal kita at hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko siya— na pinilit ko siya na makilala.
"I love you, Elle."
"Mahal na mahal din kita Yohan, patuloy kitang mamahalin through thick and thin." aniya kasabay ng isang matamis na ngiti.
"Kumain na tayo bago pa ikaw ang kainin."
"Yohan, kalma ka muna. Darating tayo diyan, malapit na. Isang linggo na lang tayong maghihintay, malapit na rin akong maging official na Mrs. Carbonel."
"Mrs. Carbonel ka na, noon pa."
"Sino nagsabi?"
"Sabi ko, wala ka namang choice e." Natatawa kong sabi.
"Ayaw ko na ng iba pang choice, nandiyan ka na e. Bakit pa ako maghahanap ng iba?"
That's it.
Wala na, Yohan Carbonel ninyo hulog na hulog na hulog na hulog na hulog na talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top