Chapter 43
ELLE
Right after Yohan's proposal ay naging abala kaming lahat sa darating naming kasal. Halos ang pamilya ni Yohan, at si Tatay Arthuro ang gumastos at sumagot para sa lahat habang si Nanay naman ay ang totoka sa pagkain at tutulong sa pagluluto. Si Zarina ang napili ko para maging maid-of-honor sa araw ng kasal nami ng Yohan ko, sina Sam, Julia, Cathy, Sandara, Marigold, Ate Honey at Alona naman ang mga napili namin ni Yohan para bridesmaid ko. Si Henry ay pumayag na maging best man, ang Daddy ni Yohan ang pumili sa kaniya. Hindi kasi kami nakakapag-usap na dalawa at kapag nagkikita naman kami sa bahay ng mga Carbonel ay tanging ngitian at tanguan lang ang way ng communication namin.
Ako na rin ang umiiwas alang-alang sa nobyo kong si Yohan, mahal ko siya at ayaw kong gumawa ng bagay na magiging rason para magtalo kaming dalawa at pagdudahan niya ang pagmamahal ko sa kaniya. Ayokong saktan ang mahal ko, hindng-hindi ko makakayanan na saktan ang tulad ng Yohan ko.
Matagal na naman akong nakapag-move on mula sa unsuccesful relationship naming dalawa. I don't actually find it as failure but unsuccesful, pareho kasi kaming hidi naganapan ang role naming dalawa. Anyways, past na naman na 'yon. Narito na ako sa present and anytime soon, future na kasama ang pinakamamahal kong soon-to-be asawa.
Nandito kami ngayon sa hotel kung saan gaganapin ang venue ng reception para sa kasal namin ni Yohan, hotel ito na pagmamay-ari ni Yohan na nais niya daw ipamana sa magiging babaeng anak namin. Anyway, red and white ang napili namin na maging wedding motif. Red is my favourite color, white naman ang kay Yohan. Although, hindi naman talaga color ang white ay ipinush niya pa rin dahil wala naman daw siyang ibang favourite maliban sa akin. Corny, right?
Katatapos lang namin na mag pre-nuptial pictorial kanina at namamahinga na ako sa loob ng kwarto ko, katatapos ko lang na mag-shower at nagpapatuyo na lang ako ng buhok. Nakasuot na ako ng night dress at ready na ako matulog para maghanda para bukas.
Yohan booked the whole hotel for our wedding preparation para hindi na kami bumabyaheng lahat. Nandito na ang buo naming pamilya, maging ang pamilya ni Zarina at sina Julia at Sam.
Pansamantala kami na naghiwalay ng hihigaan ni Yohan, utos ng Tatay ko. E ang kaso ay makulit talaga itong si Yohan at gabi-gabi pa rin na tumatabi sa akin kapag malalim na ang gabi at natitiyak niya na tulog na ang lahat lalon-lalo na ang mga Tatay namin.
Kakatapos ko lang na magpalit ng damit at magtanggal ng make-up, nahiga ako sa malambot na kama habang nakatingala sa puting kisame habang inaalala ko kung paano kami nagsimula ng fiance ko at sa kung paanong paraan kami nahulog sa isa't isa. Although, hindi talaga malinaw kung paano ako na-fall sa kaniya dahil biglaan na lang e.
I just found my whole damn self falling for him.
Nakakatuwa, nakakamangha, nakakabigla, at talaga namang hindi ko inaasahan ang lahat.
Nagsimula kami sa isang pagpapanggap na hindi namin alam na mauuwi pala sa totohanan, sadya talagang mapagbiro ang tadhana
Matiko na napangiti ako habang binabalikan ko ang mga unang araw na nagkita kaming dalawa, noong unang araw na nagkita kami sa pageant sa baranggay, noong inalok niya ako ng trabaho at magpanggap bilang nobya niya kung saan nagsimula ang lahat.
Everything is just a pretention not until I gave my all of me to Yohan, masyadong maaga yet doon ko naramdaman na parang iba na ang lahat. Na tila ba, hindi na siya nagpapanggap.
I was in the middle of reminiscing things nang maapatigil ako dahil sa ilang pagkatok sa pinto ng kwarto ko, mabilis ako na bumangon mula sa kama at saka nagtungo para buksan ang pinto.
"Sino kaya ito?" tanong ko sa sarili.
Imposible kasing si Yohan dahil nagpaalam siya na sasamahan muna ang Daddy para tignan ang bago nilang business na nasa same area lang din. Napilitan siya sumama dahil ayaw niya magalit ang Daddy niya kaya no choice siya. Imposible rin na si Zarina or isa man sa mga kapatid ko ito dahil naroon sila sa pool area at nag-eenjoy.
Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang pigura ni Henry, nakangiti siya ngunit malungkot ang mga mata. Nanunuot ang matapang at talaga namang masangsang na amoy ng alak na nanggagling sa kaniya.
"Henry, anong ginagawa mo rito?"
"Ikakasal na ang babaeng mahal ko, ang kaso hindi sa akin." Kasabay ng pagbuka ng kaniyang bibig ay siyang paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata. "Elle... E-Elle ang sakit... sobrang sakit." aniya habang hinahampas niya ang kaniyang dibdib gamit ang kamay niya na nakakuyom
"Henry I'm sorry, patawarin mo ako." Hindi ko alam ang sasabihin kung kaya't 'yon na lamang ang sinambit ko.
"Elle... hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kaya, mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Elle..." basag ang boses niya at sa bawat pagsasalita ay may kasunod na paghikbi. "Bakit mo ito ginawa sa akin? Bakit mo ako ipinagpalit sa kapatid ko? Alam ko naman na marami akong pagkukulang, alam ko naman na nag-cheat ako sa'yo ng twice pero sobra naman 'tong iginanti mo sa akin. Kapatid ko si Yohan e, kapatid ko na mas magaling sa akin sa lahat ng aspeto."
He cheated, twice yet wala na akong nararamdaman. I didn't even flinched nor felt sad. Para akong namanhid.
"Patawarin mo ako, alam kong sobra kita na nasaktan pero hindi mo ako masisisi. Nasaktan mo rin ako Henry, napagod ako." I said, without cracking a voice.
Siguro nga, wala na talaga akong pakielam.
"Mahal mo pa ako 'di ba? 'Di ba Elle, sabihin mo...please. Please sabihin mo na mahal mo pa ako. Nakiki-usap ako sa'yo, mahal ko."
"I used to pero hindi na ngayon, wala na akong nararamdaman para sa'yo."
"Elle, kailan ka pa natuto na magsinungaling? Hindi ka naman ganyan dati. "
"Hindi ako nagsisinungaling Henry, wala na talaga akong nararamdaman para sa'yo. Tapos na ang lahat, tapos na ang pagtitiis ko. Naubos na ang pagmamahal ko sa'yo."
Umiling-iling pa siya. " Alam kong mapipilitan ka lang, napipilitan ka lang na sabihin 'yan. Mahal mo pa ako Elle, alam ko 'yan. Ramdam ko 'yan, ramdam na ramdam ko. Ako pa rin ang mahal mo Elliese ko, pera lang ang habol mo kay Yohan 'di ba? Pera lang niya ang gusto mo, tama ba ako?"
"Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin, Henry? Na pera lang ang dahilan kung bakit ako magpapakasal kay Yohan, sa kapatid mo."
"Elle, I'm sorry."
"Sige, aaminin ko na, Siguro nga, noong una ay pera lang ang nais ko kaya ko tinanggap ang alok ni Yohan para magpanggap ako bilang fiance niya kasi gipit ako. Kailangan kong kainin yong pride ko para may maipakain ako sa pamilya ko." Pag-amin ko, kasabay ng paglaglag ng luha sa mga mata ko. "Siguro nga, pera lang talaga ang habol ko sa kaniya noon. Oportunista ako e, ambisyosa, at desperada na makaahon sa hirap pero hindi 'yon ipinaramdam ni Yohan sa akin e. He treats me more than I expected, iba ang itinrato niya sa akin. Minahal niya ako, Henry. Pinagsilbihan, nirespeto, at higit sa lahat ipinaglaban niya ako."
"E-Elle..."
"Ipinaramdam ni Yohan ang lahat ng hindi mo naiparamdam sa akin, binuo niya ako. Kung tutuusin, pinansiyal lang naman ang ipinangako niya sa akin but he gave me more than that. Kay Yohan ko naramdaman na hindi ako nag-iisa, na may taong magmamahal sa akin, na may taong pupunas sa mga luha ko, at yayakap sa akin sa tuwing nangangailan ako ng pagkalinga."
"K-Kaya ko naman gawin sa'yo ang lahat ng 'yon e."
"Pero hindi mo ginawa, hindi mo ako pinaglaban at ang masakit pa ro'n... parati mo akong idine-deny sa harapan ng maraming tao."
"E-Elle..."
"Sorry Henry... sorry pero hindi na kita mahal. Si Yohan lang ang minamahal ko, siya lang at wala nang iba kahit lumuhod ka pa sa harapan ko ngayon. Hindi mo mababago ang dinidikta ng puso ko. Kay Yohan ako magpapaksal at kay Yohan ko ibibigay ang buong sarili ko. Naiintindihan mo ba ako? Now if you cannot accept i, you are free to leave. Maghahanap na lang kami ng iba pang puwedeng maging best man para sa kasal ko."
"Elle please," pilit niya pa na kinukuha ang kamay ko pero hindi ko ito ibinigay . "Please Elle, ako na lang ulit."
"Huwag mo siyang pilitin!"
Mula sa hindi kalayuan ay naulanigan ko ang boses ni Yohan, nagmamadali siya na lumapit sa akin at marahan ako na ipinasok sa loob ng kwarto, isinara niya tin ng kaunti ang pinto saka siya humarang dito.\
"Yohan, please let me talk to Elle." Henry begged.
"That's enough, narinig mo naman ang mga sinabi niya 'di ba? Hindi ka na niya mahal, ako na ang mahal niya."
"Yohan ibalik mo na sa akin si Elle please..."
"Are ypu deaf? Hindi ka na nga niya babalikan, tapos na kayo matagal na."
"Ibalik mo na sa akin si Elle please, ikakamatay ko Yohan. Ikakamatay ko kapag nawala siya sa akin ng tuluyan."
"Kapag ba pinayagan kita na makasama si Elle tonight, titigilan mo na ba siya? Hahayaan mo na ba kaming dalawa na sumaya?"
Ha? Anong sinasabi ng lalaking 'to?
"P-Papayagan mo ba ako?"
"I'll let you stay with her, hold her, touch her, kiss her, and even fuck her." Mariin nitong sabi.
Gago ka ba Yohan?
Binebenta mo ba ako?
"Papayag ka?"
"Oo."
"Talag ba Yohan?"
"Oo, basta papayagan mo rin akong torturin ka, i-salvage, at patayin tapos ipapakain ko sa mga buwaya ang katawan mo. get the hell out of here!" Ramdam ko ang pagtitimpi sa boses ni Yohan, mukhang ayaw niya makipag-bardagulan ngayon pero masyadong gruesome naman ang mga lumalabas sa bibig niya
"Hindi mo naman talaga mahal si Elle, alam kong ginagamit mo lang siya."
"Ewan ko sa'yo," tinalikuran niya na si Henry saka pumasok sa kwarto ko. "At ikaw naman, ine-expect mo siguro na gagawin ko 'yong kanina no?"
"Tanga, anong ine-expect? E ikaw nga 'tong nakikipagtrade sa kanyia kanina. May nalalaman ka pang 'I'll let you stay with her, hold her, touch her, kiss her, and fck her.' kanina. Anong akala mo sa akin? Laruan na puwede mong ipahiram kung kani-kanino?"
"I didnt' mean it, you are mine Elliese." wika pa niya saka medyo yumuko para maabot ang labi ko at siniil ako ng isang malalim at sinserong halik. Hinapit niya ang beywang ko papalapit sa kaniya at ipinulupot niya ang kaniyang isang braso sa beywang ko habang ang isang kamay niya ay nasa ilalim ng damit ko at iminamasahe ang aking pang-upo.
He then lifted me up on the side table and make me wrapped my legs on his waist.
Napansin ko na bago ako umupo ay naka-awang ng bahagya ang pinto, naaninag ko pa ang pigura ni Henry na nakatitig sa aming dalawa ni Yohan. Saglit ako na tumigil sa pagtugon sa mga halik niya, napansin niya ito at pinukol ako ng masamang tingin bago niya itinuon ang mga mata sa direksyon kung saan ako nakatingin.
"Elle..."
"Si Henry..."
"What about him? Nahihiya ka ba na nakikita ka nya na nakikipaghalikan sa akin?"
"It's not that, inamin niya kasi kanina na nag-cheat siya sa akin ng dalawang beses habang magkarelasyon kami noon." Mahinang usal ko.
"Does it affect you?" Umiling ako bilang sagot. "Kung gano'n, bakit mo na-bring up?"
"I think I cheated too, with you."
"Nope, you didn't. Wala na kayo no'ng naging tayo" aniya at muli akong hinagkan sa labi. Sinapo ng mga kamay niya ang magkabilang pisngi ko at pagka ay marrin ako na tinitigan "Now, I want you to focus on me, just on me. Okay?" Marahas niya na sinipa ang pintuan dahilan para sumara ito at mag-create ng malakas na ingay.
Muli niyng ibaling sa akin ang mga tinigin niya. "Magiging asawa mo na ako, sa akin lang dapat ang mga tingin mo. Do you understand?"
"Oo, mahal ko."
Muli niya akong siniil ng mababaw at panandaliaang halik. " End of conversation. Now, let's proceed to our business." Nang akma niya akong muling hahalikan ay iniiwas ko ang ulo ko para hindi niya maangkin ang mga labi ko.
Bigla ko kasing naalala ang paalala ni Tatay, medyo nagi-guilty ako kasi sinusuway ko 'yon dahil hinahayaan ko si Yohan na angkinin ako kahit hindi pa kami kasal na dalawa.
"After ng kasal." Mariin kong sabi.
"Just one round, Elliese. Pagbigyan mo na ako, huwag mo naman akong tanggihan, baby."
"Dalawang linggo na lang naman e, kapag naikasal na tayong dalawa. You can fck me non-stop, kahit araw-araw pa 'yan at kahit saang lugar o kahit ano pa mang posisyon. I'll let you, huwag na muna ngayon." aniko habang bumababa mula sa side table.
"Ang daya naman e," ngumuso siya. "Si Daddy nga hindi kasal no'ng nabuo si Ate Yoora at Ate Yanna e," kakamot-kamot sa ulong sabi niya.
"Sila 'yon at hindi tayo."
"Ilang gabi na tayong hindi nagse-sexy time, Elliese. Simula noong naging busy tayo sa pag-oorganize ng wedding namin."
"Ah so gusto mo ba na mag-sexy time na lang tayo non-stop at huwag na tayong ikasal, gano'n ba?" Ipinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib ko.
"That's not what I mean, of course I want to marry you. Baby naman e."
Ang cute niyang tignan, ismo siya batang namimilit para magpabili ng laruan na gustong-gusto mo. I can see how desperate he is, from his pouting lips and almost teary-eyed eyes.
"Fine, just one round and after this ay babalik ka na sa room mo, okay?" Nang akmang maglalapat na ang mga labi namin ay siya namang pagbukas ng pintuan. Medyo malakas ang pagkakabukas kaya tumama ito sa nananahimik na hallay table.
"Ano? Hindi makapaghintay, Yohan?" Boses iyon ni Daddy Harrison, my soon- to- be father-in-law. He's with my Tatay Arthuro and Tatay Jun- my stepfather.
"DAD!" Frustrated nitong sigaw harapin niya ang direksyon kung nasan ang Daddy niya
"Nag-usap na tayo 'di ba? Nag-promise ka sa akin na saka ka bibira kapa tapos na ang kasal ninyo ni Elliese at kapag official na siyang Carbonel, naalala mo pa ba?." ani Daddy ni Yohan saka hinila ang braso ng fiance ko papalayo sa akin.
"Dad naman e! I've been in coma for a month, natural lang na mananabik ako kay Elle."
"Sige na po Dad, pakitangay na po siya." Natatawa kong sabi nang hawakan ng Daddy at ni Tito Jun ang magkabilang braso niya habang inilalabas ng kwarto ko.
"WHAT?" Si Yohan iyon. "Dad get off me!" Pagpupumiglas nitong si Yohan.
"Sumama ka na lang hijo, h'wag ka nang umangal pa" Si Tatay ang nagsalita "Hindi maipagkakaila na anak mo nga 'yan talaga, Harrison."
"Syempre, bunso ko ito e." Natatawang sabi ng Dad ni Yohan. "Mauna na kami ah," pagpapaalam pa niya.
"Ikaw na ang bahala nsa anak natin, Arthz. Turuan mo ng leksyon," ani Tito Jun bago niya isara ang pinto .
"At ikaw naman, Elliese." Nawala ang kaninang mga ngiti ng Tatay nang lingunin niya ako
"Wala po akong kasalanan,Tay. Siya po 'tong punta nang punta dito e." Pagdepensa ko sa aking sarili, mahirap na at baka madamay pa ako sa punishment ni Yohan.
Natawa naman ang Tatay. "Mabuti na lang at hindi kagaya ng mga magulang ko sina Harrison at Yvonne dahil tinanggap nila ang nag-iisang prinsesa ko." Maigi niya akong tinignan saka niya kinuha at hinawakan ang magkabilang kamay ko.
"Tay."
"Kung kagaya lang ng Mama ko ang parents ni Yohan, hindi ka siguro nakaranas ng hirap anak." Lumaglag ang luha mula sa kaniyang mga mata na agad ko naman na pinunasan gamit ang hinlalaking daliri ko.
"Kung hindi po ako nakaranas ng hirap, Tay baka hindi ko po nakikilala si Yohan. Baka hindi po ako ikkaasal sa lalaking mahal ko kaya salamat po kasi gano'n ang nangyari ang sinapit ko. " Mahigpit ako na yinakap ni Tatay at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Ipinapaubaya na kita sa kaniya, anak dahil nakikita ko na nasa mabuti kang kalagayan."
"Mahal na mahal niya pa ako, Tay. Siya lang po ang tanging lalaki na nakapagparamdam sa akin ng wagas na pagmamahal. 'Yong pagmamahal na, ako lang talaga at sa akin niya lang iniaalay."
"Alam ko anak at masayang-masaya ako para sa'yo—para sa inyo ni Yohan."
I couldn't see his face but I can feel how sincere my father is. Hindi ko mapigilan na mahing emosyonal, matagal-tagal kami na hindi nagkasama.
Twenty-four years din 'yon.
"Salamat po, Tatay." aniko nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap.
"Anak, huwag ninyo sana akong kalimutan kapag nagkaroon na kayo ng sariling pamilya ni Yohan ha."
"Syempre naman po, dadalawin po namin kayo ni Yohan, magbabakasyon po kami minsan. Hindi naman po namin kayo pababayaan, mahal po kita Tatay."
"Aasahan ko 'yan kahit matagal pa 'yan basta ang mahalaga sa akin ngayon anak ay alam kong nasa mabuti ka nang kalagayan ngayon. May tiwala ako na hindi ka pabababayaan o sasaktanbman ni Yohan, ramdam na ramdam ko na sobra-sobra ka niyang minamahal, anak ko."
"Mahal na mahal ko rin po siya tatay, sobrang mahal na mahal ko po si Yohan."
Muli niya akong hinagkan sa noo. "Mahal na mahal kita, anak ko. Hinihiling ko na maging masaya ang pagsasama ninyo ni Yohan."
"Mahal na mahal po kita, tatay. Kayo po ni Nanay, ni Tito June, at mga kapatid ko. Salamat po sa mainit na pagtanggap kay Yohan at sa pamilya niya."
"Wala 'yon anak, mahal ko ang sinomang mamahalin ng anak ko."
"Salamat po, Tatay."
"O siya, magpahinga ka na. Maaga pa kayo ni Yohan, bukas ng alas-otso ng umaga ang seminar ninyo 'di ba?"
"Opo Tay, magandang gabi po."
"Magandang gabi rin, anak." Pagpapaalam niya bago siya lumabas ng kwarto.
Marahan ko nang isinara ang pinto ng kwarto, tinungo ko na ang kama ko at nang akma akong hihiga sa higaan ko ay napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko.
Calling.... unknown number
"Sino naman kaya ito?" aniko nang i-check ko ang phone ko na nakapatong sa night stand. "Hello? Sino po sila?"
"I'm pregnant, Elle at si Yohan ang ama ng batang dinadala ko."
"Sino ka?"
"Ako lang naman ang original, ang babaeng inagawan mo ng lahat."
Babaeng inagawan ng lahat?
Wait...
Oh, I see.
Nagbabalik at muling nabuhay.
"Bella?"
"Hey there, half-sis." Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang nanunuya niyang halakhak.
"Ano na naman 'tong binabalak mo?
"You heard me sis, I'm pregnant. Two months na at oo, anak namin ni Yohan."
"B-Buntis ka?"
Ismo ako naistatwa mula sa aking narinig mula kay Bella, naguguluhan pa ako kung paniniwalaan ko ba 'yon o hindi but remembering what she did to Yohan makes me realize something.
Bella raped Yohan at ngayon nagbunga 'yon, buntis na siya.
"Yeah, Ninang ka ha."
"B-Bella, nakikiusap ako sa'yo. Huwag mo na kaming guluhin ni Yohan, masaya na kaming dalawa."
"No freaking way, hindi puwedeng ikaw lang ang masaya. I'm here to ruin your dream fantasy, step-sis."
"B-Bella please, huwag mong gawin 'to. Ikakasal na kami, huwag mo namang sirain." My voice almost crack.
"Hindi puwede 'yon, hindi ko hahayaan na maikasal kayong dalawa ng daddy ng baby ko. I'm gonna snatch Yohan, away from you." With that, she ended the call.
My body trembled as I felt the taste of melancholy inside me that makes me fell from my knees.
"H-Hindi puwede, hindi 'to puwede na mangyari. H-Hindi siya pu-puwedeng mabuntis...." My eyes were shimmered with tears that flows freely from my eyes.
Akala ko, umpisa na ito ng maliligayang araw ko ngunit hindi pa pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top