Chapter 35

Julia

"They did what?"

Umagang-umaga at kagigising ko lang pero ito bad news na agad ang bumungad sa akin. Hindi ko pa naman nahihigop ang kape sa mug na hawak ko pero nagising na agad ang aking diwa dahil sa ibinalita ni Melvin Casao, ang kaibigan kong pulis.

"Si Franco lang ang nagsabi sa akin, nalaman niya rin na pinsan pala si Zarina ang bumugbug kay Zafra. Sa narinig niya mula sa mga preso, nagsumbong  si Zarina sa ginawa ni Zafra sa mag-asawang Yohan at Elliese. Hindi malinaw kung inutusan ba ni Zarina 'yong pinsan niya dahil bigla na lang daw itong nanugod at nagwala."

"Anong pangalan nong pinsan ni Zarina? Ano rin ang kaso niya"

"Reynante Gayas Jr, double-murder." tugon naman ni Melvin.

Hindi bailable ang kaso niya., sayang.

Malaki sana ang maitutulong niya sa plano namin ni Ms. Yanna.

"Sige, salamat sa info Melvin." aniko bago patayin ang tawag at ibaba ang telepono sa lamesa. 

Linggo ngayon, plano ko sana na mamahinga saglit bago ako mag-proceed sa ipinagagawa ni Ms. Yanna pero mukhang  mauunsyami na naman sa pang-apat na beses ang pamamahinga ko ngayong araw dahil sa nangyari kahapon. 

Kaya naman pala magdamag siyang hindi nag-text sa akin, may ginagawa pala ang bruha. 

"Good morning babe." Bati niya at humalik sa aking pisngi. "How's your sleep?'

Speaking of the devil, she's here. 

"Hey babe, good morning. Okay naman, for the first time ay nakalumpleto ako ng eight hourse of sleep. How bout you? How are you and Zarina?" Pagbabalik ko ng tanong kasabay ng isang sarkastikong ngiti.

"What? Bakit mo naman kinukumusta si Zarina?" Pagtataka niya. 

"Wala lang, balita ko kasi ay maghapon daw kayo na magkasama ng best friend ni Elle." tugon ko bago ako sumimsim ng kape mula sa mug.

"Ah yeah,binantayan namin si Elle." sagot niya naman.

"Si Elle ba talaga nag binantayan mo or may iba pa?"

"Julia, ano 'to? Anong gusto mong palabasin? I've been loyal to you. You know how much I love you 'di ba?"

"I know," I said, cooly.

"Kung nagseselos ka  kay Zarina, please don't. Straight siya, lalaki ang hanap niya." 

"HI'm not jealous of her pero masama ang loob ko sa inyong dalawa for doing such action na hindi mo man lamang ikinonsulta sa akin."

"B-Babe..."

"Answer me, bakit hindi ninyo man lang ako sinabihan?" mahinahon ngunit mariin kong sabi.

"I'm sorry, nadala lang ako ng emosyon ko. It's just an impulsive decision nagi-guilty ako at ginawa namin 'yon. I shouldn't do that thing. " 

"Bakit ka nagi-guilty?" She looked at me with wide eyes. "Deserve niya 'yon, babre Look at Elle and Yohan, sobra silang nahihirapan na dalawa.  Hindi ko na kinakaya na makita pang na nagkakagano'n ang mga kaibigan natin, especially Elle."

"Hindi ka galit?"

"Why would I? Pabor pa nga sa akin ang ginawa ninyo, ang daya ninyo lang kasi hindi ninyo ako ininform." Inirapan ko siya.

She sigh in relief.

Effective talaga ang pagiging best actress ko minsan, the kunwaring galit na expression willlways be my top tier emotion whenever I wanted  to pull pranks on my girlsfriend.

Don't worry, very soon ay mago-audition na ako sa Royal Gem. 

"Akala ko galit ka e, ready na sana ako manghingi ng pera kay Yohan para ibili ka ng ticket pa-Japan. Handa talaga ako na gisingin si Yohan para lang manghuthut ng pera." Natatawa niyang sabi habang humihiwa mula sa sliced cake na nasa harapan ko.

"Ikaw naman, parang eng-eng. Anong akala mo? Walking ATM machine si Yohan? Siraulo."

"Hindi gaga, may pera ako sa kaniya, nakatago dahil alam niya na masyado akong gastador."

"Pareho naman kayong gastador e, ikaw sa  anime collection mo si Yohan naman kay Elle." Impit rin naman ako na natawa bago sumimsim ng kape sa aking mug. "Akalain mo 'yon, si Yohan na mahiyain ay natutong umakyat ng ligaw."

"Marunong naman siya manligaw, e ang kaso nauunahan talaga ng hiya ang mokong na 'yo—" Napahinto siya  nang tumunog ang kaniyang cellphone, agad niya ito na kinuha mula sa kaniyang bulsa at mataman na tinignan ang screen.

"Who's that?" usisa ko.

"New number ni Yohan sa new phone niya na binili ko  dahil pinabili ng ate niya, two weeks after the accident." walang-hingahan niuang tugon.

"Gising na siya?"

Tumango siya. "At nakakagamit na agad siya ng phone."

"I-loudspeaker mo, alamin natin kung siya na nga 'yan."

"Huh?"

"Just do it!"

"Okay, calm down." aniya bago pindutin ang phone. "Hello Yohan?"

"Where is Elle?" Ito agad ang ibinungad ni Yohan.

Agad kami na nagkatinginan ng girlfriend ko.

"Gising na nga siya." Magkasabay naming sabi.

"Samuela Jean!  Juliana! Where is my Elle?" Mataas ang tono at halatang iritable ang boses niya. 

"Nawawala pa," pigil ang tawa nitong si Sam. "Hindi ba nasabi sa'yo ni Ms. Ya—"

"Oh fuck you Samuela Jean!"

"Fuck yourself! Tubuhan kaya kita ulit para hindi ka na makapagmura, ano?"  pabirong banta ni Sam.

"Henry told me that she's here, my baby visited me yesterday. Nobody has even dared to wake me up and that's fucking frustrating!"

"Chill Yohan, 'yong blood pressure mo tataas na naman."

"Shut up! I want my Elle. I'll pay you, dalhin mo lang si Elle dito."

"How much?"

"Name your price." aniya bago patayin ang tawag.

"Buhay na siya," hagikgik ni Sam. 

"Naninigaw na e." saad ko.

 "At hinahanap na ang kaniyang mahal na reyna." 

"Mabuti pang sunduin mo na ang reyna niya bago pa tuluyan na magalit ang mahal na hari."

"Nagbebreakfast ako e."  Lumamukos ang kaniyang mukha.

"Doon ka na kumain sa mansyon, maraming pagkain doon." 

Tumayo siya at lumapit sa akin saka  humaling sa labi ko. "Babalik ako ha, sunduin ko lang si Queen Elle. "

"Ingat sa pagda-drive, babe."

"Babalik ako, babe."

"Lagi ka namang bumabalik e." Natatawa kong sambit.

"Mahal kita e kahit na madalas ay tinotoyo ka."

"Mas malakas kaya ang toyo mo, Samuela." Inirapan ko naman siya.

"Ikaw nga inaaway mo ko lagi."

"Ikaw rin kaya," hagikgik ko.

"Hindi mo na ako love 'no?" I lifted an eyebrow. "Umamin ka."

"Juls, don't start. Mahal kita, alam mo 'yon." Huminahon ang kaniyang boses.

Usually, mataas ang ere at pride niya kasing taas ng energy at boses niya kapag trip niyang manigaw na lang dahil frustartaed siya pero pagdating sa akin ay bigla siyang nagtatransform.

 She's very soft and calm.

Ugaling mas minahal ko at nakapagpa-fall sa akin ng husto.

"Mahal mo ako." 

"I love you Julia ko!" Malakas niyang sigaw. 

"Hoy!" Nagmamadali  ako na tumayo at tinungo ang kinaroroonan niya para takpan ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay ko. "Babe naman, huwag kang mag-iskandalo dito. Ang aga-aga e." Natatawa kong wika.

"Sorry na mahal ko, ikaw naman kasi e."

"Alam ko naman na mahal mo ako, huwag mo nang ipagsigawan. Okay?"

"Magde-date tayo pagbalik ko. Okay? Promise ko 'ya—"Napahinto siyang muli nang tumunog ang phone niya. "Istorbo naman 'to," aniya nang kuhain niya itong ulit at maiiging titigan. "Magkapatid nga talaga kayo ni Yohan, pareho kayong istorbo sa bebe time namin."

"Si Henry?" tanong ko.

Tumango siya. "Huwag ko na raw puntahan si Elle, bukas na lang daw at isu-surprise niya si Yohan." She paused for a while. "His beloved brother," Sam said mockingly. 

"So what now?"

"Tulpoy ang baby time." Malandi siyang kumindat at hinagkan ang mga labi ko.

HENRY

"Samahan mo ko Henry, please. I wanna see my Elle." Pakiusap ng kapatid kong si Yohan. "Please, I want her. Sobra ko na siya namimiss, mababaliw na ako rito." 

"Dude, dude kalma lang." sambit ko sabay hawak sa magkabilang braso niya. Kanina niya pa kasi ako hinahawi, nanghihina pa rin siya pero dama ko ang malakas na pwersa niya. 

"Just let me out! I want my Elle." bulalas niya.

"Hindi nga puwede, magagalit si Ate Yanna."

 I'm keeping my cool, kailangan ko habaan ang pasensya sa kaniya. 

"I don't care what Ate Yanna said, I want my Elle. Gusto ko siyang makita! Henry, mababaliw na ako rito." Malakas na sigaw niya. 

"I knew you missed her, but you have to understand that Elle is currently going through a trying time."

Pinoprotektahan ko lang ang kapatid ko, hindi pa siya magaling na magaling. Although wala na ang mga benda at mga aparatus na nakakabit sa kaniya at hilom na ang kaniyang mga sugat ngunit kailangan pa rin namin na ingatan at protektahan ang bunso namin.

"See? Those words were also uttered by you. Ngayon niya ako mas kailangan, Henry. Alam kong nahihirapan na ang mahal ko, kailangan niya ako. Kailangan ako ng mag-ina ko." 

"Elle lost her baby..."

I wasn't supposed to say that pero biglang bumuka ang bibig ko at nasambit ko ang mga katanga iyon.

"We lost our baby..." he murmured

"Elle was saddened by the death of Lolo Igme, the loss of your baby, the accident, and the separation between the two of you. She got diagnosed having post-partum depression."

"Elle needs me, Henry. I need to be on her side, I need to help her heal, I need to dry her tears. I need to help her to recover." Nangilid ang mga luha niya. "Please, hayaan mo ako na puntahan siya, gusto kong tulungan si Elle. Kailangan niya ako."

"Kailangan niya tayo, Yohan."

"No, ako lang ang kailangan ni Elle."

"Yohan."

"Nakikiusap ako sa'yo Henry, hayaan mo na lang ako. Hayaan mo na lang kaming dalawa, oras na makakrecover siya ay ikakasal na kami. Kaya please, huwag mo na kaming pigilan na dalawa."

Yohan is already awake after three days of slumber, kagaya  noong nagising siya mula sa pagiging comatose ay si Elle kaagad ang kaniyang hinanap. Masasabi kong mas malakas talaga ang tama ng kapatid kong 'yon kay Elle kaysa sa akin, aminado ako  sa part na 'yon. 

"Gagawin ko 'yan pero sa isang kondisyon."

"Anong kundisyon?"

"Kumalma ka, huminga ka ng malalim at magpahinga. Kapag ginawa mo 'yon ay hahayaan ko kayo na magkita ni Elle. I'll give you twenty-four hours to do that."

"Twenty-four hours, maghihintay na naman ako."

"True loves waits."

"Alam ko pero hindi sa ganitong paraan at isa pa natawagan ko na si Sam."

"I'll just text her, dodoblehin ko ang offer mo sa kaniya."

"Ako ang nagpapasahod sa'yo, boss mo ako."

"May sarili akong pera bukod sa sahod ko sa Royal Gem."

"So? Whatever you say, Henry. Kaya kong triplehin ang ibabayad mo sa kaniya or mas taasan pa huwag ka lang niyang sundin. Sam is loyal to me, imposible na sundin ka niya. "

"Daniel too, loyal rin siya sa'yo 'di ba? Until he betrayed you."

"Daniel?" He asked, Yohan looks confuse. Kunot ang kaniyang noo at nakataas ang isang kilay.

"Danilo Clemente III, 'yong lalaking sunud-sunuran sa'yo noong college. Taga-buhat mo ng bag, tagakuha ng tubig, messenger, secretary, in short alipin mo siya for almost eight years? Then in just a snapped, ginawan ka ng kasamahan. Well, not really you pero si Elle. Hinaras niya si Elle noon, sa mismong kumpanya mo." litanya ko. 

"I -I remember him, how can I forget that demon?" Mariin niyang tugon.

"Kalma muna, magpalakas ka saka tayo gaganti. Iisa-isahin natin 'yang sina Daniel, Bella, Dominic Zafra at—"

"May ginawa na naman si Dominic?"

Matikong natampal ko ang bibig ko, dapat pala ay hindi ko na sinabi dahil tiyak na mas lalong manggagalaiti ang Yohan na ito. 

"Uh—"

Hindi niya puwedeng malaman, malalagot kaming pare-pareho.

"Ganito kasi 'yan e—"

I was about to speak when the door open.

Iniluwa ng pinto si Ate Yanna na matamang nakatitig sa akin.

Malakas ang pandinig nito at pakiramdam, malamang ay nasense niya na may iispill akong malaking sikreto kaya ganiyan siya kung makatingin. 

"Henry, nasa baba ang road manager mo. May contract signing ka pala ngayon, hindi ka man lang nagsabi. Late ka na." ani Ate.

She was lying. 

Hindi na ako tumatanggap ng kahit anong endorsement. 

But atleast she save me from Yohan.

Makakatakas ako kahit papaano. 

"Hay naku!" Nagkunwari akong kakamot-kamot sa ulo. "Nakalimutan ko Ate, nag-enjoy kasi ako kakabantay sa little brother natin"

"You may go, ako na ang bahala dito." Lihim na kumindat ang Ate.

"Sige po ate, m-mauuna na ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top