CHAPTER 33

Zarina

Sa puntod ng Lolo ni Elle kami nagtungo makalipas ang tatlong araw, inuna kasi namin na patignan muna siya sa isang psychologist para malaman namin kung ano ang kaniyang pinagdaraanan. Si Ate Yanna at si Tito Arturo—ama ni Elle,  ang  sasagot ng pagpapatingin sa kaniya. They wanted to make sure na okay na sina Elle at Yohan bago sila magkita na dalawa. 

Postpartum Depression ang diagnosis ng doctor sa kaniya, maraming mga kababaihan ang nakakaranasan ng gano'n matapos manganak o magkaroon ng sudden miscarriage. Sasailalim siya sa mga test at theraphy , may mga inireseta rin na napakaraming anti-depressant ang doktor para kay Elle. Tatagal ng anim hangang labingdalawang buwan ang pagtetheraphy ng best friend ko, maaraing mapa-aga o mapatagal ang paggaling niya. Nakadepende ito sa kaniya kung matatanggap ba ng katawan niya ang kaniyang sitwasyon.

Nalaman din namin na may kung anung pinaiinom na gamot si Dominic kay Elle dahilan kung bakit nagkakaganito siya—imbis na gumaling ay lalong lumalala at tila nag-iisip bata.  Pinalitan na ang kaniyang mga gamot at niresetahan siya ng bago na agad namang binili ng kaniyang Tatay.

 Matapos namin siya na ipatingin sa isang specialist ay nagtungo na kami sa St. Peter's Memorial Park kung saan nakahimlay ang Lolo Igme, she did the same—pumalahaw ng iyak hanggang sa mapagod at wala na siyang mailuha pa. Isa ito sa pinakamahirap na pinagdaraanan niya, idagdag pa ang lumalalang depresyon niya dala ng pagkawala ng kaniyang anak. 

Mahirap din para sa amin ang makita siya na nagkakaganyan, nahihirapan but we need to stay strong for her—for Elle. Kung panghihinaan din kasi kami ng loob ay paano na lang siya? Wala siyang makakapitan kapag kami ang pinanghinaan. Kahit papapano naman ay masasabi ko na matatag ako—papalitan ko na nga si Do Bong-Soon e. Maiiba na ang title at magiging, Strong Girl, Zarina Janine.

I feel bad for my best friend, hindi niya deserve ang lahat ng ito. Napakabuti niyang tao, napakabait na anak  ngunit bakit ganito ang ibinabalik ng tadhana sa kaniya?

"I'm still here, silently wishing for her fast recovery." Mahinang usal ni Sam.

"Lahat naman tayo, 'yon ang gusto. Ang gumaling si Elle at matuloy na ang pinapangarap niyang kasal kay Yohan." sambit ko. 

"Si Yohan na si Elle ang parating bukambibig," impit siyang natawa. "Alam mo, gustong-gusto kong balikan si Dominic sa kulungan at pagsusuntok-suntokin dahil sa ginawa niya sa dalawa."

"Sinira niya ang magandang buhay nang mga kaibigan natin and I feel the same, I want to make him suffer. 'Yong suffering na mas malala pa sa pagka-comatose ni Yohan at pagkakaroon ng depression ni Elle. Masama siyang tao, demonyo siya."

Tinapik niya ang aking balikat. "I hate him too, to the point na gusto ko na lang siyang barilin pero kung gagawin ko 'yon, para na rin kaming walang pinagkaiba."

"Sandwich?" Alok ko sa kaniya ng ham and cheese sandwich na baon namin. Dalawa ang hawak ko, para sa akin at para sa kaniya. Agad niya naman iyon na tinanggap.

"Thanks," aniya bago tanggalin ang plastik nito. 

"Dalawin natin si Yohan mamaya, dalhin natin si Elle." Suhestiyon ko habang ngumunguya.

"Hindi pa puwede, hindi ba't ang sabi ni Ms. Yanna ay kailangan na munang magpagaling no'ng dalawa bago sila magkita. Baka raw kasi magwala ang Sir Yohan kapag nalaman niya na gano'n ang nangyari sa Elliese niya." Pagtutol ni Sam.

"May kutob ako na sila lang din ang makakapagpagaling sa isa't-isa."

"Hindi doktor si Yohan." Natatawa niyang sabi.

"Hindi 'yon ang ang ibig kong sabihin, what I mean is baka matulungan nila ang mga sarili nila kapag magkasama sila."

"Ikonsulta muna natin 'to kay Ms. Yanna baka sakali na pumayag siya sa—" Natigil si Sam sa pagsasalita nang dumating si Ate Yanna kasama si Julia. 

"Ikonsulta ang ano?" tanong ni Ate at ngumiti.

Agad kami na nagpalitan ng mga tingin ni Sam, sasagot sana ako pero inunahan niya naman ako. "Ms. Yanna, puwede ba namin na dalawin si Yohan? Isasama sana namin si Elle, magbabakasakali kami na baka gumaan ang nararamdaman ngayon niya."

"Alam mo, naisip ko rin 'yan. Actually, that's the reason why I'm here. Gusto ko siyang isama kahit sandali sa bahay para makita niya ang kalagayan ng kapatid ko. Kagabi kasi, noon dumating ako galing trabaho. I saw Yohan roaming around the house while in his wheel chair and he was looking for Elle, ang sabi ni Henry—tatlong araw na raw siyang gano'n. Tatlong araw na rin siya na hindi natutulog. Dalawang doktor na nga ang tumitingin sa kaniya e, bukod kay Mari ay tinawagan na rin ni Daddy ang kinakapatid kong si Cassius. Umuwi pa 'yon galing America kasama ang kaniyang asawa't anak para lang check-upin si Yohan." Pagku-kwento ng Ate habang umuupo sa monoblock sa tapat ko.

"Miss na miss niya na ang mahal niya." sambit ko.

"Hindi ko akalain na tatamaan ng gano'n si Yohan, I mean Elle is just an instrument for him but it turns out to be like this." wika naman ni Julia.

Ipinagpaalam ni Ate Yanna si Elle sa mga magulang nito, ang alam ni Elle ay papasyal lang silang dalawa ni Ate. Hindi sinabi sa kaniya na pupuntahan namin si Yohan—Ako, si Sam, at Julia. Kasa-kasama kaming tatlo as a back-up, natatakot kasi si Ate Yanna na baka  hindi na umuwi si Elle after seeing Yohan. Parehong matigas ang ulo ng dalawa kaya minabuti na namin na sumama. Kailangan pa nila na magpagaling ng husto kaya hangga't maari ay  minamabuti namin na hiwalay silang gamutin.

"Bakit kasama mo ang babaeng 'yan?" Si Yoora, ang nakatatandang kapatid nila At Yanna at Yohan ang sumalubong sa amin nang makapasok kami sa bahay. My kasama siyang babae na makapal ang lipstick at hindi pantay ang kilay.

"Ate Yoora, don't start. Hindi ikaw ang ipinunta ni Elle rito, she's here for Yohan." Matigas na sabi ni Ate, lalampasan na sana niya ang kapatid niya ngunit napahinto siya nang magsalita ang babaeng mykhang cheekbones na tinubuan ng mukha.

"After everything she did for Yohan? Pupunta na lang siya dito na parang wala lang? She left Yohan and sumama sa ibang guy, Ate. She's a slut, a whore. A freaking gold digger na kung kani-kanino sumasama para magkaroon ng lots of mone. She already did it to Yohan. "

That's foul! Wala siyang karapatan na sabihan ng gano'n ang best friend ko.

"Bawiin mo 'yang sinabi mo Bella!" si Sam na mula sa likuran ko ay mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng babae.

Siya pala si Bella na nang-rape kay Yohan, she supposed to be in jail. Anong ginagawa niya rito?

Alam ba ito ni Tito Arturo?

"Why would I? Totoo naman ang sinabi ko, iniwanan niya si Yohan right after the accident. And then sumama siya sa ex kong si Dominic to have some fun and of course, to steal lots of money from Do—"

'Pak'

Hindi ako nakapagpigil, mabilis na dumapo ang kanang kamay ko sa pisngi niya. Hindi ko maatim ang mga ipinaparatang niya sa best friend ko. 

"Zarina!"

"Oh my God! Bella, darling are you okay?"

"One more foul word against Elle, hindi ako magdadalawang isip na putulin 'yang pesteng dila mo. Ang lakas ng  loob mo na bantaan ang best friend ko, wala ka namang  patunay, palakang 'to. Hindi bagay sa'yo ang lipstick mo!" Malakas kong sigaw. 

"O-Oh my G... y-you!..."

"Masakit ba?" I said, mocking her. Impit na natawa si Julia na nasa likuran ko.  

"How dare you to hurt Bella? Sino ka ba?" Bulalas ni Yoora sa akin. 

"Best friend ako ng babaeng pinaparatangan ninyo." arrin kong sambit.

"Oh, another trash from the bin." Sarkastiko ang kaniyang pagngiti.

"Utang na loob, manahimik ka kung ayaw mong pati ikaw mawalan ng dila." Pagbabanta ko.

"Oh My God! What a mouth? How disrespectful, how rude. Mag-best friend nga talaga kayo ni Elle.  Isang basura at  isang basurahan, ang pagkakaiba ninyo lang. Itong si Elle, marunong  magbalatkayo but as for you? Amoy na amoy ang sangsang ng pagkatao mo." Umirap pa siya. 

Be pigilan ninyo ako, didibdiban ko talaga ang impaktamg 'to kapag hindi ako nakapagpigil. 

"Zarina, hayaan muna siya. Huwag mo na siyang patuluan." Si Ate Yanna 'yon, nilingon niya ako. Blanko ang kaniyang mukha ngunit naluluha nag kaniyang mga mata. "Nakatatanda siya."

"Hindi naman po porket nakatatanda ay dapat nang irespeto, narinig mo naman po ang mga sinabi nila at pinaratang kay Elle na alam naman natin na hindi totoo."

"Are you saying that I am a liar?" Pagtataas niya ng boses.

"Accusing without concrete proof, hindi ba at pagsisinungaling 'yan. Hindi mo ba alam ang mga katagang innocent until ano... ano—ano nga ulit 'yon Juls?"

"Innocent until proven." saad ni Julia.

"Zarina, I said stop." Pananaway pa ni Ate Yanna nang saglit niya akong lingonin. 

"Hobby ba ninyo ni Yohan ang mangulekta ng mga basura at i-recycle, Alyanna? Una si Elle na desperada, and now this girl—her so called friend na utak biya. Anong akala mo sa bahay natin, junkshop? How pathetic?"

Mabilis siyang nilingon ni Ate Yanna. "Tigilan mo na sila, tigilan mo na si Elle.  Bigyan mo naman sana ng kahihiyan ang sarili mo."

"Hindi ako ang dapat mahiya, bahay ko ito. Siya ang dapat mahiya!" Bulalas pa ng bruha habang  dinuduro si Elle na akay-akay ni Julia. "She left our brother for another man! Ipinalaglag pa niya ang anak ni Yohan para masabing dalaga siya."

"That's true! Alam ko 'yon! After the accident, she left my por baby Yohan." Pagsang-ayon pa ni Bella.

"How didi you know? Nasa rehab ka 'di ba? Nakulong ka pa, paano mo nalaman na naaksidente sila?" usisa ni Julia na may pagdududa.

"A-Ah.. e-eh... Ate Yoora told me. We always face time kaya."

"Bawal ang phone sa loob ng rehabilitation center at kulungan." wika pa ni Julia.

"Ah... ehh... Ate Yoora help me." Mahinang sabi niya

"Wala na kayong pakielam kung paano niya na nalaman. Let's go Bella, naaalibabaran ako dito" Pagsalo ng matandang hukluban bago sila nag-walk out. 

"Zarina, Sam, dalhin na ninyo si Elle sa bedroom ni Yohan. Julia, maiwan ka may ipagagawa ako sa'yo." Mariing utos ng Ate.

Ewan ko pero bigla akong kinabahan nang dahil sa boses niya. Hindi ko maialis ang mga mata ko kay Ate Yanna. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero natitiyak ko na kung anuman ang nasa isip niya ay makakabuti 'yon para kina Yohan at Elle.

"May plano si Ms. Yanna, may ipagagawa na naman siya kay Julia." ani Sam habang naglalakad kami patungo sa silid ni Yohan. 

"Naisip ko rin 'yon, mukhang nakakutob na siya do'n sa dalawa kanina. Lalo na sa Bellang Bilat na 'yon. She's so obvious. halatang may itinatago ang bruha."

"H-Hindi t-totoo ang sinabi niya." Mahinang usal ni Elle.

"Ano 'yon Elle?" ani Sammy saka kami nagpalitan ng mga tingin.

"H-Hindi ako sumama sa ibang lalaki, nakidnap ako." Huminto siya sa paglalakad at nag-angat ng ulo. "Sam, mahal ko si Yohan. Hindi ko siya iniwan."

"Alam namin," aniko.

"H-Hindi ko iniwan si Yohan, maniwala kayo. Hindi ko siya ipagpapalit, hindi ko siya iniwan. H-Hinanap ko siya, h-hinanap ko siya Zarina. Maniwala ka." Kasabay ng pagsasalita niya ay siyang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Elle, Elle, makinig ka sa akin." Si Sam, pinagsaklob niya ang mga kamay sa magkabilang pisngi ni Elle. "Huwag na huwag kang makikinig sa mga sinasabi nila, hindi totoo 'yon. Okay? Naniniwala kami sa'yo, kami ni Zarina. Si Ate Yanna, si Julia, lahat kami lalong-lalo na si Yohan. Naniniwala kami sa'yo Elle,  hindi mo magagawa ang ibinibintang nila."

"K-Kilala kita Elle," my voice crack as my throat thicken. "M-Mabuti kang tao Elliese,  sila 'yong masama. Sila ang salbahe."

"Z-Zarina, h-hindi ko magagawa 'yon kay Yohan."

"Alam namin, alam na alam namin. Huwag kang mag-alala, hindi kami naniniwala sa kanila. Hindi kami naniniwala sa mga kasinunngalingan nila,sa'yo lang kami naniniwala." saad ko.

"Huwag ka nang umiyak Elle, tara na. Naghihintay na si Yohan." Pag-aaya ni Sam habang pinupunasan niya ang  mga luha sa pisngi ni Elle. 

Matapos mapa-kalma si Elle ay nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa kwarto ni Yohan, naabutan namin ito na mahimbing ang tulog. Naroon din ang guwapong doktor na tumitingin sa sa kaniya, kausap nito si Henry  habang tinatanggal nito ang stethoscope na nakasabit sa kaniyang balikat. 

"Umaayos na ang lagay ni Yohan, kailangan niya lang ng maraming pahinga at tulog.  Bukas puwede na nating tanggalin ng suero niy, hopefully ay magtuloy-tuloy na ang pag-ayos ng lagay niya." sabi no'ng poging doktor kay Henry.

"Salamat Kuya Cas," ani Henry at ngumiti. 

"Mauuna na ako Henry," pagpapaalam pa ng doktor. "Mukhang may bisita si Yohan," aniya nang   magkasabay kami. Siya ay palabas, kami naman ay papasok. 

Humarap naman si  Henry sa direksyon namin,  his lips curved into smle when his eyes  spotted Elle. Kitang-kita ko 'yon, ni hindi nga dumaan sa akin ang mga mata niya. Dumiretso agad 'yon sa direksyon ni Elle na nasa may likuran ko.

"Elle," he mouthed. "Bumalik ka na."

"Nasaan si Yohan?" tanong ni Elle. Untiunting nawala ang mga ngiti sa labi ni Henry nang magsalita siya. "Nasaan ang Yohan ko?"

"Hayon siya," aniko at itinuro ang kama kung saan nakaratay ang nahihimbing na si Yohan.

Dali-daling  kumaripas ng takbo si Elle patungo sa kwarto, humalik agad siya sa noo, labi, at ilon ni Yohan at yinakap ito kasabay ng mahina niyang paghikbi. 

"M-Mahal ko, nandito na ako. Bumalik ako, binalikan kita. I-I'm sorry kung natagalan ako,  h-hindi ko alam ang nangyari pagtapos ng aksidente pero ang alam ko lang, ang alam ko lang parati kitang hinahanap. Araw-araw kitang namimiss, ngayon heto ka na. Nayayakap na kita, mahal ko. Nakita na kita, hahalikan na kita."

"Anong nangyari kay Elle? He's acting weird." Puna ni Henry habang nakatitig kay Elle.

"May post-partum siya at isang hindi matukoy na sakit dala ng pagka-overdose sa isang hindi rin matukoy na gamot. But don't worry, sumailalim na siya sa test and sooner or later lalabas na ang resulta." Pagpapaliwanag ko.  

"May lead na ba kung sino ang gumawa nito?" tanong niyang muli.

"Dominic Allen Zafra, CEO ng isang pipitchuging artist management." Si Sam ang sumagot.

"Kapatid ni Caprice Tan?" Namilog ang kaniyang mga mata.

"Kapatid? May kapatid ang ang Caprice SanTanas na 'yon?" bulalas ko.

"Dominic is Caprice' older brother."

"I see," mahiksing sambit ni Sam. "It runs in their blood.'

"Naku! Makita ko lang talaga 'yang Caprice na 'yan. Talagang jojombagin ko siya at ihuhulog mula sa rooftop ng RGE. Quotang-quota na ang kademonyohan nila."

"Natitiyak ko na kapag nalaman 'to ni Yohan, magwawala 'yan sa galit." ani Henry  at namulsa.

"Talagang gagawin niya 'yon, ikaw pa nga lang gusto na niya patayon eh." Pagbibiro ko pa. 

"Bati na kami," tugon niya.

"Nagparaya ka na ba?" usisa ko nang maka-upo ako sa puting couch.

Umiling-iling siya. "Mahal ko si Elle e, mahirap siyang pakawalan. Para namang hindi mo alam 'yon Zarina e saksi ka sa struggle namin as a couple."

"I know kaso look at her, masaya na siya." Tinuro ko pa si Elle na naka-upo ngayon sa monoblock habang  hinahaplos ang buhok ni Yohan, nagha-hum pa siya at may malapad na ngiti sa mga labi.

YANNA

May misyon na naman ako—I guess this is a perks of having both a woman and maternal instinct.

Nagkalat kasi ang mga pesti sa paligid—dumarami sila at nagsasabwatan pa.

"Is this about—" I cutted her off.

"You heard what Bella said, right?" Panimula ko nang makapasok ako sa mini-office ng Daddy.

"Yeah, she did stutter. Halatang-halata ang pagsisinungaling niya." ani Julia nang maka-upo siya sa itim na triple sofa. "Sa tingin ko ay may kinalaman siya ay may koneksyon siya kay Dominic Zafra."

 "Alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag, dating-gawi. I-e-eliminate natin ang lahat ng tinik sa buhay ng kapatid ko." aniko at umupo sa aking swivel chair.

"So ibig mo po bang sabihin ay tutuluyan na natin si Daniel?"

"Hindi pa, gusto kong magsabay-sabay silang tatlo. Si Daniel, si Dominic, at ang walanghiyang Bella na 'yan. Pyansahan mo si Dominic ngayon, I'll pay for the bail. Then bring him to my rest house, sa tabi ni Daniel. Huwag ninyo munang patayin, pahirapan niya muna kagaya ng pagpapahirap na ginawa niya kina Yohan at Elle." Mariing utos ko.

"What about Yoora? I'm sure may kinalaman din siya, close sila ni Bella."

"Ako na ang bahala sa kapatid ko, may kalalagyan siya. Gawin mo na lang muna ang paunang iniuutos ko, saka na natin problemahin sj Yoora."

"Masusunod po Ms. Yanna." Pagtalima naman ni Julia. 

"Huwag kang mag-alala Julia, ti-triplehin ko ang bayad  ko sa'yo sa pagkakataong ito." anunsyo ko. Kinuha ko ang tseke mula sa  shoulder bag ko. Sinulatan ko 'yon ng amount ng pera na ibibigay ko kay Julia.

Fifteen million pesos.

Paunang bayad, dadagdagan ko na lang ulit kapag natuluyan niya na silang tatlo.

"Here," aniko nang iabot ko ang tseke na agad niya naman na kinuha. "You have to be extra-careful, walang puwedeng makaalam nito. Not even Sam, Zarina, not even Yohan and Elle. Sa atin lang 'to, do you undertand?"

"Opo."

"Kumikilos ka na naman pala, Ate."  Si Hannah na may dalang  tray na may lamang sliced cake at juice. Kakapasok niya lang sa opisina at mukhang nakatunog siyang agad.

Malinaw talaga ang tainga niya pagdating sa mga ganitong usapan—of course she's aware. Siya lang ang kapatid ko na sobra kong pinagkakatiwalaan.

"Wala tayong mapapala kung tutunganga lang tayong lahat dito. Hindi ko hahayaan na maging hadlang silang lahat kay Yohan." 

"Paano 'yong isang kapatid natin? Si Ate Yoora, isa pa 'yan." tanong niya nang ibaba ang tray sa coffee table. "Number one na kontra 'yon kasi feel niya, siya lang ang magaling."

"Hindi ko pa alam Hannah, mahirap ispelengin ang kapatid natin na 'yan. May sarili siyang desisyon, may kutob nga ako na may kinalaman din siya dito sa aksidente ni Yohan—sila ni Bella. She wants Yohan gone para makuha niya muli ang posisyon, and I won't let that thing happened. Dadaan muna sila sa bangkay ko, bago nila mahawakan ang kapatid natin." Matigas kong sabi saka ako nagpakawala ng buntong hininga. 

"Kapatid mo? Okay, kapatid."

"Hannah!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Mother's instinct 'yan ate."

"H-Hannah please..."

My knee weakens.

"M-Mother's instinct? What do you mean Ms. Hannah?" Nagtataka  na si Julia, napakadaldal naman kasi nitong si Hannah e.

"Don't mind it Julia, ang pinagagawa ko ang asikasuhin mo. Makakaalis ka na." Matigas kong sabi. Tumango naman siya at tumayo saka lumabas ng opisina. 

"Sorry, d-did I spill your secret?" Kinakabahang tanong ni Hannah, she even stutter. 

"Obvious ba? Matalino si Julia, she's not a detective for nothing."

"Totoo lang naman ang sinabi ko Ate, anak mo 'yang si Yohan at kaya ka nagkakaganyan kasi—"

"Shut your mouth!"

"Confidential thing pa rin hanggang ngayon," umiling-iling siya.

"Manahimik ka na lang, maliwanag?"

"It's been thirty-one years at hanggang ngayon nagtatago ka pa rin  sa anino ng isang nakatatandang kapatid." usal pa niya. 

"Ginagampanan ko pa rin naman ang pagiging ina sa kaniya kahit na ate ang turing niya sa akin, hindi ako nagkulang Hannah. Hayaan na lang natin na ganito, ate niya ako at bunsong kapatid ko siya. That's it, end of converstion."

"Pero ate..."

"Mamamatay rin naman ako, maibabaon ko rin naman sa hukay ang madilim na nakaraan namin ng anak ko, ni Yohan. Hindi na mahalaga sa  kung ano ang pagkakakilala ng unico-hijo ko sa akin, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makita siya na masaya, succesful, nagmamahal. That's it." My mouth went dry as tears shimmered in my eyes.

"Ate..."

"Yohan is part of my tragic past, that's it. Nothing more, kinalimutan ko na kasi ang tungkol doon. Ang alam ko lang, isang biyaya si Yohan para sa akin—para kay Daddy. Naging mabuti siyang ama sa apo niya, na kahit iniwan ako ng pesteng  Gabriel na 'yon  ay nagpaka-ama si Daddy sa kaniya. Look at my Yohan now, sobrang succesful niya." Tears clouded my vision.

"Indeed ate, mabuti na lang talaga napigilan ka namin ni Daddy na ipa-abort si Yohan." She gave me a half-smile. "C.E.O na ang baby mo."

"Ang baby ko, na magkakaroon na rin ng sarili niyang baby." Mahinang usal ko.

"Kay Elle, our so called sister-in-law." Impit siyang natawa. "Botong-boto ka sa kaniya 'no?"

"Mabuti siyang babae, natutong manindigan ang anak ko ng dahil sa kaniya.  She is her first—"

"Not his first,  may Daniel pa." saad niya na ikinataas ng aking kilay.

"He's not counted, ginamit niya lang ang anak ko para sa pera."

"Elle did the same..."

"Pinilit siya ni Yohan, na-trigger lang si Elle. Nasaksihan ko 'yon, I've witness how desperate Yohan is. Doon ko napatunayan na mag-ama nga sila ni Gabriel. Parehong dominante, parehong—" Napahinto ako nang tumunog ang cellphone ko. "Excuse me," aniko nang sipatin ko ito at  kunin.

"Who's that?"

"Speaking of the devil."

"Si Gabriel?"

"Siya nga."

"Bakit may contact kayo? Alam niya ba na anak niya si Yohan?" Magkasunod niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi and I won't tell him, tumatawag lang siya para manghingi ng update sa  anak niyang si Lorraine." sagot ko naman

"Oh, I see."

"I'll just take this call, excuse me." Pinindot ko ang screen—the answer button to be exact at inilapat ito sa tainga ko. "Hello Mr. Felix? Yes, this is Alyana Mari Carbonel."

Yohan is my son, he's a part of my tragic past. I just don't know how to tell it, bukod sa parents ko at kay Hannah wala nang nakakaalam ng sikreto ko.

I was 17 when I got pregnant to Yohan, I am careless, wild, and free. Mas suwail pa ako kaysa kay Ate Yoora, mabait pa nga siya noon—not until she became greedy and extravagant—but that's another long, long story to tell.

I am a wild party goer the same as Gabriel Felix —Yohan's biological father who's in the same age with me, back then. He wasn't my boyfriend, he's my best friend but I do like him. Sa sobrang curious naming dalawa during our teenage years, we did try to you know make love—sa isang subok namin bata agad ang kinalabasan—and that's Yohan. My first born, my unico hijo.

Gabriel left me while I'm pregnant, he left to study abroad—hindi niya naman kasi alam na may nabuo, umuwi rin ako sa Cebu, he's already married when he came back. Wala siyang alam, nakakapeste nga lang dahil 'yong anak niya ay artista sa Royal Gem. Close rin siya sa anak namin—I mean, I don't object that pero my inner 17 years old revengeful self is pushing me.

To cut the long story short—inampon ng Daddy at Mommy si Yohan nang makapanganak ako sa Cebu, hindi ako kung'di sila na rin ang nakalagay sa birth certificate ng aking anak, ng Yohan ko. Pinalabas din nila na parehong menopause baby sina Yohan at Henry, na kambal sila—kahit na ang totoo ay si Henry lang ang kapatid namin. 

Ako ang nagdesisyon na gawin 'yon pero kahit na gano'n ang nangyari ay hindi ko naman pinabayaan ang anak ko. Sinubaybayan ko siya, mula nang matuto siya na tumayo, kumain, magsalita, mag-aral—lahat. Wala akong pinalampas na miski isa  na milestone sa buhay ng unico hijo ko.

I'm a proud stage mom.

He graduated salutatorian in elementary, valedictorian in high school, and a Summa Cum Laude in college—in short he's a consistent honor student. 

And he keeps on being consistent up to now, as a billionaire, as a bachelor—apat na beses siyang naging top 1 Most succesful bachelor. He keeps winning in life, despites all the negativities and the struggles we are all facing.

I'm proud to say that I gave birth and raised  a smart and humble man. My C.E.O—my succesful baby.

AN: Hello, loves!  This is an additional chaps, na-move na 'yong dating chapter 33 to another one dahil sa revision na aking ginagawa. Hope you guys understand!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top