CHAPTER 27
Elle and I decided to return home that night. We said our goodbyes to Uncle, who was still embarrassed by what Bella had done to us and said he didn't know how to make amends. He stated that it would be his responsibility to return Bella to the United States and to care for his own daughter. He also stated that it will be his decision whether or not to file a rape case against Bella, but I refused to sue her. It is sufficient for us to deport her to the United States and prohibit hER from entering the Philippines. Elle and I would rather be quiet and go about our business as if nothing happened
"Tay, pasensya na po. Hindi na po kami makakapunta bukas, sa araw ng birthday mo. Hindi ko po kasi kaya na makita ang mukha ni Bella, sobrang sakit po ng ginawa niya sa amin ni Yohan." Elle said while in tears.
"It's okay anak, naiintindihan naman ng tatay. Mas mahalaga ang kapakanan at kaligtasan mo kaysa kaarawan ko, puwede naman tayo mag-celebrate sa ibang pagkakataon." That's Uncle Arthuro said as he face me. "Yohan, ikaw na muna ang bahala may Elle. H'wag mong pababayaan ang anak ko, mahalin mo siya at alagaan. Silang dalawa ng magiging anak ninyo."
"Yes Uncle I will, you don't have to worry. Sobrang mahal na mahal ko po si Elle, ako na po ang bahala sa kanila."
"Pasensya ka na rin sa ginawa ni Bella sa'yo, maging ako ay hindi ko akalain na aabot sa sukdulan ang kasamaan niya. Hayaan ninyo, ipare-rehab ko siya at ipakukulong. Ako na ang bahala na umayos ng lahat."
The only thing I treasure today is Elle's cceptance and the love she gives me. Regardless of what happened, Elle never abandoned me, and she never felt disgusted about me . Elle and I chose to return to my penthouse; no one knew we had left Uncle Arthuro's house except our close friends Sam, Julia, and Zarina.
"Ginawa ni Bella 'yon kay Yohan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zarina "E gago pala siya e, saan ba nakatira yang Bella na 'yan? Sisilihan ko ang puki niya para magtanda na siya, sabik na sabik sa tit* ampota."
"Alam mo Zarina gan'yan na gan'yan din ang reaksyon ko nang malaman ko ang nangyari kay Yohan," saad naman ni Samuela. "Eto naman kasing sila Yohan at Elle, pinalipas pa ang dalawang linggo bago nagkwento sa atin e. E di sana nakatikim ng malakas na sampal ang pesteng babae na 'yan bago pa sya makasakay ng eroplano."
"Alam ko naman kasi na walang maniniwala kaya itinago na lang namin ni Elle."
"Hay naku! Mabuti na lang talaga at hindi ko siya kilala kung hindi baka binasag ko ang mukha niya. Ano ba hitsura niya?" Si Zarina na nagaala-Manny Pacman at sumusuntok sa ere.
"Mukha siyang palaka na nakalipstick. Retoke ang ilong, retoke ang dibdib, pati pwet retoke. Basta mukha siyang palaka na mukha silicone, gano'n ang hitsura ng Bellang Bilat na 'yon." si Sam ang sumagot
"Just let her, pinarusahan na naman siya ni Uncle," I said cooly. "And ofcourse nakatikim naman na rin siya ng sampal at sabunot mula kay Elle," malapad ang ngiti ko habang sinasabi iyon. Saktong kalalabas lang ni Elle mula sa kusina nang lingonin ko siya. "Nagulat nga ako na kaya pala ni Elle 'yun, she's a chill girl but when that thing happened at naikwento ko sa kaniya 'yon. Nag-transform ang mahal ko, she transformed from being an angel to being a warrior queen realquick." Pagmamalaki ko.
"Nilabanan mo Elle?/ Marunong ka nang gumanti ngayon? Ibang klase ka talaga Maria Elliese, mana ka talaga sa akin." ani Zarina habang lumalapit sa best friend niya at umangkla sa baso nito.
"Sabi ko naman sayo h'wag mo nang ikukwento," natatawang sabi ni Elle nang umupo siya sa tabi ko.
"Gaga ka buntis ka tas nakipagbakbakan ka! Bakit hindi mo man lang ako tinawag? Ako sana jumombag sa palakang 'ypnn, isa pa 'yun saka 'yang Ate Yoora ni Yohan. Mga epal sa mundo e," Si Sam na g na g at gusto lagi makipagsampalan.
"O e teka, kinaladkad mo ba siya? Paanong sabunot ba ang ginawa mo? Tumama ba ang mukha sa pader? Nahalikan ba ang sahig? Tell me!" sunod-sunod na tanong nitong si Zarina. "Saan ba siya sa US? Ipapa-hunting ko siya, ipapadala ko mga tropang gangsta don."
"Hayaan na ninyo sila, wala naman tayong mapapala sa mga taong gano'n ang pag-uugali."
"Ayos lang naman sakin na lumaban si Elle pero ang mahirap kasi sayo e buntis ka. O e teka nagpacheck-up ka ba agad? Napano ang baby mo?" May pag-aalang tanong ni Zarina.
"We're fine, safe naman si baby."
"Si Elle kung titignan mo pinong-pino at hindi makabasag pinggan, hindi ko akalain na magagawa niya 'yuo kay Bella." hindi pa rin na makapaniwalang sabi ni Sammy.
"Pinong-pino pero naunahan ako magbuntis, sa aming dalawa ako ang malandi pero tignan mo naman ngayon wala pa akong jowa tas si Elle magkaka-anak na." Pabirong sabi ni Zarina.
"Ikaw ba naman may guwapong mapapangasawa e, pakakawalan mo pa ba?" Saglit niya ako na nilingon sabay balik ng tingin kina Zarina at Sam at tumawa.
I know it sounds corny but... kinilig ako nang sabihin niya 'yon. She's very sincere sa lahat nang mga sinasabi niya. Kinuha ko ang kamay niya pinisil-pisil ko ito at hinalik-halikan.
"Yohan, ilakad mo naman ako sa mga artista mo sa Royal Gem, want na want ko na magkajowa e kahit si ano lang... Gelo Lopez, okay na ako sa kaniya."
"Wow! Gelo Lopez, high-caliber actor pala ang nais mo. Akala mo naman, papatusin ka no'n."
"Tamo 'tong si Sam, masyadong judgemental. Huwag ka namang mang-usog."
Matapos ang ilang oras ay sabay nang nagpaalam sina Sam at Zarina kami naman ni Elle ay naiwan dito sa bahay, Sunday ngayon at walang pasok sa opisina. nagpasya kami ni Elle na dito na lang sa bahay magstay pagtapos namin na magsimba kasama sina Sam at Zarina kanina.
Abala ngayon si Elle sa pag-luluto ng tanghalian namin, ako naman ay nagtatapos ng mga papers para sa itinatayong bagong negosyo ko. Kailangan kong magpursige dahil gusto ko nang pakasalan si Elle sa lalong madaling panahon. Mas maraming negosyo, mas masaya para sa pinaplano kong malaking pamilya kasama siya. I don't want them to have a difficult life, and Elle does as well. That is why I will do everything I can for her, our future family, and our future.
"Kumain muna tayo, bago mo ipagpatuloy ang ginagawa mo. Masamang magtrabaho ng gutom, walang papasok sa isipan mo."
"Sandali na lang 'to baby, kailangan ko lang matapos lahat para ikaw naman ang trabahuhin ko mamaya," saglit mo siyang tinignan at nginisian bago ko ibinalik ang mga mata ko sa laptop.
"Yohan alalahanin mong may bata na sa tiyan ko ha at lumalaki na, mahihirapan na ako panigurado." sagot pa niya, saglit kong inalis ang tingin ko sa monitor ng laptop at tinitigan ang nakatayong Elle sa harapan, nakasuot siya ng puting-floral matertity dress na hanggang tuhod at fit na fit sa katawan niya. Halata na ang kaniyang baby bump sa tiyan, medyo malaki ito kumpara noon. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang pinagmamasdan ko ang babaeng hindi ko sukat akalain na mamamahalin ko. "Bakit ka ganiyan makatingin?" Pagtataka niya. "Panget na ba ako para sa'yo?"
"Of course not, you're always the most beautiful. Come here baby," pag-aya ko naman sa kaniya nang makalapit siya ay agad ko siya na iniupo sa kandungan ko. Sinuklay ko pa ang buhok niya gamit ang mga daliri ko, "You're the most beautiful girl, the sexiest, the kindest, the most loving. Brave, bold, and daring. Hindi na ako makakahanap ng katulad mo,"
"Niloloko mo naman ako, napakaraming mas magaganda sa entertainment mo kung ikukumpara ako sa kanila ay baka kuko lang nila ako"
"Wala akong pakielam sa kanila," seryoso kong sabi. "Totoo ang lahat ng sinasabi ko, ikaw lang naman ang mahal ko e. Maniwala ka na," humalik ako sa magkabila niyang balikat.
"Mahal mo pa rin ba ako kahit madagdagan na ang timbang ko?"
"I do."
"Mamahalin mo ba ako kahit magkamanas-manas pa ang mga braso at hita ko?"
"Elle, I love you."
"Kahit dumami ang pimples ko?"
"Elle, I love you."
"Kahit hindi na ako makapag shave, mag toothbrush, o maligo."
"Elle, I love you."
"Mamahalin mo pa ba ako kahit losyang na ako?"
"Elle, I love you."
She turns to face me and cupped both of my cheeks, "I love you too," she whisper before kissing me deeply.
"I just wouldn't feel complete without you." I said in between kisses. "My heart appears to want nothing more than to be with you. You are everything I never knew I needed in this life.." I said when our lips moves apart. We stared in each other arms, forehead to forehead, and nose to nose
"Y-Yohan..."
"Cause all of me loves all of you, love your curves and all your edges, all your perfect imperfections." pagkanta ko pa ng "All of Me" ni John Legend.
"Ang ganda pala ng boses mo," pamumuri niya sa akin.
"Ikaw lalo, standing ovation ka nga during the talent portion e."
"Second runner up nga lang ako no'n," aniya at lumabi.
"E ano? Winner ka naman sa puso ko. Naiuwi mo nga ako o," natawa siya sa sinambit ko.
While eating, I cannot help but to look at my soon-to-be wife. Paulit-ulit kong sasabihin sa sarili ko na hindi pa rin ako makapaniwala na nahulog ako sa isang babae. Isang babae na inakala kong gagamitin ko lang para mapagtakpan ang kalokohan ko pero heto ako ngayon, minamahal siya at halos mabaliw kapag hindi ko siya nakikita. Nagsimula ang lahat dahil sa pa-contest sa baranggay Masaya na naging dahilan kung bakit ako tuluyang naging maligaya. Doon ko natagpuan ang buhat at tahanan ko.
Si Elle? Siya ang tahanan ko.
ELLE
Almost two weeks na simula nang umalis kami sa poder ng Tatay at sa poder ng parents ni Yohan, tuluyan na kaming bumukod. Nasa tamang edad na naman kami at kaya na namin ang mga sarili namin. Kasal na nga lang ang kulang sa aming dalawa pero mukhang matatagalan pa dahil sa dami ng mga nangyayari sa mundong ibabaw. Paborito yata kami ni tadhana e, oras-oras niya kaming pinaglalaruan.
Pagkatapos namin na mananghalian ni Yohan ay siya ang nagpresinta siya na maghugas ng pinggan habang ako ang nagligpit ng mga pinagkainan at nagwalis ng mga mumu na mga nahulog na tira-tira sa lapag.
"Mahal ko, sa tingin mo, ano ang gender ng baby natin?" tanong ni Yohan habang nag-uurong.
"Hmmm... kahit ano naman pero gusto ko talaga na magkaroon ng anak na lalaki ngayon na unang pagbubuntis ko. Alam ko naman kasi na magbubuntis pa ako ulit, kaya sa pangalawa, gusto ko babae na." Impit siya na natawa at alam ko na ang rason no'n ay nang sabihin ko na magbubuntis pa ako ulit sa pangalawang pagkakataon.
"I actually want the same, mean to be talaga tayo."
"Ginaya mo lang kaya ako," Pang-aasar ko sa kany'a habang ibinabalik ko ang walis tambo na hawak ko sa likod ng hagdanan.
"Of course not, sadya lang talaga na mean to be tayong dalawa." Liningon niya ako na may nakapaskil na ngiting aso sa labi at kindat na nakakaloko. "Atsaka dalawang anak? No! We will make thirty babies, bale twenty-nine na lang ngayon dahil may isang baby na sa tyan mo." Nang matapos siya na makapag hugas ng pinggan ay agad na niyang tinanggal ang apron pati na ang gloves niya. Lumapit siya sa akin at ikinulong ako sa mga yakap niya. "I love you Elliese," aniya sabay halik sa noo ko. Bumaba siya sa may tiyan ko at hinagkan ito. "I love you baby, I can't wait to see you. I'm so excited to hold you, to kiss you and to take care of you. I'll make you and your future siblings the happiest kids in the whole world."
"Mahal ka din daw ni baby," wika ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"Alam mo anak, kapag lumaki ka na. Ikaw na ang magiging future C.E.O ng Royal Gem, tapos ang susunod sa'yo na magiging kapatid mo. Siya naman ang magiging CE..O ng resort ko sa Palawan, tapos ang pangatlo-"
"Hindi pa nga lumalabas ang una e, nangangarap ka na agad ng pangalawa at pangatlo."
"Mas mabuti na ang advance," umayos siya ng tayo at hinagkan ako sa noo. "I want to have a big family with you,don't worry kumukuha na ako ng family insurance. Nagpa-open na rin ako ng account para sa'yo, malaki-laki na ang naihuhulog ko ro'n"
"Yohan, hindi mo kailangan na gawin 'yon."
"Gusto ko ang ginagawa ko mahal ko, para naman sa inyo ni baby 'yon e."
"Small or big, basta ikaw ang mapapangasawa ko. Masaya na ako," sinserong wika ko at siniil rin siya ng halik.
Sa tuwing hinahalikan ko si Yohan, pakiramdam ko ay nabubuo ako. Sobra ang saya na nararamdaman ng puso ko, inaamin ko na tuluyan na nga ako na nahulog sa kapatid ng ex ko ng hindi inaasahan. Tuluyan ko nang minahal ang isang tao na hindi ko inaasahan na mamahalin ko, magkaibang-magkaiba kasi kami.
Langit siya at lupa ako but everything changes after we make love.
Matapos namin na magtanghalian ay nag-decide si Yohan na mamasyal, gusto niya daw kasi na mamili ng nga paunang baby things para sa magiging anak namin, nag-grocery na rin kaming dalawa dahil paubos na ang stock namin. Matapos namin na makapamili sa Baby Planet ay namili na kami ng mga grocery, pang-stock sa susunod ng mga buwan.
Ngayon ay nasa loob ako ng supermarket at namimili ng mga candies at biscuit na hinahanap ko. Wala si Yohan, saglit siya na nagpaalam para mag-withdraw ng pera at naubusan siya ng cash.
"Sorry!" Paghingi ko ng tawad sa isang lalaki matapos ko siya na aksidenteng mabangga ng push cart na itinutulak ko. "I'm sor-Dominic?" Nang humarap ang lalaki ay agad ko siya na namukhaan, naaalala ko pa ang mukha niya dahil siya ang madalas kong maka-away noong bata pa ako, at nang mag-high school kami ay isa siya sa mga nag-confess sa akin.
"E-Elliese? Elliese Altamirano right?" Paninigurado niya.
"Ako nga," sagot ko naman.
"Elliese ikaw nga!" Naibalibag niya ang hawak niyang pack ng biscuit at patakbo na lumapit sa akin, mahigpit niya ako na yinakap. "Finally!" Masayang wika niya nang magkalas kami sa pagkakayakap. "It's been years, how are you?"
"Ito, magiging mommy na."
"I-I see... you're already married?"
"Nope pero engaged na ako at nagli-live in na kami ng tatay ng magiging anak ko, ikaw naman kumusta ka?"
"F-Fiancé... I see... Si Henry ba?"
"Actually no, 'yong kapatid niya ang mapapangasawa ko. Si Yohan Carbonel, if you know him"
"Y-Yeah, I do know him. So... ikakasal ka na pala?"
"Yea, nagpaplano na kami pero sa ngayon ay mas naka-focus kami sa magiging baby namin."
"Hindi halatang buntis ka, ang sexy mo pa rin na tignan at syempre maganda ka pa rin. Grabe ang nostalgic ng feeling ko."
"Elle, kanina pa kita hinahanap." Mula sa likuran ni Dominic ay narinig ko ang boses ni Yohan. Blanko ang ekspresyon niya habang naglalakad papunta sa akin.
"You still using that nickname?" Natatawang tanong ni Dominic, siya kasi ang nagbigay ng palayaw ko na 'yon noong bata kami.
"You know each other?" Pagtataka ni Yohan habang pareho kaming tinitignan ni Dominic.
"How can I not recognize the great Elle? Of course I know her, she's my first love."
"Dominic," Pananaway ko sa kaniya, pasimple ako na umiling.
"Schoolmates kami dati, madalas ay magka-partner sa debate and I am the one who gave her the nickname "Elle". Kilalang-kilala ko si Elliese Mercado Altamirano." Mariin na sambit ni Dominic habang nakangiti, kinindat niya pa ako.
"Don't look at her, stop staring at my wife!" Mariin ngunit maotoridad na wika ng nobyo ko.
"Hindi pa naman daw kayo kasal sabi ni Elliese. It appears that being the CEO and owner of Royal Gem isn't the only thing I need to claim and obtain from you, even her."
"You might be able to obtain the Royal Gem, but getting Elle is impossible because she belongs to me alone."
Parang dinaga ang dibdib ko nang masaksihan ko at marinig ang usapan ng dalawa, hindi pa nga ako nakaka-move on sa away nila ni Henry tapos ngayon heto na naman.
"Do you mean you can let go of RG for Elliese?"
"Why would I let the other one go, if I could handle both?"
"Fine then, so I'll see you tomorrow Mr. Carbonel." Malamig niyang sabi kay Yohan at bumaling sa akin. "I would love to see you tomorrow, are you free? I'll treat you to lunch the same way we did in elementary school. I simply want to be with you once more."
"Don't you dare flirt with my wife !" Mariing sabi ni Yohan, tinawanan lang siya ni Dominic bago kami nito talikuran.
"Yohan," tangka kong pagtawag sa kaniyang pangalan. "Yohan kausapin mo naman ako."
Hindi niya ako pinansin, nagpatuloy lang siya sa paglalagay ng mga produkto sa push cart namin, inagwa niya rin sa akin 'yon at siya na ang namiling mag-isa. I mean, kasama niya pa rin ako hindi nga lang niya ako kinakausap. Mukhang na-badtrip siya sa ginawa ni Dominic at sa akin niya naibaling, inintindi ko na lang. Pagod si Yohan, kagagaling lang niya sa trabaho tapos kumilos pa siya sa gawaing bahay. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang preskong pag-uugali ni Dominic. Natural niya na ugali 'yon, mayabang siya at insensitive pero mukhang sobrang naging apektado itong si Yohan dahil sa inasal nito kanina.
"Elliese."
Patay na! Tinawag niya ako sa tunay na pangalan ko, paniguradong na-bad trip nga siya dahil kay Dominic kanina at pati ako madadamay dahil--teka , bakit nga ba pati ako nadamay?
"Bakit?" Mahiksing usal ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na magkakilala pala kayo."
"Hindi ka naman nagtanong e, saka hindi rin ako mahilig magkwento tungkol sa nakaraan ko Hindi ko rin naman alam na magkakilala kayo, patas lang tayo."
"Why didn't you also tell me that he gave you your nickname?"
"Pagtatalunan ba talaga natin 'yan ngayon?"
"You are his first love, and he even tried to flirt with you in front of me!"
"H-Hindi mo ako kailangan pagtaasan ng boses Yohan, sasagutin ko naman..."
Para akong nagkaroon ng takot, naramdaman ko ang pangangatal ng mga labi ko at medyo nahirapan ako sa paghiga. Hindi ako sanay na nagkakaganito siya, mas sanay ako sa kinky at clingy na Yohan. Ito ang unang beses na nasigawan niya ako, ito rin ang unang beses na nakita ko siyang sobrang frustrated.
"S-Sorry..."
"Si Dominic ay kababata namin ni Zarina pero mas matanda siya sa amin ng ilang taon. Totoo ang sinabi niya sa iyo na ako ang first love niya, ilang beses siya na nagtangka na manligaw but I rejected him. Bagamat sinusubukan niya na makipa-gflirt sa akin, hindi ako nag-respond cause I know my limit. Mahal kita at ayokong magselos ka, hindi ako gagawa ng anumang bagay na ikakasira ng kung anong meron tayo. Ayaw ko rin na masira ang tiwalang ibinigay mo sa akin." Nangingilid ang mga luha ko habang sinasabi ko iyon kay Yohan.
"I'm sorry, nadala lang ako ng emosyon ko. Alam mo naman na ayaw na kita na makuha pa ng iba, kayang-kaya ko na balyahin ang lahat para sa'yo."
"Alam ko..." sambit ko habang nakatungo ako sa bintana.
"I'm sorry..." sinserong sabi niya saka sinubukan na kuhain ang kamay ko ngunit inalayo ko ito.
"Sige na, maggmaneho ka na lang."
"Elle... I'm sorry,"
"Pagod na ako, gusto ko nang magpahinga. Siguro naman nasagot ko na ang tanong mo," wika ko at tumungo sa binatana.
"Kausapin mo naman ako, may dahilan naman ako kung bakit gano'n ako kay Dominic, bukod sa nalaman ko."
"...."
"Elle please talk to me,"
"..."
"Elle please,"
Hindi ko pa rin siya kinakausap sa kadahilanan na masama ang loob ko sa kanya.
"Elle, mortal ko na kaaway si Dominic. Just like Henry, karibal ko siya sa lahat pati na sa Royal Gem. Gusto niyang makuha ang RG mula sa akin, pati na ikaw. Narinig mo naman 'yon, right?"
Matiko ko siya na nilingon at nakaharap siya sa akin at hindi sa kalsada. "Pero bakit ako ang kailangan mong sigawan? Bakit parang kasalanan ko na nakilala ko si Dominic? It's a business thing Yohan, it has nothing to do with me. Personal issues ninyo 'yan, h'wag mo naman sanang ibaling sa akin ang galit mo sa kaniya. Pinilit kong intindihin ang kaninang malamig na pakikikitungo ko dahil alam ko pagod ka pero hindi mo ako kailangan pagtaasan ng boses."
"Hindi ko naman ibinabaling sa'yo ang galit ko, I already explained it. Nag-sorry na nga ako."
"Ang pinopoint ko rito Yohan, ay ang pagsigaw mo sa akin kanina. Bakit mo ako kailangan sigawan?" Tuluyan nang bumagsak ang mga maliit na likido mula sa mga mata ko. "Hindi ako sanay na sinisigawan mo ako, hindi ikaw 'yan."
"Kaya nga sorry 'di ba? Nag-sorry na ako, ilang ulit na . Ang kaso lang napakataas ng pride mo! Hindi mo ako kinakausap, hindi mo pinapansin ang mga sinasabi ko!"
"Hindi mataas ang pride ko! Nasaktan ako, Yohan. Nasaktan ako sa itinrato mo, hindi ba ako puwedeng magdamdam? Hindi ba ako pwedeng makaramdam ng pagkadismaya sa inasal mo kanina? Tell me..."
"I never said that!"
"Sinisigawan mo na naman ako..." Nanginig ang mga kamay ko at nangatal ang mga labi ko nang muli kong narinig ang malakas niyang boses . "Mahal mo ba talaga ako?"
"Mahal kita Elle but you're being unreasonable now."
"Wow! Ako pa ngayon? Ako pa ang mataas ang pride, ako ang unreasonable? Wow!" Hindi ko ma rin napigilan ang sarili na pagtaasan siya ng boses.
"Elle, I'm sorry."
"Bahala ka na sa buhay mo, hindi na kita maintindihan."
"I'm sorry mahal ko,"
Muli ko siyang hindi pinansin, kailangan ko lang manahimik muna at huminga. Napakababaw na rason pero pinag-aawayan pa namin.
"Elle please look at me."
"Magmaneho ka na lang, mamaya na tayo mag-usap."
"Elliese, mahal na mahal kita. I'm sorry, hindi ko po sinasadya na pagtaasan ka ng boses. Hindi ko po 'yon ginusto, kausapin mo na ako please. Magbati na tayo mahal."
"Tama na, magmaneho ka na lang diyan. Magpapalamig lang muna ako."
"No, hindi ako titigil hangga't hindi mo ako kinakausap."
"Eyes on the road," hindi ko pa rin siya tinitignan. Nakatungo lang ako sa binatana
"Elle please."
Nanlaki ang aking mga mata nang saglit kong ibaling ito sa unahan. "Yohan makakabangga ka!" sigaw ko nang makita ko ang isang matandang babae na may kasamang batang maliit na tumatawid sa kalsada. Agad na napatingin si Yohan sa unahan, inasikaso ang manibela at lumiko para iwasan ang dalawang inosenteng tao na posible niyang mabangga.
"Yohan natatakot ako!" Siyang sigaw ko nang magpagewang-gewang ang sinasakyan namin. Agad ako na napahawak sa tiyan ko. "Ang baby natin, Yohan."
"Elle, whatever happens to us today. I want you to always remember that I love you very, very, very much..." Inabot niya ang kamay ko at hinagkan ito. "Kayo ni baby, mahal na mahal ko kayo."
"Mahal na mahal rin kita Yoh..an..."
Ito ang huling mga salita na nasambit ko bago pa magdilim ang lahat ng nasa paligid ko.
Series of memories come in sight, the first day we met, the first smile we gave to each other, the laughter we shared, the kisses and cuddles that we shared.
"I love you Elle."
"Mahal na mahal kita, Yohan."
"I just wouldn't feel complete without you."
-
"Diyos ko po, ano ang nangyari sa kanila?"
"Kawawa naman sila."
When I tried to wake up. I heard a series conversation na hindi ko maintindihan. Marahan ko na iminulat ang mga mata ko--malabo ang nakikita ko, bukod sa usok agad ay mga malalabong tao na nagkukumpulan ang mga una kong nakita. Humapdi ang ulo ko, at nang hawakan ko ito ay basang likido na kulay pula ang tumambad sa akin. Luminga-linga ako sa paligid, marahan ko na ipiniid ang ulo ko sa direksyon ng aking nobyo. "Y-Yohan..." mahinang wika ko nang mamataan ko ang duguan at walang malay na si Yohan na nakayukyuk sa ta manibela. "T-Tulong! T-Tulongan ninyo po k-kami..." Sinubukan ko na sumigaw ngunit kinapos ang aking paghinga at sinabayan pa ng pagsikip ng aking dibdib. Hinahabol ko ang bawat paghinga ko, habang nakahawak ang isang kamay ko sa ulo ko at inaabot ng kabilang kamay ko si Yohan.
"May buhay pa dito!"
"Buhay pa yung babae!"
"Tulongan ninyo 'yung babae!"
"Tulungan ninyo siya, kawawa naman"
Hindi ko maigalaw ang ilang bahagi ng katawan ko maliban sa aking mga kamay ,masakit ang mga ito, mula sa ulo hanggang sa mga paa ko. Tanging impit na pag-aray at pag-ungol na lang ang lumalabas sa bibig ko. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata, nahihirapan akong pigilan ngunit wala akong lakas kaya hinayaan ko na. Muling nagdilim ang paligid pati na ang aking paningin.
-
Zarina
Kauuwi ko lang mula sa pagpapa-ayos ng aking buhok sa salon ng aking mga kaibigang bading, sweldo day kaya naman nag-me time ako. Papasok pa lamang ako nang bahay ngunit ang nabasag na picture frame na may mukha namin ni Elle ang bumungad sa akin, nahulog ito mula sa itaas ng piano dahil natabig ni Dom-ang alagang pusa ni kuya Xavier.
"Ano ba 'yan Dom? Sa dinami-rami ng picture frame na naka-display, ito pa talaga ang pinili mong hayop ka." bulyaw ko habang pinupulot ang mga bubog na nagkalat sa sahig.
"Zarina!" sigaw ni Mama mula sa taas.
"Po?" pasigaw ko rin na pagsagot.
"Zarina!"
"Ano?" Si Mother naman, tawag anng tawag, ayaw na lang sabihin kung ano ang kailangan.
"Zarina nariyan ka na ba?"
"Opo, kanina pa po ako sumasagot. Ano po ba 'yon?" aniko at iniayos sa may lamesa ang picture namin ni Elle.
"Zarina!" Muling pagtawag ng Mama ko habang pababa siya sa hagdan.
"Ano po ba 'yon?" iritable kong tanong.
"Buksan mo ang t.v, bilisan mo." utos niya at dali-daling naupo sa mahabang sofa.
Iiling-iling ako na tinungo ang kinaroroonan ng flatacreem t.v na nakadikit sa pader-balita ang nag-flash sa screen nang bumukas ito.
"Ang nanay ko, marites na naman. Inaabangan mo na naman ba kung kailan aamin si Yaya Dub at Ald-"
"Shush! Manahimik ka riyan, hindi itong tungkol sa kanila." aniya at tinitigan ako. "Hindi mo pa ba alam?"
"Hindi alam ang ano?"
"Si Elle at si Yohan naaak-"
"Star-builder at negosyanteng si Yohan Carbonel at kaniyang nobya, sugatan matapos bumangga sa isang poste sa tapat ng Super Mega Mall. Tinutukan iyan ni Irish Lazarus."
"Kuha iyan sa parking lot ng Super Mega Mall kahapon, mag-aalas dyes ng gabi kung saan makikita ang itim na kotse na maayos na umaalis sa parking lot na minamaneho ng negosyanteng si Yohan Carbonel, edad 31-sakay ang kaniyang live-in partner na kinilalang si Elliese Altamirano, edad 24 . Mabagal ang takbo ng kotse ngunit bahagyang bumilis nang iwasan nito ang isnag matanda at isang bata na biglang sumulpot sa kanilang harapan. Hindi na nakuha pa ng cctv ang kabuuang footage ngunit ayon sa mga nakasaksi ay iniwasan ito ng kotse ni Carbonel hanggang sa ito na mismo ang bumangga sa malaking poste."(Irish)
"Okay naman no'ng una e, mabagal pa nga ang takbo nila e ang kaso nga biglang dumaan 'yong matanda, nag-iwas ang drayber tapos ayon na-" (Juan Paco, saksi)
"Sa takot na maka-aksidente sila ang naaksidente." (Celso Matias, security guard)
"Kasalukuyang kritikal ngayon at ginagamot sa Fuentabella Medical Center ang mag-nobyo lalo na si Mr. Carbonel na kasalukuyang comatose hanggang ngayon. Irish Lazarus, nakatutuk Pinas Balita."
"M-Ma, sabihin mo naman sa akin na hindi totoo 'yan." sambit ko.
Hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang nalaman ko-si Elle, si Yohan, ang baby nila.
"Anak, sana nga hindi ito totoo-." lumapit ang Mama at agad akong ikinulong sa kaniyang mga bisig.
"M-Ma si Elle," palahaw ko nang mapasalampak ako sa sahig. "Ma si Elle, puntahan natin si Elle. Gusto ko siyang makita."
Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama, halo-halo ito. Nanginginig ang buong pagkatao ko, tuloy-tuloy na rumaragasa ang mga luha ko habang patuloy na binabanggit ng bibig ko ang pangalan ng aking matalik na kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top