CHAPTER 24

ELLE

Nagising ako mula sa malambot na labi na dumampi sa sa akin nang dahan-dahan ko na imulat ang mga mata ko ay mukha ng taong nakasanayan ko na makita ang una kong nakita. Otomatiko na kumurba ang labi ko sa isang ngiti nang masilayan siya ng mga mata. 

"Good morning baby,"  bulong niya, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na nanunuot sa ilong ko. Muli akong napapikit habang sinasamyo ang mainit niya na hininga. "Pagod na pagod ang baby ko," dumampi ang mainit niyang palad at humaplos ito sa pisngi at noo ko.  "You better get rest. 

Muli kong iminulat ang mga mata ko, pakiramdam ko ay nasasabik ang paningin ko na makita ang napakaguwapong mukha ni Yohan. Lapit na lapit ang mukha niya sa mukha ko, samyo na samyo ko ang napakabangong amoy niya. Lalaking-lalaki, nakakahalina, nakaka-adik.

"Y-Yohan…" siyang mahinang sambit ko at kumapit sa kaniya.

"Yes baby?" Yaring musika ang malalim at husky na boses niya sa pandinig ko. 

"Y-Yohan…" muli kong sambit.

"If you can't talk, don't force yourself. I need you to rest, just wait for me here. I'm going to work now, they need me in the office. Uuwi rin ako mahal, sasaglit lang ako do'n." Tanging tango lang ang naisagot ko dahil bigla akong nakaramdam ng kakaibang pangangalay ng panga ko. "Ipinagluto kita ng food, nasa fridge siya ngayon. Nasabihan ko na si Manang Yoli na dalhan ka ng pagkain pagkagising mo, you sleep. Alam kong pagod ka dahil sa nangyari kagabi, papasok muna ako. May gusto ka bang ipabili?"

"W-Wala naman, mag ingat ka  mahal ko." Muling ngumiti si Yohan at saka ipinaglapat muli ang mga labi naming dalawa. Tinugon ko ito ng mas malalim pa na halik habang hawak ko ang magkabilang pisngi niya. Natigilan na lang kami nang marinig namin ang marahas na pagbukas  ng pinto, sabay namin na nilingon ang babaeng iniluwa ng pinto nang maghiwalay ang mga labi namin.

"Hala! Sorry! Hindi ko sinasadya, akala ko kasi tapos na kayo mag-bonding." Si Ate Yanna, na nanlalaki ang mga mata ang bumungad sa amin. "Ano Yohan? Hindi ka ba na-satisfied kagabi at gusto mo pa umisa ngayon? Aba'y maawa ka kay Elle, pagpahingahin mo muna. Baka nakakalimutan mo na buntis 'yang fiancé mo."

"O-Opo Ate," wika ko saka ko ibinaling ang tingin kay Yohan. "Sige na, baka maabutan pa kayo ng traffic."

"What do you want for today? Any cravings ?"

Ano nga ba ang gusto ko ngayon bukod sa makita siya? Hindi naman ako nakakaramdam ng craving ngayon.

"Wala pa naman."

"Are you sure?" Tumango lang ako, muli niya akong hinalikan. "Papasok na ako ah, promise maaga ako na uuwi mamaya. Bibili ako ng maraming fruits and milk para sa baby natin. I'll see you after work,"  Muli niya ako na hinalikan bago siya tuluyan na lumabas ng kwarto.

Bumangon ako at isinandal ang likod ko sa headboard ng kama, kagaya ng usual na umaga. Wala na naman akong saplot bukod sa makapal at itim na comforter na nakatakip sa katawan ko. masakit ang pagkababae at nangangalay ang panga…. 

Teka?

Nangangalay ang panga?

Bigla akong napatakip sa bibig ko nang maalala ko ang mga eksena kagabi…

Ito na ang pangalawang beses na   na ginawa ko iyon sa kan'ya.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko nang patuloy na nagpaflash ang ginawa ko kay Yohan habang nakahiga ito sa kama namin at ako naman ay tinatrabaho ang sundalo niya. Hanggang sa paliligo ko ay gano'n pa rin ang eksenang nakikita ko sa isipan ko lalo kapag pinipikit ko ang mga mata ko. Matapos ko na maligo, magtootbrush, mag-ayos, at magbihis ay agad ko nang pinulot ang mga damit na nakakalat sa kama at sa sahig ng kwarto. Pinalitan ko rin ang kobre kama, kumot pati na unan na may bahid ng eksena kagabi agad ko itong nilagay sa basket na lagayan ng maruruming mga damit namin na matatagpuan sa loob ng bathroom.

Kasalukuyan ako na nagwawalis ng sahig nang maramdaman ko na para bang nangangasim  at hinahalukay ang aking ang sikmura nagluluha rin ang mga mata ko. Dali-dali ako na nagtungo sa bathroom at doon ay nagsuka ako ng nagsuka hanggang sa wala na ako na mailabas. Binukasan ko ang faucet at agad na hinugasan ang bibig ko, nagtoothbrush ulit ako pagtapos ay pinunasan at tinuyo ang bibig ko. Tinapos ko lang ang paglilinis ng kwarto bago ako bumaba, mga kasambahay lang ang naabutan ko na abala sa paglilinis ng bahay.  May iba na naglilinis sa labas at ang ilan ay nasa kusina.

"Gising na po pala kayo Ma'am, halika po dito tayo sa kusina. Ipinagluto ho kayo ni Sir Yohan ng  pagkain bago sila umalis," anito na may malapad na ngiti.

Agad niya ako na iginaya patungo sa dining area. Doon ay naabutan ko si Ate Yoora na nag-aalmusal nang magtagpo ang mga paningin namin ay biglang tumaas ang isang kilay niya. 

"I lost my appetite, mamaya na lang ako kakain kapag wala nang desperadang basura  dito sa bahay." 


"Ate hindi na po kailangan, ako na lang po ang mag-aadjust. Tapusin ninyo na lang po ang pag-aalmusal mo." Mahinahon kong sabi, kailangan kong kalmahin ang sarili ko.


"Hindi na, nawalan na ako ng gana. Manang pakitapon na ito, hindi ko na makakakain." Tumayo siya at kinuha ang bag at isinukbit niya ito sa balikat. Naglakad siya papalabas ng dining area at nang makalapit siya sa direksyon ko ay tinuya niya ako gamit ang mata niya. "You better spend your remaining days here malapit ka nang mapatalsik dito." Pagbabanta pa niya bago tuluyang umalis.

"H'wag mo siyang pakikinggan," ani Ate Beki na nagliligpit ng mga pinagkainan ni Ate Yoora. "Inggit lang sayo 'yan kasi ikaw ang pakakasalan ni Sir Yohan at hindi yung manok niya na si Bellang malandi."

"Oo nga po, pabayaan mo na siya. Lahat nga kami ay naiinis dyan, kaya nga po noong isang araw  na pinapalayas siya ni Sir Harrison ay natatawa na lang kami." Pagsang-ayon naman ni Ate Jacinta na nakatoka sa paghuhugas ng pinggan.

"Hay naku Jacinta, Beki, tigil-tigilan ninyo. Amo pa rin natin si Ma'am Yoora, pananaway ni Manang Yoli. "Ma'am Elle, maupo na po kayo. Iinitin  ko na lang  po ang almusal ninyo." 

"Ako na po kaya para po magawa na ninyo ang iba pa po na gagawin ninyo, kaya ko naman po. Saka marunong naman po ako sa gawaing bahay."

"Ay hindi na Ma'am Elle, hayaan ninyo na lang po kami  na gawin ang trabaho namin." Ipinaghila ako ni Manang Yoli ng upuan at pina-upo ako roon.

"S-Sige po…"  aniko nang maka-upo ako. Siya nman ay nagtungo na sa loob ng kitchen, si Ate Thelma ay pinagsilbihan na ako. Nilagyan niya ng pinggan, kutsara, tinidor baso na may tubig, gatas at juice ang lamesa ko.

Hinandaan niya rin ako ng  mga iba't-ibang uri prutas, ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na mula sa kitchen area si Manang Yoli kasunod si Yaya Maning at Ate Jacinta.  Inilapag ni Yaya Maning ang fried rice, bacon, egg at hotdog sa lamesa. Si  Ate Jacinta naman ang naglapag ng cornbeef omelet at sandwich, dala-dala naman ni Manang Yoli ang vegetable salad na nasa malaking transparent na bowl.

"Kainin mo daw 'yan sabi ng anak ko na patay na patay sa'yo." Isang mahinahong boses ang narinig ko mula sa likuran na agad ko naman ba nilingon.

"Tita Yvonne kayo po pala, magandang umaga po." 

"Mommy Yvonne," anito saka naglakad papasok sa dining area. Hinila niya ang upuan na katapat ko at doon  siya umupo. "Yaya Maning, my tea please." Magalang niyang utos sa kay Yaya Maning.

"Opo Madam," sagot ni Yaya Maning na naghahadali na pumasok sa kitchen.

"Elle…" siyang tawag niya sa pangalan ko.

"H-Ho?" Para bang dinaga ang dibdib ko nang marinig ko na tawagin niya ang pangalan ko.

"You eat first, magkwentuhan tayo habang kumakain ka,"

"S-Si-Sige po…" mahina kong sabi.

"Salamat."

"Para saan po?" 

"For giving Yohan a  new direction in life, another life, another reason to live. Noong dumating ka, Yohan life change. Nakukuha niya nang ngumiti, nakukuha na niya na kumustahin ang Papa niya, at ang pinakamaganda natagpuan niya na ang sarili niya. Growing up, ang akala ni Yohan ay bading siya. And I'm aware of that, hindi niya lang alam. Nanay ako Elle, alam ko kung ano ang nararamdaman ako. And I must admit na natakot ako para kay Yohan. Galit kasi sa 'gay' ang Papa niya, hindi ko alam kung nasa posisyon ako para ikwento pero mas mabuti nang hindi. Alam mo ba hija? Nawala ang takot ko na 'yon para sa anak ko dahil ipinakilala ka niya sa asawa ko." Pagkukwento ng Mommy ni Yohan, napakalumanay ng boses niya. Pareho sila ni Ate  Honey. Malambing at animo'y nangungusap.

"Si Yohan po ang nagbago ng buhay ko."

"I know, but this isn't about the material things that my son gave you. Reward mo lang 'yon Elliese, kung inaakala mo na ikaw ang nagbago ng buhay dahil naiahon ka ni Yohan sa hirap. Nagkakamali ka kasi ang totoo, si Yohan ang binigyan mo ng bagong buhay."

Alam niya ang bagay na 'yon? Ang akala ko ba…

Ako, si Sam, Alona at si Yohan lang ang nakakaalam ng tungkol sa pagbabayad ni Yohan sa akin. Kapalit ng pagpapanggap ko.

"Hija, h'wag mo sanang iiwanan si Yohan. Nararamdaman ko na mahal na mahal ka niya, batid ko na hindi na lang kayo nagpapanggap na dalawa."

"Paano ninyo po nalaman?" 

"Aksidenteng natuklasan iyon ni Alyanna nang marinig niya si Sam at si Daniel na dating nobyo ni Yohan, na nag-uusap. Nang minsang dumalaw si Daniel sa kumpanya at hinahanap si Yohan, naging curious lang si Alyanna, tapos noong nag-imbestiga siya saka niya natuklasan ang lihim ninyo ni Yohan."

"Patawarin po ninyo ako, hindi ko po sinasadya Ma'am Yvonne, napilitan lang po ako. Nangangailangan lang po talaga ako kaya ko po ginawa ang—"

Umiling-iling siya at ngumiti. "No, h'wag kang mag-sorry. Ayos lang hija, alam mo kung hindi nangyari 'to hindi maayos ang baluktot na buhay  ni Yohan. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang takot na nararamdaman ko para sa anak ko,"

"P-Pero nagsinungaling po kami ni—"

"Na ngayon ay totoo na, minahal ka na ng anak ko Elliese. At 'yon ang panghahawakan ko," ngumiti ito ngunit kasabay ng pagngiti niya ay siyang pagkislap ng mga mumunting likido sa mga mata niya. "Alagaan mo ang anak ko, hindi man si Henry ang napangasawa mo. Hindi man si Henry ang nakatuluyan mo, sigurado na kung ano ang hindi kayang ibigay at gawin ni Henry ay tiyak mapupunan ni Yohan."

"Bakit po ninyo sinasabi ito?"

"Gusto kong bumawi kay Yohan, sa loob kasi ng tatlumpung taon… Inakala niya na si Henry lang ang mahal ko hindi niya alam na ginawa ko 'yon para hindi siya itakwil ng ama niya. Pinalabas kong anak sa labas si Henry para matanggap ni Harrison si Yohan, nagawa ko 'yon kasi alam ko na lalaking iba ang pagkakakilala ni Yohan sa sekswalidad niya. Ginawa ko 'yon para sa kapakanan niya kasi ayokong panghinaan siya, ayokong lumaki siya na kinukutya siya. K-Kung... kung ikukumpara sila, hindi hamak na mas malakas si Henry kaysa sa Yohan ko." Tila nagkakarerahan ang mga luha niya matapos niya na magsalita, nag-unahan ito sa pagbagsak sa pisngi niya.

Tila may sariling buhay ang mga paa ko at naglakad ito patungo sa direksyon ng Mommy ni Yohan, agad ko siya na yinakap ay pinahid ang mga luha nito

"Tama na po M-Mommy…" nag-aalangan pa ako na tawagin siya na Mommy dahil kasalanan ko kung bakit nag-aaway ang mga anak ko.

"H-H'wag mong pababayaan ang Yohan ko, kailangan ka niya Elle. Mahalin mo ang anak ko, pilitin mo ang sarili mo na mahalin si Yohan."

"Hindi po Mommy, hindi  ko po kailangan na pilitin ang sarili ko. Mahal ko po si Yohan, mahal na mahal ko po siya…"

"Mahal ko po si Yohan, mahal na mahal ko po siya…"

"I love you too, Yohan"

"I-I wanna spend my whole life with you, Yohan."

"Mahal ko po si Yohan, mahal na mahal ko po siya…"

"I love you too, Yohan."

"I-I wanna spend my whole life with you, Yohan."

"Mahal ko po si Yohan, mahal na mahal ko po siya…"

"I love you too, Yohan."

"I-I wanna spend my whole life with you, Yohan."

Paulit-ulit na tumatakbo at nagpa-flash sa isipan ko ang mga kataga na binitiwan ko sa harap ni Yohan kagabi at kanina habang kausap ko ang Mommy niya.

Bakit ko nga ba nasabi ang mga katagang iyon?

Did I really mean it?

Nadala lang ba ako ng damdamin ko?

Bakit ko sasabihin ang mga salitang 'yon?

Mahal ko na ba siya?

Mahal ko ba siya o nadala lang ba ako ng damdamin ko?

Pero kahit naman nadala ako ng damdamin ko, hindi ko sasabihin ang bagay na 'yon.

Bakit ko sinabi na mahal ko si Yohan? Si Henry ang mahal ko…

Si Henry ang—

"Aray!" Siyang reklamo ko nang makatanggap ako ng isang malakas na hampas sa balikat mula kay Zarina. "Bakit mo ba ginawa 'yon?"

"Siz anong drama 'yan? Kanina ka pa tulala ah, kanina pa kita hindi maka-usap ng ayos. Nag-aya aya ka na lumabas tayo at libre mo dahil may sasabihin ka pero naubos ko na ang dalawang slice ng cake na inorder ko, nakadalawang  ihi na ako pero wala pa rin. Ano na? Tutunganga na lang ba tayo hanggang sa mamuti ang mga mata natin?"

"S-Sorry.." 

"Bakit ba? Ano bang meron? Sabihin mo sa akin nang matulungan kita, masama sa buntis ang masyadong marami ang iniisip ha."

"Hindi ko rin alam, naguguluhan na ako."

"About ba sa sinabi ko kahapon? 'Yong sa unsaid feelings mo, bakit narealize mo na ba na si Yohan na ang laman niyan?"

"Hindi."

"Hindi?" Tanong niya, "e ano?"

"Hindi ko alam Zarina."

"Paanong hindi mo alam?"

"Kagabi, after namin magmake-love ni Yohan. I automatically told him that I love him back… and…. kanina when I was talking with Tita Yvonne, Yohan's mom. Sinabi ko na naman ang salitang mahal ko siya, at imbis na Henry ay Yohan… pangalan ni Yohan ang nasabi ko Zarina."

"Ay confirmed beshycakes, inlababo ka na nga dyan sa tatay ng anak mo."

"Imposible…"

"Always remember that you cannot unthrow a punch, you cannot undo an action, and you cannot unsaid a word. Nasabi mo na 'yon, maaring yung isang beses is a mistakes pero kapag napangalawahan na. Hindi na mistake 'yun, sinasadya na 'yun."

"P-Pero Zarina si Henry ang mahal ko, siya ang—

"Sa ngayon kasi indenial ka," She release a deep sigh. "Hirap maging maganda 'no? Sana all Maria Elliese."

"Za…"

"I know we'll  figure it out bess, sa ngayon you have to rest. Alalahanin mo ang baby mo, unang apo ng Tito Arthuro 'yan." Sumubo muna siya ng piraso ng cake bago muling nagsalita habang ngumunguya "O e teka, nashabi mo na ba sha Tatay mo?" 

"Hindi pa e, hindi ko kasi alam ang bahay nila pero sila nanay nasabihan ko na. Si Tatay na lang talaga, hindi ko naman maiistorbo si Yohan ngayon kasi pumapasok na siya ulit sa opisina."

"He'll make time for you, mahal na mahal ka kaya no'n," aniya habang itinataas ang parehong kilay. 

"Masyado ko na siyang naabala ng husto."

"E ginusto niya naman 'yon saka deserve mo rin naman 'yon, atleast hindi ka na maghihintay. Nayayakap mo siya, nakakasama, nahahalikan, hindi kagaya noon na halos mamuti na ang mga mata mo wala pa rin na Henry na dumarating." Siyang wika niya matapos sumimsim ng kape. 

"Don't compare Henry to Yohan, malaki ang pagkakaiba nila."

"Tumpak! Kasi si Yohan laging nandyan para sayo while Henry? Error. He was always absent, Elle. Always absent," mariin niyang sabi bago muling kumuha ng piraso ng cake.

Kibit-balikat kong isinandal ang likod ko sa bakal na sandalan ng upuan at bununtong hininga. Magulo ang isipan ko, ngayon lang ako nagkaganito. Hindi na ito tungkol sa pagiging fake fiancé, kontrata, at pabor  Tungkol na ito sa nararamdaman ko, si Henry pa nga  ba ang mahal ko?  O napalitan na ba siya ni Henry sa puso ko?

"Alam mo bess, feeling ko talaga na-fall ka na dyan. Hindi pa man fall na fall pero atleast fall pa rin, gets mo?" Tumawa siya ng nakakakoloko, minsan hindi ko alam kung seryoso  ba siya sa sinasabi niya. Knowing Zarina for so long, lagi niyang nagagawang biro ang mga seryosong usapan. 

"Hindi ko ge—" hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko ito na kinuha mula sa loob ng bag ko at sinipat kung sino ang nasa caller Id.

Incoming call... Tatay

"Sino 'yan?" Takang tanong niya.

"Si Tatay, sasagutin ko lang ha." tumango siya, agad ko na pinindot ang answer button at inilapat ang cellphone sa tenga ko. "Hello po,"

"Hello Elliese, kimusta ka?" Bati ng Tatay mula sa kabilang linya.

"Maayos naman po, ikaw po Tay? Miss na miss na po kita,"

"Maayos rin ako anak, miss na miss na rin kita. Siya nga pala, nabalitaan ko mula kay Yohan ang pagdadalang tao mo. Tuwang-tuwa nga ako nang nalaman ko 'yun, ang gandang birthday gift nito para sa akin."

Oo nga pala, nabanggit niya noong nakaraan na  October 18 ang birthday niya, sa makalawa na nga pala 'yon. 

"Oo nga po pala Tay, ano po ang gusto ninyo na regalo? Alam ko po na meron na po kayo ng lahat at kaya ninyong bilhin pero gusto ko pa rin po na regaluhan ka."

"Anak, ang pagkakakilala pa lang natin at pagtatagpo ay isa nang  regalo para sa akin. Lalo na ngayon, na magkaka-apo na ako sa inyo ni Yohan. Napakalaking regalo na 'yun para sa akin, sobra-sobra pa nga."

"Pero Tay..." pagtatampo ko pa.

"O sige na nga, ganito na lang.... Sa birthday ko, gusto ko ikaw ang pinakamaganda. Gusto ko na ang araw na 'yon ay maging memorable para sa'yo at para sa akin, ipakikilala na kita sa lahat. Ipapakilala kita bilang Elliese Fuentabella, ang  tagapagmana ko."

"T-Tagapagmana?" Parehong nagtagpo ang mga mata namin ni Zarina na abalang ngumunguya ng malaking piraso ng cake na kakasubo pa lang niya. 

"Chagapagmana?" Takang tanong niya habang ngumunguya. 

"Ano pong sinasabi ninyo Tay?" 

"Anak, matanda na ang tatay. Bilang na ang mga araw na nabubuhay ako," lumamlam ang boses niya.

"Tay naman, h'wag po kayong magsalita ng ganyan."

"Anak gusto kong makilala mo ang mga kapatid mo, sina Brent at Isabella. Gusto ko bago ako mawala, magkakila-kilala kayong tatlo at magkasundo-sundo. Iyon na siguro ang isa pang magandang regalo para sa kaarawan ko,"

May nga kapatid pala ako sa kanya, anak niya siguro sa napangasawa ni Tatay na Carmela ang pangalan. Pero panigurado naman na matatanggap ko sila Brent at Isabella, gaya ng pagtanggap ko kina Cathy, Crismar, Tala at Nemo na mga kapatid ko sa ina. 

"Opo tatay, nasasabik na po ako na makilala sila."

"Mabuti naman anak, siya nga pala... Pwede ba akong humingi ng pabor?"

"Kahit ano po 'yan, gagawin ko po."

"Pwede ba na dumito muna kayo ni Yohan ng tatlong araw hanggang sa matapos ang kaarawan ko, gusto lang kita na makasama anak. Gusto kong maging ama sa'yo kahit sa sandaling panahon, naka-usap ko na naman si Yohan  ang sabi niya sayo raw ako magpaalam."

"Sige po Tay, pumayag naman po pala si Yohan. Sasabihan ko na lang po siya pag-uwi niya,"

"Maraming salamat anak, o siya... ibababa ko na. Kailangan na ko ng mga pasyente ko, i love you anak."

"I love you po tatay." Matapos na ibaba ni tatay ang tawag ay pinatay ko narin ang cellphone ko at ibinalik ito sa bag ko. 

"May mga kapatid ka pala sa tatay?" Siyang tanong ni Zarina.

"Oo Bes, si Brent at Isabella raw. Sana naman namana nila ang kabaitan ni Tatay."

"Sure 'yan, ikaw nga oh tamo salong-salo mo ang pagiging martir ng Nanay Elsa mo." 

"Bess naman."

"Eto naman joke lang, tara na nga at tapusin na natin 'to. Late na naman ako sa trabaho ko,"

"Sorry na, alam mo naman na ikaw lang ang best friend ko at matatakbuhan ko e." Pagdadrama ko sa kanya

"Nagmaktol pa, alam mo naman na hindi kita matitiis e. Ikaw lang din naman ang best friend ko, gagang 'to."

Matapos namin na kumain ay inihatid na ako ni Zarina pabalik sa mansyon ng mga Carbonel, siya naman ay bumalik na sa trabaho niya. Pagpasok ko sa loob ng mansyon ay ang mataas na kilay ni Ate Yoora ang agad na bumangad sa akin, mabangis ang mukha at nakasambakol ito. Pumasok ako na nakayuko nang makita ko siya. Lalampasan ko sana si Yoora pero bigla niyang hinila ang balikat ko at marahas na itinulak ako sa may pinto. Mabuti na lang at may balanse ako kaya hindi ako natumba.

"A-Ate.."

"Don't call me Ate, hindi kita kapatid at mas lalong hindi ko tanggap na ikaw ang pakakasalan ni Yohan." Galit na sabi niya.

"Alam ko po,"  mahinang sabi ko. 

"Walang magtatanggol sa'yo dito, wala silang lahat. Pwedeng-pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko sa'yo, tutal basura ka naman e. Squammy at hindi ka nababagay sa lugar na  ito, ng kapal rin ng mukha mo na magpabuntis sa kapatid ko. Isa kang hold digger, social climber, mukhang pera." Mariin niyang sabi habang naka-krus ang mga braso. 

"Alam ko po."

"Si Yohan, madaling magsawa 'yan.  Pupulutin ka sa kangkongan oras na bitawan ka niya, tutal naman ay mukhanh napagsawaan ka na niya. Puwedeng-puwede ka na niyang itapon sa putik at basurang pinanggalingan  mo."

"Alam ko po."

"Ang kapal ng mukha mo na ipagsiksikan ang sarili mo dito sa pamamahay ko at sa buhay ng kapatid ko, at ito pa ang malupit. Nagpa-anak ka pa sa kanya, ang taas naman ng ambisyon mo Elliese. Bakit? Akala mo ba magtatagal ka sa bahay na ito at ikaw ang magiging reyna? No, over my dead body. Kahit umiyak ka pa ng dugo.. Mamamatay muna ako,"

"Bakit hindi pa ngayon?"

Pasensyahan tayo ngayon, napipikon na talaga ako e. Zarina pahiram muna ng tapang mo ha, ibabalik ko rin maya-maya.

"What did you say?" Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.

"Sabi ko kung mamamatay ka, bakit hindi pa ngayon?" Pag-uulit ko pa na ikinalaki lalo ng mga mata niya, mukha palang tarsier ang isang 'to lalo sa malapitan.

"Are you threatening mo?"

"No, I'm asking you. Ikaw nga 'tong banta ng banta sa akin na palalayasin ako e, tinawag mo pa akong basura."

"Basura ka lang naman talaga, basura na—"

"Basura na pinulot lang ni Yohan sa kung saan, alam ko na 'yan. Wala na bang  bago? Gasgas na ang pang-iinsulto mo na 'yan sa akin, paulit-ulit. 'Yan lang ba ang natitirang insulting words sa vocabulary mo? Kung sa bagay, kung tatawagin mo akong matandang hukluban, mukhang ampalaya, at pinaglihi sa sama ng loob ay parang dinescribe mo na rin ang sarili mo 'di ba?"

Nanggalit ang mga ngipin at mas lalong tumaas ang mga maninipis na kilay na pag-aari niya. "How dare you?"

"At kung tatawagin mo naman akong walang pinag-aaralan, matatanggap ko 'yon. Oo, maaaring high school nga lang ang natapos ko pero marunong akong rumespeto, Ate Yoora. Sabihin na natin na mas mapera ka, mas mayaman, edukada, at maraming alahas pero—" umiling-iling pa ako. "Wala e—kahit gaano pa karami ang pera mo, hinding-hindi ka makakabili ng magandang ugali."

Mas lalo siyang nanggalaiti, patakbo siya na linapitan ako at hinawakan ang kwelyo ng dress. na suot ko. "How dare you to say all those things to me? Baka nalakalimutan mo na pamamahay ko 'to!"

"Correction, pamamahay ng parents mo at ni Yohan, ng fiancé ko."

"Whatever! This is my house, this is my property. I want you to leave, LEAVE! NOW!" Bulalas niya sabay tulak sa akin ng malakas.

Agad ako na napahawak sa tiyan ko. Siya ngayon ang inaalala ko kung sakali man na mahulog ako sa mataas na hagdan pababa ng mansyon.

"Baby I'm sorry," usal ko saka ko marahan na ipinikit ang mga mata ko, ang akala ko ay katapusan na namin ng anak ko pero  mali ako. May mga pares ng kamay ang naramdaman ko na sumapo sa akin bago pa man ako tuloyan na mahulog.

"Yoora what are you doing?" Boses ng Mommy ni Yohan, si Mommy Yvonne.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang maamong mukha ni Henry ang unang naaaninag ko. 

"Ayos ka lang ba?" tanong nito saka sinipat ang kabuuan ko, tanging tango lang ang isinagot ko saka ko ibinaling ang mga mata ko sa mag-ina.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Alam mong buntis ang asawa ng kapatid mo! Balak mo ba silang patayin?" Bulyaw ng mahinahong si Mommy Yvonne.

"Hindi siya asawa ni Yohan! Si Bella ang dapat pakasalan ni Yohan, Mommy. 'Yon ang dapat sundin kasi nagkasundo na sina Lolo at Ninong Arth diba?" Pagmamatigas pa ni Yoora.

"H'wag mong pangunahan ang desisyon ni Yohan, h'wag mo nang ipilit ang kagustuhan mo na maikasal siya kay Bella. Masaya na si Yohan kay Elle, suportahan na lang natin ang desisyon niya."

"No! Hindi ako papayag na ang gold digger na 'yan ang pakasalan ni Yohan." Tinalikuran niya ang ina at  padabog ito na umakyat sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag.

Hinarap naman ako ni Mommy Yvonne at sinuri ang lagay ko pati na ng bata sa tiyan ko.

"Ayos ka lang Elle?" Tanging tango lang din ang isinagot ko sa kan'ya. "Ikaw na lang ang magpasensya, mahirap talagang ispelingin ang panganay ko na 'yon."

"Alam ko naman po 'yln mommy, sinusubukan ko naman po na pagpasensyahan siya ang kaso sobra na po. Muntik na mapahamak ang baby ko dahil sa kaniya."

"Mas makakabuti siguro talaga na bumukod na  kayo ni Yohan, delikado na nagkikita kayo ni Yoora rito at baka mapahamak ang apo ko." wika pa ni Mommy. "Henry, iakyat mo na si Elle sa kwarto niya. Samahan mo siya, tatawagan ko lang si Yohan para makauwi na siya at mabantayan niya ang asawa niya."

"Opo mommy, tara na Elle." Henry gently held my arms.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top