CHAPTER 20
24 years ago...
"May tao ba rito Chona? E parang wala naman kasi, baka nag-aaksaya lang tayo ng oras." Ang tanong ni Elsa sa kaibigan niyang si Chonalyn.
"Mayroon yan, h'wag kang mainip. Baka busy lang sila, mag-doorbell ka na lang ulit." utos ni Chona sa kaibigan.
Muling nag-doorbell si Elsa ng dalawang beses, isang babae na naaka-suot ng asul na maid outfit ang lumabas mula sa malaking pinto ng bahay.
.
"Hayan na si Lorna! Lorna!!!" Masaya at nagtatatalon pang wika ni Chona nang makita ang dating ka-trabaho niya.
"Hoy Chona ikaw pala 'yan! Siya na ba ang sinasabi mo sa akin?" ani Lorna na isa sa mga katulong ng mga Fuentabella habang binubuksan ang malaking tarangkahan.
"Oo, siya si Elsa Altamirano. Siya ang papalit sa akin para maging kasambahay nina Sir Jose," sagot ni Chona
"Wala si Sir Jose dito, ang mga anak niya lang ang naiwan sa loob ng bahay. Si Sir Arthuro, yung doktor saka si Sir Hernan, pero halikayo, tuloy kayo. Si Sir Arthuro ang mag-iinterbyu diyan kay Elsa." sagot ni Lorna.
Tumuloy naman ang magkaibigang Chona at Elsa sa loob ng mansyon ng mga Fuentabella, manghang-mangha si Elsa habang ipinagagala-gala niya ang mga mata sa loob ng salas ng mansyon.
"Upo kayo, tatawagin ko lang si Sir Arthuro," ani Lorna saka umakyat sa itaas na silid.
"Chonalyn, talaga bang ako ang iiwanan mo dito? Mukhang hindi ko kakayanin, ikaw naman kasi bakit mo pa naisipan na mag-abroad?" May pagtatampo ang tono na tanong ni Elsa.
"Babalik naman ako eh, atsaka kailangan mo itong trabaho na ito para kay Eliseo. Mag-aaral na ang anak mo hindi ba? Ako naman kailangan ko na makapag-trabaho sa abroad para naman makasama ko na ang kasintahan kong si Renato doon. H'wag ka nang magtampo Elsa, hindi naman kita makakalimutan e," panunuyo pa ni Chona sa matalik na kaibigan.
"Ano pa bang magagawa ko?" Bumuntong hininga si Elsa.
"Chona, Elsa, nandito na si Sir Arthuro," si Lorna kakababa lang mula sa ikalawang palapag.
"So you must b-be…" naputol ang sasabihin ni Arthuro Fuentabella ng makita niya ang mukha ni Elsa. Natulala siya sa babae at bahagyang napa-awang ang pang-ibabang labi.
Si Elsa ay isang magandang babae balinkinita ang katawan, mahaba ang buhok, matangos ang kanyang ilong, may maningning na mga mata, at mala-rosas na labi.
"Uhm.." tumikhim si Arthuro bago nagsalitang muli "Elsa Altamirano, tama ba?"
"Opo sir."
"Chonalyn's friend?"
"Yes sir!" Si Chona naman ang sumagot.
Maiksing panayam lamang ang isinagawa ni Arthuro kay Elsa. Madali rin namang natuto at nakasunod ang babae sa mga sinabi ni Arthuro. Laba at luto ang iniatang na gawain ng mayordomang si Aling Fely sa kan'ya, paminsan-minsan ay matatapat siya sa ibang gawain lalo kapag day-off ng isa.
Halos magtatatlong linggo pa lamang ang ginugugul ni Elsa sa pagtatrabaho sa loob ng mansyon ay nabihag na niya ang puso ng binatang amo.
"Hoy Fuentabella! Kanina ka pa tulala riyan ha?" puna ni Harrison Carbonel sa kaibigan. "Sino ba yang sinusulyapan mo riyan?" Tumanaw si Harrison sa direksyon kung saan nakatanaw si Arthuro, isang batok ang natanggap ni Arthuro mula sa kanya. "Kaya naman pala! Babae naman pala ang dahilan kung bakit nagkakanda-bali bali ang ulo mo."
"She's beautiful right? Simple yet elegant. I like her," ani Arthuro
"Hoy binabalaan kita, may nobya ka ha! Huwag na huwag mong ipagpapalit ang kaibigan nating si Carmela." ani Harrison.
Malokong ngumiti si Arthuro
"Hay bahala ka! Basta ako binalaan na kita. Listen to me Art, you have to be honest and loyal to Carmela. Kilala mo naman ang Mama mo. Umayos-ayos ka at nang hindi ka magaya sa ibang mga kaibigan natin."
Kahit na may nagbabala ang kaibigan ay sadyang mapusok itong si Arthuro. Lihim na niligawan ni Arthuro si Elsa habang nasa loob ng bahay, kahit pa alam niya na labag ito sa utos ng kaniyang istriktang ina. Ang gusto ng Ina ni Arthuro ay mayaman at edukadang babae rin ang mapangasawa ng panganay niya at hindi kagaya ni Elsa na walang pinag-aralan at isa pang mutchacha.
Sa tatlong taon na panliligaw ni Arthuro kay Elsa ay nabihag rin naman nito ang puso ng dalaga, medyo may katagalan nga lang dahil sa may anak ito sa pagkadalaga at pinag-aaral niya pa.
Lihim silang nagkikita tuwing papatak ang madaling araw, sinusulit nila ang mga panahon sa tuwing wala ang mga magulang ni Arthuro sa tahanan. Si Lorna ang nagsilbing tulay ng dalawa para makapagkita at makapag-usap, siya ang piping saksi sa pagmamahalan nina Elsa at Arthuro. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Chona, kahit na nasa ibang bansa ang nangyayari sa kaibigan.
"May anak ako sa pagkadalaga Arthuro." Pag-amin ni Elsa.
"Anong problema roon? Ituturing ko siyang tunay kong anak, gagawin ko 'yon para sa iyo. Mahal kita Elsa at handa kong ibigay ang lahat para hindi mo ako iwan."
Tuloy lamang ang pag-iibigan ng dalawa na hindi alintana ang pagkakaiba ng kanilang mga estado sa buhay.
Isang heredero na umiibig sa isang katulong.
Bawat araw ay kanilang pinagsasalohan na tila ba sila lang ang tao sa mundo. Tanggap ang mga imperpeksyon ng isa't isa, depinisyon ng isang tunay na pag-ibig.
"Lorna, Elsa kayo na ang bahala sa paghahanda ng pagkain para sa bisita nila Sir Arthuro. Ayos ba?" tanong ni Aling Fely.
"Opo." sagot ni Lorna.
"Hoy Elsa, wala ka bang boses? Bingi ka ba? Naririnig mo ba ang mga sinasabi ko? Elsa? El—Ay jusko po! Tulong! Tulongan ninyo po kami!"
Bigla na lamang natumba at nawalan ng malay ang katulong, dali-dali naman na binuhat ng kapapasok lamang na si Anjo ang dalaga at dinala sa maid's quarter.
"Ano bang nangyayari sa kan'ya? Ilang araw na siyang nagkaka-ganyan ah. May sakit ba siya?" Nag-alalang tanong ni Aling Fely.
"Baka po napagod lang, ilang araw na po kasi siyang walang pahinga sa dami ng pinagagawa ni Ma'am Flora." Pagsisinungaling ni Lorna, napayuko ito at animoy may sikretong tinatago.
"May sakit nga ba talaga?" Mataray at may pang-uusig na tanong ng isa pang katulong na si Annie "O e baka naman buntis na si Elsa, e hindi ba't may relasyon sila ni Sir Arthuro. Kalat na kalat na 'yon sa buong subdivision."
"Manginig ka nga sa mga sinasabi mo Annie!" bulyaw pa ni Aling Fely.
"Naku Aling Fely, kahit tanungin mo pa 'yang si Lorna! Alam niya yan! Alam niya ang lahat-lahat," pagmamatigas ni Annie.
"Lorna, totoo ba iyon? Lorna sumagot ka!" Galit na sabi ni Aling Fely.
"O-opo…" napipilita na pagsagot ni ni Lorna sa kanila
"Naku nalintikan na!" Napahilamos na lamang si Aling Fely at napatampal sa sariling noo.
Matapos magkamalay ni Elsa ay kaagad nang nagpaalam si Aling Fely sa mga amo ay dinala niya si Elsa sa ospital para makumpirma ang pagbubuntis ng babae. At kumpirmado na na dalawang buwan na itong nagdadalang tao,sa anak ng amo nila.
"Paano ngayon 'yan ano ang gagawin mo? Alam mong malabo na maging asawa mo si Sir Arthuro," ani Aling Fely.
"Alam ko naman po iyon eh…"
"Bakit ka kasi nagpabuntis sa amo natin?" tanong pa ni Annie. "Masyado na ba na mataas ang ambisyon mo Elsa? Aba e akala mo naman pananagutan ka, h'wag kang ilusyonada."
"Ano ba Annie? Hindi niya kasalanan na nagbuntis siya!" Pananaway ni Aling Fe.
"Sinong buntis?" tanong nang kararating lang na si Donya Flora, ang ina ni Arthuro. "Ikaw ba Elsa? Sinong ama niyan? Si Arthuro ba?"
Hindi nakakibo si Elsa, napayuko na lamang ang dalaga.
"Ipalaglag mo ang bata na 'yan!" utos ni Donya Flora. "Wala kang batang isisilang!"
"Hindi!" Siya namang sigaw nang bagong dating na si Arthuro. "Hindi niya ipalalaglag ang batang iyan. Mama anak po 'yan, anak namin ni Elsa."
" Isang katulong at anak ng katulong? Talaga lang Arthuro?!" Pumameywang pa ang Donya "Kukuha ka na lang ng babaeng bubuntisin mo, katulong pa natin. Ano ba naman 'yan? Hindi ka nga kagaya ni Harrison pero mas malala pa pala ang gagawin mo."
"Ma! Mahal ko si Elsa at walang makapipigil sa pagmamahalan naming dalawa."
"Buntis rin si Carmela, ikaw rin ang ama ng anak niya. Siya ang pipiliin mo at wala kang magagawa, subukan mong suwayin kami ng Ama mo, mawawalan ka ng mana!"
"Ma, hindi ko anak ang dinadala ni Carmela. Sinabi ko na sa inyo, kay Renato 'yun. Silang dalawa ang magkarelasyon."
"Tumigil ka!" sigaw ng Donya at ibinaling ang mga nanlilisik na mga mata kay Elsa. "Nakapagdesisyon na ako, bukas ng umaga kailangan wala ka na rito. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo, isama mo pati ang batang 'yan."
"Donya Flora, kahit ako na lang po ang palayasin ninyo. H'wag na ang anak ko, dugo at laman po ninyo siya. Apo ninyo po ang dinadala ko."
"Wala akong apo na isang pobre! Wala akong magiging apo na anak ng isa lamang katulong!"
Nanikluhod ang dalaga sa donya, habang nagmamaka-awa ito. "Parang awa ninyo na po kahit siya na lang po ang kupkupin ninyo."
"Anong nangyayari rito? Elsa bakit ka nakaluhod?" Siyang tanong ng kararating lang na si Don Jose, ang ama ni Arthuro.
"Ilayo mo ang malanding babae na 'yan sa pamamahay ko Jose!" Malakas na sigaw ng Donya.
"Anong sinasabi mo? Isa sa mga pinagkakatiwalaan nating katulong si Elsa. Anong dahilan Flora?"
"Nilandi niya ang anak natin at nabuntis pa siya ni Arthuro!"
"Nabuntis tapos palalayasin mo pa? Anong klase kang tao? Dinadala niya sa sinapupunan ang apo natin Flora!"
"Wala akong pakielam! Gusto kong umalis na siya sa pamamahay ko!"
"Hindi siya aalis!" Mariing sabi ni Don Jose.
"Aalis siya at ang utos ko ang masusunod, mananatili lang siya rito kung ilalaglag niya ang bata at puputulin nila ang ugnayan nila ni Arturo."
"Donya Flora parang awa ninyo na po," pagmamaka-awa pa ng dalaga ngunit walang nagawa ang bawat pag-iyak niya.
Ang pobreng dalaga at kan'yang anak sa sinapupunan ay napalayas sa mansyon. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan, nakaranas ng gutom at pang-aalipusta mula sa sariling kapatid.
Disgrasyada.
Malandi.
Parausan.
Ilan lamang iyan sa mga natanggap na mga masasakit na salita ni Elsa mula sa sariling kamag-anak.
"Cassandra, Cassandra ang gusto ko na ipangalan mo sa magiging anak natin, babalik ako Elsa. Babalikan ko kayong dalawa ng anak natin pati na si Eliseo. Pangako, pangako 'yan."
"Arthuro…"
"Magpapakasal lang ako sa kan'ya pero hindi ko siya mamahalin, sayo lang ako. Hahanapin kita muli, pagbalik ko sa Pilipinas. Mahal na mahal kita Elsa,"
"Mahal na mahal rin kita Arthuro,"
⁂⁂⁂
Yohan
I was supposed to be alone with Elle today at home—to rest but suddenly her best friend, Zarina called saying that Elle's Grandfather would be discharged from the hospital. I was in a hurry to drive the car at a full speed but carefully, ang kaso wala naman kaming naabutan na dischargement na nagaganap. From the outside, narinig na namin kaagad ang mga sigawan mula sa loob, may mga tao na nakikiusyoso na rin from it. Nagkukumpulan na at parami ng parami, to the fact na hindi na kinakaya ng mga guard.
"What's happening here?" That's what I asked to the male nurse who was one of the deterrents of the people gathering.
"Nagkaroon po yata kasi ng misunderstanding between Dr. Fuentabella and 'yong bantay po ng patient." He answers.
"Can we come in? My in-laws are inside, my wife's grandfather is the patient."
"Sure po," Agad niya na pina-usog ang mga tao sa dinaraanan namin.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Elle na nakasunod sa akin, masama rin ang kutob ko. Malamang ay nagkita na sina Nanay Elsa at Uncle Arthuro at nagkakaroon sila ngayon ng matinding ungkatan ng mga nakaraan. Bago kami pumasok ay sinipat ko si Elle, sinuri ko siya ng tingin. Sa palagay ko ay nag-aalala rin siya sa kung ano ang nangyayari sa loob ng kwarto;
"Baby, everything will gonna be fine. Okay?" wiika ko habang pinipihit ang doorknob, isang tango lang ang isinagot niya sa akin.
"Elsa, anak, h'wag kang maging matigas. Hayaan mo na magkita ang mag-ama, malaki na si Elle. Sa mga susunod na buwan o taon, mag-aasawa at magkaka-anak na siya. Iyan ba ang ipapabaon mo sa anak mo? Ang pagiging matigas at hindi marunong magpatawad, dalawamput apat na taon na ang nakakalipas anak. Panahon na para malaman ni Elle ang totoo…" Ito ang mga katagang narinig namin mula kay Lolo Igme na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"A-Ano pong dapat kong malaman?" Si Elle… There was a hint of astonishment in his voice
Lahat sila ay napalingon sa sa direksyon namin at pakiramdam ko ay mas lalong lumala ang tensyon na naabutan namin noong kami ay dumating.
"Elliese…" usal ng Lolo.
"A-Ano pong totoo?" Muling tanong ng nagtatakang si Elle.
"Siya na ba si Cassandra, Elsa? Siya na ba ang anak ko?" Siya namang tanong ng lalaking nagngangalang Arthuro habang nakatuon ang paningin kay Tita Elsa.
"Hindi Cassandra ang pangalan niya, siya si Elliese."
"N-Nay, ano po ang totoo? Bakit niya po ako tinatawag na Cassandra?"
"Yohan ilabas mo si Elliese," Hindi sinagot ni Nanay Elsa ang tanong ng anak niya.
"Elsa!" sigaw ni Lolo Igme.
"Yohan pakiusap ilabas mo si Elliese!" Mariin na utos ni Nanay habang nakaturo siya sa pinto.
"Nay hindi po ako lalabas hangga't hindi ko nalalaman ang totoo na sinasabi ni Lolo."
"H'wag matigas ang ulo!" bulyaw ng Nanay kay Elle, galit ang boses niya ngunit basag ang boses at may rumaragasang luha sa pisngi.
I can't bare to see her like that.
I badly wanna meddle but it's their family issue, hindi ko alam ang pinaghuhugutan nila.
"Elsa! Napakatigas mo!" Si Lolo iyon na sinusubukan na makabangon mula sa bed na hinihigaan niya.
"Lo, humiga po kayo." Si Zarina iyon na naka-alalay kay Lolo. "Hayaan ninyo na posila."
"Elsa, gusto ko lang… g-gusto ko lang mayakap ang anak ko. Gusto kong makabawi kay Elliese, gusto kong punan ang dalawang dekada ko na pagkawala." Tito Arthuro spoke sincerely while looking on our direction. "Elliese, I'm your father."
"Gusto mong makabawi? Bakit? Maibabalik mo ba ang dalawamput apat na taon na paghihirap namin, dalawamput apat na taon ng pagtatakwil ng pamilya mo sa anak ko. Ipinapapatay ng magulang mo si Elliese na sariling dugo nila, Arthuro. Matatanggap ko sana na ako na lang ang pinalayas nila sa mansyon pero hindi e, gusto nila na pati ang anak ko mawala. Gusto nilang ipalaglag ko si Elliese! Narining mo ba 'yon Arthuro 'di ba? Pero wala kang ginawa, ipinagpalit mo ang sarili mong anak sa sa pera at ari-arian na ipamamana sa'yo."
"E-Elsa, wala lang akong nagawa noon. Alam mo naman kung gaano kastrikta ang mama sa akin pati na kay Hernan. Sinubukan ko naman kayong hanapin, pati na ang Papa ko."
"Tama na! Nagkita na naman na kayo, nakita mo na ang anak mo. Baka pwedeng umalis na kami, maghahanap na lang kami ng ibang ospital na gagamot sa tatay ko."
"Imposible po tayong makahanap ng ospital na kumpleto ang facilities at mga machines Nay, dito lang po available ang lahat ng kakailanganin ni Lolo." sabat ko.
"Hayaan mo na Yohan, gusto niya na yata ako mamatay." Blanko ang ekspresyon sa tono nang pananalita ni Lolo.
"Tay hindi sa gano'n, ayoko lang magkaroon tayo ng koneksyon sa tao na 'yan." Pagmamatigas pa ng Nanay.
"Kaya pati buhay ko isusugal mo, gano'n ba Elsa? Sana pala pinatay mo na lang ako!" Pagdaramdam ng Lolo, "Elsa kung may galit kay kay Arthuro, h'wag mo naman sana kaming idamay. Naiintindihan ko ang paghihirap mo anak pero sana intindihin mo rin ang paghihirap ko, paghihirap ni Arthuro, at mas lalong paghihirap ng sariling anak mo. Gusto ko lang gumaling, gusto lang ni Arthuro ng kapatawaran, at gusto lang malinawan ng anak mo. H'wag kang maramot."
"Hindi ako maramot Tay, nasaktan po ako!"
"E kami ba? Hindi ba kami nasaktan? Hindi ba kami nahirapan? Hindi ba nakaramdam ng pangungulila si Elliese? Elsa, iba-iba tayo ng nararamdaman. Iba-iba tayo ng pinagdaraanan, hindi lang ikaw ang nasasaktan. Tanungin mo si Ellies, tanungin mo ang anak mo kung ano ang nararamdaman niya ngayon."
As they warmed up to the words being thrown at each other my eyes were just quietly focused on Elliese, she was quietly listening and watching the people in front of her arguing.
She's standing there—chewing on her lower lip, her tears spoke for her, rushing from her eyes to her cheeks.
"Elle, baby…" I spoke softly, she slowly turned to me, tears shimmered in her eyes. She sighed heavily, letting her head drop. "Cry it out,"
I immediately locked him in my arms, she started sobbing quietly until it got louder. This caused Uncle Arthuro, Nay Elsa, and Lolo Igme to stop arguing.
"B-Bess…" That's Zarina, she's looking straight at Elle with a wide eyes.
"Shush, it's okay baby." I console her as I rubbed her back.
"Tignan mo ngayon ang nangyari Elsa, sino ngayon ang pinakanagdurusa sa away ninyong dalawa? Hindi ba't ang inosente ninyong anak, walang kasalanan si Elle. Wala siya noong mga panahon na nagkaroon kayo ng pader sa isa't-isa pero siya ang pinaka-apektado."
"A-Anak..." magkasabay na sambit ng Nanay at ni Tito Arturo.
"Maawa kayo sa anak ninyo," muling sambit ni Lolo. "Maawa kayo kay Elle na pinagkaitan ninyo ng lahat."
Thay's why I'm giving her everything, Lolo—the love, the care, every material things that I can buy, the attention that Elle seek, and most importantly, the appreciation that she deserves.
"Iuuwi ko muna po si Elle, pagpapahingahin ko muna po siya."
Kagabi, kaya ako nawala at umaga na naka-uwi ay pinuntahan ko si Uncle Arthuro sa opisina niya. Sinabi ko sa kan'ya na pupwede niyang puntahan si Nay Elsa habang wala si Elle at nang hindi na ito madamay muna dahil aware ako na magkakaroon sila ng matinding argument. The case is that I just don't expect Zarina to come and she will use Grandpa's 'dischargement' as an excuse for us to go to the hospital. I can’t blame Zarina, she knows nothing about what’s going on.
"H-Hindi… Ayokong umuwi…" She mumbles as she broke free from my embrace and turn to face her parents. "N-Nay, gusto ko pong… g-gusto ko po na maka-usap si Tatay… Gusto ko po na marinig ang paliwanag niya," she said while wiping her tears.
"Gawin mo ang tama, apo."
She sniffle twice before turning as he look at me. "Puwede ba? Saglit lang naman 'yon, tatay ko naman siya."
"You don't need to ask me, baby. Go on and do everything that will make you feel okay."
Hinayaan namin na makapag-usap ng masinsinan sina Uncle at Elle, kami naman ay naiwanan dito sa loob ng kwarto.
"Mabuti na lang at hindi namana ni Elle ang pagiging matigas mo Elsa," panimula ni Lolo. "Kailangan mong matuto mula sa anak mo."
"Tay kinailangan ko po na maging matigas para sa kaniya at sa mga kapatid niya." saad ni Nanay Elsa saka bumaling ang tingin sa akin "Anak, ingatan mo si Elle. Ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa kan'ya, h'wag na h'wag kang gagaya sa Tatay niya. H'wag mo siyang iiwanan para hindi siya maging kagaya ko, mabait ang anak ko. Hindi siya makasarili, sobrang mapagmahal ng Elliese ko."
"Huwag po kayong mag-alala, Nay. Mahal na mahal ko po si Elliese at ipaglalaban ko po siya kahit kanino, mawala na po ang lahat sa akin—huwag lang si Elle." sinserong wika ko.
"Magkaiba kayo ng ginagalawang mundo, mayaman ka samantalang kami—" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita.
"Nay, wala po akong pakielam. Ang mahalaga po ay mahal ko ang anak ninyo, I don’t care about the differences of our social status. Gaya po ng sinabi ko, mahal na mahal ko po ang anak ninyo."
"Salamat Yohan, salamat sa pagmamahal sa anak ko."
"No, kayo po ang dapat kong pasalamatan Nanay, thank you for giving birth to Elle. Salamat po dahil pinili ko po na ipinganak siya. She's my everything, she's my life."
ELLE
Naguguluhan ako, naguguluhan ang isipan ko sa mga nangyayaring ito. Maraming mga katanungan ang sumasagi sa isipan ko, tungkol sa mga magulang ko, tungkol sa nakaraan nila, at tungkol sa tunay kong pagkatao. Nakilala ko ang sarili ko bilang isang mahirap na babae pero dumidiskarte para makakain ng tatlong beses sa isang araw…
Malalaman ko na lang na anak pala ako ng isang mayamang doktor, funny right?
Naikwento ni Tatay Arthuro ang lahat, ang Mama Flora niya pala na Lola ko ang dahilan kaya lumaki ako na walang ama. Nalaman ko na si Nanay ang first love ng Tatay pero dahil sa social status nila ay pinaglayo silang dalawa, napilitan na magpakasal si Tatay sa isang babae na hindi niya mahal at hindi rin siya mahal. Isang bagay na dalawampu't apat na taon niyang pinagsisihan, kung pwede niya lang daw ibalik ang panahon ay si Nanay ang pipiliin niya na pakasalan. Ang kaso lang ay imposible dahil sa kagagawan ng mga magulang niya.
Nakakulong siya noon sa hawla kaya hindi niya nagawa na ipaglaban kami na mag-ina niya.
"Elliese anak ko, patawarin mo sana ang tatay ha. Hayaan mo sana na makabawi ako sa lahat, lahat ng pagku—" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita, agad na lang ako na yumakap at umiyak sa dibdib ng ama ko.
Wala akong maramdaman na galit sa puso ko, pangungulila at kakulangan lang. Hindi ko kaya na magalit, tatay ko siya. Naniniwala kasi ako na ang kasalanan ng mga magulang niya ay hindi niya kasalanan. Walang kinalaman ang Tatay sa pagiging matapobre nila, lalong-lalo na ang Mama niya.
"Tay, wala po kayong kasalanan. H'wag na po kayo humingi ng tawad, hindi naman po ako galit. Tanggap ko po kayo e, tatay po kita. Ikaw po ang dahilan kung bakit buhay ako ngayon, ang nakaraan ninyo ni Nanay ang dahilan kung bakit pinili ko po na lumaban at maging matapang."
"Salamat anak, salamat. Hayaan mo ako na makabawi, hayaan mo ako na punan ang lahat ng pagkukulang ko." anito nang magkalas kami sa pagkayakp
"Ayos lang po Tay, ang mahalaga sa akin ay nandito ka na po. 'Yon lang po, kalimutan na po natin yung mga pagkukulang ninyo. H'wag na po nating balikan ang nangyari sa nakaraaan."
Mahirap Elle, alam mo 'yan
"Dalagang-dalaga ka na anak, ang ganda-ganda mo. Alam mo ba na kamukhang-kamukha mo ang Nanay ko noong kabataan niya?" sinserong sabi pa niya. Sa tono niya, natitiyak ko na mahal niya pa ang Nanay. "Nalaman ko mula kay Yohan na ikaw pala ang bread winner ng pamilya, pasensya ka na anak ha. Pasensya ka na kung naging mahirap ang buhay mo, na imbis na nag-aaral ka ay pinili mo na magtrabaho."
"Ayos lang po, tinulungan naman po ako ni Yohan na makabangon. Masaya na po kami, wala na po kaming naging problema dahil kay Yohan. Malaki po ang naitulong niya sa amin, simula noong magkakilala kaming dalawa."
"Mabuti na lang at siya ang naging nobyo mo, mabuting tao ang anak ni Harisson. At sa nakikita ko, mukhang mahal na mahal na mahal ka niy."
"Opo Tay, t-teka paano ninyo po siya nakilala?"
"Kumpare ko si Harrison, inaanak ko sa binyag at kasal ang anak niya na si Alyanna." Si Ate Yanna, Alyanna Mari ang tunay niyang pangalan.
"Gano'n po ba? Ang liit po ng mundo, hindi ko po naisip na ang taong tumulong sa akin na makabangon ay siya rin ang tao na na magiging tulay para magkita po tayong dalawa."
"Mabait din ang pamilya niya, sigurado ako na hindi kayo magagaya sa nangyari sa amin ng Mama mo."
Tumango lamang ako, sure ako na hindi pa niya namimeet si Ate Yoora
Wala naman akong problema sa parents ni Yohan, mababait sila at sobrang welcoming. Mababait rin ang mga ate niya, si Yoora at si Henry lang talaga ang problema ko—not really Henry kasi ako ang reason kung bakit siya nagkakagano'n.
Matapos namin na makapag-usap ni Tatay ay si Nanay naman ang kinausap ko, nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap hanggang sa magkapatawaran. I cannot blame my mom, masyadong mahirap ang pinagdaanan niya noon para lang mabuhay ako—kami ni Kuya Eli pero kahit papaano ay maayos na silang dalawa.
Hindi na natuloy ang agad-agad na pagkadischarge ng Lolo ko, halos may isang linggo rin siya na nanatili sa ospital para sa colonoscopy at iba pang test na kailangan gawin para sa tuluyan niya na paggaling. Matapos ang isang linggo ay naiuwi na rin ang Lolo, wala kaming binayaran sa ospital. Sinagot ni Tatay ang lahat, ultimo doctors fee at mga gamot ng lolo. Madalas na busy si Tatay pero nagkakaroon pa rin kami ng oras makapag-usap via video call, minsan na rin siyang dumalaw dito sa bahay at nagkakilala silang dalawa ni Tito Jun—well, I didn't expect na they will get along together. Walang bad blood, they accepted each other.
Nakahiga ako sa kama matapos ko na makapaglinis ng bahay, saglit akong namahinga habang si Yohan ay abala sa pakikipag-meeting niya online. Nasa mini-library siya sa kabilang kwarto at may dalawang oras na siya na nakaharap sa laptop niya at focus na focus sa screen nito. Gusto ko sana matulog pero nadi-distract ako sa tumutunog na cellphone ni Yohan, ilang minuto ko rin na hindi pinansin iyon pero naburyong na ako kaya sa huli ay sinagot ko rin. Unknown number ang nakita ko na nakalagay sa caller I.D, inilapat ko ang cellphone sa tainga ko at hinintay ko na magsalita ang tumatawag:
"Finally sinagot mo rin, I've been calling you for about a week pero hindi mo pa rin ako pinapansin. Nakukulitan ka na ba sa akin?" Tumawa ito ng nakakaloko, isang lalaki ang tumatawag. Pamilyar ang boses niya, "Yohan mahal, ano na? Why are you not talking? Are you with Elle now? Kaya ba hindi ka nagsasalita kasi ayaw mo na malaman niya ang tungkol sa kabaklaan mo at sa relasyon nating dalawa. Hindi pa rin niya siguro alam na tinu-two time mo siy—"
"Ngayon alam ko na, thanks for the information."
I know it's him—si Daniel.
"Elle?" Bakas sa boses niya ang labis na pagkagulat.
"Hello Daniel,"
"Bakit mo hawak ang cellphone ni Yohan?"
"Dahil fiancé ko siya,"
"Fiancé? If I know, magpapanggap lang kayong dalawa. Ako kaya ang nag-suggest sa kaniya."
"Not anymore,"
"Anong sinasa—" Naputol ang linya niya nang biglang may narinig akong putok ng baril mula sa linya niya.
"Daniel? Daniel? Hello! Daniel?" Kinabayong bigla ang dibdib ko pakiramdam ko ay saglit akong nabingi. Agad ko na ibinaba ang tawag, binura ko rin ang call history ng cellphone ni Yohan.
"Ano 'yon? Bakit may putok ng baril ako na narinig?" sambit ko sa sarili habang bumabangon mula sa kama, saktong bumukas ang pintuan at iniluwa si Yohan na may dalang serving tray na may lamang juice at bowl.
"Hey, are you okay?" aniya, agad niya na ibinababa ang tray na hawak niya sa side table at lumapit sa akin. "Bakit nanlalaki ang mga mata mo? May nangyari ba?"
"Y-Yohan... s-si Daniel..." Unti-unti ko na iniangat ang ulo ko at tumingin sa kan'ya.
"Bakit? Ginulo ka ba niya ulit?"
"N-No... sa tingin ko nabaril siya."
"What?"
"Tumawag siya kanina... t-tapos.. tapos... may narinig ako n-na... n-na baril... Yohan nabaril si Daniel! Nabaril siya! Anong gagawin natin?"
"Shush!" Agad niya ako na ikinulong sa mga bisig niya at hinaplos ang likod ko. "Don't think about it, okay? Everything will be fine."
"P-Pero n-nabaril siya—"
"It's okay mahal, wala kang dapat ipag-alala."
"Y-Yohan... si Daniel..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top