CHAPTER 19
BELLA
UGh! THAT GIRL IS SO ANNOYING SINO BA SIYA SA AKALA NIYA? E kung ikukumpara siya sa akin ay wala siyang binatbat. I have the looks, the beauty, the body, the booty, the boobs, and the brain. She's just a trash while me? I'm the queen.
"My name is Isabella Fuentabella, ako lang ang maganda! Ako lang ang sexy at sa aki lang magpapakashal si Yohan, 'yang Elle na 'yan. Ugh! I hate her name! I hate her face! I hate her whole existence!"
"Tama na nga 'yan Bella, ilang bote na ng alak yang nainom mo. Balak mo ba na ubusin lahat ng alak dito sa bahay ko. Umuwi ka na at aka hinahanap ka na ni Tito." That's Marigold, my best friend, common friend naman ni Yohan at mag-pinsan pa sila. Siya ang nagsabi sa akin na may cheap na fiancé na ang honeyboo ko. Minsan daw kasi na nagpatingin sa kanya si Yohan ko kasama ang panget na babaeng 'yon.
"Wag mo kong pakielaman! Kung gusto mong umalis, umalis ka. I don't care about you! Hindi mo man lang pinigilan si Yohan ko, nakahanap tuloy ng iba. Anong klase kang kaibigan?" angil ko
"Bella, bahay ko 'to baka lang nakakalimutan mo saka isa pa, matanda na si Yohan. Hindi ko hawak ang isip at puso niya, Gosh! thirty one years old na siya!"
"Mag-pinsan kayo, tapos tayo mag-best friend. Dapat tayo ang magkakampi rito, you need to help me to get rid of that cheap woman."
"Bella, gaya ng sinabi ko. He's old enough, kaya niya nang magdesisyon sa sarili niya. At please, refrain from calling her fiancé as cheap. Hindi mo pa siya lubusan na kilala,"
I hissed, "Who's that bitch again? Tell me her freaking name, tell me that cheap woman name again!"
"Elliese Altamirano"
"Elliese ha? I hate her, I fcking hate that snake who snatch my Yohan away from me."
"Baka nakakalimutan mo lang na walang kayo ni Yohan, at hindi naging kayo. Plain fck buddies lang kayo during college days, kaya walang inagaw si Elliese."
"Shush! Shut up! Alam mo naman na bata pa lang kami nang i-arrange ni Tito Harrison at ni Daddy ang kasal namin ni Yohan kaya dapat maalis na 'yang Ellieses na 'yan. I want her gone, I want her out of my life and out of Yohan's life. Kailangan matuloy yung kasal namin."
"Tigas ng ulo, alam mo naman na panakot lang ni Tito Harisson kay Yohan 'yon noon."
"Mari stop! Ikakasal kami ni Yohan whether you like it or not."
"Go! Magpakasal ka sa anino niya,"
"What did you just say?"
"Ang sabi ko magpakasal ka sa anino niya," akma ko siya na sasasampalin pero pinigilan niya ang kamay ko.
"May nangyari na sa kanila ni Elliese."
"May nangyari rin sa amin," He always dominates my whole being, everytime we make love Hmmm... Oh... I miss moaning his name.
"Sincere siya sa pagmamahal niya kay Elliese, naging sincere ba siya sa'yo? No, fck buddy lang ang tingin niya sa'yo. Fck buddy, parausan, pang-kama lang."
"No!"
"Elliese is probably pregnant with Yohan's child, the two we're getting married. Tigilan mo na sila, especially Elliese. She's kind and pretty, hindi niya pababayaan si Yohan."
"Whatever you say, Yohan is mine. Only mine!"
"Hay ang tigas ng ulo mo, uumpog na kita sa pader e."
"Elliese? Elliese ang pangalan niya, sinong tanga ang magpapangalan ng ganun ka-cheap at kabaduy na pangalan sa anak nila?"
Her name sounds like a squatter beggar, so cheap. Tsk, papaturuan ko talaga ng leksyon kay Kuya 'yan. I stand up na susuray-surray…
Gosh! Ang sakit lang ng ulo ko.
"Where are you going?"
Minsan tatanga tanga din itong si Marigold eh, pinapa-alis ako kanina tapos ngayon tinatamong kung saan ako pupunta, such an idiot.
"Pinauuwi mo ako, right? Then I'll go home na, I'll drive on my own kaya ko naman ang sarili ko. H'wag kang boba diyan Mari."
"I'm just trying to help you."
"I don't need a help from you, I'm smarter and more beautiful than you. Hindi ako tatanga-tanga na gaya mo, Mari. I can handle my oh-so beautiful self kaya good bye btch!"
Tsk! Patay ka ngayon sa akin Elliese Altamirano, matitikman mo ang revenge ng magandang ako.
I drove home kahit na hilong hilo na ako, Yohan and that fucking Elliese girl broke my heart but I won't allow that slut na manalo. Yohan is mine, kahit inagaw niya sa akin si Daniel noon. Kahit na babakla bakla siya, he's mine and I will definitely get rid of that hoe named Elliese. Kung si Daniel nga walang panama sa akin e, 'yan pa kayang whore na si Elliese.
I finally got home…
"I'm homeee! I I'm home lalalalala~"
"Bella?! Lasing ka naman,"
Oh here comes my dad na mas matalak pa kaysa sa tunay kong mommy. Tskk!
"Hi dad!" I smiled at him sweetly. "How's my hardworking father?"
"Isabella hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo. Bakit ka ba nagkakaganyan bata ka ha? Kaya nga kita inuwi dito sa Pilipinas kasi akala ko magtitino ka na, akala ko maiiwan mo lahat ng bad habits mo sa Australlia."
"Bawal ba ako mabroken heart dad? Yohan just broke my heart! Akala ko aantayin niya ako, but I'm wrong Dad I'm fcking wrong. He replace me with a hoe named Elliese Altamirano! Did you here me? He fcking replaced me with a hoe named Elliese Altamirano!"
"Elliese Altamirano?"
"Yes Dad! and I want to get rid of that fucking hoe! Out of my happy life baka magka-wringkle ako because of her."
"Bella, lasing ka na naman ba?" And Oh that's my Kuya Brent
"Oh hello there my dear kuya!" I waved both of my hands.
"Brent, paki-akyat na si Isabella sa kwarto niya please. Bago pa makapag-wala ang kapatid mo na 'yan."
"Okay dad," He walks toward me ang pull my arms, agad ko naman ito na inagaw from my kuya.
"No! Don't touch me Brent! I can handle myself, hindi mo na ako dapat itrato na parang bata." I said as I walks toward the stair.
"Bella ano ba? Umayos ka nga!"
"Shhhhh! Wag kang maingay Brent! Inaantok na ako, magbu-beauty rest lang si Isabella Fuentabella."
—
ELLE
Matapos namin na kumain ay dinala ako ni Yohan sa resort niya sa Tagaytay kung saan may nagaganap na shooting. Ipinakilala niya ako sa mga cast and crew ng palabas na "Till We Meet Again." Marami akong nakilala na artista at nakapagpapicture pa ako sa kanila, nandito kami sa loob ng cottage habang nagso-shoot ang dalawang main character sa lobby ng resort. Sila na lang ang hindi namin nami-meet dahil nagte-take sila ng scene during that time.
"Sino ba ang bida dito?" tanong ko matapos ko na uminom ng iced tea mula sa baso.
"Actually, I don't know… Si Sammy kasi ang pinapirma ko that time at siya rin ang namili ng mga artista na pupwedeng maging cast," kakamot-kamot sa ulo niyang sabi.
"Naturingang CEO tapos walang kamalayan sa mga projects ng artista niya, parang tanga lang."
"Kapag kasama kasi kita, nawawala nga focus ko sa ibang bagay." Sinsero nitong sabi pero hindi ko ito pinansin.
"Ganyan ka ba sa lahat ng mga naka-relasyon mo?"
"Nope, sa'yo lang ako nagkaganito Elle."
"Kahit sa mga lalaki na nakarelasyon mo?"
Nanlaki ang mga mata niya at napa-awang ang pang-ibabang labi sa itinanong ko sa kanya, mali ba 'yung construction ng sentence? Or ayaw niya lang talaga balikan ang nakaraan?
"I'm sorry, hindi ka ba comportable sa itinanong ko?"
"No, it's okay. I also want to be honest with you baby, actually isa lang naman ang nakarelasyon ko na lalaki"
"Si Daniel ba?"
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi bigla ang pangalan niya, basta bigla na lang. Naging otomatiko ang pag-sambit ko sa pangalan ni Daniel. Ewan ko ba, after our sexy time kanina—bigla na lang akong naging curious kay Yohan—I want to know everything about him. Matagal din bago nakasagot si Yohan, he cupped both of my cheeks and stared directly on my eyes.
"Matagal na 'yon, ayoko nang balikan… kung curious ka man at gusto mong tanungin kung may nangyari rin ba between me and my past. Rest assured that nothing happened or intervened between the two of us, I'm the one who rejects him and that's the truth."
Punong-puno ng sensiridad ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya, naniniwala ako na mahal niya ako kaya hindi niya magagawang magsinungaling sa akin. Nakikita ko rin sa bawat galaw niya sa tuwing may nangyayari sa amin na mas sanay siya na babae ang katalik niya.
Inilapat ko ang labi ko sa mga labi niya at siniil siya ng malalim na halik, tinugon niya rin ito ng malalim na halik. Nang makaramdam na kami ng kakapusan ng hininga ay agad na naming ipinaglayo ang mga labi naming dalawa.
"Mamaya ulit," pabirong sabi niya. "I want you on top of me."
"Siraulo," wika ko at muling nilapat ang labi ko sa labi niya.
"I love you."
"Mukhang nakaka, istorbo pa yata ako. Mamaya na lang po siguro Mr. Carbonel, Ms. Elle."
Sabay namin na nilingon ang lalaking nagsakita, nakasuot siya ng itim na tshirt na may kwelyo, maong na pantalon, at may shades ito. Moreno ang lalaki at medyo matangkad, malaki ang built ng katawa at medyo may katabaan.
"Direk Choi, ikaw po pala. Hindi namn po kayo nakaka-istorbo, wala pa naman po kaming milagrong ginagawa." Malakong tumawa itong si Yohan na sinabayan ng dumadagundong rin na tawa ng direktor. Ako naman ay pinamulahanan ng pisngi at pinili na magsumiksik sa likod ng nobyo ko.
"Ikaw talaga, manang-mana ka sa Lolo mo. Siya nga pala, nandirito na ang mga star ng pelikula ko. Nasa tent na silang dalawa, hinihintay na kayo, kakatapos lang kasing kuhaan ang mga scene nila." ani Direk Choi.
Agad na hinawakan ni Yohan ang kamay ko, sabay kami na lumabas ng cottage. Nauna nang maglakad ang direktor, habang kami ay nasa likuran niya. Sagkit akong napahinto nang may naramdaman akong kakaibang kabog sa dibdib ko at panghihina ng tuhod ko.
"You okay?" Siyang tanong ni Yohan, nag-aalangan ako na tumango. Sinipat niya ako nang maigi, "you look unease…"
"Oo naman, bigla lang akong kinabahan."
"Kinabahan? Because of what?" He asked in a concern voice.
"Hindi ko rin alam, basta bigla na lang akong kinabahan."
"You can tell me anything."
"Hayaan mo na lang, maayos naman ako. Don't worry about me," peke akong ngumiti.
"Fine, hindi na kita pipilitin basta kung hindi mo kaya. You have me, pwede mo akong sabihan ng kahit anong bumabagabag sa'yo."
"Sure, naging honest ka sa akin e kaya kailangan maging honest rin ako sayo."
Tumango at nginitian ko siya bago kami nagpatuloy muli sa paglalakad papunta sa tent ng mga artista kung saan sila namamahinga. Hindi pa man kami nakakalapit ay napako na ang tanaw ko sa isang lalaki na nasa labas ng tent. Nakasuot siya ng puting polo at itim na panatalon, he was busy doing something—kung ano 'yon at hindi ko alam.
"Henry, tamang-tama at nandito ka. Nasaan si Sabrina? Nandito si Sir Yohan at ang fiancée niya, gusto raw nila kayo na makita."
Nanlaki ang mga mata ni Henry nang dumako ang mga mata niya sa amin , ipinako niya 'yon sa akin kaya naman ako ay nag-iwas ng tingin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Yohan, mabigat ang bawat paghinga at lalong lumakas ang kanina pang dinadagang dibdib ko.
"Elle…" mahinang usal niya.
Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang hagkan pero alam kong hindi pe-pwede. Ito ang consequence ng pagpayag ko noon na maging fiancé ni Yohan, ito ang kapalit ng maginhawang buhay na meron ang pamilya ko ngayon. Ang pag-iwas at paglayo ko sa lalaking mahal na mahal ko—well Elle you just gave Yohan a blow job tapos ngayon ay ibang lalaki naman ang iniisip mo. Stop it, focus on Yohan.
"Direk, Henry, Sir Yohan… kayo po pala…" Isang chinitang babae na may katangkaram at balingkinitang katawan ang lumabas mula sa asul na tent. Nakasuot siya ng simpleng pantalon at puting fitted sando na labas ang pusod niya, nakalugay ang kulot at mahaba niyang buhok. Kapansin-pansin ang matangos niyang ilong at maningning na mga mata. "Hello po," mahinhin ang boses nito, lumapit siya kay Yohan at nakipag-kamay.
"We meet again Ms. Sab," nakangiting wika ni Yohan.
"Thank you po Sir Yohan sa tiwala, thank you pa sa panibangong project namin ni Henry. Kakapirma ko pa lang ulit, may trabaho na agad ako."
"You're welcome, and by the way meet my fiancée—Elliese."
"Hello po Ms. Elliese, please to meet you po." Magiliw itong lumapit at nakipagbeso sa akin. "Ang ganda-ganda mo naman po, bagay na bagay po kayong dalawa ni Sir."
"You too, ang napakaganda mo."
"Naku! Nakaka-flutter naman po 'yan Ma'am," nakangiti niyang sabi. "Sabrina po pala, Sabrina Monreal. Just call me Sab or Reena." aniya at inabot ang kaniyang kanang braso
"Elle, just call me Elle." aniko nang tanggapin ang pakikipagkamay niya.
Hindi naaalis ang mga ngiti at malamang mga tingin niya kahit no'ng pakawalan niya ang maga kamay ko—even Henry pareho sila ni Sabrina na nakatitig sa akin.
Mahinhin siya, maganda, matangkad, maganda rin ang pangangatawan, magalang, at mabait. Ito pala ang Sabrina na parating ka-love team ni Henry sa lahat ng mga pelikula at teleserye. She's pretty, sobra. Walang halong ka-plastikan.
Matapos namin na makapag-usap ay saglit na natigil ang shooting para makapag-pahinga ang lahat. Si Yohan ang um-order ng mga pagkain at inomin ng lahat ng nasa set, mapa-artista man, cameramen, producer, lightsmen, make-up artist, stylist, handler, P.A at mga maintennace staff ay inilibre niya. Walang humpay nila na pinasalamatan si Yohan dahil sa mga pagkain na binili niya. Nasa mahabang lamesa kami ngayon kasama ang direktor at ilang mga artista, kabilang sina Henry at Sabrina.
"Busog ka pa ba? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo eh." tanong niya at hinarap ako.
"Kakakain lang kasi natin bago tayo nag punta dito 'di ba?"
"Oh my bad, I'm sorry I forgot." Natatawa niyang sabi.
"H'wag mo ako masyadong patabain, mahihirapan ako mag-buntis niyan," pabirong sabi ko.
Mahina lang ito sapat para si Yohan lang ang makarinig ngunit hindi pala ito nakaligtas sa matalas na tenga ni Miss Tessa Velarde, isa sa mga batikang aktress na gumaganap bilang Nanay ng character ni Sabrina.
"Buntis ka po Ms. Elle?" aniya, lahat ay napatigil sa pagkain at napatingin sa direksyon namin. "Naku, mukhang may tagapagmana na agad ang R.G.E," Masayang sabi nito.
"Naku kaya pala, glowing ang beauty ni Ms. Elle, juntis na pala."
"Congratulation Sir Yohan, magiging Daddy ka na po."
"Naku paniguradong magandang bata ang magiging anak ninyo, parehong maganda ang mga hitsura ninyong dalawa e. Si Ms. Elle nga kung titignan mo maigi, mukhang pang Ms. Universe ang ganda."
"True!"
Napuno ng pagbati at palakpakan ang buong pananghalian na nagsimula dahil sa isang misunderstanding. Nagkamali ng pag-intindi sa sinabi ko si Ms. Tessa kaya nagsimula ang isang komusyon na hindi namin alam kung paano namin lalabasan.
"Yohan, paano ito?" bulong ko sa kan'ya.
"Panandigan na lang natin," saad niya kasama ang isang kindat.
"Huh? Yohan naman."
Inilapit niya ang bibig sa tenga ko at bumulong, "May schedule tayo ng baby making mamaya, pag-iigihan natin ha."
"Ilang buwan na po?" Si Sabrina ang nagtanong.
"Kakatake niya palang ng pregnancy test kanina e, hindi pa naman alam." Palusot ni Yohan.
"Kung may paglilihan ka Ms. Elle, h'wag ka na maghanap ng iba. Ako na lang, o kay si Sabrina. Hindi naman nagkakalayo ang mga beauty natin," pabirong sabi pa ni Jopay.
Muling napuno ng kantyawan at halakhakan ang buong set, matapos 'yun ay nagpaalam na kami ni Yohan at ginagawa niyang palusot ang 'check up' kuno ko raw para maka-alis na kami. Papasok na sana kami ng kotse ngunit napahinto kami nang marinig ang boses ni Henry na tinatawag ang pangalan ko. Patakbo siya na lumapit sa amin at hinila ang kamay ko.
"Totoo ba? Totoo bang buntis ka? Kaya ka ba magpapakasal kay Yohan kasi aksidente ka niyang nabuntis, bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Hindi naman ako magagalit e, handa kong panindigan ang batang 'yan Elle." Basag ang boses niya, halata na pinipigilan niya ang kan'yang pag-iyak.
Hindi ko siya matignan ng diretso sa mata, maaawa lang ko sa kan'ya. Sobra-sobra na ng kasinungalingan ang nasasabi ko, sobra ko na siyang nasasaktan, sobra ko na siyang binabaliwala dahil sa ambisyon ko.
"Bitiwan mo nga ang asawa ko!" Mariing utos ni Yohan at inagaw ang kamay ko mula kay Henry.
"Asawa? Asawa mo mukha mo! Inagaw mo lang siya sa akin tarantado ka!" Padaskol niyang binitiwan ang kamay ko at hinarap si Yohan.
"Tarantado ka rin! Wala akong inagaw sa'yo Henry, matagal na kayong tapos."
"Natapos kami dahil pumasok ka sa eksena! Naturingan nga na kapatid kita pero ikaw ang parati kong karibal sa lahat ng bagay, kayang-kaya kong palampasin ang ibang bagay na pinag-aawayan nati. But when it comes to Elle, I'm sorry pero hindi ko siya isusuko."
Sarkastikong tunawa itong si Yohan at inakbayan ako. "Fine, lumaban ka. Labanan mo ako, hindi kita aatrasan." Hinapit niya pa ako papalapit sa kanya ay mariin na ipinaglapat ang mga labi naming dalawa sa harap ni Henry
Pinahinga niya ang kanang kamay sa likuran ng ulo ko at ang kaliwang kamay ay nakalagay sa leeg ko. Hingal na hingal ako habang kinakagat niya ang ibabang labi ko. Sa pamamagitan nito, pinilit ng dila niya ang pumasok sa aking bibig, nang magtagpo ang dila niya at dila ko ay animoy espadang naglabanan ito sa loob ng bibig ng isa't-isa. Tumagal rin ang paghahaalikan namin ng ilang minuto bago ako humiwalay mula sa labi niya.
Nangingilid ang mga luha ni Henry nang ibalik ko ang tingin sa kanya, bagsak ang balikat at bakas ang sakit na nararamdaman niya sa kan'yang mukha.
"H-Henr—"
"E-Elle… b-bakit?"
"I lick and I mark what is mine."
"Hindi mo pag-aari si Elle! Inagaw mo lang siya sa akin! Sabihin mo sa akin Yohan, anong ginawa mo para mapunta sayo si Elle? Did you rape her kaya siya nabuntis?"
"Wala kang pakielam," mariing sabi ni Yohan, agad na dumapo ang kamao ni Henry sa mukha ni Yohan.
"Yohan!"
Agad na napa-upo itong si Yohan sa sahig, otomatikong napatakbo ang mga paa ko papunta sa kan'ya, agad ko siyang tinulungan na makatayo habang sapo-sapo niya ang panga at nagdurugong labi niya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" sigaw ko nang harapin ko si Henry.
"Elle..."
"Henry, matagal na tayong tapos. Wala ka nang karapatan sa akin, t-tigilan mo na ako."
"Hindi Elle, mahal pa rin kita at alam ko na—."
"Tapos na tayo, h'wag mo na akong habulin pa. Hindi na kita mahal Henry, si Yohan…" si Yohan na ang mahal ko, at siya lang ang pakakasalan ko." Mariin na sabi ko kasabay ng pagkawala ng mga luha sa aking mga mata.
Matapos ko na sabihin iyon ay napagdesisyonan na namin ni Yohan na lisanin ang lugar, katahimikan ang nag-hari sa buong biyahe na siyang binasag ni Yohan.
"Hindi 'yon totoo, tama? Hindi mo naman talaga ako mahal," aniya na bumasag sa katahimikan naming dalawa.
"Ayokong pag-usapan, ayaw kitang saktan, Yohan"
"Ayaw mo akong masaktan kaya pinili mo na lang na saktan ang sarili mo, gano'n ba?"
"Sabi ko naman sayo, ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari kanina."
"Look at you, paanong hindi kita mamahalin? Tell me Elle, handa kang masaktan para lang hindi ako ang masaktan mo. You're so selfless. What did I do to deserve you?"
"You did everything," aniko at ibinaling ang mga mata sa nagdurugo niyang labi. "Gagamutin ko 'yan pag-uwi natin sa bahay." Pinunasan ko pa ito gamit ang hinlalaki ko at saglit ko na inilapat ang labi ko rito.
"I think I'm already healed," ngumisi pa siya at nagliwanag ang kaninang madilim na mukha. "But not fully healed, I want more kisses." Ngumuso pa siya at saglit na ibinaling sa akin ang tingin at ibinalik sa kalsada.
"Masakit pa nga yung ano ko dahil sa ginawa natin kanina e, tapos hihirit ka na na—" Napahinto ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, agad ko ito na kinuha mula sa loob ng sling bag ko at tinignan ang caller ID ng tumawag.
Incoming Call… Zarina
Kaaggad kong pinindot ang answer button at inilapat ito sa tenga ko, "Hello bess?"
"Bess, nasa bahay ba kayo?" aniya mula sa kabilang linya.
"Wala bess pero pauwi na kami, bakit?"
"Nandito kasi ako sa ospital, nadaan lang ako kasi dinalaw ko si Ate Mela—nanganak kasi siya. Nagkita kami ni Tita Elsa, nag-aayos sila ng bill dahil madi-discharge na ang lolo Igme." Paglalahad niya.
"Madi-discharge?"
"Oo e, nagmamadali nga kaya hindi ko nachika ng ayos ang kunareng Elsa."
"Ah sige, sige thank you bess. Papunta na kami ni Yohan. Salamat bess."
"Wait ko na kang kayo dito."
"Sige bess," aniya bago i-end ang tawag
"Who's that?"
"Si Zarina, ang sabi niya sakin ay idi-discharge na daw ang Lolo. Kaya sa ospital na tayo didiretso.
"He's only been in the hospital for three days, why should he be discharged immediately?" Takang tanong nitong si Yohan.
"'Yon nga rin ang ipinagtatataka ko e, pero baka naman maayos na ang Lolo o kaya naman sinabi na rin ng doktor na pwede na siya umuwi."
"I better ask Brent."
"Sinong Brent? 'Yong poging dok—" napahinto ako nang pukulin niya ako ng madilim na tingin.
"Mabuti pa nga tawagan mo na siya," I smile awkwardly.
"You think he's pogi?"
"Yohan, don't start.
"You think he's a poging doctor while you never tell me that I am pogi, guwapo rin naman ako ah."
"Oo, alam ko."
"But you never call me pogi."
"Kasi alam mo naman na sa sarili mo na guwapo ka."
"But it's a different story when those words came from you." Lumabi pa siya at nag-iwas ng tingin. "Nagseselos na ako, kanina si Henry and now si Brent?"
Napabuntong-hininga ako, napakaseloso naman talaga ng Yohan ko.
"Purihin mo rin sina Zarina, Sab, Bella, Sam, Julia, at Mari para quits. Magaganda rin kaya sila, they're more beautiful than me."
"I object, ikaw lang ang maganda sa paningin ko. Hindi nga lang ako ang pogi sa paningin mo buy—"
"Pati ba naman 'yan pag-aawayan natin?"
"No, okay. I'm sorry."
"You love me again?"
"Who said I stop? At nang matampal ko ng mag-asawang sampal, kaliwa at kanan."
Impit akong natawa sa simambit ni Yohan, he's really a cutie. Sovrnag cute niya magselos grr.
ZARINA
Day-off ko ngayong araw, tinamad ako na maggala dahil wala naman akong makakasama at isa pa walang katulong ang Tita Beth na kapatid ng mama, kakapanganak lang kasi ni Ate Mela at naisipan ko na dumalaw at tumulong na rin. Sakto naman na sa Jose Fuentabella Hospital rin naka-confine ang Lolo ni Elle kaya naisipan ko na rin na dumalaw. Hindi pa man ako nakakalapit ay may narinig na akong nga ingay at sigawan sa loob ng private room kung saan naka-admit si Lolo.
"Bakit ka pa nagpakita? Masaya na ang buhay namin ngayon Arthuro, napalaki ko na ng maayos ang anak na tinakwil mo noon. Hindi ka na niya kakailanganin pa!"
"Elsa pag-usapan naman natin 'to, ayusin natin ang problema nating dalawa bilang mag-asawa."
"Asawa? Matagal na tayong tapos Arthuro, matagal ko nang tinapos kung ano man ang mayroon sa atin noon."
"O sige kahit hindi na tayo maayos, ipakita mo lang sa akin si Cassandra mapapanatag na ako. Gusto ko lang makita at mayakap ang anak ko, parang awa mo na."
Nakita ko na may kausap na isang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo, matangkad, mestiso, matangos ang ilong, at mukhang mayaman si Tita Elsa. Mukhang may tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa base sa pinag-uusapan nila. Hindi ako sure pero ayon sa narinig ko, mukhang dati siyang asawa ni Tita Elsa at hinahanap niya ang "Cassandra" na anak daw nilang dalawa.
"Siya kaya ang tatay ni Elliese?" Siyang bulong ko sa sarili, bago pa man ako magjump unto conclusion ay tinawagan ko na si Elle.
Ginamit kong palusot ang 'pagka discharge' ng Lolo niya para magmadali sina Elle at Yohan sapagpunta rito—malay ko ba kung anong issue nila kaya 'yon nag-imbento na lang ako.
Matapos ko na maibaba ang tawag ay agad na akong tumakbo papunta kay Tita Elsa na hawak-hawak ngayon ni Crismar na mistulang inilalayo sa malaking lalaki. His eyes, kahawig nt kay Elle. Tatay kaya niya ito?
"T-Tama na Elsa, hayaan mo na si Arthuro. Hindi niya kasalanan ang kasalanan ng mga magulang niya," si Lolo iyon na kahit hinang-hina ay ninais na umawat.
"Ke kasalanan niya, ke kasalanan ng mga magulang niya. Pare-pareho lang naman po sila, pare-pareho nila akong itinakwil pati na ang anak ko. Gusto ng Mama niya na ipaglaglag ko si Elliese, ayaw nila sa akin dahil mahirap lang tayo.
OMG! So tatay nga ni Elliese 'to? Sabi na e, Rudy Baldwin, papalitan na kita. Hindi lang pala ako chismosa, manghuhula na rin pala ako—pero Zarina this isn't the right time na magbunyi. Mamaya na.
"A-Alam ko 'yon Elsa, alam na alam ko." sagot pa ng Lolo.
"Kaya nga po gusto ko na makabawi Tay, kahit kay Cassandra na lang. Kahit sa nag-iisang anak ko na lang,"
Mariing umaling si Tita Elsa. "Hindi, manigas ka riyan. Dalamput-apat na taon Arturo, ni-ho ni-ha wala kaming narinig sa'yo "
"Elsa!" Malakas na sigaw ng Lolo. "Nagmamaka-awa na 'yong tao, pagbigyan mo na. Bago pa mahuli ang lahat, bago pa ako mamatay… Magpatawad ka na anak, patawarin mo na si Arthuro. Kahit para kay Elliese na lang, para sa anak ninyo na lang. Hindi ka ba naaawa sa kaniya? Buong buhay ni Elliese isinakripisyo niya para sa atin. Huwag mo naman sanang ipagkait ang katotohanan tungkol sa kaniya."
Naaawa ako sa lagay ng Lolo, naawa ako dahil hindi siya pinakikinggan ng sarili niyang anak pero hindi ko rin naman masisisi ang Tita kung ayaw niyang patawarin ang Tatay ni Elle pero mas naawa ako sa best friend ko. Tama ang lolo, isinakripisyo niya na ang lahat-lahat tapos itong napakalaking katotohanan na posibleng bumago sa kaniyang buhaya ay ipagkakait pabsa kaniya ay talaga namang hindi katanggap-tanggap.
"Lo, h'wag na po kayong sumigaw. Baka po tumaas ang presyon ninyo, delikado po." Pananaway ko kay Lolo Igme at inalalayan ko siya sa paghiga sa hospital bed. "Magpahinga na lang po kayo, dito po."
"Aalis na kami dito, ililipat ko na lang sa ibang ospital ang tatay ko. Hindi ko kaya na makita ka pa rito araw-araw."
"Elsa, pakiusap naman. Hayaan mo ako na makabawi man lang kahit dito na lang, libreng accomodation para sa mabilisang paggaling ng Tatay." Pagmamaka-awa pa ng lalaki.
"Elsa, anak, h'wag kang maging matigas. Hayaan mo na magkita ang mag-ama, malaki na si Elle. Sa mga susunod na buwan o taon, mag-aasawa at magkaka-anak na siya. Iyan ba ang ipapabaon mo sa anak mo? Ang pagiging matigas at hindi marunong magpatawad, dalawampu't apat na taon na ang nakakalipas anak. Panahon na para malaman ni Elle ang totoo..."
"Ano pong dapat kong malaman?"
Lahat kami ay napalingon sa naulanigan naming boses mula sa pintuan, dumako ang mga mata ko sa kakapasok lang na sina Yohan at Elle. Parang kinabayo ang dibdib ko nang mahagip ng mga mata ko ang pigura ng kaibigan ko. Una dahil unang beses ko na nakapagsinungaling sa kan'ya, pangalawa ay dahil sa tensyon na bumabalot dito sa loob ng kwarto mula pa kanina.
"Elliese..." usal ng Lolo.
"A-Ano pong totoo?" Muling tanong ni nang nagtataka pa rin na si Elliese.
"Siya na ba si Cassandra, Elsa? Siya na ba ang anak ko?" Siya namang tanong ng lalaking nagngangalang Arthuro habang nakatuon ang paningin kay Tita Elsa.
"Hindi Cassandra ang pangalan niya, siya si Elliese."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top