CHAPTER 17

SAM

Isang linggo  na akong nagtitiis sa lintik na bunganga ni Yoora araw-araw, binging-bingi na ang tenga ko sa paulit-ulit niyang pagbubunganga. Tuwing umaga na lang ay  talak siya ng talak ng talak ng talak at walang katapusang pagtalak pa, nakaka-irita na talaga.

Si Yohan naman kasi eh, isang linggo na rin na hindi ko ma-contact. Parati na lang  'cannot be reach' ang cellphone niya, hindi rin nagriring. Wala siyang paramdam, alam ko naman na sinabihan ko silang magtago pero not to the point na pato ako ay papatayan niya ng cellphone at pagtataguan.

"Ano na Sammy? May balita ka na ba kay Yohan at Elle?" tanong ni Sandara  na isa pa sa pinuputakte ng gurang na Yoora na 'yun.

"Wala pa eh. Hay naku! Tang*nang Yohan naman kasi iyon eh, isa pa itong si Daniel pinuputakti na rin ako kakahanap kay Yohan."

"Si Daniel? Hindi ba pinadispatya na ni Yohan ang lalaking 'yon."

"Malay ko," singhal ko. "Baka nagbago isip. Para namang hindi mo kilala  'yang si Yohan, kaya niyang pumatay ng tao kung gugustuhin niya pero dahil nga sa may 'puso'  siya at dakilang maawain ay baka mas pinili niya na h'wag na lang galawin."

"Napakabait naman ng baklitang 'yon."

"What? Sinong tinawag mong Baklita Sandara?"

"M-Mr. Carbonel!"

"Ninong?!"

Kapwa kami na-stuttered ni Sandara nang makita namin na pumasok sa loob ng opisina ni Yohan ang Daddy niya.

"Sino ang tinawag ni Sandara na 'baklita'? Bakit hindi kayo makasagot na dalawa? Si Yohan ba ang tinutukoy ninyo?" maotoridad na tanong nito.

"Si Yohan? bakla? Naku tito! Hindi po, ilang beses ko nga po sila na nahuhuli ni Elle na nagmemake-out dito at halos ayaw niya nang pakawalan si Elle tapos magiging bakla pa siya? Hindi po, galit po sa bakla si Yohan 'di ba Sandara?" wika ko sabay sipa sa paa ni Sandara.

"O-Opo Mr. Carbonel hehe." Awkward ito na ngumiti.

"By the way Ninong, nacontact na po ba ninyo si Yohan or si Elle man lang?" Paglilihis ko sa usapan.

"Hindi pa, actually dapat nga ikaw ang tinatanong ko cause you are Yohan's best friend, and his so-called keeper."  sagot nito saka umupo sa swivel chair na malaki. "Si Elle, baka may contact ka, can you please call her? Nag-aalala na ako sa kanilang dalawa."

"I am sorry Tito pero wala po eh. Hindi ko rin po kasi ka-close talaga si Elle, tanging si Yohan lang po ang nakaka-usap ko. And also, may pagkaseloso po ang anak ninyo. Miski ako ay hindi makalapit sa kaniyang asawa- to- be."

"Oh okay? Si Yohan talaga," natatawa niyang sabi. "And by the way I heard from Yoora na sa squatters area pala nakatira si Elle, totoo ba 'yon?"

"O-Opo... pero dati pa po iyon."

Tumango-tango ang Ninong. "Gusto ko lang malaman kung ilang taon na sila ni Yohan na mag-nobyo? Saan sila nagkakilala? Paano sila nagkakilala? At  totoo ba na nobyo dati ni Elle si Henry bago naging sila ni Yohan?" Sunod sunod na tanong ng ama ni Yohan."Ako naman ay hindi labag sa relasyon nila regardless of Elle's family background pero sana maging totoo sila sa akin."

"What? Dad anong hindi labag? Daddy! Alam ba ninyo na hold digger ang pinasok ni Yohan sa bahay sa bahay natin? And the worst part here is ex pa ni Henry. Tinuhog ng babaeng 'yon ang mga kapatid ko, we should be bother."

Here comes the atribida.

Galit na galit Yoora? Kung makapag inarte kala mo naman talaga malinis na babae.

"Malay ba natin kung ano ang kwento ni Elle, you easily judge her without hearing her side." Seryosong sabi ni Mr. Carbonel "Regardless of their socila status, ang mahalaga rito ay nakakita na ng babaeng mapapangasawa niya ang kapatid mo. Hindi natin hawak ang puso ni Yohan, wala tayong magagawa kung si Elle ang mahal ng kapatid mo."

Oh ha! Ano ka ngayon Yoora? Paneeessss!

"B-But Dad..."

"Enough for that Yoora." Bumaling ito sa direksyon ko. "Samuela, I want you to hire Ms. Julia Veloso , we need her help to find my son and his future wife. Please do everything just to find them, palagay ko ay alam ko na ang dahilan kung bakit  nila pinili na magtago." He massage his temple and then gazed on the picture framed on  Yohan's desk.

He really loves Yohan so much to the fact na kinailangan niya pa na mag-hire ng agent just to find his son.

Kung nakikita at nararamdaman lang talaga ni Yohan kung gaano siya kamahal ng tatay niya baka noon pa siya nagladlad kaso huli na eh. Baka na-fall na si Yohan ngayon kay Elle at ganap na siyang tumuwid ng landas pero siguro mas maganda na rin iyon.

Mabuti na lang talaga at dumating si Elle, saludo talaga ako sa nanay niya. Kung hindi siguro ipinagbuntis at ipinanganak ni Aling Elsa si Elliese baka hanggang ngayon ay binibilog ni Daniel ang ulo niya 

"Daddy, nandito na po si Mr. Fuentabella, naghihintay na po siya sa conference room." thats Hannah, isa sa pinakamabait na kapatid ni Yohan next to Ate Yanna. I swear napaka hinhin niyan at feeling ko nga pag nag bonding sila ni Elle ay mahihiya si Yoora kasi nga mga tunay na Maria Clara at anghel ang kaharap niya.

"Sige I'll follow, Sam ikaw na ang bahala dito, " bilin pa ng ama ni Yohan.

"Yes po ninong," sagot ko bago siya tuluyang lumabas ng silid.

"Pano ngayon 'yan?" Tanong ni Sandara.

"As if I have choice, edi tatawagan si Julia para naman may magawa ako."

"Wait lang, 'di ba may kapatid si Elle na worker dito? 'yong Elyseo?" tanong niya

"Oo, pero hindi naman natin alam kung may nalalaman siya about Elle. Yung hipag naman ni Elle na si Cherry, nakaleave dahil nagkasakit ang anak niya."

"Eh yung bestfriend ni Elle? Si Zaria ba yun? Ah hindi wait... Zarina pala. Malapit lang dito yung pinagtatrabahuhan niya 'di ba?"

"Malay ko ba kung ano ang  hitsura ng babaeng 'yon."

"E kaya nga inimbento ang internet at social media e."

"Edi ikaw maghanap, ikaw naka-isip diba?"
"Sinabi ko bang ikaw ang gagawa? Tawagan mo na nga yang jowa mong si Julia, sundin mo na lang ang utos ni Mr. Carbonel." 

"Sinabi ko bang turuan mo ako?"

"Ewan ko sayo Samuela Jean,"

Pikonerist jpeg. Kung ganito lang kapikon si Yoora na gaya kay Sandara baka matagal na akong napatalsik dito.

ELLE

Kaninang aas-dyis ng umaga ay  isinugod namin si Lolo sa ospital, nanghina siyang bigla matapos na sumakit  ang tiyan niya. Mabuti na lamang at kasama namin si Yohan, may mga kakilala siyang doktor kaya mabilis na naasikaso si Lolo.

"Yohan, kailangan na talagang macolonoscopy si Mr. Altamirano as soon as possible," ang sabi ng doktor ni Lolo na si Dra. Cariño "Hindi na maganda ang lagay niya."

"Is colonoscopy available here?" usisa  ni Yohan

"Unfortunately wala, public hospital lang ito Yohan. Mas maganda siguro kung sa Fuentabella Hospital ninyo dadalhin si Mr. Altamirano, doon kumpleto sila ng mga gamit at facility para sa kaniya. Mas maganda na doon ninyo na din  siya ma-admit. That's the best advise that I can give you," litanya ng doktor.

"I'll note it, thank you Connie."

"Thank you  po doc"

Napabuntong hininga na lamang ako,
nahihiya na kasi ako kay Yohan. Siya na ang gumagastos sa bahay, ultimo mga bayarin na wala sa kontrata namin ay siya ang nagpepresinta na gumastos. Labas siya ng labas ng pera, para sa amin. Hindi ko na nga alam kung paano siya babayaran e.

He hug me from behind, "don't worry baby. Ako na ang bahala, h'wag ka nang mag-isip pa. Nandito naman ako to help you."

"Yohan, sobra-sobra na ang ginagawa mo para sa pamilya ko. Hindi ko na alam kung paano kita mababayaran—"

"Elle I love you." mahinang usal niya.

"Ultimo mga utang namin ikaw na ang nagbabayad e wala naman 'yon sa usap—"

"Elle, i love you,"

"Pati baon ng nga kapatid ko kinakargo ma na rin, ikaw na ang nagbibigay sa kanila."

"Elle, I love you,"

"Yohan..."

"Elle, I said I love you."

"Ang dami ko ng utang sa'yo."

"Sinabi ko ba na utang iyon? I told you I love you, 'di ba? Just love me back, 'yon lang naman ang gusto ko na gawin mo e. Handa akong maghintay, kahit one hundred years pa 'yan." 

"Pero Yohan..." Humarap ako sa kan'ya, "napapabayaan mo na ang kumpanya mo ng dahil sa amin. Halos isang linggo ka nang hindi pumapasok  baka naman magalit ang Daddy mo dahil sa ginagawa mo,"

"Mas mahal kita kaysa sa kumpanya na iyon, isa pa naroon naman sina Ate Yanna, si Sammy, at si Daddy mismo para magmanage ng business namin. Sampung  taon na akong nagtatrabaho, deserve ko naman na magpahinga at magkaroon ng masayang pamilya with you."

"Yohan kasi—" He puts his index finger on my lips to hush me.

"Shhhh... h'wag mo nang intindihin iyon. Although being a CEO is challenging, do you know what the most difficult job is to obtain? The position in your heart. May nagmamay-ari pa kasi. Hindi pa ba siya magreretired? Mas gugustohin ko na makuha ang position na 'yan sa puso mo kaysa ibang posisyon." He kisses my forehead as he hugs me tight.

Mahal niya na  talaga ako.

Kaya pala napapansin ko na tinototoo na niya ang lahat, hindi na pagpapanggap. Kaya pala gano'n na lang kung paano niya ako tulungan at ipagtanggol. Noong una, inakala ko na ginagawa niya lang ito para sa kontrata pero hindi e, parang iba.

He's more gentle as time passes by.

Now, I know.

"Ang mabuti pa siguro, samahan mo muna si Nanay sa loob ng room ni Lolo, may ilang tao lang ako na kakausapin para ma-admit na si Lolo sa ibang ospital."

"Yohan, maraming sala—" he cut my sentence off by locking my lips unto his lips.

"I love you," sabi niya nang maghiwalay ang labi naming dalawa. "Tama na ang pagte-thank you mo, hindi ko tatanggapin 'yan." Muli niya akong hinagkan. "Sige na, puntahan mo muna sila Nanay."

YOHAN

Hinintay ko na munang makapasok si Elle sa loob ng kwarto bago ako nagdesisyon na umalis, naalala ko lang na ang kaibigan ko na si Brent Furntabella ay ang acting chairman ng Fuentabella's Medical group—I immediately got my phone from my jean's pocket and dialed his number 

"Hello Brent?"

"Wait huhulaan kita base sa boses mo.... Yohannie Carbonel tama ba?" wika niya nang sagutin ang cellphone niya.

"Ako nga, the one and only."

"Wow! Long time no talked. How are you?" 

"Brent, I'll be straight to the point. Wala na akong oras na makipag-kamustahan pa."

"Oh sure... that's the usual Yohan I know," he chuckles.

"My fiancé's grandfather need a special theraphy and I know na sa hospital ninyo lang siya magagamot. He need to undergo a colonoscopy, and I need to admit him as soon as possible."

"Bukas na bukas din, mag-uutos na ako sa mga employee ko dito. Para magawan ko na kayo ng request agad, just text me the information about sa patient and also the address." Mabilis niyang pagsagot.

"Thank you Brent,"

"You're always welcome, my dear friend."

I hanged up the call after that...

As I promise, I will do everything for Elle and for her family kahit ika-ubos pa ng kayamanan ko.  Aanhin ko ba ang yaman na yan? Elle thought me how to value family over everything, 'yong obsession ko na magkaroon ng maraming pera? Nawala automatically when Elle came... hindi na ako naghanggad pa ng kahit ano bukod sa mahalin niya rin ako pabalik.

Elle loving me back.

That sums up everything that I want.

Gustong-gusto ko na siyang pakasalan, maybe  pagkatapos maoperahan ng Lolo niya. Kahit simpleng kasalan lang, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa. Para wala nang magtangka pa na paghiwalayin kaming dalawa, mabubuhay ko naman si Elle. Bumaba man ako sa posisyon bilang CEO, tanggalan man ako ng mana wala na akong pakielam. Marami na rin naman ako na naipundar gamit ang sarili kong pera, I also have a lot of life insurance. I can say that I'm stable emotionally, mentally, and spiritually.

Si Elle na lang ang hinihintay ko.

"Elle? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Kanina ko pa kinakausap itong mahal ko pero mukhang hindi siya nakikinig "Baby, are you okay? Hindi ka naman nakikinig sa mga sinasabi ko."

"I-I'am sorry... Ano nga ulit iyon?" tanong pa niya, mukhang nasa malayo na ang nararating ng iniisip niya.

Kahapon pa siya ganito simula nang mailipat namin ng ospital ang Lolo Igme, sobrang tahimik at madalas nakalutang ang kaniyang isipan.

"Tinatanong ko kung gusto mo tapusin ang pag-aaral mo after our  wedding."

"O-Oo naman... I-I'am sorry Yohan..."

"Is everything okay?" 

"Pagod lang siguro ako...  kasi 'di ba magdamag tayo na nakabantay kagabi?"

"You need a rest, gusto mo ba na ihatid na kita sa bahay?" 

"No, I'll be fine. Uhm... dito na lang siguro ako mamamahinga."

"Hello! Good afternoon everyone!" Isang matangkad at moreno na lalaki ang pumasok mula sa pintuan, nakasuot siya ng puting  lab coat at may nakasabit na  stetoscope. "I'm sorry I'm late, may inopera kasi ako kanina tapos kahapon hindi rin po ako nakarating dahil nagkaroon po kami ng emergency sa bahay pero buti na lang naasikaso na kayo ni Dra.Nadia. Hello Lolo Seguismundo Altamirano,  ako po pala si Dr. Brent Fuentabella ako po ang inyong magiging doctor." Magiliw na sabi ng kaibigan kong si Brent 

Nakita ko na kumurba ang labi ni Lolo sa isang ngiti, mukhang nagugustuhan niya ang bagong doktor niya. Dr. Brent  Fuentabella, oo Fuentabella na gaya ni Bella. He is Bella's older brother but that's a different story.

"Hello po Mommy," Siyang bati pa niya kay Nanay, magiliw talaga itong si Brent, magaan ang loob sa lahat. "Kumusta po? Pasensya na po nalate ako."

"Ayos lang po dok, okay naman ho kami." sagot ni Nanay ng may ngiti rin.

"Hello sayo magandang binibini, ang ganda-ganda mo naman." Otomatiko ko na tinitigan ang kaibigan ko. "Mommy kapatid mo po?"

"Anak ko po," natatawa naman na sagot ni Nanay kay Brent. 

"Pwede ko po ba ligawan para libre na po accomodation ninyo dito?" Malamang biro pa niya na hindi ko nagustuhan. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Kahit kailan talaga ang daldal mo Brent, back off. She's my wife!" Alam ko naman na nagbibiro lang si Brent pero hindi ko lang maiwasan na makaramdam ng pagkulo ng dugo.

"Asawa mo? Weh? Miss nagkagusto ka sa taong 'to? Masamang tao to Miss, sana naman mauntog ka sa katotohanan."  Maloko itong tumawa. "Hindi biro lang, mabait 'yang si Yohan. Kapag tulog..." biro pa nito, natawa silang lahat pati si Elle na pinukol ko ng masamang tingin nang mapansin niya ang tingin ko ay inirapan pa niya ako. 

"Sa Tuesday po pwede na nating gawin ang colonoscopy na Lolo ano ho? Lolo, ikaw po ay magpalakas okay po ba?" Tumango lang ang Lolo sa tanong ni Brent.

"Sige ho mauna na ako" ani Brent na doktor ni Lolo, kumindat pa sya kay Elle bago tuluyang lumabas ng silid. 

Sasamain talaga 'tong Brent na 'to sa akin, pasalamat siya at ayokong mag-amok dahil  nandito si Elle. Inakbayan ko pa siya at binulungan, "H'wag kang lalapit kay Brent, sa akin ka lang." Hindi siya sumagot, sinundot lang niya ang tagiliran ko.

"Mama oh si Elle, nananakit." tila bata ko na sumbong kay Nanay at itinuro pa siya

"Hoy! Huwag ka ngang feeling, nanay ko 'yan. Umuwi ka sa inyo naroon ang nanay mo." Napipikon niyang sabi.

"Kapah ikaw iniwan ko," pabiro kong banta.

As if naman kaya ko hehe.

"Edi iwanan mo," dumilim ang boses niya na para bang seryoso na.
"Akala mo ba kaya ko?" Susundutan ko sana ng cheesy na pick-up line pero bigla siyang nagalit.

"Oo! Magsama kayo ng Bella mo!" Lumayo siya sa akin at tumayo.

"Uyyy nagseselos ang mahal ko" tukso ko pa  tumayo rin ako at nilapitan siya. 

"Hindi ka nakakatuwa" inis  niyang sabi at inirapan ako.

"I love you my future Mrs. Elliese Carbonel," hinapit ko ang beywang niya at yinakap ko patalikod.

"Yohan, alagaan mo ang anak ko ha? Huwag mo sanang gawin ang ginawa ng tatay niya sa akin na bigla na lang akong iniwan."

"Nay, ano pong sinasasabi ninyo?" Sa tingin ko ay clueless itong si Elle.

"Yohan, ipaglaban mo si Elle pakiusap. H'wag mong sasaktan ang anak ko, ayaw ko na matulad siya sa  nangyari sa akin."

"Nay, hindi na po ninyo kailangan na sabihin iyan. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo, Lolo mahal  na mahal ko po ang apo ninyo. Ipaglalaban ko po siya kahit patayan pa po, hindi ko po kaya na mawala si Elliese sa buhay ko." Lumapit pa ako sa tabi ng bed ng Lolo. "Lolo, alam ninyo po iyan"."

Lolo Igme took my hand and patted it as if he agreed with everything that I am saying.

I would never do that, I will never leave my Elle.

"Aba eh mukhang nagkakabasbasan na kayo rine ah."

Elle's Ninang Chona had just arrived, carrying a fruit basket. He was with Zarina and another man, and when I saw the man, I immediately looked in Elle's direction.

"Mareng Chona kayo pala," masayang pagbati ni Nanay Elsa kay Aling Chona nagbeso silang dalawa, nagmano pa ito kay Lolo.

"Bessy!!!" Excited na lumapit si Zarina kay Elle at yinakap, nasa likod niya ang lalaki na may kakaibang titig kay Elle.

It seems like he had an eye for my girl.

Balak niya na makipag-apir kay Elle pero hindi iyon natuloy ng pukulin ko siya ng masamang tingin kasabay ng paghila ko sa kamay ni Elle.

"Hala possessive!" puna ni Zarina sabay hagikgik "Sir Yohan naman e, bessy-bessy lang 'yang dalawa na 'yan."

"Yohan naman, kakambal ni Zarina si Xavier. Parang kapatid ko na siya, h'wag naman pati siya pagselosan mo. Tropa kami ni Xav."

Matalim ko na tinignan si Xavier, mata sa mata. Ganundin naman ang ginawa niya s akin, tapang-tapangan pa siya.

"Pupusta ako uuwing umiiyak 'yang si Xavier" pagbibiro   ni Zarina, tinapunan naman siya ng madilim  na tingin no'ng lalaking patpatin saka pinitik ang ilong. "Ma oh si Xavier!" 

"Tigilan ninyong dalawa ha" pananaway sa kanila ni Aling  Chona.

I immediately grabs Elle's  waist, umupo ako sa  sofa saka ko siya ikinandong.

"PDA! PDA!" Humahagikgik na sabi ni Zarina.

"Ganyan talaga ang dalawang 'yan," natatawang sabi ni Nanay. "Pabayaan mo na lang sila Zarina, ganyan sila magmahalan."

"Wala ka kasing boyfriend, pangit ka kasi." Pang-aasar ni Aling Chona sa anak.

"Si Mama parang eng-eng, idinonate ko lang talaga lahat ng ganda ko kay Elle," proud na sabi nito at saka sila nag-apir ni Elle.

"Ma, mag-cr lang po ako" paalam ni Xavier 

"I'll guide you baka maligaw ka," marahan kong iniayos ang upo ni Elle sa space ng sofa. 

"Yohan, h'wag na." Akmang pagpigil sa akin ni Elle, umiling pa siya. Hinagkan ko ang noo niya bago ako lumabas

"Ang weird ni Xavier, Ma." Puna ni Zarina sa kapatid niya.

"Parang hindi mo kilala 'yang  iakambal, matagal nang may gusto sa best friend mo yan, 'di ba?"

That's it, that's what I feel.

May gusto nga ang patpating Xavier na 'yon sa fiancée ko and I won't let that thing turns deeply. Pipigilan ko na hangga't maaga pa.

"May gusto pala ha," bulong ko sa sarili.

I followed Xavier in the restroom, babalaan ko lang, tumama ang kutob ko na may gusto nga siya kay Elle. Kung si Henry na kapatid ko walang binatbat, eto pa kayang si Xavier na lalampa-lampa. 

Papalabas na siya ng restroom nang harangin ko siya. Malaki ang aking katawan, siya naman  ay ismo batang patpatin kaya naging madali sa akin ang ma-corner ang uhuging bata na ito.

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah," maangas na tanong niya.

"Ikaw, ikaw ang problema ko!" matigas kong sabi.

"Wala akong ginagawang masama sa'yo."

"Tigilan mo ako Xavier, ang panget ng pangalan mo."

"Baliw ka ba?"  Nagsimula nang mamula ang mga tenga niya, indikasyon na galit na siya.

"Oo, at mas lalo akong mababaliw kung gagalitin mo ako."

"Tumabi ka diyan!" Pagpapaalis niya sa akin.

"Eh kung ayoko?" Pagmamatigas ko pa, I will not going lose, I'm not a loser in the first place.

"Pare alang-alang na lang kay Elle, para na lang sa kanya. Mawalang galang na ayoko ng away."

"Ako gusto ko."

"Ano ba talaga ang problema mo sa akin? Nananahimik ako rito e."

"Ikaw, at ang letse mong mga mata! Ramdam na ramdam ko na may gusto ko sa asawa ko!"

"Asawa?"  tumawa siya "Nahihibang ka ba? Hindi pa kayo kasal, h'wag kang mag-ilusyon Yohan. And about my feelings for her? Ano namang pakielam mo kung gusto ko siya? Nauna ako sa'yo."

Mas lalo akong nakaramdam ng pagkulo ng dugo kaya  mabilis na dumapo ang kamao ko sa panga niya, 

"Don't you dare touch or even stare at my Elle. She's mine!"

"Hindi mo siya pag-aari Yohan"

"She's mine, Elle is mine at wala kang magagawa. Kaya Xavier, kung gusto mo pa mabuhay. Tigil tigilan mo na ang paghanga sa kan'ya," I said as I leave him dumbfounded inside the restroom.

I was walking on the hallway nang mamataan ko si Uncle Arthuro, Brent's father and the owner of this hospital—a license general doctor.

"Yohan, is that you? Ang sabi ng Papa mo ay isang lingo ka na raw na nawawala, alalang-alala na sila sayo. Lalo na ang mommy mo," litanya niya nang magtagpo ang landas namin.

"Ah, mahabang kwento po." Tanging nasambit ko.

"Umuwi ka na hijo, kawawa naman ang mommy mo. Isama mo na rin kung kinakailangan ang nobya mo"  I just nod my head... "Siya nga pala, anong ginagawa mo dito?" He asked

"My fiancé's grandfather need to have a special treatment, at ito lang ang alam kong ospital na kumpleto kaya dito ko siya dinala."

"Seguismundo Altamirano tama ba?"

"O-Opo... Paano ninyo nalaman?"

"Yohan, salamat" anito saka ako yinakap.

"Uncle..."

"Salamat dahil dinala mo si Tatay Igme dito mismo sa ospital ko."

"Kilala mo po si Lolo Igme ?"

"Kilalang kilala Yohan, kilalang kilala ko si Seguismundo Altamirano. Kaya nga noong nalaman ko kay Brent na dito pala siya naka-admit ay hindi  na ako nagdalawang-isip na pumunta rito."

"P-Paano po?"

"Siya ang ama ng dati kong nobya, si Elsa Altamirano."

"Si Nanay Elsa?" 

"Nanay? Tinawag mo ba na Nanay si Elsa?"

"O-Opo."

"Ibig bang sabihin ay  nobya mo ang anak ko? Nobya mo ba ang Cassandra ko? Nobya mo ba ang anak namin ni Elsa?" sunod-sunod na tanong niya.

"No, her name is Elliese... Elliese Altamirano ang pangalan niya Uncle."

"Regardless of her name Yohan, kung anak siya ni Elsa Altamirano, panigurado na anak ko rin siya." His eyes lit up and tears shimered on it.

Napa-awang ang pang-ibabang labi ko mula sa mga nalaman ko kay Uncle Arthur, this is unbelievable.

SAM

I just found out from Julia kung saan ngayon tumutuloy sina Yohan, nakatira pala siya ngayon sa bahay ng pamilya ni Elliese. It's a good thing for him, mabait si Elle kaya sigurado ako na mabait rin ang pamilya niya.

Mabilis kumilos si Julia kaya madali niyang natuton ang kinaroroonan ni Yohan, hindi ko pa ito ipinapaalam sa mga Carbonel. Napi-feel ko kasi na magkakagulo, lalo na at nag-eexist pa ang babaeng wringkle na 'yon also known as Yoora.

"So anong plano mo babe? Sasabihin mo ba sa mga Carbonel ang mga nalaman ko?" tanong ni Julia saka umupo sa sofa at humarap sa laptop niya. 

Nandito ako ngayon sa bahay niya dahil monthsarry namin, hindi kami makalabas dahil sa dami ng trabaho namin na pareho kaya naisipan namin na dito na lang gawin pareho sa bahay niya.

"Ewan ko babe, ayokong ipahamak si Yohan sa pamilya niya." aniko sabay simsim sa kapeng inilapag niya sa lamesa.

"Babe, baka naman ikaw ang mapahamak kung itatago natin." 

"Sammy is my name baby! Wala kong takot sa kanila."

"Baka i-fire ka nila."

"May trabaho ka naman diba? Mabubuhay mo ako," maloko pa ako na tumawa.

"Tangin* mo Samuela tigil-tigilan mo ako!" singhal niya, "pero alam mo , wala namang mawawala. Yohan will stay as a CEO dahil siya ang biological son and take note na noong na-bankrupt ang Royal Gem Entertainment because of Yoora ay siya ang sumagip sa buong kumpanya. Alone, take note ha ALONE." Mariin niyang sabi. "And kung ipa-fire ka man nila, I'm sure—Yohan will have you back."

Nagkibit-balikat na lang ako, may punto naman siya and mahal rin naman ni Ninong Harrison at Ninang Yvonne si Yohan so goods na 'yun, si Yoora lang naman talaga ang may issue e. 

"O e teka ano ba 'yang ginagawa mo?" usisa ko sa mga papel na binabasa ngayon ni Julia. 

"Binigyan ako ng bagong assignment ni Sir Benson, hindi ko nga alam kung paano ko masisimulan to on-time eh. Inuna ko kasi ang pabor na hiningi ni Mr. Carbonel." Siyang pag-sagot niya. 

"Let me help you then," agad ko na kinuha ang folder at binasa ang mga nakasulat. Wala akong masyadong naiintindihan bukod sa mga pangalan na nakasulat roon

"Arthuro Fuentabella..."  banggit ko sa pamilyar na pangalan na nabasa ko.  

"Actually halos twenty four years na ang nakakalipas simula ng ipasara ang case na'to. Pinabuksan lang ulit kasi  bumalik na ulit ng Pilipinas 'yung client, hindi ko pa nga nabubuksan ang folder na 'yan e."

Muli kong siniyasat ang loob ng folder, and to my surprise isang pamilyar na mukha ng isang babae ang nakita ko sa pagbuklat ko sa ika-anim na pahina. "Babe tignan mo ito," agad kong ipinakita kay Julia ang litrato na nakita ko, nanlalaki ang mga mata niya ni Julia nang ibaling niya sa akin ang tingin.

"Elle's mom," wika niya, kinuha niya pa ang isa pang litrato. Litrato ng isang batang babae, singkit at matangos ang ilong. "Is this Elliese?"

"Hindi ko rin alam pero 'di ba, sa nalaman natin about kay Elle. Wala siyang tatay at never niya nakilala ang totoong tatay niya? Lumaki siya na si Juanito David ang kinikilala niyang ama. Si Juanito David na  step-father ni Elle at asawa ng Mommy niya."

"Posible kaya na si Aling Elsa at si Elliese ang hinahanap ng client ko...?"

Muli kong siniyasat ang loob ng folder, isang pangalan ang nakapukaw muli ng atensyon ko. "Cassandra Altamirano Fuentabella ang pangalan ng bata at hindi naman Maria Elliese na tunay na pangalan ni Elle."

"Pwede naman 'yan mapalitan legally, under the provision of R.A 9048," Paliwanag pa ni Julia, medyo naalog ng kaunti ang ulo ko dahil sa narinig ko. 

Tinangay ko ang folder na naglalaman ng mga dokumento tungkol sa paghahanap ni Arthuro Fuentabella sa mag-ina niyang si Elsa Altamirano at Cassandra Fuentabella. Agad ako nagpaalaam at umalis saka dumiretso sa bahay na tinutuluyan nina Yohan at Elle.  Sakto naman na kalalabas lang ni Yohan mula sa gate ng bahay nang madatnan ko siya.

"Sammy, what are you doing here?" Windang na windang ang mukha niya nang makita niya ako na bumaba mula sa sasakyan ko. 

"May kailangan tayong pag-usapan Yohan,"

"Kung tungkol 'yan sa pamilya ko, I don't want it. Ikaw na rin naman ang nagsabi sa akin na umalis kami at lumayo muna diba?" 

"Hindi, this isn't about you family Yohan. Tungkol ito kay Elle." sagot ko. 

"Kay Elle?" 

"Oo sa kaniya."

"Anong tungkol sa kan'ya?" 

"Tamang-tama talaga ang Yohana namin ah. Napakabilis ng respond no'ng nalaman na tungkol ito sa Elliese niya yiiiieh." Pang-aasar ko.

"Sam." Mariin niyang pagtawag sa pangalan ko.

"In love na in love ka na 'no?"

"Oo! Puwede bang—"

"Straight ka na?"

"Hindi!" 

"Huh? So paano?"

"I'm a bisexual,  a person who exhibits emotional, romantic, and/or sexual attraction to, or engages in romantic or sexual relationships with, more than one sex or gender is referred to as being "bisexual. Therefore, I'm a bi. Alam na ni Elle 'yon, tanggap niya ako at handa na siyang pakasalan ako regardless of my gender. Now let's proceed to the topic, anong mayroon sa fian—" He's dead serious that's why I interupted it.

"Alam niya na ang ano? Na mahal mo siya or 'yong about sa pagiging bisexual mo."

"Pareho, nasagot ko na ba ang tanong mo? Now let's proceed to the main reason kung bakit ka sugod na sugod na pumunta rito." Blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Yohan.

"E paano kung—"

"Isa pang tanong, puputulan na kita ng dila"

Aba at nagbabanta na ang Yohan, scary. 

Ito na talaga, hindi ko na iti-trigger ang isang 'to dahil mukhang may sagupaan silang naudlot nang dahil sa akin.

"Nagkukwento ba siya sayo about sa Tatay niya?" Luminga-linga ito saka niya ako hinila papasok sa kotse ko. "Ah-Aray ha! Medyo masakit, muntik matanggal ang braso ko."

"Mag-drive ka," utos niya. 

"Best friend mo ako at hindi dri—"

"Thirty thousand pesos, paunang bayad 'yan. Dadagdagan ko pa dipende sa kung gaano ka-relevant ang impormasyong sasabihin mo" panunuhol niya na  agad ko naman na kinagat. Pera 'yon e, hindi ako tumatanggi sa grasya.Pinastart ko na ang kotse at nagsimula nang imaneho ito. 

"I love my job," malapad akong ngumiti.

"Spill it."

"Si Julia kasi nakatanggap ng assignment, pinabuksan iyon ng isang client niya after two decades, nasa likod 'yong folder. Pakikuha na lang." 

Agad niya na kinuha ang folder mula sa backseat at siniyasat ito, panaka-naka ko siya na pinagmamasdan habang nagmamaneho ako. Hindi maipinta ang mukha niya habang tinitignan ang nga papeles na nasa loob nito. 

"Si Uncle Arthuro at Nanay Elsa..." Agad ako na napatingin  sa direksyon niya nang marinig ko siya na magsalita. "Dati silang magkarelasyon, si Cassandra at si Elliese ay iisa. 'Yon ang sabi sa akin ni Uncle."

"S-Seryoso ba?"

"Uncle didn't tell the entire story, but I understood everything he said."

"So ang sinasabi mo ba ay—"

"Elliese is the heiress of the Fuentabella."

"Sasabihin mo ba sa kan'ya?"

"Hindi ko pa alam, hindi naman siya nagkukwento tungkol sa Papa niya but I will, hindi lang ngayon ang tamang panahon.

"Tingin mo, anong mangyayari kapag nalaman niya ang tungkol sa Papa niya?"

"Hindi ko rin alam Sam."

"You better know, help her."

"Of course  I will."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top