CHAPTER 1


ELLE

"Mga suki! Nandirito na ang pinakamasarap na suka sa balat ng universe. Chona's suka in your area! Kaya ano pa ang hinihintay ninyo bumili na kayo. 100% na masarap at maasim, kahit 100 years pa ay kayang tumagal hindi gaya ng mga jowa ninyo na sa una lang magaling." Magiliw kong sigaw habang ibinebenta at ibinibida ang home-made suka ng aking Ninang Chona. Raket ko ang pagbebenta habang wala pa akong naa-applyan na permanenteng trabaho. High school lang kasi ang natapos ko, wala nang pampa-aral ng kolehiyo kaya pinili ko na magtrabaho na lang kahit na mahirap makakuha ng trabaho sa ganitong estado ko.

"Aling Vilma tara dito! H'wag ka na maghanap pa ng iba. Pili ka dyan, hot chili suka ba ang hanap mo? Sweet and sour? Sweet and chili suka? I got it all for you." Masiglang alok ko nang makita ko na papalapit ang isa sa kapit-bahay namin na si Aling Vilma, may-ari siya ng ihawan dito sa tapat ng  tindahan ng Ninang

"Iba talaga 'tong pangalawang anak ni Elsa, biruin mo  bukod sa napakaganda na e abay napakasipag rin. Kayod pa ng kayod, kahapon ay nakita ko na ito na nagbebenta ng bag sa palengke tapos ngayon ay suka naman. Aba'y! Napakasipag na bata, tiyak ako na siya ang mag-aahon kina Elsa sa hirap." Ani Aling Vilma kay Ninang Chona na may pahampas pa. "Dahil diyan Elle bigyan mo ako ng dalawang bote ng sweet and chili tapos isang bote nitong sukang original."

"Kaya nga Mare e kung hindi lang siguro kinailangan nitong huminto ay baka mas succesful pa 'yang si Elle kesa sa anak kong si Zarina ." Pabirong sabi ni Ninang Chona na animoy nagpapaharing sa kakalabas lang na si Zarina na naglalagay ng blush-on sa pisngi.

"Mama naman, ikinumpara mo na naman ako kay Elle. Tanggap ko naman e, ganda lang talaga ang inilamang ko kay Elle." Pabirong sabi ng best friend ko na si Zarina. 

"Hay naku! Tigilan mo Zarina Janine mabuti pa ay kumilos ka na. Mamaya niyan ay maririnig mo na naman na sumisigaw ang Kuya Xavier mo. Bilisan mo na ang pag-lalagay ng make-up at baka mag-away na naman kayo." Pagpapaalala pa ni Ninang Chona habang nakapameywang at pumapaypay ng abaniko. "Yong mga orders pala, h'wag mong kakalimutan Zarina."

"Ito na nga po Mama, kumikilos na nga. At opo, hindi ko po kakalimutan,"  isinukbit na ni Zarina ang bag sa balikat saka humalik si Zarina sa mama niya at pati na sa akin.  "O paano Elliese? Bukas na lang ulit tayo magkita, day off ko 'yon mag-girl's night out tayo nila Sofina." Magiliw na pag-aya niya sa akin habang kinakalabit pa ako.

"Hay naku Zarina! Alam mo naman na wala akong hilig sa mga ganyan-ganyan e. Isa pa wala akong pera, alam mo naman na hindi sapat ang " sagot ko sa kaniya habang sinusuklian si Aling Vilma.

"Ikaw naman babae ka, kahit kailan ang kj-kj mo talaga. Minsan lang ako mag-aya e saka isa pa sagot ko naman." May pagtatampong sabi ni Zarina. 

"Alam mo naman na wala ang nanay ko, naglalabada sa kabilang baranggay. May alaga pa akong limang bata na makukulit, si Tala may sakit pa. Next time na lang, kapag may permanenteng trabaho na ako saka kapag maluwag-luwag na ang bulsa." 

"Oo na po Madam Elisa, sige na mauuna na ako." Bumeso siya sa akin bago lumabas ng tindahan. "Basta next time ha?"

"Oo promise 'yan. Mag-iingat ka."

Paglabas ni Zarina ay siya namang pasok ni Auring, ang tindera ni Ninang Chona na pinroxihan ko muna dahil nakipag- eyeball sa afam na penpal niya. Pagkapasok niya ay matiko na sinimangutan siya ng Ninang na ikinatawa naman niya.

"Mother naman, masama ang pagsimangot. Baka ang tindahan ay malasin," pabirong sabi niya saka ako pina-urong. "O ako na diyan Elle, miss na nila ang kagandahan ko."  

Impit akong natawa sa sinabi niya pagpasok ng tindahan at napa-iling. Matandang binata na beki si Auring, dati siyang nagtatrabaho sa bar bilang waitress at kahit nasa 40s na ay apura pustura pa din with matching pak na pak na pulang lipstick at makapal na foundation na hindi akma sa skintone niya.

"Ang tagal mo Auring ha, sa susunod na malate ka na naman. Si Elle talaga ipapalit ko sayo." busa ng Ninang Chona kay Auring.

"Heto namang si Mother, wag mo namang iligwak ang beauty ko. Alam mo naman na bukod sa Afam ko ay ito na lang ang ikinabubuhay ko. May tatlo pa akong bagets na pinag-aaral.  Ay siya nga pala, nasaan na  ang baby boy kong si Xavier? Kumain na ba 'yon? Aayain ko sana mag-date." anito saka malanding tumawa at hinampas pa ako sa balikat.

Si Xavier ay ang kakambal na lalaki ni Zarina, nagmamay-ari ito ng isang restaurant at supervisor rin ng isang malaking kumpanya.  Si Zarina naman ay ang best friend ko simula elementary, isa siyang manager sa isang hotel sa Makati. Pareho ko silang kababata at kaibigan, halos sabay-sabay na kami na nagdalaga at nagbinata. 

Kung natuloy sana ako sa pag-aaral ay baka pareho na kami ni Zarina na succesful ngayon, ang kaso nga lang may  kaya ang pamilya niya. Kami naman ay maralita pa kaya ipina-ubaya ko na sa mga kapatid ko na mas bata ang pag-aaral. Pareho kami ng kuya Eliseo ko na hindi nakatapos, may sariling pamilya na siya ngayon. Magtatapos na ng high school ang sumunod sa akin na si Crismar, nasa grade 8 naman si Cathy, habang nasa preparatory naman si Nemo, at ang bunso naman namin na si Tala ay 2 years old palang. Hindi rin nakapag tapos ang Nanay Elsa ko na isang labandera, gayon din ang step-father ko na si Tatay Jun na isa namang jeepney driver. 

Bago ako umuwi ng bahay ay pinabaunan ako ng gulay at karne ni Ninang Chona. Binigyan niya rin ako ng Php 1,000 para sa 3 oras ko na pagbabantay sa tindahan niya habang nananahi siya. Isang tricycle ang layo ng tindahan at bahay nila Zarina mula sa amin siguro ay 15 minutes rin ang ibabyahe ko pero gusto ko na makatipid kaya mas pinili ko na maglakad na lang.

"Nandito na ako!" Siyang sigaw ko nang makapasok ako sa bahay, inilagay ko na agad sa lamesa ang mga gulay at karne na ibinigay ni Ninang. Naabutan ko na gumagawa ng project niya si Cathy sa salas habang nakahiga sa sofa si Nemo habang dumedede na binabantayan niya at karga-karga niya ang tulog na si Tala. "O bakit andito ka pa? Ala-una na ng hapon 'di ba dapat nasa eskwela ka? May exam ka ngayon 'di ba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kapatid  habang naglalakad sa direksyon niya.

"E wala na akong baon sa panghapon kaya umuwi na ako. Wala rin naman magbabantay kay Tala at Nemo ." sagot ni Cathy, agad kong kinuha si Tala at kinarga ito. Umupo ako sa monoblock habang hinehele ang kapatid ko.

"Nasaan si Crismar? Wala  siyang pasok ngayon ah, dapat siya ang nagbabantay rito." Iritableng tanong ko.

"Sinama ni Mang Kanor, magbubuhat daw siya ulit ng banyera para may pangbaon siya next week." Ito naman ang isinagot ni Cathy. "Naningil din kasi si Beleng Sungit kanina, 'yong pambili sanang bigas e naibigay ko. Para makabawas tayo sa utang apat na buwan na tayong hindi nakakabayad sa bahay e. Dalawang buwan 'yong ibinigay ko para hindi na siya pumutak."

Napasinghap ako sa narinig mula sa nakababatang kapatid ko. Natameme at wala akong naisagot, natulala na lamang ako habang hinehele  si Tala. Sahod ko 'yon  noong isang linggo mula sa pagtitinda ng suman, inilalaan ko sana para may pangkain kami sa mga susunod na linggo pero ang ending pala ay sa pambayad  lang ng bahay mapupunta. May bahay nga kami, kumakalam naman  ang sikmura namin lahat.

"Si Lolo Igme nasaan pala?" Pag-iiba ko ng usapan, si Lolo Igme ay ama ng aking inang si Elsa.

"Kinuha muna ni Tita Marla, nagpadala kasi ng pera si Tita Janet ayon nagbida-bida. Kuwari mabait na anak,  tanga rin kasi si Tita Janet e. Paniwalang-paniwala na si Tita Marla ang nag-aalaga sa Tatay nila. Hindi niya alam pineperahan lang sila ni Tita Marla," maktol ni Cathy. 

"Hay naku! Hayaan mo na lang sila, mamaya marinig ka na naman ni Ruby baka mag-away na naman kayo. Hindi pa nga gumagalin ang pasa mo, madadagdagan na naman." 

"Ate, wala na rin pala tayong bigas." Narinig ko pang sabi ni Cathy, tumayo ito saka  pumunta sa kusina. "Tapos, wala na rin tayong de lata, wala tayong uulamin mamaya. Mangungutang na lang ba ako kay Aling Atse?" 

"Hindi na, mahaba-haba na ang utang naun sa kanila. May uwi naman akong gulay saka karne galing kay Ninang Chona, lutuin mo na.Tinolahin mo para may sabaw t mabigat sa tiyan ang kakainin natin." sagot ko pa habang pinapadede sa bote ang kapatid ko. "Damihan mo na para umabot hanggang bukas ng tanghali."

"Ang swerte nila Aling Chona no? Businessman si Kuya Xavier, si Ate Zarina naman manager na. Sana all! Tayo kaya kailan makakabangon sa hirap?" May pag-iimbot wika ni Cathy habang inaalis sa paper bag ang mga gulay at karne.

"Hay naku Maria Catherine e kung ikaw nag-aaral ng mabuti at hindi nagbubulakbol e 'di sana kagaya ng kambal mong si Crismar patapos ka na rin sa high school. Cutting class pa more," pagsabat ng kararating lang na si Kuya Eliseo.

"Kuya Ely, Ate Cherry kayo pala. Mabuti at nadalaw kayo," napatayo ako nang dumating ang kuya ko pati na asawa't anak niya sa bahay. 

"Tita Elle!" sigaw ng pamangkin ko na si Dorathy at agad yumakap sa beywang ko.  "Hi baby Tala!"  

"Nakita ko kasi ang Nanay na nakikilabada roon sa subdivision malapit sa amin, sabi niya tignan-tignan ko daw kayo at baka matagalan siya roon. Kumusta na pala si Tala? May lagnat pa ba? May dala akong mga gamot."   tanong  ni  Ate Cherry  Anne, ang asawa ni Kuya. 

"Medyo may sinat pa, buti nga hindi na kagaya kagabi. Nag-kwarenta pa nga ang lagnat niya kagabi e."  pagbabalita ko.

"Siya nga pala, may nahanap ka na bang trabaho?" tanong naman ni Kuya na siyang katulong ni Cathy sa paghihiwa ng sayote. 

"Wala pa nga e, hindi sila tumatanggap ng high school graduate lang. Ang hinahanap nila ay atleast two years ang natapos sa college," tugon ko  habang inihihiga si Tala sa kuna niya. "Sa company ba ninyo ate, hindi ba hiring ng kahit janitress o maintenance man lang?"

"Ayon pala, buti napa-alala mo. Sa Huwebes, hiring kami ng staff. Hindi ko lang sure kung anong position pero ang mag-iinterview e yung mismong President ng Company."  sambit  ni Ate Cherry.

"Bakit kailangan pa mag-apply? E 'di ba  kapatid ng shota mong si Henry 'yung may-ari ng Royal Gem Entertainment? Magpalapit ka baka matulongan ka," saad ng Kuya

"Hindi naman sila in-good terms ni Sir Yohan. Ma-pride pareho e, pero kung papipiliin ako sa dalawa mas gusto ko talaga ugali ni Sir Yohan," wika ni Ate Cherry habang papa-upo sa silya sa tabi ni Kuya. "Although may pagka-strikto e mabait naman at mataas nagpasahod."  dagdag pa niya. 

"Ang sabihin mo crush mo ang boss natin kaya ka ganyan." May pagka-inis na sabi ni Kuya Eliseo na may halong pagseselos.

"O bakit ka nagagalit?" tanong ng Ate sabay tawa. "Selos yern?" 

"Boss kasi natin yan," anito saka padabog na tumayo at kinuha ang mga bag nila. Naghahadali rin itong umakyat sa taas ng bahay.

"Kuya mo talaga, mainitin ang ulo. Palibhasa ay alam niya na wala siyang bainatbat kay Sir Yohan, sobrang gwapo kasi no'n at napakabango pa. Pustahan tayo pati ikaw magkakagusto sa kanya kapag nagkita kayo," pabirong sabi ni Ate sabay tawa.
"Ate naman, alam mo naman na si Henry lang ang mahal ko e."

"Speaking of Henry, napanood ko 'yong presscon niya. Dinedeny niya pa rin pala na magjowa kayo, nagkausap na ba kayo tungkol do'n? Pang-anim na beses na 'yon, para sa akin ay sobra  na." Bakas ang panghihinayang sa kaniyang boses

"Hayaan mo na ate, sanay na naman na ako sa gano'ng set-up. Isa pa, hindi pa kami nakakapag-usap simula no'ng nag-shooting sila ng bagong serye niya e." Pag-sagot ko naman habang pinupusod ang buhok. "Ni-text nga ay wala rin, unti-unti na nga akong nasasanay e."

"Ako ang nasasaktan para sa'yo, seryoso ako Elle. Hindi biro 'yang posisyon mo." May pag-aalalang  tanong ni Ate.

"Alam ko naman na trabaho lang 'yon, isa pa. Mahal ako ni Henry, lagi niya namang sinasabi 'yon. At 'yon rin ang panghahawakan ko ate." 

"Basta whatever happened nandito lang ako ah," wika pa ni Ate. 

Tumango ako at nginitian ko lang si Ate Cherry. Sinulyapan ko ang telepono ko na nakalapag sa tabi ng telebisyon, nagbabakasakali na may mare-receive ako na message from Henry na boyfriend ko for 3 years. Ang kaso lang ay wala ni isa o kahit tawag man lang. Artista siya under ng Royal Gem management, sikat na sikat at laging blockbuster ang mga pelikula at serye na ginagawa niya. Kaya naman, normal na sa akin ang mga ganitong eksena na bigla siyang mawawala for eight months tapos magpapakita na lang kung kailan niya gusto. Sa tatlong taon namin na relasyon isa o dalawang beses pa lang yata kami na nakakalabas ng kami lang, masakit pero kailangan tiisin. Mahal ko siya e.Kung tutuusin nga, pwede niya akong tulungan  maka-ahon pero ayokong isipin niya na minahal ko siya dahil sa pera niya kaya naman kada may iaabot siya sa akin ay tinatanggihan ko. 

 Itinuloy ko na ang pagluluto sa tinola na uulamin namin. Si Cathy naman ay pina-iinom na ng gamot si Tala. Si Ate Cherry naman ay pinatahan sa pag-iyak ang nagising na si Nemo. Matapos ko na makapag-luto ay hinugasan ko na ang mga kasangkapan na ginamit sa pagluluto pati na mga pinag-kainan kaninang umaga. 

"Kung may gusto kumain, pwede naman na. Ate Che kain na kayo,"  pag-aaya ko  sa asawa ni kuya. Naka-upo si Ate Cherry sa may sofa habang hinehele si Tala. 

"Tao po! Tao po kami!" Narinig kong sigaw ng isang beki mula sa labas. 

"Sino 'yon? Tanghaling tapat ang ingay-ingay." reklamo ni Kuya Eliseo na kakababa lang. "Cathy tignan mo nga," utos pa niya kay Cathy na kasalukuyang nagsasandok ng kanin. 

Padabog na ibinababa ni Cathy ang pinggan at sandok sa lamesa at labag sa loob na sumilip sa labas. 

"Cathy, andyan ba ang ate mo?" tanong pa ng beki sa kapatid ko. 

"Ate ikaw ang hinahanap," ani Cathy na nakabusangot ang mukha. Padabog siyang pumasok muli sa bahay. Ako naman ay nilabas ang tao na humahanap sa akin. "O Betina, Rosi kayo pala, anong atin?" tanong ko nang makalabas ako.

"Hoy babaita! Ako ay may good news sa'yo." ani Betina at malanding lumakad papunta sa akin. "E kasi ganito 'yun, di'ba may gaganapin na Binibining Reyna ng Brgy. Masaya bukas ng gabi?"

"O tuloy pala 'yon?" pabirong tanong ko. 

"Oo gaga ka, e heto na nga. Si Mariel kasi na dapat isasali namin e na-injured tapos yung dapat na kapalit nya na si Rocelyn nabuntis. Kaya ayon ang sabi ni Konsehal Jojo kailangan namin makahanap ng kapalit within 24 hours."  Pagpapaliwanag niya.

"Tapos?"

"E si Aling Chona yung nanay ni Papa Xavier nireto ka sa amin. Kailangan mo daw ng raket, kaya mag-gorabells ka na." sabi pa niya na kinagulat ko. 

"H-Ha? Seryoso ba kayo? Alam ninyo naman na wala akong alam diyan sa mga contest na ganyan." wika ko. 

"Hay naku Elisa! Kaya nga andito kami to help you girl." ani pa ni Rosi habang nagpapaypay ng abaniko. "Kaya gumorabells ka na, sayang ang beauty mo girl. Hindi ka pang tindera ng suka girl pang beaucon ka." saad ni Rowsy. 

"E magkano ba ang premyo?" tanong ng kuya ko na kakalabas lang.

"Tumataginting na 20,000 peyses!" sabay na sabi nang dalawa.

"O  e 'di maganda pala. Malaki ang papremyo. Sige na Elle, may mga make-up naman ang ate mo.Tapos yang sina  Rodrigo at Berto magaganda ang gown. Wala ka nang iisipan pa." sabi pa ni Kuya.

"Si Kuya naman, alam mong wala akong hilig diyan. Kaso sayang yung twenty thousand..."may panghihinayang na sabi ko. 

"O so ano girl? Twenty thousand sa winner, ten thousand sa first runner up, at five thousand sa third runner up. Malaking bagay na 'yon." ani Rosi.

"Sige," walang pag-aalinlangang sabi ko. 

"Yes! Tama ang desisyon mo!" masayang sabi ni Betina at kinuha ang kamay ko. "Tara na at mag-photoshoot!"

Wala naman talaga akong balak na sumali, ang kaso ang kuya ko pinangunahan na ako. Saka nakapang-hihinayang din ang twenty thousand na price.

Mapapagkasya ko na 'yon sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan para may pantustus sa pag-aaral ng dalawang kapatid ko. Habang nasa photoshoot kanina hindi sinasadyang marinig ko ang usapan ng ilang punong-abala para sa contest. Nalaman ko na ang set of judges pala ay puro malalaking tao, gaya ni Mayor Johny Salonga, Councilor Lea Hererra, ang CEO ng Royal Gem na si Mr. Yohan Carbonel, at dating Binibining Reyna ng Barangay 2014 na ngayon ay isa nang artista na si Caprice Tan.

"Girl anong ginagawa mo dyan?" tanong ng isang contestant na si Clane. 

"H-Huh? Ah e... naghahanap ako ng CR, naiihi na kasi ako." pagpapalusot ko. 

"Ay gora doon din punta ko tara na." anito

Sa ganda ng mga contestant na gaya ni Clane parang nawalan ako ng gana at pag-asa na manalo pa. Si Clane kasi kahawig ni Kristine Reyes, tapos yung number 17 na si Bernadeth kahawig ni Kim Rodriguez.   Tapos lahat sila ang gagaling pa sa posing at ang photogenic nilang lahat. Panigurado ako na sila ang mapipili ng judges pero susubukan ko pa din na gawin ang best ko. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko e. Matapos kong makapag-CR ay agad na kaming bumalik sa lugar kung saan ginaganap ang photoshoot. 

"Okay nasaan na yung kapalit ni Mariel? Contestant number 4... Eliesse Altamirano. Punta na dito at humanda sa posing-posing." Siyang pagtawag sa pangalan ko  ng isang beki na tinatawag nilang Mama Lulu.

Agad naman ako na pumunta sa unahan habang suot ang color gold na gown na motif ng photoshoot. Wala akong alam sa mga posing-posing kaya nag-imbento na lang ako ng sariling pose ko.

"Ayan!"

"Very good!"

"More!"

"Fabolous!"

"Elegant, I want to see the elegance on your face. Exactly! I want that look!"

--

"Bukas na ba agad?" tanong ko kina Rosi at Betina habang papauwi kami at sakay ng owner jeepney na pagmamay-ari ni Carlito na boyfriend ni Betina.

"Oo girl, kaya humanda ka na." sagot naman ng kapatid ni Rosi na si Joan. "Pero infairness dito kay Elle baguhan  pero may ibubuga ha. Sure naman ako na maiuuwi niya ang korona." 

"Iyon ay kung hindi ido-dogshow ng ibang contestant ang pageant." sabat ni Carlito. 

"Truela, sana walang mangyaring dayaan ngayong year jusmiyo! Hindi na kakayanin ng beauty ko ang ganun." wika ni Betina. 

"E ang balita ko na matinding makakalaban ni Elle ay si Rhea alam mo naman na malakas ang kapit nung babae na 'yon." pagbabalita pa ni Joan.

"Hay naku! Wit na ang bad vibes mananalo 'yang si Elle. Manifesting mananalo si Elle, kahit runner up pa 'yan. 'di ba Elisa?"  Siyang tanong ni Betina sa akin.

"H-Ha? Ah.. E... Susubukan ko Betina, wala naman sigurong masama kung pangangarapin ko diba?" may kaba sa dibdib na sagot ko.

"Hay naku anong susubukan? Gagawin mo, ikaw ang magiging reyna ng gabi. Ipapasuot ko ang pinakamagandang gown  para sa'yo. Saka alam mo ba  na isa ka sa tinitignan nila kanina, substitute ka lang pero wagi na ang beauty mo."

Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa sinabi ni Betina, hindi ako confident sa mangyayari bukas ng gabi. Kung kaya ko lang sana ibaba ang pride ko, baka nanghiram na lang ako ng pera sa boyfriend ko. Ang kaso hindi ko kaya e

 Masisisi mo ba ako?

"O baby bakit tayo huminto?" tanong ni Betina kay Carlito. 

"May nagsoshooting ata," sagot naman ni Carlito. 

Sinulyapan ko ang nasa may bandang unahan namin na dahilan ng paghinto ng sinasakyan namin. Malinaw kong nakikita ang pigura ng isang pamilyar na lalaki na may kahalikan na isang babae habang maraming ilaw at camera ang nakatutok sa kanila.

At ang lalaking iyon ay ang boyfriend ko.

"Ay pak! Ang galing humigop ni Henry, sana all!" Narinig kong sabi ni Joan. "Dati go-good boy good boy 'yan e, tignan mo ngayon."

"Ano ka ba Joan? Good boy pa rin naman 'yan. Trabaho lang niya 'yan," wika naman  ni Rosi.

"Kahit na kapag ang lalaki marami nang nahalikan, hindi na 'yan good boy. Siya nga pala, 'di ba Elle may past kayo ni Henry?"

"Ha--Ahm..."

Hindi ako naging komportable sa naging tanong ni Joan sa akin kaya naman iniba ko na ang usapan.

"Betina, Rosi dito na lang siguro ako. H'wag na ninyo akong ihatid sa bahay, malapit lang na rin naman." siyang pag-iiba ko sa usapan.

"Hala ghorl sure ka?" tanong pa ni Rosi. Tumango na lamang ako bago bumaba ng sasakyan at  magsimulang maglakad papa-uwi sa amin. 

Sensitibong  usapan para sa akin ang relasyon namin ni Henry,few years ago bago pa man na umusbong ang career niya bilang actor. Kinausap na ako ng manager niya about sa relasyon naming dalawa. Napagkasunduan namin na alang-alang sa career niya, palalabasin na single si Henry at walang girlfriend, pumayag naman ako dahil mahal ko siya. Hindi ibig sabihin na pumayag ako ay okay lang sa akin iyon, masakit pa rin dahil on-cam akong dine-deny ng taong mahal ko. 

 "Ang mahiwagang tanong ng netizen! Single ba si Henry Enrile?"

"Single and ready to mingle!"

Mabigat ang loob ko nang maka-uwi ako sa bahay, nag-mano lang ako sa Lolo ko pati na sa step-father ko bago ako umakyat sa kwarto namin ni Cathy. Hindi na rin ako nakapagbihis at nakapag linis man lang, basta dumapa na lang ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko habang yakap-yakap ang isang malambot na unan. Blanko ang isipan ko ngunit may kakaibang kirot akong nararamdaman ng dibdib. Tila may tumatarak na kutsilyo roon.

"Elle apo, anak problema?" narinig ko ang boses ng lolo ko ngunit hindi ko ito pinapansin. "Apo kung ano man ang bumabagabag sayo, iiyak mo lang. Gagaan din 'yan..." sinserong sabi niya.

Unti-unti kong naramdaman ang paghapdi ng mga mata ko, namasa ang mga mata ko at tila nanikip ang dibdib ko.

"Anong nangyari kay Ate?" narinig ko ang boses ni Crismar.

"H'wag mo na lang siya abalahin, hayaan mo muna siya." sagot naman ng boses ni Lolo Igme. 

"Hindi niya ba panonoorin si Kuya Henry? Nagsoshooting si Kuya ah," tanong muli ng kapatid niya.

"Malamang ay napanood niya na, at sa malamang din ay hindi niya nagustuhan ang nakita niya..." huminto si Lolo ay may pabulong pang sinabi kay Crismar. Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga yabag nila na papa-alis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top