Simula

Tumulo ang luha sa aking mata habang tinitingnan ko ang mensahe mula sa magulang ko na nasa Esperanza. Kay bago ko pa lang lumuwas ng Nuevo at bago pa natanggap sa trabaho ngunit nagka-problema na agad doon. 

Ayon sa kanila, pinapaalis na raw sila ng may-ari ng bahay na aming inuupahan dahil sa sunod-sunod na hindi pagbabayad. Hindi kasi naibayad ang para sana sa bahay dahil biglang nagkasakit si tatay at mas importante iyon. Kaya nga lang, nagalit na ang may-ari at pinapaalis na sila. 

“Hindi na ba ako makakabalik doon?” nanghihina ko na tanong kay Jessa, ang aking katrabaho sa dati kong part time, ang pagiging waitress sa isang bar. “Kailangan na kailangan ko na kasi ng pera. Sunod-sunod ang problema na dumating sa akin.”

Awang-awa si Jessa sa akin ngunit base sa kanyang tingin, alam ko na wala rin siyang magagawa. 

“Pasensya na, Eya. Pero sabi ni Boss, ayaw ka na raw ibalik. Noong huli kang nag-duty dito, gulong-gulo dahil nagwawala ang boyfriend mo.”

“H-Hindi ko po iyon boyfriend,” ani ko at nanlumo. “Boss ko po iyon sa trabaho ko sa umaga.”

“Kaya nga!” Umiling siya sa akin. “Bakit ba ang ganda mo kasi? Ayan tuloy! Ayan ang sukli ng pagiging maganda sa mundong ito. Parang ayaw ko na lang din maging maganda. At saka, bakit hindi ka na lang kaya manghingi ng tulong sa boss mo? Mukhang gusto ka naman no’n! Gabi-gabi ka binabantayan dito!”

Natahimik ako. 

“Sige, ah! Pasensya na talaga, Eya!”

Nang iwan ako ni Jessa sa labas ng bar, sumikip ang dibdib ko. Ano na ang mangyayari sa pamilya ko? Wala pa naman kaming ibang kaanak doon. Saan sila pupulutin? Ayaw ko namang sa kalsada sila hihiga. Kaya ano ang gagawin ko? 

Kinuha ko ang calling card na ibinigay sa akin ni Sir. Tinitigan ko ito nang maigi at muli na namang bumalik sa isip ko ang kanyang alok na nagpanindig ng aking balahibo. 

“H-Hindi.” Umiling ako. “Hindi ko gagawin iyon. Ako lang din ang kawawa.”

Ibinulsa ko ang card na iyon at saka umalis na sa lugar upang maghanap ng ibang paraan. Ngunit sa huli, nakita ko na lang ang sarili ko na nagtungo sa isang building kung saan nakatira ang lalaking handang ibigay sa akin ang kailangan ko kapalit ng isang gabi. 

Huminto ako sa tapat ng pinto ng unit niya. Huminga ako nang malalim bago ko pinindot ang door bell. 

Wala na itong atrasan. Ako ang nagtungo rito. Walang nagpumilit sa akin. 

Bumukas ang pinto at halos hindi ako makahinga nang bumungad sa akin ang topless na lalaki sa harapan ko. Medyo napaatras ako sa gulat. 

I saw amusement in his eyes when he saw me. Siguro ay nasa isip niya na kahit anong gawin ko, sa kanya pa rin talaga ako mapupunta. 

“What are you doing here?” malamig niyang tanong. “I didn't call you here.”

“A-Ano…” Nagbaba ako ng tingin. “T-Tatanggapin ko na ang alok mo.”

Halos hindi ako makahinga ng maayos nang sabihin ko iyon. 

“Really?” Inangat niya ang baba ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. 

“O-Oo. K-Kailangan ko ng pera para sa magulang ko sa Esperanza. Wala na akong ibang paraan para makuha agad ang pera. Kaya, Oo. Papayag ako sa gusto mo, S-Sir.”

Umangat ang sulok ng kanyang labi bago niya ako hatakin papasok sa loob. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba lalo nang diretso niya akong hinatak patungo sa malamig niyang kuwarto at sinara ang pinto. 

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil wala naman akong karanasan sa ganitong bagay pero kita ko sa mga mata ni Sir ang kasabikan lalo na nang pasadahan niya ako ng tingin. 

“Are you sure about this, Miss Dela Cerna?” paniniguro niya. 

Tumango ako. “O-Oo. Sigurado na po ako.”

Isang gabi lang naman. Pagkatapos ng isang gabi, babalik na sa normal ang lahat. Iyon ang alam ko dahil hindi naman magtitiis sa isang katulad ko si Sir. Alam ko na pagkatapos ko ay wala na akong silbi sa kanya kaya ayos lang. 

“Sit on the bed,” utos niya.

Sinunod ko naman ang gusto niya ngunit hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. 

“Ano ang—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumapit na siya at sinugod ako ng halik sa labi. Nahiga ako sa malambot na kama dahil sa kanyang ginawa at naramdaman ko ang paglikot ng kanyang mga kamay. 

“Are you sure about this?” bulong niya sa tainga ko na nagpanindig muli ng aking balahibo. “Akin ka na pagkatapos nito, Miss Dela Cerna. Wala ng atrasan.”

Yumakap ako sa kanya. “Yes po. I am so sure.”

Wala naman akong balak magka-boyfriend kaya hindi kaso sa akin kung sa kanya ko ibibigay ang sarili ko. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang magandang buhay ng pamilya ko. Kaya kung may isang bagay man akong masuko para sa kanila, ayos lang, basta gumanda lang ang buhay nila. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top