Kabanata 9

Napadalhan ko na si Nanay ng pera pambayad sa upa nila. Medyo malaki din ang pera na ibinigay ni Sir Zerzy kaya hindi na ako nagtataka na tumawag si Nanay sa akin matapos matanggap iyon. 

“Anak, ano ang ibig sabihin nito!? Ang laking pera nito!? Saan galing ito?” suno-sunod na tanong ni Nanay sa kabilang linya. 

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at napasulyap kay Sir Zerzy na nasa kama. Nasa hita niya ang kanyang laptop at seryosong may tinitipa. Nang tumingin siya sa akin, agad akong nag-iwas ng tingin at tumikhim. 

“N-Nay, sariling pera ko yan,” ani ko at napalunok. “Huwag po kayong mag-alala. Ayos lang ako rito.”

Pumikit ako para damhin ang sarili. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kapaguran ng aking katawan. Siguro dahil una ko iyon. Unang beses kong naranasan iyon at medyo…malaki siya kaya siguro ako nakaramdam ng ganito. 

“Sigurado ka, ha!? Ang laki ng 100 thousand anak! Nagdududa na ako kung saan galing ang pera na ito!?” Gulantang pa rin si Nanay hanggang ngayon. 

“U-Umutang po ako, Nay, kaya pasensya na kung hindi ako makapagpadala sa iyo sa susunod na buwan,” ani ko at napasinghap. 

“Ay huwag talaga! Kami na nga itong hiyang-hiya sa iyo, nak. Kung hindi ka rin nagpadala, talagang palalayasin na kami rito!” ani Nanay. “Kaya ikaw diyan…huwag mong pabayaan ang sarili mo. Pasensya na kung…naging pabigat kami sa iyo—”

“Hindi kayo pabigat sa akin, Nay,” pagputol ko sa kanya. Napasulyap muli si Sir Zerzy sa akin. “Kailanman, hindi ko po iyon iniisip. Kayo po ang dahilan kung bakit po ako nagsusumikap dito. Kaya huwag niyo pong isipin iyan.”

“Maraming salamat, anak. Gagamitin namin sa maayos itong pera mo. Para sa school ng dalawa mong kapatid, sa gamot ng tatay mo, sa upa, at sa pagkain. Huwag ka rin mag-alala, ‘nak. Alam mo…kinontak muli ako ng mga Lopez.”

Natigilan ako sa huling sinabi niya. 

“Ho? Bakit po?”

“Pinapabalik nila ako sa trabaho,” ani Nanay. “Ayaw ko na sanang bumalik kasi…hindi rin naging maganda yung ginawa nila sa akin…sa atin. Napahiya ako noon anak noong inakusahan nila ako ng magnanakaw…nadamay pa kayo. Pero tinanggap ko anak kasi kailangan ko rin talagang kumayod.”

Napatango na lamang ako. “Ikaw po ang bahala, Nay.”

Marami pa kaming pinag-usapan ni Nanay na mga bagay-bagay bago napagpasyahan na ibaba ang tawag. Medyo nag-aalala rin ako sa kanyang ibinalita na babalik na siya sa mga Lopez. 

Noong nasa kolehiyo kasi ako, si Nanay ay kasambahay ng isa sa mga makapangyarihang pamilya sa Esperanza, ang mga Lopez. Mayaman sila at talagang maimpluwensiya rin sa bayan. Hindi rin sekreto na magkaaway ang dalawang pamilya na Lopez at Rodriguez dahil sa history na patungkol sa kanilang kayamanan. 

Ang mga Lopez ay may mga mabubuting puso ngunit hindi ko makalimutan kung paano nila pinahiya ang Nanay ko noon. Inakusahan nila si Nanay na nagnakaw ng jewelry ng isang guest ng mga Lopez. Isang linggo pa bago napatunayang hindi. Sorry sila nang sorry ngunit nasaktan nang todo si Nanay kaya tumigil na sa pagtatrabaho. 

Lopez din ang apelyido ni Sir Zerzy. Kaano-ano kaya niya ang mga Lopez sa Esperanza? Kaanak niya kaya? 

“What are you thinking?” 

Napasinghap ako at napahawak agad sa kanyang kamay nang pumulupot ito sa aking bewang. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at nas likuran ko siya. Naramdaman ko rin ang kanyang hininga sa aking tainga. 

“H-Huh? Wala naman.” 

Napalunok ako dahil sa sobrang lapit niya. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang kagabi at ewan ko ba. Hindi ko alam kung ano ang itutungo ko sa kanya kapag nakabalik na kami sa trabaho.

Ngayong nakuha na niya ako…ano na kaya ang mangyayari? 

“Sir Zerzy…” 

“It’s Zerzy. Call me by my name kapag tayo lang,” bulong niya sa tainga ko at napapikit pa ako saglit nang halikan niya ito. “Tayo lang naman…”

“Zerzy…” pagtatama ko. “N-Ngayong may nangyari na sa atin, iiwas na po ba ako sa iyo?”

Naramdaman ko ang pagtigas niya sa likod ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko at nagpatuloy. 

“N-Nakuha mo na rin naman ako. Binigay ko na ang virginity ko kapalit ng pera—”

“WHAT THE FUCK ARE YOU TALKING ABOUT?” Para siyang bomba na bigla na lamang sumabog. Pinaharap niya ako at salubong na ang kanyang mga kilay. “Iiwas ka sa akin? What will you do? Resign?” 

“Kasi—”

“I didn't offer you to sleep with me para iwan mo lang pagkatapos,” aniya at hinawakan ako sa balikat. 

“Pero diba—”

“Iba ka,” pagputol niya sa akin. “Yung mga babaeng iyon…noon iyon. Sila ang kusang lumalapit sa akin. Ako…ako mismo ang lumalapit sa iyo. At ayaw ko na iwasan mo ako pagkatapos ng nangyari sa atin. Fuck…I won't let that happen.”

Kumalabog ang puso ko nang hindi malaman ang dahilan. Nagkatinginan kami at nakita ko kung paano nag-aalab ang kanyang mga mata. 

“Pero—”

“Stop. Let’s just kiss.”

Hinawakan niya ang magkabilang mukha ko at napapikit ako nang siniil niya ako ng isang halik. 

Hindi na mapawi-pawi ang ngiti sa aking labi lalo na nang bumalik na muli ako sa trabaho. Dalawang araw akong absent dahil na rin sa sakit ng aking katawan at ngayong nandito ako, hindi ko mag-iwasang magtaka dahil sa tingin ng mga empleyado sa akin lalo na nang nakarating ako sa floor namin. 

“Miss Mina,” ani ko nang madatnan ko siya sa labas ng opisina ko. “Ano po ang meron? Bakit po sila tingin nang tingin sa akin?”

Matamis na ngumiti sa akin si Miss Mina. “Miss Dela Cerna. Pinapalipat po ang iyong opisina sa loob ng opisina ni Sir. Doon ka po muna pansamantala dahil aayusin po ang opisina niyo.”

“Huh? Eh ayos lang naman ang opisina ko.”

“Sira po ang aircon, Miss Dela Cerna, at gusto ni Sir, doon ka po sa loob ng opisina niya magtatrabaho.”

Napatunganga na lamang ako at napalunok. Kita ko rin ang mahinang hagikhik ng katrabaho kong beki. 

“Naku! Good luck! Mukhang mas lalo ka pang pahihirapan sa loob, ah! Ilang buwan ka na rito girl!” 

Tumango na lamang ako at saka dumiretso na sa opisina ni Sir Zerzy. Malaki at malawak ang opisina ni Sir. Iyon agad ang nasa isip ko pagpasok ko sa opisina niya. Kaya kahit isa lang ang lugar namin, siguro naman ay hindi rin kami masyadong mag-uusap. 

“Sir Zerzy,” ani ko pagdating ko sa harap ng desk niya at yumuko. “Saan po ako?” 

“Dito…” Pag-angat ko ng tingin, namilog ang mata ko nang tinapik niya ang kanyang hita. “Dito ang puwesto mo.”

Napakurapkurap ako. “Sir? Kakandong po ako sa iyo habang nagtatrabaho ako?”

Ngumuso siya. “Why not? Secretary naman kita. Dapat nakadikit ka lang palagi sa akin.”

Pumula ang pisngi ko. “P-Pero hindi yata puwede iyon. Nasa workplace po tayo, Sir.”

Dinilaan niya ang ibabaw niyang labi at ngumisi. “Tayo lang naman ang nandito. No one would dare to go inside unless I permitted them to. Kaya tayo lang ang nandito, Era.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Para ako akong matutunaw sa kanyang mga tingin. 

“Now. Come here, baby…” Tinapik niya ang hita niya na bahagyan niyang pinagbahagi. Inatras niya rin kaunti ang swivel chair at sumandal pa roon. “Come…”

Napalunok ako ngunit may sariling desisyon ang katawan ko dahil nakita ko na lamang ang sarili ko na humakbang palapit sa kanya. 

Nang nasa harapan na niya ako, marahan niyang kinuha ang aking kamay at saka hinila patungo sa kanyang hita. 

Naka-side view na niya ako habang nakaupo sa kanyang kandungan. Ramdam ko ang pagdaplis ng kanyang matangos na ilong sa aking pisngi kaya napasinghap ako. Ang kanyang magkabilang braso ay nakakulong na sa akin. Busy na ang kanyang mga kamay sa lamesa kung saan naroon ang kanyang laptop. 

“M-Magtatrabaho ka ba na ganito ang ayos natin?” tanong ko at napatingin na rin sa laptop niya. 

Noong una dalawang kamay ang nakita ko roong nagtitipa hanggang sa bumaba ang kaliwa niyang kamay at naramdaman ko ang paggapang nito sa ilalim ng blazer ko. Napasinghap ako sa kanyang ginawa at nagbaba ng tingin dito. Kita ko ang paggapang ng kamay niya papasok sa tube ko at mahina akong napadaing nang dinakma niya ang dibdib ko. 

Napabaling ako sa kanya at ang kanyang tingin ay nasa screen pa rin ng kanyang laptop habang pinipiga nang paulit-ulit ang isa sa mga bulubundukin ko na nagpaawang sa aking labi. 

“I love working this way,” he said huskily before he went to my other boob and squeezed it. 

Napakapit na lamang ako sa kanyang lamesa at hinayaan siya sa kanyang ginagawa. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top