Kabanata 6

Nagpatuloy pa rin ako sa trabaho ko at hindi nagpadala sa alok ni Sir Zerzy. Kahit bilang secretary niya, pilit kong huwag pansinin ang kanyang mapanuring tingin. Pinokus ko rin ang sarili ko sa trabaho ko para makalabas din ako na may gaan na pakiramdam sa dibdib. 

Hindi rin naman siya nag-utos ng marami sa akin kaya nang mag-duty ako sa sideline ko, di na rin ako nagtaka nang makitang naroon siya. Mag-isa lang siya at umiinom. Ibang waitress ang nag-serve no’n sa kanya. 

“Nandito na naman ang pogi!” ani Jessa sabay siko sa akin. “Hindi talaga boyfriend? Kaano-ano mo kung gano’n?”

Hindi ko siya nasagot dahil may nag-request ng waitress. Ako ang lumapit upang maiwasan ang tanong ni Jessa. Lumapit ako sa table hindi kalayuan sa table ni Sir Zerzy. Mga grupo ito ng mga kalakihan. Sa mga suot nila, tingin ko mga nasa early twenties pa sila. Hindi nalalayo sa edad ko. 

May sumipol na mga lalaki pagdating ko. 

“Dang! Hindi mo naman sinabi na may magandang waitress dito pare!” ani ng lalaking may semi kalbo na gupit at pinasadahan ako ng tingin. “Sarap!”

“I told you!” 

Ngumisi ang lalaki na siyang nag-request ng waitress kanina. Pito silang mga lalaki at sa mga aura nila, alam ko na agad na marami itong kalokohan sa buhay. 

“Ano pong inumin ang gusto niyo?” tanong ko, pilit hindi pansinin ang mga malagkit nilang tingin. 

“Miss…” Napaigtad ako na may umakbay sa akin. Isa itong lalaki na matangkad at medyo mataba. Ngumisi siya sa akin at halos ilapit ang mukha sa akin. “Huwag ka muna umalis. Gusto ka namin makilala.”

“Oo nga, Miss!” 

Napasinghap ako nang may humawak sa hita ko. Namilog ang mata ko at iiwas na sana sa kanila kaso hindi ako pinakawalan ng umakbay sa akin. 

“Uy, teka lang! Hindi mo pa nakuha ang order namin!” Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba lalo na nang magtawanan sila. “What if bigyan ka namin ng maraming pera? Punta tayo sa madilim na lugar? Mag-isa ka tapos paisa kaming lahat! Mukha ka kasing masarap.”

Nanlamig ako at nakaramdam na ng takot sa aking sarili. 

“H-Hindi ako gano’n. Kung wala kayong order, aalis na ako—”

“Bakit ka aalis? Nag-uusap pa tayo!”

Gusto ko na maiyak. Kung sisigaw ako, walang makakarinig sa ingay ng tugtog. 

“Umupo ka muna rito!” 

Hinatak ako ng matabang lalaki patungo sa sofa pero bago pa ako makaupo, isang kamay ang humawak sa aking palapulsuhan at marahas na hinatak palayo sa kalalakihan. 

Nang tingnan ko kung sino ito, galit na galit na si Sir Zerzy ang nakita ko. Ramdam ko ang higpit ng kanyang pagkahawak at halos lumabas na ang ugat sa braso niya.

“S-Sir…”

“Aba! Bakit mo inagaw ang babae namin!? Kami ang nakauna ah?” Maangas na wika ng matabang lalaki. “Maghanap ka ng sa iyo!”

Ngunit hindi na siya pinagsalita pa ni Sir Zerzy dahil nang bitiwan niya ako, sinugod niya ng suntok ang lalaki at tinulak sa malayo. Natumba ang mataba sa mga bakanteng lamesa. May nabasag pa na inumin. 

Napatakip ako sa aking bibig at hindi ko alam ang gagawin. Wala pang nakapansin sa kanilang away dahil masyadong maingay ngunit kita ko na pinagtulungan na si Sir Zerzy ng mga lalaki. 

“POTANGINA! HALIKA RITO!” 

Hindi ko magawang magsalita sa sobrang panginginig at  hindi ko akalain na magaling si Sir manuntok. Siya lang ang mag-isa ngunit napuruhan niya ang ilan sa kanila. Bumaliktad pa ang mga lamesa dahil hinampas niya ito sa mga lalaking kumakalaban sa kanya. Alam ko na palagi siyang galit ngunit ngayon ko lang siya nakitang galit na galit. Nakakatakot. 

Mabuti at may nakapansin sa away kaya natigil ang tugtog at inawat ng mga bouncer sila Sir Zerzy. Lumapit si Jessa sa akin at doon, tumulo na ang luha ko. 

“Jusko…ang daming damage! A-Ano ang nangyari, Eya?” tanong niya sa akin at hinawakan ako sa balikat. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Eya?” 

“I’LL SEND YOU ALL TO JAIL, YOU ALL SON OF A BITCH!” galit na sigaw ni Sir Zerzy na may sugat din sa mukha. “I AM FUCKING SERIOUS!” 

Winakli ni Sir Zerzy ang kamay ng bouncer. “I’ll pay for all the damages! Don’t worry. For now. Fuck this fucking bar!” 

Kumalabog ang puso ko kasabay ng paglabo ng aking mga mata dahil sa luha nang yumakap si Sir Zerzy sa akin bago ako hinawakan sa mukha. Napaatras si Jessa sa kanyang nakita. 

“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong. “Let’s go.”

Marahan niyang hinawakan ang nanginginig kong kamay at saka hinila na palabas ng bar. 

Nanginginig pa rin ako sa takot. Hanggang ngayon, ramdam ko ang akbay ng mga lalaking iyon at hawak ng isa sa hita ko. Nasa kotse na ako ngayon ni Sir Zerzy. Tahimik lamang siya habang nagmamaneho. Presko pa rin ang sugat sa kanyang mukha na mukhang nadaplisan ng matulis na bagay. Nakagat ko ang ibabang labi ko. 

“S-Sir, puwede bang gamutin muna natin ang sugat sa mukha mo?” Nag-iwas ako ng tingin. “H-Hindi ako mapanatag, eh.”

Hindi nagsalita si Sir ngunit hininto naman niya ang kotse niya sa seaside. Kinalas ko ang seatbelt ko at lumabas. Lumabas din si Sir na may dala ng first aid kid. Binigay niya ito sa akin at umupo siya sa harapan ng kotse niya. Wala siyang imik. Hindi siya umiimik ngunit hinayaan niya naman ako. 

“Gagamutin na kita, ah…” Medyo nanginig ang aking kamay. “Sorry.”

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinimulan ng gamutin ang daplis na sugat niya sa mukha. Sa ibaba ito ng kanyang kaliwang mata. Sa bandang pisngi. Tumutulo ang dugo roon kaya kinailangan kong linisan.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang ginagamot siya. Nasa gitna kasi ako ng hita niya habang siya ay nakaupo. Ramdam ko ang pagtindig ng aking balahibo dahil sa lamig ng hangin lalo na’t malapit kami sa dagat. 

Nang malagyan ko na ng band aid ang kanyang sugat , yumuko ako at aatras na sana kaso ni-lock niya ako ng kanyang binti’t paa. Namilog ang mata ko sa kanyang ginawa. 

“S-Sir?” 

“Galit na galit ako,” panimula niya sa akin ngunit pumungay ang kanyang mata. “Hinahayaan lang kita kasi nirerespeto ko ang gusto mong mangyari pero…ang hawakan ka ng iba…di ko kaya yun, Era.”

Unti-unting pumulupot ang kanyang braso sa aking maliit na bewang at tinulak ako para mapalapit ako sa kanya. Nailagay ko ang aking palad sa kanyang dibdib at kita ko na naapektuhan siya doon. Iaalis ko na sana ang aking kamay kaso huli na ang lahat, tinagilid niya ang kanyang ulo at nahanap niya ang aking labi.

Napapikit ako sa kanyang marahan na halik at nang naging malalim ito, wala akong ginawa kundi ang hayaan siya. Hindi ako marunong humalik ngunit nagawa ko siyang suklian. May halong pag-iingat ang kanyang halik sa akin at nang kumalas, pumungay lalo ang kanyang mga mata at ako naman ay nahiya. 

“Fuck! I like you so much!” At muli akong sinugod ng halik sa aking labi. 

Hindi ko magawang magsalita pag-uwi ko. Hindi ko naman siya gusto ngunit hinayaan ko siyang halikan ako. O talagang hindi ko siya gusto?

Natulala ako sa boarding house at mas lalong natulala nang magtext si Sir Zerzy sa akin. 

Sir Zerzy:

Just got home. 

Hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko. Masyadong maingay itong puso ko ngayon. Ayaw na kumalma. 

Sir Zerzy:

I can’t sleep, Era. Naiisip ko ang halikan natin.

Uminit ang pisngi ko. Binaba ko ang phone ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang aking palad sa sobrang hiya. 

Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, may ngiti na gustong sumilay. Pero pilit kong dini-deny sa sarili ko na hindi ko iyon nagustuhan. Na pagkakamali lang iyon. Pero sa huli, natalo pa rin ang utak sa puso ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na ngumiti na mag-isa. 

Ngunit ang saya ay may kapalit. Gaya ng sabi ng iba, huwag masyadong magsaya dahil may susukli at susukli agad. At ito nga, kinabukasan, papasok na sana ako sa trabaho nang makatanggap ako ng mensahe mula sa Nanay ko.

Nanay:

Nak, sorry nak. Alam kong naghihirap ka na rin diyan ngunit kailangan namin ng tulong mo nak. Paaalisin na kami ni Aling Rosa sa bahay nak dahil hindi kami nakabayad. Nak, tulungan mo kami. Wala na kaming matitirhan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top