Kabanata 10

Mula nang pumayag ako kay Sir Zerzy, namulat ako. Na ang dami ko palang walang alam sa mundong ito kaya sa bawat araw na kasama ko siya, naninibaguhan ako palagi. 

May sariling lamesa at upuan na ako sa opisina niya. Noong una, inilagay pa ako sa tabi niya pero sinabi ko sa kanya na masyadong madikit at ayaw ko na pag-isipan kami ng masama ng mga empleyado niya. 

“Are we a secret?” Iyon agad ang tanong niya nang tagumpay kong masunod ang gusto ko. 10 meters yata ang layo naming dalawa at kita ko ang pagsimangot niya. “Bakit ayaw mong tumabi sa akin? It’s an easy access! Madali mong magawa ang trabaho mo!”

“H-Hindi mo naman ako pinapatrabaho! Pinapaupo mo lang ako sa hita mo!” Pumula ang mukha ko. “A-At kung ano-ano na lamang ang ginagawa ng kamay mo. Kaya mas mabuting ganito po tayo kalayo. Wala po tayo sa bahay.”

“Ahh so sa bahay, okay lang?” Umangat ang sulok ng labi niya. “Puwede ka namang tumira na sa akin. Iwan mo na yung pangit na boarding house mo at magsama na tayo.”

“H-Hindi puwede.” Napalunok ako. 

“Why not?” 

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “B-Baka araw-arawin mo ako.” Uminit ang pisngi ko dahil sa choice of words ko. Pero kasi naman…iyon siya eh. Wala yata siyang kapaguran sa katawan. 

Nang natahimik si Sir Zerzy ay saka ko siya binalingan. Nakita ko na nagpipigil siya ng tawa hanggang sa sumabog na ito’t tumawa na talaga. 

Mas lalo akong nahiya at hindi siya tiningnan. Umalingawngaw ang kanyang tawa sa buong opisina at napahawak pa siya sa kanyang tiyan nang masulyapan ko. 

Hindi tumatawa si Sir. Hindi rin siya madalas ngumiti ngunit itong nakikita ko ngayon, para akong naka premium kasi nakita ko ito. Yung tawa niyang normal lang naman sana pero nagbigay ng kiliti sa akin. 

Ano ba ang nangyayari sa akin? Mula nang may nangyari sa amin, nag-iba na ang takbo ng utak ko. Parang napasukan na ng kahalayan.

“Kilala mo na talaga ako, hmm?” Bumalik siya sa kanyang lamesa at itinuko ang siko sa kanyang lamesa. Ang kanyang palad naman ay nakasangga sa kanyang panga at aliw akong tiningnan. “Alam mong araw-arawin kita.”

“Malandi ka po kasi.” 

Naitikom ko agad ang bibig ko dahil baka magalit siya ngunit hindi. Mas lalo lamang siyang natawa. 

“Huwag kang mag-alala. Sa iyo lang ako malandi.”

Sumeryoso rin naman kalaunan si Sir Zerzy nang may meeting siya. Ako naman ay nagpatuloy na rin sa sariling trabaho dahil hindi naman sa lahat ng oras, gano’n kami. 

Kaya nang lumabas ako sa opisina ni Sir Zerzy, nakatingin na sa akin ang mga empleyado na mukhang nag-aabang pa yata sa paglabas ko. 

“Miss Dela Cerna!” Lumapit agad sa akin si Missy. Ang babaeng may kulot na buhok. Kaibigan ni Miss Mina dito. “Ayos ka lang ba?”

Kunot-noo ko siyang tiningnan. “H-Huh? Ayos lang naman!”

“Hindi ka kasi lumabas sa opisina ni Sir! Baka napano ka na!”

“Oo nga!” Sang-ayon pa ng isa na lumapit na rin sa akin. “Concern kami sa iyo. Kitang-kita kaya namin kung paano ka pinahirapan ni Sir dito!”

“Hindi naman ako pinahirapan,” ani ko at napakagat sa ibabang labi. 

Lumapit na rin ang beki sa akin. “Sus! Huwag mo ngang pagtakpan si Sir! Hindi naman siguro ka patatalsikin kung aaminin mong pinahirapan ka niya no!?” Umirap siya. 

Oo, pinahirapan niya naman ako. Hindi nga lang sa trabaho. 

“Ang mabuti pa! Pagkatapos ng duty natin! Mag-inuman tayo! Mag-party! Alam mo…gusto ka talaga naming maka-bonding pero natatakot kaming lumapit sa iyo dahil kay Sir!” 

Nasiyahan ako dahil sa kanilang paanyaya. 

“T-Talaga? Pero hindi ako umiinom.”

Humagikhik ang beki. “Edi ngayon na ang oras para makainom ka na! Ano? Pagkatapos ng trabaho natin, diretso tayo sa bar! Tayo nina Mina, Missy, at iba pa!”

Sasagot na sana ako kaso isang baritong boses ang nagpatahimik sa aming lahat. 

“No.”

Napasinghap kami at sabay na nilingon ang nagsalita. Si Sir Zerzy ito at sa likod niya ay isang lalaking naka-eyeglass at may dala na mga papeles. 

“Sir?”

“You may go but she's not allowed to go with you,” malamig na wika ni Sir Zerzy sabay baling sa akin. “Pumasok ka sa loob. May trabaho ka pa.”

Malungkot nila akong tiningnan bago sila tumalikod sa akin. Bumuntonghininga na lamang ako at saka malungkot ding bumalik sa opisina para bumalik sa pagtatrabaho. 

Tahimik lang ako pagpasok ko. Kausap pa ni Sir ang lalaking kasunod niya kanina at wala akong balak na lingunin siya. Medyo sumama ang loob ko na pinagbabawalan niya ako. Wala rin naman akong magawa kasi kapag pumalag ako, baka magalit pa siya. 

Nang makaalis na ang lalaki ay saka ko nilingon si Sir sa puwesto niya. Nakatingin na siya sa akin. Nakakunot ang noo na pinagmamasdan ako. 

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na lamang sa ginagawa. 

***

“Gusto mo mag-bar?” 

Iyon agad ang tanong ni Sir Zerzy nang magligpit na ako ng mga gamit dahil uwian na. Napansin niya siguro ang pagkatamlay ko kaya nilapitan na niya ako. 

“Hindi,’ malamig kong sabi. “Uuwi na ako.”

Kinuha ko na ang bag ko matapos magligpit at saka naglakad na patungo sa may pinto ng opisina niya. Kaso hindi pa ako nakaabot dahil hinarangan na agad niya ako. 

“Are you mad at me?” Kita ko na medyo balisa siya sa tanong niya. “You’re angry dahil di kita pinayagan?”

“Hindi naman,” matabang kong sabi. “Wala naman akong magawa sa gusto mong mangyari.”

Umigting ang panga niya. “Ayaw ko lang mangyari muli sa iyo noong nagtatrabaho ka sa bar kaya ayaw ko.”

“Kasama ko naman sila Miss Mina. Gusto nila na makasama ako…at gusto ko rin sana silang makasama para may kaibigan din ako…pero huwag kang mag-aalala, uuwi na ako.”

Nilagpasan ko na siya at binuksan na ang pinto. Paglabas ko sa opisina niya, nakita ko sila Miss Mina at mga kaibigan niya na nagtipon-tipon. Parang pinagplanuhan ang kanilang gala ngayong gabi. Natigilan nga lang sila nang makita kami. 

“Fine…” ani Sir Zerzy na parang sumusuko na siya. “You can go.”

Gulat ko siyang nilingon. May saya na sa aking puso. “Talaga?”

Tumango siya at tiningnan ang mga katrabaho ko. “Isama niyo siya…”

Namilog ang mga mata nila. 

“Pero sasama ako. I’ll pay for everything,” dugtong pa ni Sir Zerzy bago na siya nauna sa paglalakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top