TWO

Chapter Two

Pinatay ni Mira ang maliit na ilaw ng lamparang dala niya dahil baka malaman ng bantay na may tao. Kumabog agad ang dibdib niya dahil tumakas na naman siya, sinuway niya ang ama tapos mukhang mahuhuli pa siya. Kung mahuhuli man siya na tumakas ulit ay tiyak na mapapagalitan na naman siya at kung mamalasin ay malalagot na naman ang ama niya sa kanyang tito Hernan.

Muli muling tumingin si Mira sa lalaki na nasa  loob ng kulungan, kahit 'di niya ito nakikita ng malinaw. "Ginoo mauuna na ako sa'yo at susubukan kung humingi ng tulong." ani Mira at tumakbo na palayo sa kalungan nang 'di man lang narining ang sagot ng lalaki o kung may sagot man ito sa kanya.

Pagdating sa bahay nila ay maingat na binuksan ni Mira ang pintuan nila na gawa sa kahoy, naglilikha iyon ng ingay kapag isinasara at binubuksan kaya dahan-dahan niya iyong binuksan upang huwag makagawa ng iskandalusong ingay dahil baka magising ang ama, lagot na talaga siya.

Nang makapasok siya sa loob naglakad siya ng patiyad para 'di tumunog ang sahig nilang gawa sa kuwayan. Dahan-dahan din niyang ibinalik ang lampara sa kinalalagyan nito kanina. At naiingat siyang naglakad papunta sa higaan niya.

Laking pasasalamat ni Mira na nakarating at nakahiga na siya sa papag nang 'di nalalaman ng ama niya. Sanay na kasi siyang tumakas dito kaya siguro 'di siya nahuli. Napangiti ang maliit na bata na si Mira sa naiisip. Aminado kasi siyang pasaway talaga siya sa ama pero may pagkamasunurin din naman siya rito.

Nakatingin si Mira sa bubong nila nang sumagi sa isip niya ang nangyari kanina. 'Sana ay ayos lang ang lalaki sa kulungan.' Sigurado siyang nilalamig ito roon kasi wala itong kumot. 'Sana nagdala din siya ng kumot,' sabi ni Mira sa sarili. Hindi niya alam kung bakit 'di niya kayang may taong nagaganun o naa-agrabiyado, nasasaktan siya. Kaya siguro ganun na lang ang lakas ng loob niyang tulungan ang bihag na lalaki. Hindi man lang niya nakita ang mukha nito dahil sa madilim na paligid. Ngayong natulungan na niya ang bihag ay nakahinga na siya nany maluwag at makakatulog na siya nang mahimbing.

'Sana ay ayos lang ang bihag nang iwan ko ito at sana ay nabusog ito sa pagkain na dala ko kahit papaano.' Piping bulong ni Mira.

NANG makaalis ang bata ay nadismaya si Zach 'di man lang niya nakuha ang pangalan nito. Napakabuti ng kalooban nito na binigyan siya ng pagkain kahit kamote lang iyon. Nakatulong na din iyon sa kanya para maibsan ang gutom.

'Sana ay magkita pa tayo.' saad ni Zach sa sarili.

Nakatanaw pa rin siya sa daang tinahak ng bata nang dumating ang isang bantay na may dalang lampara. Kaya mabilis niyang itinago ang mga dala ng bata para 'di makahalata ang bantay na may dumalaw sa kanya.

"Maykausap kaba rito kanina, may tao bang dumating dito." Tanong agad ng tagabantay kay Zach nang makarating sa harap ng kulungan.

Umiling siya rito. "Wala, ho."

"Bakit parang may kausap ka kanina?" Tanong nito muli sa kanya na may halong pagdududa.

"Kinakausap ko lang ho ang sarili ko." Sagot naman niya.

"Nabaliw ka ba sa bugbog kanina. HAHAHAHA. Mabuti nga sa'yo, ang tigas din kasi ng ulo mo, ayaw mo pang sumama." Nakangising sabi nito at umalis .

Sobrang nanakit ang katawan ni Zach, partikular na ang tiyan niya at ang mukha niya ay parang namamaga at mainit. Nanghihina na rin ang katawan niya kaya humiga siya sa madamong kulungan. Nawawalan na siyang pag-asa na makalabas ng buhay sa lugar, dahil bukod sa liblib ang lugar na kanyang kina ay limitado pa ang taong nakakapasok.

Kung dito man siya mamamatay ay ipinapanalangin niyang sana ay mapatawad siya ng dad niya sa ginawa niya at sa mga ginawa din niyang masama sa kapwa. 'Di na niya makikita ang mga barkada niya, 'di na siya makakapag-bar hopping kasama ang mga ito. Nakakalungkot man pero siguro ay kailang niyang tanggapin iyon, kailangan niya na lang sigurong gawin ay ihanda ang sarili sa kamatayan.

NAG-AAGAW ang liwanag ng araw at itim na mga ulap nang magising si Zach nang may taong kumalabit sa kanya. Kinabahan siya sa kaisipang baka siya ay bibitayin. Masakit ang katawan niya ngunit sinikap niyang bumangon.

"Binata bumangin ka d'yan." Mahinang usal ng isang boses

Hirap man pero pinilit ni Zach na umupo." A-ahm."

Doon naaninag ni Zach ang isang may katandaan ng lalaki ngunit bakas pa rin sa pangangatawan nito ang lakas dahil sa malalaki at matigas nitong braso.

"Binata gusto mo bang makatakas dito? Kung gusto mo ay sumama ka sakin." Annag ng lalaki kay Zach

"How... how can I trust you? I almost got killed by your leader." si Zach.

Sa tingin ni Zach ay naintindihan naman siya ng katutubo dahil walang bahid na pagkalito ang mukha nito na nakatingin sa kanya.

"Alam ko... alam kong baliktad ang paniniwala namin ng aming pinuno pero kung gusto mong makatakas at lisanin ang lugar namin ay sumama ka sa 'kin bago pa magising ang mga bantay mo."

Hindi alam ni Zach kung maniniwala ba siya sa sinasabi ng katutubong nasa harapan niya. Naiisip niya kasi na, paano kung patayin siya nito? Ngunit kailangan niyang sumugal dahil kung sasama siya sa katutubo o mananatili siya sa lugar, pareho lang din iyon, mamamatay siya alinman sa dalawa. Kaya susugal siya.

Nang maging successful ang pagtanggal ng kung anong lubid na nagsisilbing lock sa kulungan ni Zach ang katutubo, tumayo si Zach ngunit nahirapan siya, kaya inalalayan siya ng katutubo para makatayo. Mabagal ang lakad nila, paika-ika si Zach dahil nasugatan din ang binti niya. Tahimik lang silang dalawa habang binabaybay nila ang 'di niya alam at pamilyar na daanan. Puro puno at mga matataas na talahib lang ang nakikita nimZach. Maliit lang din ang daanan na tinatahak nila.

"Gusto mo bang magpahinga muna binata." Alok ng katutubo kay Zach nang mapansin nito ang hirap ng binata ngunit umiking naman si Zach. Natatakot na baka may sumunod sa kanila at muling manganib ang buhay sa kamay ng pinuno nito.

"No... hindi kaya k-ko pa naman po."

Tumango lang kay Zach ang katutubo at nagpatuloy sila sa paglakad. Hanggang sa natanaw na niya ang isang hotel sa ibaba ng bundok kung saan sila nagcheck-in ng daddy niya. Nabuhayan ng loob si Zach dahil sa nakita niya, 'di pa man siya nakarating ay napasambit na si nang, 'Zach thank God.'

Nang makarating sila sa paanan ng bundok ay tumigil sila. Nagtatakang tumingin si Zach sa katutubo.

"Bakit po tayo tumigil?" Tanong ni Zach sa katutubo.

"Binata hanggang dito lang ako. Alam ko namang ligtas kana rito." Mahinahong saad nito sa kanya.

Tininganan ni Zach ang katutubo, akala niya ay puro masasama ang mga tao dun pero may mabubuti rin naman pala ang loob na handang tumulong. May mga tao naman pala doon na may busilak ang loob tulad na lamang ng batang tumulong sa kanya.

"Maraming salamat, po, hindi ko po alam kung paano ko kayo matutulungan....Sir?" Alinlangan usal ni Zach. Hindi naman kasi niya alam ang pangalan ng taong tumulong sa kanya.

"Mang Arman... Arman Magtayog." ani ng katutubo at tinapik ang balikat ni Zach.

"Mang Armank paano ko po kayo matutulungan kahit ano po gagawan ko po ng paraan 'yan, kahit anong kahilingan niyo po." saad ni Zach gawa ng sobrang kagalakan na nadarama.

Binitawan nito ang balikat ni Zach at napatayo si Zach nang maayos. Tiningan siya nito sa mata. "Binata no'ng nagdesisyon akong tulungan ka doon, wala akong iniisip na tulong. Ayaw ko lang na may naa-agrabyadong iba dahil sa baluktot na paniniwala ng kapatid ko. Kaya, ikaw, mag-iingat ka at magpagaling ka, binata."

"Sandali lang po hintayin niyo po ako rito." Saad ni Zach at iniwan ang si Mang Arman at tumalikod siya bago pumunta sa hotel. Pagdating doon ay naalarma ang mga makakita sa kanya pero binalewala niya iyon. Nanghingi siya papel at ballpen. Sinulat niya doon ang pangalan niya at address ng kanilang tahanan. Kahit na paika-ika ang lakad ni Zach ay mabilis niyang binalikan ang katutubo na naghihintay sa kanya doon. Napangiti siya ng 'di ito umalis sa lugar.

"Mang Arman, nand'yan po ang pangalan ko, ako po si Zachary Elliot Androilan at nand'yan ’yan din po ang address na tinitirhan ko. Kung saka-sakali pong kailangan niyo ang tulong ko, bukas po ako na tutulong sa inyo sa anumang paraan man po. Pangako po." Masayang wika ni Zach kay Mang Arman at binigay sa katutubo ang maliit na papel.

"Kahit kailan?" Tanong nito.

Tumango si Zach. "Oo, po."

***

Several years later...

Naalimpungatan si Zach nang tumunog ang cellphone niya. Pikit mata niya hinagilap ang cellphone sa side table ng kanyang kama. Nang mahagip niya ito ay nahulog pa ang kanyang telepono sa sahig.

"Damn!" Mura niya at napabangon upang kunin ang cellphone niyang walang tigil sa pagwawala.

"Zach! Where are you? Kanina pa ako rito sa restaurant!" Napapikit si Zach at tiningnan ang oras sa kanyang cellphone, 2 Pm na at ang usapan nila ng kapatid niya ay 12-noon sila magkikita.

Nalasing kasi nakaraang gabi kasama ang mga barkada niya kung kaya't nakatulog siya ng higit pa sa kanyang inaasahan. Madaling araw na kasi siya nakauwi.

"Sorry, ate, I just woke up. I'm coming." Pagod na sagot niya. Medyo may hang-over pa siya kaya hinihilot niya ang  kanyang sentido.

"Yeah, obviously naman, Zach, kaya bilisan mo d'yan,  ako na mag-oorder. Pasalamat ka wala pa sina mommy at daddy."

Pagkaputol ng tawag ng kanyang kapatid ay napahiga ulit sa kanyang kama si Zach. Bumuntong hinga siya at tumingin sa kisama ng bahay niya. The incident happened almost 10 years ago in the Cordillera Mountain Province, particularly in Apayao Mountain, which was still explicitly clear to Zach's mind.

After that incident, hindi na siya sumasama sa lakad ng daddy niya kahit na hindi na naman iyon camping or hiking. Nagka-trauma na yata siya dahil doon. Simula rin n'on ay nagsusulatan na sila ni Mang Arman pero natigil iyon 5 years ago. Ang huling mensahe niya lang kay Mang Arman ay lumipat siya ng tinitirhan at mula n'on ay wala na siyang natatanggap na sulat mula rito. Tinanong niya ang kasambahay nila dati sa bahay nila kung may natatanggap ba itong sulat sa mailbox nila na galing Apayao ngunit wala na kaya tumigil na rin siya. Minsan ay sumasagi rin sa isip niya 'yung batang tumulong sa kanya roon sa bundok, 'yung batang nagdala ng pagkain sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top