TWENTY-TWO

Chapter Twenty-Two

Mira's POV

Nagising ako na parang ang may nakadagan sa aking katawan. Medyo nahihirapan akong huminga dahil doon. Kaya minulat ko ang mata ko para makita kung ano iyon. Napangiti na lang ako nang pagmulat ko ay hindi pala bagay ang nakadagan sa akin kundi tao iyon. Si Charlie pala ang nasa ibabaw ko at tulog pa. Muntik ko nang makalimutan na may katabi pala ako sa pagtulog kagabi. Buti na lang din at hindi ako bumangon kaagad kung hindi mahuhulog ang gwapong batang ito. Hinaplos ko ang maitim niyang buhok nang gumalaw siya.

"Mira," napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Zach na walang pang itaas at nakahilig sa hamba ng pintuan dito silid ko. Iniwas ko ang aking mata roon sa mabato niya katawan. Naramdaman ko ang pagkalat ng init sa aking pisngi hanggang sa aking leeg. Buti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko. Kung wala lang siguro si Charlie sa ibabaw ko ay nabato ko siya ng kung ano. Alam niya naman na ayaw kong nakikita ang ganyan, nababastusan ako. At saka nag-aalburuto na naman ang dibdib.

Hmmp!!

"Oh."

"Bumangon ka na d'yan, itabi mo na si Charlie mabigat 'yan."

"Ayos lang, Zach," wika ko at tumingin kay Charlie.

Pero nagulat ako nang lumapit siya at kinuha si Charlie sa ibabaw ko at ihiniga niya sa tabi ko. Napasinghap ako nang maamoy ko ang bango niya. Nasisiguro kong katatapos niya lang sigurong maligo. Ang bango niya. Nagliyab pa lalo ang mukha ko nang mapagtanto kong lang lapit-lapit niya sa  akin.

Akmang iaangat na niya ang katawan niya nang kumapit ang nakapikit na si Charlie sa kanya. Hindi naman ganun ka lakas si Charlie pero natumba siya sa kama... sa ibabaw ng tiyan ko siya natumba.

"F*ck," rinig kong sambit niya at nagkukumahog sa pagtayo.

Nang makatayo siya ay umupo din ako mula sa pagkakahiga ko. Ano iyong nangyari? Sobrang bilis lang nangyari iyon pero tandang-tanda ko at parang nararamdaman ko pa ang init ni Zach sa t'yan ko. At yung parang tumusok sa tiyan ko na hindi ko matukoy kung ano.

"Ate ganda, good morning."

Buti na lang at nagising sa tabi ko sa Charlie. Naibaling ko ang atensyon ko sa kanya.

"Magandang umaga, Charlie." Bati ko.

"Good morning, papa."

"Good morning, buddy, come here give papa a hug." Mabilis na bumaba si Charlie at tumakbo papalapit kay Zach at yumakap.

Biglang pumasok sa isip ko na para kaming isang pamilya. Si Zach ang ama at ako naman ang ina tapos anak namin si Charlie. Napapikit ako at kinurot ang sariling braso. Bakit ko ba naiisip ang bagay na iyon? Kailaman man ay hindi ako nababagay kay Zach at hindi rin pwedeng maging kami. Tila may kirot sa puso ko ang kaisipang iyon.

"Ate ganda, hug papa too."

"Huh?" Takang tanong ko kay Charlie naglakad siya patungo sa papag na kinauupuan ko at hila-hila si Zach, nagpatianod naman ang kanyang tiyo.

"Yakap niyo rin po si papa." Para akong nabilaukan sa sinabi ni Charlie.

"H-huh, eh... Charlie kasi–."

"Let's take a bath, Charliek huwag mo nang isturbuhin ang ate g-ganda mo." Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Zach.

Nagkayap na naman kami ni Zach pero bakit ayaw na niya akong yakapin? Hindi naman sa nanghihinayang ako pero parang ganun na nga. Ngunit mas mabuti na siguro ito para mahinto na itong nararamdamn ko para sa kanya. Mas mabuti na din sigurong iwasan ko na rin siya. Kaso imposible dahil nasa iisang bahay lang kami at magtataka na naman siya.

Hay!

Zach's POV

Kakatapos ko lang paliguan si Charlie at binibihisan ko na siya. Para akong nanghihinayang na hindi ko nayakap si Mira kanina.

Pero nang ma-realized ko ang pumasok sa isip ko ay napahilamos na lang ako sa sariling palad mukha ko. Ano na ba itong pumapasok sa isip ko? Parang hindi na 'to ako. I've never felt this way before.

F*ck this!!!

"Papa, are you okay?" Tanong ni Charlie na nakatayo sa ibabaw ng kama ko at wala pang pang-itaas.

"Yes, Papa is okay. Anyway, Papa is leaving for work today, so you'll be left here with your Ate G-Ganda."

Nakakag*go pero pagbinabanggit ko ang ate ganda na siyang tawag ni Charlie kay Mira ay nauutal ako. Naalala ko kasi ang mukha ni Mira.

Why the h*ll, I'm not yet over it?

"It's okay papa, I'm a good boy and I like ate ganda."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Charlie.

"You like your ate g-ganda?" Tanong sa kanya at pinulot ang damit niya at isinuot ko sa kanya.

"Yes, I like her, papa, and I wanna make her my girlfriend, so make me so pogi, papa!" Sagot niya matapos kong isuot sa kanya ang damit niya.

"Charlie, you can't like ate ganda!" Kontra ko sa kanya. 

Pinagkrus niya ang maliit niyang kamay sa harap ng dibdib.

"And why, papa?"

Because your ate ganda is for me!

Sh*t

What the hell am I thinking!

"You're still a baby, and 'ate ganda' isn't."

"Maybe I should tell Ate Ganda that she should wait for me until I am as big as you, Papa."

Napapikit na lang akong sa sinabi ng anak ni ate Zin. Saan ba niya ito nakukuha?

"Saan mo natutunan ang mga sinasabi mo, Charlie?"

"Papa Nic." Diretsong sagot niya sa akin.

Lumaki si Charlie na walang ama pero marami naman siyang tinatawag na papa dahil malapit siya kina Nic, Frances, at Oli. Okay lang naman sa kanila na tawagin silang papa ni Charlie dahil na iintindihan ang sitwasyon ni Charlie at malapit din sila kay ate Zin. Nakakasama ni Charlie si Nic kaya siguro doon niya ito natutunan. Bad influence talaga ang gag*ng iyon.

Mira's POV

"Mira, ikaw na ang bahala kay Charlie at huwag kayong lumabas dito at kung may kailangan ka, tumawag ka lang dahil may telepono naman, hmm?"

Talagang nakinig ako maayos kay Zach dahil hindi ko talaga alam kong papaano ang pag-aalaga ng isang bata pero mabait at hindi naman makulit si Charlie kaya magiging maayos naman siguro ito.

Tinandaan ko kung anong oras papakainin at patutulugin si Charlie.

Nailang ako bigla nang hindi matanggal ang tingin ni Zach sa akin habang magkaharap kami. Hindi niya naman nakikita ang mukha ko pero naiilang talaga ako. Dahil parang tumatagos sa tela ang paraan ng titig niya sa 'kin.

"Z-zach hindi ka pa ba aalis?"

Kumurap-kurap siya. "Ah, yeah, I gotta go. Take care."

"Buddy, papa is going na." Tumayo siya at humalik sa ulo ni Charlie. Tumingin muli siya sa akin bago siya umalis.

"Ate ganda, do you like my papa?"

Nang matapos ang isang palabas na tungkol sa ibon na may iba't ibang kulay ay biglang nagsalita si Charlie.

"Charlie?"

"Please, don’t like my papa or ate ganda; just like me instead. Papa is old."

Hindi ko alam kung ano itong pinagsasabi nitong si Charlie. Natatawa ako sa kanya ngayon dahil nakaupo sa isang upuan at lukot-lukot ang mukha niya.

Ano ba ang binubusungot ng batang ito?

"Ano ba iyang sinasabi mo, Charlie?"

"Huwag niyo pong gustuhin ang papa ko, ate ganda. Ako na lang po."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang bata niya pa para sa mga pinagsasabi niya. Natawa na lang ako.

"Saan mo ba nakukuha ang mga 'yan, Charlie?" Kinurot ko ang pisngi niya na siyang naging paborito kong gawin sa pisngi niya.

Ngumuso lang siya. Humikab.

"Ate ganda, I'm hungry." Sabi niya at hinihimas ang tiyan.

"Hala, gutom ka na?" Tanong ko.

"Yes, po." Sagot niya sakin.

"Anong gusto mong kainin?"

"I wanna have some bread with peanut butter, ate ganda."

"Ano?"

Ang hirap naman nitong si Charlie. Hindi ko nga siya maintindihan. 'Di ko rin alam kong ano ang tinutukoy niyang pagkain. Sana pala ay nagtanong ako kay Zach kanina. Puro tango lang ako kanina eh.

Hinila ako ni Charlie patungo sa kusina at dinala sa may mga maraming pundong pagkain na de-late at meron pang iba na nasa plastik.

"That! I want that." Tumatalon na sabi ni Charlie habang tinuturo ang gusto niyang kainin.

"Ito?" Kinuha ko iyong isang botelyang babasagin na kulay kape at ipinakita sa kanya. Mabilis na nagliwanag ang mukha niya at kinuha iyon sa kamay ko. Kumuha din ako ng tinapay dahil gusto niya raw iyon.

"Para sa'yo, ate ganda." Inilahad niya sa akin ang tinapay na nilagyan niya ng kulay kape na mula sa botelya kanina.

"Huwag na. Ikaw ang nagugutom Charlie kaya ikaw muna, mamaya na si Ate." Tanggi ko at ngumiti naman siya, tumango sa akin. Nakangiting kumagat siya sa tinapay.

Ilang sandali pa ay nag-iba na ang timpla ng mukha ni Charlie at parang namumula ang kanyang leeg patungo sa kanyang mukha. Nabitawan niya ang tinapay na hawak-hawak niya.

"C-charlie, ayos ka lang ba? C-charlie n-naririnig mo ba ako." Tumayo ako mula sa upuan at nilapitan ni Charlie na ngayon ay nakasandal na silya at parang nahihirapan ng huminga at namumula.

"C-charlie!!!" Natatakot na ako. Anong nangyayari sa bata?

Tumakbo ako sa sala at kinuha ang telepono doon. Mabilis akong bumalik sa kusina. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Halos hindi ko na matipa ang numero ni Zach sa pagkakataranta at panginginig ng kamay ko. Nanlalamig na rin ito at pinapawisan ng husto.

"Hello?" Sagot ni Zach ilang sandali.

"Z-zach." Nauutal na sagot ko sa telepono.

"Mira? Bakit?" Nangingig ng husto ang kamay ko habang hawak iyong telepono na nakatapat sa tenga ko.

"K-kasi Z-zach–"

"D*mn, anong nangyayari sa'yo, Mira? Bakit nauutal ka d'yan, si Charlie?" Putol sa akin ni Zach.

Doon na ako nagkaroon ng lakas nang loob nang marinig ko ang pangalan ni Charlie.

"Z-zach si Charlie kasi n-namumula ang leeg niya at p-parang n-nahihirapan siyang huminga hindi–."

"D*mn it!"

***
This story is already at chapter 37 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top