TWENTY-THREE
Chapter Twenty-Three
Mira's POV
Hindi ko alam kong papaano ako nakarating dito sa tinatawag nilang ospital. Basta ang alam ko lang ay ospital itong pinasukan ko ngayon. May mga tao kasing bigla na lang nakapasok sa loob ng bahay ni Zach at dali-dali nilang binuhat si Charlie. Sinabi ng isa sa mga tao na dadalhin daw nila si Charlie sa ospital daw at ito na nga iyon. Pinasama nila ako kasi ako lang ang kasama ni Charlie. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung lugar na ginagamot ang may sakit. Nakita ko na ito sa isang palabas sa telebesyon.
Nandito ako sa labas ng silid kung saan nila pinasok si Charlie sabi kasi ng babae kanina na nakaputing kasoutan ay dito lang muna raw ako maghintay. Iyong nginig ng tuhod at kamay ko ay hindi ko mapigilan dahil sa pinaghalong kaba, takot, at pag-alala kay Charlie. Paulit-ulit ko ring kinakagat ang labi dahil parang naiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon. Binabalewala ko na lang ang mga taong dumadaan sa harap ko na napapalingon sa kinauupuan ko. Alam kong naninibago lang sila dahil sa kasoutan ko.
Ang pinag-alala ko ay kung ano na,lang ang sabihin ni Zin sa oras na malaman niya ang nangyari sa anak. Nagtiwala siya sa akin, binilin niya ang anak niya sa akin tapos ganito ang nangyari sa anak niya. Muntik nang nag-agaw buhay ang anak niya sa pangangalaga ko. Ang bait-bait niya sa akin ni Zin tapos ito pa ang isusukli ko sa kanya.
Tapos si Zach, ano na lang ang sasabihin niya sa nangyari sa kay Charlie? Nagtiwala rin si Zach sa akin na mababantayan ko ang pamangkin niya pero ito ang nangyari. Iniisip ko palang ang mukha ni Zach sa oras na makarating siya dito ay naiiyak na ako. Kinusot ko ang mata nang dumaloy ang mainit na likado. Paano kung paalisin ako ni Zach dahil sa nangyari sa pamangkin niya? Ano na ang gagawin ko?
"Almira?" Umangat ang tingin ko sa narinig na panlalaking boses.
"O-oliver."
"It's really you. Bakit ka umiiyak? Anong ginagawa mo rito?" Sunod-sunod na tanong niya. Umupo siya sa tabi ko.Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina at kung paano ako nakarating dito.
"Hindi mo ba alam na bawal kumain ng peanut... nang kahit anong klaseng mani si Charlie?" Nag-aalalang tanong niya sakin.
"H-hindi ko alam, h-hindi ko talaga alam, Oliver, d-dahil kong alam ko na bawal pala iyon sa kanya hindi ko siya papayagan na kumain no'n. G-gusto niya raw kasi iyon. Hindi ko alam na mani pala ang laman ng botelyang iyon. Kung alam ko... kung alam ko lang–."
Umiyak na lang ako dahil hindi ko talaga alam iyon. Kung sana... kung sana ay alam ko lang hindi ito mangyayari ngayon.
"S-sa tingin mo magagalit ba si Zin? Si Z-zach?" Tanong ko kay Oliver na ngayon ay bakas din sa mukha ang pag-aalala. Siguro ay malapit din sila kay Charlie.
"I don't know... hindi ko alam Almira. Parang anak na ni Zach si Charlie kung ituring. Si Zin hindi ko talaga alam pero siguro maiintindihan nila dahil hindi mo naman alam na bawal kay Charlie iyon."
Tumango sa kanya at binaling ang tingin sa kamay kong nanginginig sa ibabaw ng hita ko.
"Doc, kailan ko kayo sa room 104." Napatingin ako sa babaeng maganda at nakaputing kasoutan din.
"Almira, maiwan muna kita. May kailangan lang akong asikasuhin babalikan kita rito, okay?" Dalawang tango ang sinagot ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti at umalis kasama ang babae.
Zach's POV
Hindi ko na pinatapos si Mira sa pagsasalita niya at mabilis na tumawag ng ambulance para doon sa penthouse ko. I know what's happening, siguro ay nakakain ng pinagbabawal na pagkain si Charlie. I know that brat. And Mira, Jesus! Wala iyong alam sa pamangkin ko at ignorante pa naman iyon. Nagpapapaniwala naman iyon sa pamangkin ko. Sana lang ay hindi malala ang allergy ni Charlie.
Halos paliparin ko ang aking sasakyan patungong ospital sa pag-aalala ko kay Charlie.
"Charlie... Charlie Androilan, saang room?" Hinihingal na tanong ko sa nurse na nasa front desk ng hospital.
"Faster, please!"
Gulat ang nurse dahil sa sigaw kaya nataranta siya. "Y-yes, sir, second floor room 33 sir." Nauutal na sagot ng nurse.
Mabilis akong tumungo rion.
Pagdating ko roon, nakita ko si Mira na nakaupo sa labas ng room. Hindi niya ako namalayan na dumating dahil nakayuko siya at nakikita ko ang panginginig niya.
"Mira," tawag ko sa kanya.
"Z-zach," utal na sagot niya at tumayo palapit sa akin. "Z-zach hindi ko talaga sinasadya, hindi ko alam na bawal palang kumain ng mani si Charlie. Zach, patawad... patawarin mo ako hindi ko alam."
Sabi ko na nga ba na may nakain na ipinagbabawal si Charlie. Any nut foods is strictly forbidden for Charlie. Nalaman namin ito nang minsan ay kumain siya ng nips candy at peanut flavor pala iyon.
Sinubukan ni Mira na abutin ang kamay pero napahilamos ako sa aking mukha kaya hindi niya iyon naabot. Galit ako, galit ako sa sarili ko na binabayaan ko si Charlie at iniwan ko siya kay Mira na walang alam.
Tang*ina!!
"Z-zach."
"Please, Mira wag ngayon. Pakiusap umalis ka muna sa harapan." ani ko dahil baka kung ano ang masabi ko at magawa ko. Ayaw kong makita niya kung ano ako magalit.
I gritted my teeth.
Maybe it sounds exaggerated, but Charlie is just so important and special to me. Para ko ng anak si Charlie at saksi ako sa paglaki niya.
"Pero, Zach–"
"Please, Mira kahit ngayon lang!"
Nakita ko ang gulat at takot sa mata niya bago siya yumuko at tumango.
D*mmit!
"Sorry-."
"Sir, are you the family of the patient?" Tanong ng doktor na lumabas mula sa room ni Charlie.
"Yes, ako, doc." sagot ko.
"Patient is now safe, sir, mabilis kasing madala sa ospital at madaling naagapan kaya hindi lumala ang allergic attact ng bata. Pwede na po kayong pumasok. Natutulog lang ang bata at wala na kayong dapat pang ipag-alala."
"Salamat po."
Pumasok ako sa loob at nakita kong natutulog si Charlie. Umupo ako sa upuan malapit sa hospital bed nito. Nakikita kong may bakas pa din ng pamumula sa leeg niya.
"Charlie!"
Napatayo ako nang may biglang pumasok sa kwarto. Nagulat ako ng ate Zin ang pumasok.
"Ate, hindi ba nasa Hong Kong ka pa?" takang tanong ko.
"I thought matatagalan ako roon pero madali lang natapos ang meeting. Noong tumawag ka ay balabas na akong NAIA no'n. Kaya dito na rin ako dumiretso. Kumusta na ang anak ko? Okay lang ba siya? Nag-alala ako ng husto." Lumapit si ate kay Charlie at hinaplos ang mukha ng anak.
"Okay na siya." Sabi ko sa kanya at binalingan si Charlie. "Madaling nadala sa ospital kaya madali ring naagapan. I'm sorry, Zin. I shouldn't have left Charlie in the penthouse, knowing that Mira is naive and ignorant. I'm sorry."
"Oh, mabuti naman, but where's Mira? Nasa penthouse mo?" Tanong niya at umupo sa sofa ng room at hinubad ang coat niya.
"What? Wala ba siya sa labas?"
"Wala. Walang tao sa labas, Zachary."
"Fu*k! Saan na naman ang babaeng iyon?"
"Ikaw na ang nagsabi na naive at ignorant si Mira. Where is she? Anong ginawa mo, anong sinabi mo sa kanya?!" Galit na bulyaw ni Ate. Buti na lang at hindi nagising si Charlie.
Biglang may nagpop-up sa isip ko ang sinabi ko sa kay Mira kanina.
Iyong pagsigaw ko sa kanya kanina. D*mn!
"G*go ka rin talaga. Hanapin mo si Mira, Zachary kung hindi ay malilintikan ka–."
Hindi na ako nakinig pa kay Ate at mabilis na lumabas sa kwarto para hanapin si Mira. Tiningnan ko ang paligid ngunit walang ni anino ni Mira doon.
Tang*na!!!
***
This story is already at chapter 37 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top