TWENTY-ONE

Chapter Twenty-One

Mira's POV

"Hi, I just want to formally introduce myself. I’m Zin Androilan, the older sister of Zachary."

Buti na lang pagdating ni Zin ay naibalik ko na ang takip sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang nagyari kay Charlie dahil pagkatapos kong ipakita sa kanya ang mukha ko ay humahagikhik na siya sa tabi habang ang tingin ay nasa TV. Hindi naman nakakatawa iyong pinpanood namin. Pero hindi ko na lang pinansin iyon.

"Mommy, Ate Ganda doesn't understand English, so you should speak Tagalog to her." Dahil hindi ako makasagot kay Zin si Charlie na ang sumagot sa ina niya.

"H-huh? Nakipag-usap sa'yo ang anak ko??" Parang 'di makapaniwalang saad ni Zin sa akin at umupo sa tabi ni Charlie sa kabila.

"Ah... oo nag-uusap k-kami rito habang doon kayo ni Zach sa kusina."

"Woah!! Oh my gosh!"

"Bakit, Zin?" Takang tanong ko kay Zin pa parang bago pa sa kanya ang narinig niya kanina na nakipag-usap ang anak niya.

"It is because–ay, you don't understand english pala. Kasi si Charlie hindi naman talaga nakikipag-usap ang anak ko sa taong kakakilala niya palang at 'di iyan nauunang magsalita sa isang tao."

Kung kanina ay si Zin ang nagulat ngayon ay ako naman. Bakit kabaliktaran ang nangyari kanina? Si Charlie naman ang unang nakipag-usap sa akin.

"Hi." Hindi ko talaga makalimutan ang katagang iyon na lumabas sa bibig ni Charlie.

"Oh, yeah, mabuti nga iyon dahil iiwan ko muna rito ang anak ko at–" tumigil siya saglit. "Ano nga ang pangalan mo?"

"Ah, ako si Almira."

"I don't really understand why you have to hide your face, but I'll respect your decision, Almira. Pero iiwan ko rito ang anak ko. Can you look after him?"

Sinasabi ba niyang iiwan niya dito ang anak niya? Tulad ko na iniwan ng ama ko rito?

"Two days, dalawang araw akong wala, kaya mababantayan mo naman ang anak ko, "di ba?" Ngumiti siya sa akin.

Kinakabahan ako dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapagbantay ng isang bata. Titingnan lang naman siguro iyong bata?

"Ah, s-sige, ayos l-lang naman sa akin."

"YEY! Ate ganda, can I sleep in your room?"  Biglang sabad ni Charlie sa gitna namin ni Zin. Ngunit mas nagulat ako nang kumandong siya sa akin at yumakap.

"Hahahaha, oo naman–."

"Hindi pwede, Charlie!" Napaahon sa dibdib ko si Charlie at nilingon si Zach na nakabihis na nang pambahay. Sanay na ako kay Zach na nagsusuot siya ng pantalon pero pag dito lang sa loob ay nagkaka-kalsonsilyo siya kaya nakikita ko ang mabalahibo niyang binti.

Umupo siya sa upuang de-kutson na pang-isang tao na malapit sa kinauupuan ko.

"Why, papa?" Napatingin ako kay Charlie, nakasalubong ang kilay kay Zach.

"Because your sister is a girl and you are a boy."

"But I'm just a baby, and I like Ate Ganda." Binalik ni Charlie ang mukha niya sa dibdib ko at nagmukmuk doon.

"Charlie, get down here!" Tumaas ang boses ni Zach pero 'di nagpatinag si Charlie na naka yakap pa rin sa 'kin.

"Ayos lang, Zach." Ngiting sabi ko kay Zach.

"Okay lang naman pala, Zach eh. OA ka lang. HAHAHAHA, nakakatawa na nagtatalo kayong mag-tito sa iisang babae." Tumatawang saad ni Zin.

Anong nagtatalo sa iisang babae?

"So, it’s settled then. Take care of your nephew, Zach. I trust you and Almira."

Zach's POV

Nakahulukipkip kong tinitingnan ngayon sina Charlie at Mira na parang may saliring mundo na nakaupo malapit sa akin. I don't know na ganito na sila ka lapit sa isa't isa. Si Charlie ay hindi na umaalis sa kundungan ni Mira. Minsan ay yumayakap pa si Charlie kay Mira at binabaon niya ang mukha niya sa dibdib ni Mira. Kung hindi ko lang kilala ang pamangkin ko at bata ito ay iisipin kong may gusto siya kay Mira. However, sweet na bata talaga si Charlie lalo na sa taong gusto niya at base sa nakikita ko, gustong-gusto niya si Mira.

Hanggang sa naghapon ay 'di ako umalis sa penthouse upang bantayan si Charlie at Mira. Nadagdagan pa tulay ang babantayan ko. Hindi na talaga mahiwalay si Charlie kay Mira na ultimo sa pagluluto ni Mira ay sumasama ito sa kusina at pinapanood nitong nagluluto ang Ate niya. Ako naman ay taimtim silang pinagmamasdan na parang hangin na lang kung ituring nila ngayon.

"Charlie, you'll sleep with me tonight."

"No, papa." Matigas niyang sabi sa 'kin habang binibihisan ko siya sa kwarto ko ngayon.

"Charlie, don't be stubborn."

"Ate ganda, help!" Hinging saklulo niya kay Mira na ngayon ay nasa hamba lang ng pintuan dito sa kwarto ko. Ayaw kasing pumasok dito ni Charlie hanggang hindi sumasama si Mira.

Hindi ko talaga alam kong ano ang pinakain ni Mira kay Charlie na naging ganito na ang pamangkin ko. Napatitig din ako kay Mira. Naalala ko bigla ang nangyari noong nakaraang gabi. Ngayon kahit na may takip ang mukha niya ay parang nakikita ko pa rin ang mukha niya. Iyong maganda niyang mukha. Tama ang sabi ni Charlie sa ate ganda niya. Mira is really beautiful, she look like an angel. Parang may kahawig talaga si Mira pero hindi ko lang matukoy kung sino.

"Zach, ayos lang naman na sa silid ko matulog si Charlie." Sabat nito.

"YEY! Did you hear ate ganda, papa?"

Charlie has been calling me papa eversince na natuto siyang magsalita. Mahirap kay Charlie dahil hindi niya alam kung sino ang tunay niyang ama habang lumaki. Ako ang naging father figure niya at masaya naman ako roon. Minsan nagtatanong siya sa ama niya pero wala akong masabi sa kanya. Buti na lang at matalino siya at naiintindihan niya kung bakit hindi ko siya masagot-sagot sa tanong niya dahil kahit si Zin ay wala siyang sinasabi sa anak niya.

"Okay, pero doon din ako matutulog."

"Uh, eh... Zach maliit lang ang papag doon sa silid ko." Sambit ni Mira na mukhang nag-alala dahil doon sa maliit niyang kama.

"Matutulog ako sa sahig."

"Ay, hindi na ako na ang matutulog sa sahig." Sabi niya at umiling-iling.

"No, dahil tatabi sa'yo si Charlie at hindi iyon maganda sa bata."

Lumipat kami sa silid ni Mira humiga. Ako naman ay sa sahig talaga ang bagsak.

"Ate ganda, can you read me a story?"

"Huh."

"Charlie, your ate g-ganda doesn't know any stories." Sagot ko rito. Itinakip ko ang braso ko sa mata ko.

"Ate, pwede ka namang magkwento, di ba?" Rinig ko na naman na sabi ni Charlie.

"Sige," rinig kong sagot ni Mira.

Tumahimik saglit. Mayamaya ay muling nagsalita si Mira.

"Noong unang panahon may isang babae na nakatira sa malayong-malayong lugar. Ngunit may biglang isang trahedya ang nangyari sa tirahan ng babae. Kaya kailangan niyang umalis doon sa lugar. Kaya ang babae ay napadpad sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya, bago sa kanya. May nakakita sa kanyang isang gwapong lalaki na siyang tumulong sa babae na manirahan sa bagong lugar na iyon. Hanggang sa tumagal ang panahon at nakilala ng babae ang lalaki hindi inaasahan ng babae na mahuhulog siya sa–" biglang naputol ang kwento ni Mira. Kaya napamulat ako. Hindi ko alam pero yung kwento niya ay parang kwento ng nangyari sa kanya. Napadpad siya dito sa 'kin. Tapos... "Ang bilis mo naman pa lang makakatulog, Charlie."

Gustong-gusto kong sabihin kay Mira na ituloy ang kwento, gusto kong magtanong kung ano ang nangyari sa babae sa kwento niya at kung saan nahulog ang babae sa kwento niya.

Mira, what are you doing to me? Why do I feel this way?


***
This story is already at chapter 37 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top