TWENTY

Chapter Twenty

Mira's POV

"Papa Zach!!"  Nagulat ang babae nang sumigaw ang anak niya at tumakbo patungo sa pintuan. Pero mas nagulat ako dahil ang papa na tinutukoy ng bata ay si Zach. Anak ba iyon ni Zach? May anak siya at itong babae na nandirito sy asawa niya?

Pero mukha namang walang asawa si Zach sa pagkakaalam ko.

"Uh! Charlie!" Pati si Zach ay gulat din nang makita niya ang bata. Mabilis niya itong niyakap at binuhat ng walang kahirap-hirap.

"D*mn, Zin, bakit 'di ka nagsabi na pupunta pala kayo dito."  saad ni Zach habang naglakad patungo sa direksyon namin at buhat-buhat pa rin iyong bata na bakas sa mukha ang saya.

Bumaling naman ako sa babae na sa pagkakaalam ko ay Zin ang pangalan. Maarteng tumaas ang kilay niya kay Zach at umismid.

"Where's your manners, brother? Tsaka 'yang bibig mo nand'yan ang anak ko."

"Yeah, whatever. What brings you here so suddenly?"

"Papa, Mommy's going to a far, far away place, and she wants me to stay here with you." Ang bata iyong sumagot at napatingin naman si Zach dito dahil sa naging sagot nito.

Manghang-mangha akong nakatingin sa bata dahil ang galing niyang mag-ingles kahit ang liit pa.

"Really?" si Zach.

Ngumuso ang bata at tumango kay Zach.

"I think we need to talk, Zach." sabi naman ni Zin.

"Sure talk now, ate."

"Just us." May diing sagot nito kay Zach.

"Oh, okay, Mira bantayan mo muna si Charlie." Parang ngayon lang ako napansin ni Zach dahil dun sa utos niya. "Sa kitchen." Saad niya sa kapatid, sa ate niya at naunang naglakad. Tumingin muna si Zin sa 'kin at bumuntong hinga bago tumingin sa anak niya na nasa tabi ko.

"You behave, Charlie."  Yumuko siya at pinisil nito ang pisngi ng anak pero bago siya umalis ay binigyan niya ako ng isa pang tingin bago tumalima.

"Hi!" Tawag ng bata sa 'kin at kumapit sa palda. Umupo ako para magpantay kaming dalawa.

"Why are you hiding your face?" Ang maliit niyang kamay ay dumapo sa aking pisngi na may takip na tela.

Kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi niya sa wikang ingles ay parang nahinuha ko ang ibig niyang sabihin.

"Bawal na makita ng kung sino ang mukha ko, Charlie." Tanda ko na ang pangalan niya.

"What's your name?" Parang naalala ko ang tanong niya. Lumawak ang ngiti ko nang mahinuha ko na naman ang ibig niyang sabihin. Tinatanong niya ang pangalan ko! Pakiramdam ko ay ang talino ko sa sandaling nakuha ko iyon.

"Almira, ate Almira." ani ko. "P-wede bang h'wag kang mag-ingles, Charlie? Hindi kasi nakakaintindi ang ate ng ingles." Dagdag ko sa aking sagot kay Charlie dahil alam kong mag-iingles ito nang ingles tulad nila Zach.

"Ohh, alright, ate Almira."

Dinala ko sa sala si Charlie at pinaupo. Ginalaw niya iyong kwadradong aparato na ang tawag ay remote. Binuksan niya iyong TV at nanood. Pero ilang sandali ay nakabusungot na ang maliit niyang mukha at humalukipkip.

Nakakapagtaka na ang batang ito ay iba ang hitsura sa nanay niya na si Zin. Sino kaya ang ama nito? Siguro dun niya nakuha ang magandang mukha nito. Maganda si Zin pero iba ang hitsura ni Charlie kumpara kay Zin.

"Ate Almira, 'bat ka po nandito sa house ng papa ko?"

Akala ko talaga kanina ay anak ito ni Zach, kinabahan ako roon. Iniisip ko palang na may anak at asawa si Zach ay sumisikip na ang dibdib ko sa kaisipang iyon. Dahil kung nagkataon, saan naman ako pupulutin nito. Wala akong kilala rito. Baka sa tabi-tabi ako matulog.

"Dahil g-gusto lang ng ate Almira." Ayaw kong magsinungaling lalo na sa bata pero ayaw ko namang sabihin kay Charlie na tumakas ako mula sa nayon. At ngayon ay nanganganib na ang buhay ng ama ko dahil sa 'kin.

"Magkakilala kayo ni papa?"

"A-ah, oo noong nakaraan lang din, Charlie."

Lumapit ako kay Charlie at itinaas ko ang kamay ko upang abutin ang buhok niyang maitim at makintab.

"You're beautiful, ate."

"Huh?"

"I said, maganda ka." Dahil sa komplemento ni Charlie ay uminit ang mukha ko. Kailanman ay hindi pa ako nakakatanggap ng kompleto mula sa ibang tao maliban sa ama ko na walang sawang nagsasabi sa akin kung gaano raw ako kaganda pero hindi ko naman nakikita ang sarili ko na maganda. Kung tutuusin ay si Charlie pa ang kauna-unahan. Tapos hindi niya pa nakita ang mukha pero maganda raw ako para sa kanya.

"Salamat, Charlie." Kinurot ko ang pisngi niyang nalambot at maputi.

"Can I see your face, ate? Pwede ko ba makita ang mukha mo, please!" Pinagdaop niya ang maliliit niyang kamay at ngumuso sa akin.

Gusto kong tumanggi kay Charlie dahil alam kong bawal pero paano ko matatanggihan ang ganito ka guwapo na bata.

Lumilinga-linga ako sa paligid, hindi naman ako makikita mula sa kusina kaya ayos lang siguro kahit ilang segundo lang.

Dahan-dahan kong binaba ang tela sa aking mukha at ngumiti kay Charlie sumenyas ako sa kanya na huwag siyang sumigaw dahil nakita kong papasigaw na siya. Kaya iyong bibig niyang malaki na ang buka para sa sigaw ay itinikop niya. Inabot nang dalawang maliit na kamay niya ang pisngi ko at ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"I knew it! You're really beautiful, ate. You look like an angel."



Zach's POV

"What the h*ll was that, Zach? You're living with a girl?!" Ate exclaimed as she stepped into the kitchen.

"It's just a favor from her father, ate, ako lang ang meron siya rito sa syudad."

Pumunta ako sa ref at nagsalin ng tubig para uminom. Wala pa akong tulog at ganito na ang madadatnan ko pag-uwi ko. Noon naman ay walang kaso sa akin kung maglabas pasok dito si Ate pero ngayon 'bat parang ayaw ko na, parang gusto ko nang palitan ang passcode ng penthouse ko. Muntik ko nang maibagsak ang basong hawak ko nang pagharap ko ay nakita ko si Ate na nakapameywang.

She's staring at me intently, as if she's trying to understand things on her own by looking at my face.

"Zach, did you hear yourself? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka nagpapatira dito, even your bitch ex, hindi pa nakakatulog dito."

She's right; even my ex-fiance hasn't slept here. I don't know, I really don't like having someone stay over, let alone sleep in my place. I'm not comfortable with it, but when Mira barged in, at first I felt like throwing her out. However, eventually, I started to feel comfortable and relieved whenever Mira is around. I enjoy watching her cook and clean, even though she's still learning. I like her when she's watching TV, and I even like her laugh.

"ZACH!"

"F*ck, Zin nasa harap  mo lang ako. No need to shout, okay?"

"Tingnan  mo na nawawala ka na din sa sarili mo. But really, Zach, does Mommy know about it?"

"No," I said honestly.

"Damn, is she the girl at the mall?!"

I sighed. Ngayon niya lang pala iyon na realized.

"She is."

"So matagal na pala siya rito?" Tanong ni ate at kinuha ang baso ko at tinunga ang tubig no'n.

"A month, no it's almost two months."

She said something, but I didn’t hear her properly.

"What are you going to do now? What if Mom finds out about it? I know you don’t like pragmatic marriage, brother.

Muntik ko nang makalimutan ang isang problema ko. As far as I know, malapit nang umuwi sina mommy rito sa Pilipinas. Akala ko naman hindi magtatagal dito si Mira, that's why I'm confident about her before. But based on what Mang Arman said about his situation there, mukhang hindi pa makakabalik si Mira doon.

"I don't know, ate."

"You don't know or you're just using that as an excuse for your own."

I gritted my teeth. Ate is right.

"You know what will happen if Mom learns about this. Just be ready. She's a very traditional woman."

"Pero bat ikaw–"

"Ibang storya ang sa 'kin, Zach." Putol ni ate sakin.

"Oh, muntik ko nang makalimutan iiwan ko muna rito si Charlie, huh, dahil may business meet ako sa Hong Kong bukas."

"Huh, may trabaho ako, ate. Baka nakakalimutan mo."

Ngumiwi siya sa akin. "Edi, sa babae mo pababantayan ang anak ko."

"Ate, trust me hindi iyan marunong magbantay ng bata. Sarili nga n'yan hindi mabantayan ng maayos. Bakit 'di na lang sa asawa mo." Biro ko sa kanya pero seryoso ako dun sa una kong sinabi.

Ano ba itong iniisip ng kapatid ko? Pababantayan niya si Charlie kay Mira? Kung alam niya lang talaga, malamang iuuwi niya ng di oras ang pamangkin ko.

"Mas mabuti nang dito ang anak ko kaysa sa ama niya kung ganun, Zach. May tiwala pa siguro ako d'yan sa babae mo."

Gusto kong sabihin kay ate na hindi ko babae si Mira pero tumalikod na siya sa akin at lumabas sa kusina.

***
This story is already at chapter 27 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top