TWELVE
Chapter Twelve
Mira's POV
Hindi ko talaga mahinuha kung ano itong nangyayari sa akin. Bigla-bigla na lang akong kinakabahan, tapos itong puso ko mukhang may sakit o depeksyon pa dahil minsan ang lakas ng tibok, nakakalula ang tibok no'n sa sobrang lakas na parang naririnig ko na ito mula sa aking tenga.
Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito. Sa tanang buhay ko sa bundok ay hindi pa kailan man ito nangyari sa akin. Hindi ko tuloy mawari kung dahil ba ito sa mga pagkain na nakain ko rito sa patag. Hindi kasi ako sanay sa mga kinakain ko rito kaya baka ganoon? Kung nandito lang siguro si Ama ay mag-aalala iyon sa akin dahil sa karamdaman ko. Siguro kailan ko ring sabihin ito kay Zach, baka sakaling may panlunas siya dito o gamot?
Pero naalala ko na ang dahilan pala nang nag-aalburoto ng damdamin ko ay si Zach. Nagsimula lang naman kasi ito noong may nangyari sa mall . Simula noon ay nag-iba na ang paningin ko kay Zach dahil kapag tumitingin ako sa kanya o 'di kaya'y siya ang tumitingin sa akin, bigla-bigla na lang akong kinakabahan at pinagpapawisan ang kamay ko ng malamig. Dati naman ay hindi ito ganito. Nababaliw na ba ako?
Kailan ko talagang makausap ngayon ay si Edna dahil siya lang naman ang nakakausap kapag may bumabagabag sa akin. Pwede ring si Ama kaso pareho silang wala rito. Si Zach lang ang nandirito pero 'di ko naman ito pwedeng sabihin sa kanya. Baka palayasin niya ako sa bahay niya pag-nagkataon dahil sa sakit ko.
Ngayon tinatanong pa ako kung bakit ko ba siya iniiwasan. Bahala na ang diyos at ang mga ninuno sa akin, pero ayaw kong sabihin kay Zach qng aking rason, natatakot ako. Magalit na siya't lahat-lahat, sanay na din naman ako, kaya bahala siya diyan.
Sabi niya naman na wife niya ako— alaga niya ako kaya ayos na rin iyon sa akin. Ngunit, nagtataka talaga ako. Ganun ba talaga pag-sinabing wife, nagugulat na? Siguro 'di lang sanay ang babaeng iyon na may lalaking nag-aalaga ng isang babae? Pero, sa kabilang banda baka sa akin nagulat ang babae at hindi sa wife na sinabi ni Zach.
Sa sumunod na araw ay sa salas ako ng bahay ni Zach naglalagi.
Palihim akong lumingon kay Zach na ngayon ay naglalakad sa pasilyo galing sa kanyang kwarto.
Napahawak ako sa aking dibdib nang mag-alburuto na naman ito. Malala na ba itong sakit na ito? Hindi ko alam pero ngayon habang naglalakad si Zach ay parang lumulutang ako at siya lang iyong nakikita ko. Iyong paraan niya ng pagtupi sa manggas ng kanyang suot ay parang kay gandang pagmasdan. Gwapong lalaki si Zach at makisig, at ngayon ko lang napagtanto na sobrang gwapo niya.
"Hey!"
Napakurap-kurap ako nang nasa harapan ko na pala si Zach at nakakunot ang kanyang noo. Tatanda itong madali.
"Ah... uh... aalis ka na?" Tanong ko at pinagdaop ang mga kamay ko sa aking hita.
"Oo, papasok ako sa trabaho ko kaya umayos ka rito." Habilin na niya naman.
'Yan ang laging bilin niya sa akin kapag umaalis siya ng bahay. Nakakaumay nang pakinggan pero nakikinig pa rin ako. Saulo ko na nga iyan. Kaya napairap na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya.
Hindi pa nga nagno-normal ang tibok ng puso ko. Dumagdag pa ang pabango niyang nanghahalimuyak. Parang nakakapang-akit? Mahabagin tulungan niyo po ako. Diyos ko, ilayo niyo po ako sa anuman itong nararamdaman kong tukso.
"Ano 'yang hawak mo?" Kinuha niya sa hita ko ang maliit na kwarderno. Nakita ko iyon malapit sa TV niya habang naglilinis ako kahapon, tatlo iyon at iyong isa ang naisipan kong basahin. Oo, alam ko kung paano magbasa pero mga simpleng Tagalog lang at mang-mang ako sa Ingles. Minsan naisip ko tuloy na magpaturo kay Zach. Magaling kasi siya sa Ingles.
"Ay... nakita ko iyan d'yan habang naglilinis ako." Tinuro ko kung saan ko iyon nakuha. Lumingin naman siya doon bago bumaling sa akin.
"Kay ate siguro ito, nakalimutan niya lang." Usal niya at binalik sa akin ang maliit na kwarderno. "By the way, alam mo ba ang tawag dito?" Itinaas niya ang maliit na kwaderno na kanyang hawak.
Umiling ako.
"It's called Pocketbook." Tumango ako sa kanya. Pocketbook, iyan pala ang tawag sa bagay na iyan.
Tinapon niya ito sa hita ko.
"Aalis na ako at kapag may katanungan ka tinuro ko na sa'yo kung paano mo ako matatawagan. At huwag kang magpapasok dito sa bahay. Kung may magdoorbell huwag mong pagbuksan dahil hindi naman ako nagdo-doorbell. Tandaan mo 'yan, babae."
Umismid ako sa kanya. Pwede na kaya siyang umalis ang dami pang bilin saulo na nga iyon!
"Umalis ka na, Zach, alam ko na naman ang sinasabi mo."
Pagak itong napatawa.
"Pinagtutulakan mo pa akong umalis sa sarili kong pamamahay, huh?"
Binaba ko na lang ang tingin ko sa pocketbook na nasa aking hita. Dapat umalis na siya para maging normal na ulit ang tibok ng puso.
"Hoy, nakikinig ka ba!?" Pinitik niya ang noo ko kaya napasimangot akong tumingala sa kanya. Kampante ako dahil 'di naman niya nakikita ang mukha ko.
"Oo na!" Pagalit kong wika.
"Tssk!"
Nang makaalis na Zach ay sinimulan ko na ang pagbabasa sa pocketbook. Sa simula ay tagalog lang ang mga letra doon kaya naiintindihan ko pa. Pero hanggang tumatagal ay kumukunot na ang noo ko dahil hindi ko na maintindihan ang mga iyon.
Zach's POV
Abala ako sa pagr-review ng mga proposals dito sa opisina ko simula nang makarating ako. Kaya nang sumakit ang batok ko ay tumigil muna ako. Tumayo ako at saka kumuha ako ng tubig sa mini bar kitchen ko rito sa aking opisina. May bagong project na nakuha ang kompanya sa Cavite, isang 5 star hotel iyon kaya kailangan naming paghandaan iyon. I am a CEO in my own firm and an engineer as well. Sometimes, I do accept projects too pero pili lang.
Uminom ako at tumingin sa labas, kitang-kita ko ang nagtatayogang mga gusali sa paligid ng kompanya. Setting up a business is not easy. It's risky and nothing is sure at first, but you need to take a risk and gamble. I was born rich despitemy parents influence and money, I started from scratched time after what happened to me in Apayao. It makes me realize a lot. That life is not certain. You are not certain of when was your last day in this land. That's why you have to live your life to the fullest. One thing is certain in this land, and it is death. And it is not inevitable. What happened to me in Apayao changed my life so much!
Muntik ko nang maibuga ang tubig sa bibig ko nang may biglang may bumatok sakin.
Tang*na!
"Lalim ng iniisip natin, ah, "di mo kami naramdamang pumasok dito."
Nilapag ko basong hawak ko at tumingin sa aking mga kaibigan nactatambay na naman dito sa opisina ko. Mga walang magawa sa buhay. Nakita kong nandirito si Oliver, ang pinakamatanda sa amin, tapos si Francis at syempre ang pinakama-ingay at ang nambatok sa akin si Nic.
Nakakapagtaka na nandirito si Francis. Celebrity kasi ang isang ito at sobrang hectic ng schedule niya kaso mukhang napilit ni Nic na dalhin dito. Si Oliver naman ay doctor, a general surgeon to be exact, kaya hindi na nakakapagtaka na busy din siya ngunit nandirito din kahit halata ang pagod at walang tulog. Si Nic ay isa ring engineer his working under my firm albeit his parents have their own businesses. But I know one day aalis din siyr dito dahil kailangan niyang patakbuhin ang sarili nilang kompanya.
"Anong ginagawa ninyo dito?" Banas kong tanong sa kanila. Sinira nila ang pagmuni-muni ko.
"Tang*na mo, Androilan, hindi ka na sumisipot sa mga inuman natin tapos iyan pa ang sasabihin mo?" Si Nic at umupo sa tabi ni Francis na ngayon ay nahalata kong may malaking problema. Tssk, showbiz? Or lovelife?
"Oo nga, Zach, bakit ka nga ba tumatanggi sa mga bar hopping natin." Oliver, who was agreeing with what Nic said.
"I told you. I'm a busy man." I answered, but actually, it's a lie. Kaya ako tumatanggi sa kadahilanang ayaw kong maiwan sa bahay mag-isa si Mira dahil alam ko kung paano mag-inuman ang mga ito halos tulugan na ang bar.
"Busy my ass!" Asik ni Francis. Umupo ako sa harap nila. Kinuha ni Francis ang bote ng wine sa table na napapagitnaan namin. Nagsalin sa baso sa Francis at si Nic naman ay isa-isang pinasa ang mga basong may lamang wine.
Kailan pa sila nakakuha ng wine? Masyado na ba akong lutang kanina?
"Wala ka bang show, Francis?" Tinanggap ko ang baso na binigay ni Nic.
"My contract is already expired at hindi na ako nag-renew ng contract dahil uuwi akong Isabela. "
Natigil sa ere ang baso ko dahil sa sinabi niya. Simula ng magcollege si Francis ay hindi na siya umuwi sa Isabela, his hometown, because of a certain woman that broke his heart. Mali pala, one time pala nauwi siya sa Isabela at kasama kami nun. Kaya nagulat ako na babalik na siya doon at ititigil niya ang pagbabanda niya. Damn, I am really missing something, dahil kay Mira.
Nakita kong hindi na nagulat si Nic at Oliver sa sinabi ni Francis. So, ako lang ang walang alam dito?
"Damn, I thought hindi ka na babalik doon?" I asked.
"My father is sick, Zach, at kailan siyang operahan sa ibang bansa. Walang naiiwan sa ranch niya kaya ako muna ang magpapalakad doon." Nilagok niya ang wine.
"What about the woman?" Usisa ko na naman.
"She already left there a long time ago, and I don't care about here anymore."
"Damn it, alam na ng mga ito ang desisyon mo na yan?" Tanong ko at tumango si Francis.
"'Yan kasi hindi ka na sumasama sa amin. Nagmumukmok ka na lang sa penthouse mo." Ani naman ni Oliver.
Nilagok ko 'yung wine.
"May inuuwian ka siguro sa penthouse mo, 'no?" si Francis.
"Fu*k!" Mura ko dahil muntik ko nang maibuga ang wine na nasa bibig ko.
"Oi, napaghahalataan ka, ah." si Nic.
"Tang*na tumahimik ka, Nic, kung ayaw mong baliin ko 'yang leeg mo." Pagbabanta ko sa gago na ngayon ay tumatawa.
"So, ano meron ka ngang inuuwian?" Umusisa pa si Francis. Parang nawala ang problema niya kanina.
"W-wala, kaya tumigil kayo!" Asik ko sa kanila.
"Bakit ka nauutal?" Pinukol ko ng matalim na tingin si Nic. Napatingin naman ako kina Oliver at Francis na ngayon ay ngumingiti ng nakakaloko sa 'kin.
Mga gago!
"Okay, wala ka namang kasama sa penthouse mo, 'di ba?" Itinaas ni Francis ang kilay niya at itinungkod ang siko sa kanyang tuhod at seryosong tumingin sa 'kin ngunit may ngising nakakubli doon. Alam kong may pinaplano ang mga ito. "Doon muna ako sa inyo bago ako umuwi sa Isabela." Doon ako na alarma sa sinabi niya.
Damn!
"Hindi pwede!" Diretsong sagot ko. Akala nila maiisahan nila ako. "May condo ka Dela Cruz kaya 'wag mo akong ginagago."
Anong akala niya sa 'kin, tanga?
"Dude, nakikitira na lang ako sa condo ni Nic dahil kasama sa contract ko iyung condo na binigay ng management sa akin. Kaya ngayong hindi ko ni-renew iyong kontrata. I have nowhere to go. Ayaw ko sa condo ni Nic amoy sperm niya ang buong condo."
"Alam kong afford mo ang mga mamahaling condo at hotel dito." Natatawang anang ko kay Francis.
Gusto lang ng mga ito na pumunta sa penthouse ko.
"Umuwi ka na lang sa Isabela, gusto mo pa ihatid kita roon." Pagbubuluntaryo ko.
"Tssk, ihahatid ko muna si Papa bago ako uuwi roon." si Francis.
"Bahala ka, doon kina Oliver, doon ka sa mansion nila. May maraming libreng rooms doon. Huwag kang makipagsiksikan sa penthouse ko." Pagmamatigas ko.
Nakita kong may tinatawagan si Oliver sa telepono niya at nakakunot ang noo.
"Ano wala bang sumasagot?" Tanong ni Nic kay Oliver.
"Sinong tinatawagan mo d'yan, Oliver?" Kuryusong tanong ko.
"Tinatawagan ang landline ng penthouse mo."
Nataranta ako at mabilis na hinablot ang cellphone ni Oliver sa kamay nito.
"Bakit mo tinatawagan, eh, nandito ako. Malamang walang sasagot."
"Eh, bakit natataranta ka? Alam naming may nangyayari na sa'yo na 'di namin alam, Zach." Seryosong wika ni Oliver.
Huminga ako ng malalim, wala talaga akong maililihim sa mga ito. Pero naman kasi, iuuwi ko rin naman si Mira sa bundok na pinanggalingan niya. That's why I don't see any reason na sabihin ko sa kanila ito.
It's futile.
Pero nakita ko na lang ang aking sarili na kasama ang mga kaibigan ko na paalis sa aking opisina. At pupunta kami sa penthouse ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top