THREE
Chapter Three
HABANG nakaupo sa papag si Mira ay nagtatakang napatingin siya sa kanyang ama. Palakad-lakad ang ama niya sa kanyang harapan na parang nakakatulong sa kanya ang paglakad at pagtuptup sa bibig. Galing ang ama niya sa bahay ng kanyang tiyo Hernan dahil may pagpupulong daw ito. At mula nang mauwi ang ama niya galing sa pagpupulong ay naging aligaga na ito.
"Ama, may problema po ba kayo?" 'Di mapigilan ni Mira na magtanong sa kanyang ama dahil nag-aalala na rin siya dito.
Tumigil ang ama niya sa paglakad-lakad at umupo sa harap niya. "Mira, anak, may ipagtatapat ang tatay sa'yo." Hinawakan nito ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng hita niya.
"Ano po iyon, ama?" si Mira.
"Anak, nanaisin mo bang pakasalan ang anak ng tiyo Hernan mo?"
Napatayo si Mira sa narinig mula sa bibig ng kanyang ama. Bakit niya papakasalan ang anak ng tiyo niya? Alam niyang sa tribu nila ay pwedeng magpakasal kahit na magkamag-anak, pero para sa kanya ay hindi niya iyon nanaisin. At bakit siya papakasalan ni Tonio kung ang kasintahan nito ay si Edna na kanyang nag-iisa at tapat na kaibigan.
'Napakawalang hiya naman ni Tonio kung ganon. Kung gusto niya ng mapapangasawa ay iyong kasintahan niya na lang sana ang niyaya niya at iyon ay ang kaibigan niya.' sigaw ng utak ni Mira.
"Ama ayaw ko pong mapangasawa ang pinsan kong si Tonio at isa pa po. Alam niyo naman pong kaibigan ko ang kanyang kasintahan." Matigas na anang ni Mira.
Alam na alam iyon ng kanyang ama dahil dito niya kinikwento ang mga bagay na napag-uusapan nila ni Edna at alam din ng ama niya na si Edna lang din ang kaibigan niya. Mag- sasampong taon na yata niyang kaibigan si Edna.
Si Edna lang ang lumalapit sa kanya dahil ang ibang mga bata sa tribu nila noon ay natatakot na lumapit sa kanya. Dahil natatakpan ang buong katawan niya ng tila. Inaakala ng mga bata sa kanilang tribu noon na may nakakahawa siyang sakit dahil sa kanyang postura. Nakita na siya ni Edna dahil sabay silang naliligo sa batis minsan at may tiwala naman siya sa kanyang kaibigan. Kaya ayaw niyang pagtaksilan ang nag-iisang taong tumanggap sa kanyang pagkatao.
"Alam ko iyon anak ngunit iyon ang nais ni Hernan dahil alam nilang ikaw ang napiling hirang ng mga Apo." Nag-aalalang tugon ng ama niya.
Umupo ulit siya. "Ama, wala ba tayong magagawa d'yan? Ayaw ko po." Pagmamakaawa niya sa ama, nagbabadya na ang kanyang mga luha.
"Anak, pinagbantaan ng tiyo mo ang buhay mo na kapag hindi ka magpakasal sa anak niya ay 'wag ka na lang daw magpapakita sa kanya dahil kung hindi ay papatayin ka niya. Alam mo naman anak na wala akong laban sa tiyo mo."
Alam na alam ni Mira ang bagay na iyon likas na noon paman, ang tiyo na niya ang masusunod sa buong tribu. Noon ay napagbintangan ang ama niya na siya ang nagpatakas sa bihag nito pero mariing itinanggi iyon ng ama niya, puro duda lang ang tiyo Hernan niya noon pero nagawa pa rin nito na ikulong parusahan ang ama niya.
Mismo siya ay nagtataka dahil nang puntahan niya ang bihag kinabukasan 'non ay wala na ito roon. Minsan naiisip ni Mira kung nabubuhay na ba ito o napatay na ito ng mga hayop sa gubat kung sakaling tumakas man ito.
"Ayaw ko po talaga hindi ko naman po maintindihan iyan."
"Pasensya na anak wala akong ibang magawa. Hindi kita kayang protektahan laban sa kapatid ko, kahit na ako ay tutol dito, anak."
Nasasaktan siya para sa ama niya. Hindi naman nito kasalanan na hindi siya magawa nitong protektahan dahil wala naman sa mataas na posisyon ang kanyang ama tulad ng kanyangtiyo Hernan. Nasasaktan siya kasi nakikita niyang umiyak ang ama niya dahil sa sitwasyon niya ngayon. Ngunit ayaw niya talaga.
"Bakit 'di na po sila na kontento, ama. Si Tonio na po ang susunod na maging pinuno at hari ng buong tribu, 'di pa ba sapat iyon?" Naguguluhang tanong ko. Bakit na may taong sakim at uhaw sa kapangyarihan. Ni hindi makontento kung anong meron sila. At saka bakit may mga taong hindi lumalaban ng patas?
"Anak, kaya nga magpapakasal si Tonio para mailipat na sa kanya ang katungkulan at ikaw ang pinili niya. Ni hindi niya nabanggit si Edna, mukhang lihim lang kung ang namamagitan sa kanila, anak."
"Anak, ayaw mo ba talagang pakasalan si Tonio?" Muling tanong ng ama ni Mira na siyang sinagot niya ng tango.
Nagmamadaling akong nag-impake ng mga damit ko sa aking bayong dahil itatakas ako ni ama rito sa amin. Aaminin kung kinakabahan ako sa desisyon kong ito pero ayaw ko talagang maikasal sa pinsan ko. Noon pa man ay ayaw ko na kay Tonio dahil kahit na balot na balot ang katawan ko ay iba siya kung makatitig sakin. Parang laging may balak gawin. Hindi naman ako nag-iisip ng kung ano pero malalaman bilang babae kung ang isang lalaki ay may ibang pakay sa iyo. Minsan ay nahuli ko siyang sinusundan ako sa gubat pero binabalewa ko iyon kasi pinsan ko siya. Ngunit minsan na din niya akong pagtangkaang gawan ng masama sa may batis buti na lang at dumating si Edna n'on.
Habang sinasara ni ama ang pintuan ng kubo namin ay 'di ko maiwasang malungkot. Ngayon lang ako lalayo sa bundok at 'di alam kong anong buhay ang nag-aabang sakin sa patag kung meron man. 'Di ko na makikita ang mga bata na nagsasayawan at nagtatakbuhan dito kahit na palihim ko lang silang tinitingnan sa aming durungawan.
Binabaybay namin ni ama ang daan pababa ng bundok at hindi ko maiwasang mag-alala. Tatakas ako sa aming lugar na kinalakihan ko at 'di ko alam kung saan ako dadalhin ng ama ko. Ang sabi niya ay may kakilala siya sa lungsod na maaaring magpatira sakin. Alam kong walang ka siguraduhan ang desisyon ng ama ko pero susubok ako... kami ni Ama.
---
Nilagok ni Zach ang isang baso ng JD sa harap niya, napapikit siya nang dumaloy sa lalamunan niya ang maiinit na alak. Birthday ni Oliver, kaibigan ni Zach, at nasa bar sila pero mukhang si Nic 'yung may birthday dahil kaliwa't kanan ang babae nito.
Ilang sandali pa ay may mga babaeng dumating sa table nila. Hindi iyon pinansin ni Zach pero umupo ang mga ito sa kanyang tabi at pinagitnaan siya. Ang isa ay hinahaplos ang braso niya at ang isa naman ay sa hita niya. Kung nasa mood lang si Zach ay inayaya na niya ang mga ito malapit na motel. Pero wala siya sa mood sa pagkakataong iyon.
Simula nang mangyari nang ipagpalit si Zach sa kanyang ex-fiancè ay bumalik ang kanyangbdating nature— ang pagiging babaero.
Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang ikasal sana si Zach pero 'di sumipot ang kanyang bride-to-be na si Cheska, ang long time girlfriend niya. It's because Cheska elope with another guy on the day of their wedding.
"WOAH!! Ibang klase ka talaga Zach walang kahirap-hirap kang nakakabingwit ng babae." Nawiwindang na untag ni Nic.
"Hindi kasi pareho sa'yo trying hard pero at least nakabingwit din naman kahit papaano." Singit ni Oliver.
Binato ni Nic si Oliver ng chips. Napailing na lang si Zach sa mga kaibigan niya. Binalingan niya ang dalawang babae sa tabi niya.
"Stay away from me." He said nonchalantly.
Their touches didn't wakened his libido at all. He finds it boring. Without a word, the two girls left him. Zach focused his attention to Francis, who is singing on the stage. Francis is one of his friends and he is a fucking great singer, a vocalist in a band.
Tumawa si Nic. "What happened dude they fail to soothe your mood?" Nic asked.
"I'm not in the mood." He plainly said.
"Those are one of the hottest babe, dude, how can you resist them... arrghh, hindi mo man ba inisip threesome na sana iyon." si Nic.
Zach just smirked.
Malabo na ang paningin ni Zach pero kaya pa naman niyang magmaneho kaya naiisipan niyang umuwi na lang dahil hindi naman siya nag-ienjoy.
"Oh, where are you going Zach?" As he stood up dumating naman si Francis sa table nila na katatapos lang kumanta.
"Going home, I'm sleepy." si Zach.
"Okay, too bad... but can you still drive?" Francis asked.
"Hmm, I still can. Malapit lang ang penthouse ko rito." Nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya at nauna nang umalis.
NAALIMPUNGATAN si Zach nang may nagdoorbell. He tried to open his eyes but his too sleepy to open his eyes. But the doorbell keep on ringing. He he looked at his wrist watch which he forgot to take off. Fucking fudge! It's still 3 am in the morning. Who's the common people to visit him at this hour!!
"Damn, wait... fuck." Mura ni Zach nang tumayo siya at napatingin sa sarili. He is only wearing his brief. Kumuha si Zach ng short at t-shirt sa closet niya bago lumabas sa kanyang kwarto.
"Yeah, wait the fuck up!" He yelled, parang sisirain na kasi nito ang doorbell niya.
As Zach opened the door bumungad sa kanya ang isang lalaking nasa 40's or 50's, na nakamaong pants at ang pang-itaas naman ay isang kamiseta and it's obviously very used t-shirt, nagf-fade na kasi ang mga iyon.
Kumunit ang noo ni Zach.
"Who are you?" tanong ni Zach dahil wala naman siyang kakilala na ganito manamit at mukhang tagabukid. At sa ganitong oras pa talaga ito nangbulabug sa penthouse niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top