SIXTEEN
Chapter Sixteen
Mira's POV
Lumabas si Zach at si ama para mag-usap sila. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang marinig ko ang pag-uusapan nila. Ngayon, alam kong nangangangib ang buhay ni ama sa mga taga nayon. Kinuha ko sa bulsa ko ang isang metal na bagay na binigay ni ama. Isa itong hugis-parihaba na kulay abo at may kulay itim na nakaukit na pangalan. Itong hawak ko ang aking palatandaan ng aking ina.
Napaluha muli ako dahil sa pag-aakala kong patay na ang aking ina. Simula noon wala ng nababanggit si ama tungkol sa ina ko at ayaw niya rin naman itong pag-usapan. Pero buhay pa kaya siya ngayon? At kung buhay siya, hinahanap niya kaya ako? Mahal kaya ako ng aking ina? Siguro nakalimutan na niya rin ako dahil may ibang pamilya siya.
Matagal ko nang gusto ang makaramdam ang pagmamahal mula sa ina dahil kailanman hindi ko pa ito naranasan. Kahit na pinaparamdam sa akin ni ama ang buong pagmamahal, hinahanap ko pa rin ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina. Minsan nga noon sa nayon namin ay naiinggit ako sa mga batang inaalagaan ng kanilang ina at sa tuwing magkukuwento si Edna sa ina niya inggit na inggit ako.
Kung nasa Maynila ang ina ko magkikita kaya kami? Makikita ko kaya siya kung buhay man siya?
"Mira, anak aalis na ako." Kumurap-kurap ako at bumaling sa ama ko.
Tumayo ako at yumakap sa kanya nakita kong taimtim na nakatingin si Zach sa amin sa di kalayuan.
"Mag-iingat ka, anak, at wag mong bigyan ng sakit sa ulo si Zach. Mahal na mahal ka ng ama sana mapatawad mo ako, anak."
Umiling ako at humigpit ang pagkakayakap ko kay ama. Di ko alintana ang iilang mata na nakatingin sa amin.
"Gusto ko pong sumama na lang sayo, ama. Baka kasi mapaano kayo dun."
Ngayong nalaman ko na ang sitwasyon ng ama ko, parang gustong-gusto ko nang umuwi dun at samahan ang ama ko. Ayaw kong iwan si Zach dahil masakit sa akin na iwan siya. Ewan ko rin ba kung bakit nasasaktan ako at ayaw ko siyang iwan. Siguro dahil ito sa nararamdaman ko sa kanya. Pero mahal ko ang ama ko at importante siya sakin, siya na lang ang meron ako sa mundo. Hindi ko kakayanin na mawala siya.
"Anak, mahihirapan akong gumalaw dun kung nandun ka at hindi rin ako mapapanatag. Mabuti nang dun ka muna kay Zach dahil nakikita kong maayos ka naman dun at may tiwala rin ako sa batang iyon."
Kumalas ako sa pagkakayap kay ama at hinawakan ang kamay niya. Nanginginig ang kamay ko.
"Pero ama–"
"Mira, makinig ka sa akin kaya ko ang sarili ko. Di mo na kailan pang mag-alala. Pinaghahanap ka ni Tonio, anak, dahil sinabi kong ikaw ang naglayas at di ko alam kung nasaan ka. Yan ang alam nila at naniwala sila sa akin, anak. Ang alam din nila hinahanap kita kaya naman sana, anak, makinig ka sa akin. Gumagawa na ako ng paraan para itigil na rin ito ni Tonio dahil buntis nga si Edna at sa oras na malaman iyon ng mga taga nayon. Ipagpipilitan nilang ikasal ang dalawa at makakabalik ka na doon. Nagkakaintindihan ba tayo, anak? Oras at panahon ang kailan natin, Mira, kaya intindihan mo."
Pilit akong tumango at kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. At tumalikod na, tumigil siya sa harap ni Zach at tinapik ang balikat ni Zach bago umalis.
Zach's POV
Sa byahe namin ni Mira pauwi, tahimik siya at kung hindi ko naman ay nakikita ko siyang tumitingin lang sa labas. Naririnig ko ang mga malalim niyang hininga. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ni Mang Arman, ngunit batid kong hindi ito maganda.
"Anong pinag-usapan ninyo ni ama, Zach?" Biglang tanong niya niya pero hindi nakatingin sakin. Ibinalik ko ang tingin ko sa daan.
Tumikhim ako. "It's nothing really... I mean, wala lang naman, nagpasalamat lang siya sa akin."
"Bakit kailangan pang lumabas kayo?"
"Huwag mo na iyong isipin, Mira. Wala lang iyon. By the way, gutom ka na ba?" I diverted our topic to other things dahil nalulungkot siya lalo.
Kanina nakita kong hindi niya ginalaw yung pagkain niya. Kahit na nung lumabas kami ng papa niya pagbalik ko hindi niya pa rin ginalaw yung pagkain. At umalis na lang kami dun nang walang laman ang tiyan niya.
"Busog ako." Maliit na boses niya sabi.
Habang nasa byahe kami, may nakita akong naglalako ng mga buko pie kaya tumigil ako saglit at bumili para man lang may makain siya. Buti na lang din at may naglalako din sa daan ng mga bottled-water kaya bumili na lang din ako.
"Ito kumain ka, wala kang kinain kanina." Bigay ko sa kanya sa mga binili ko doon sa mga naglalako.
Nilagay ko sa kandungan niya yung dalawang box ng buko pie at yung tubig sa dashboard. Handa na akong paandarin ulit ang sasakyan ng hawakan niya ang kamay ko.
"K-kumain ka rin." Tiningnan ko ang kamay niya. Pero mabilis din niya iyong kinuha. I feel a sudden electricity that flows to my system.
Damn, what is that?
"H-heto," alok niya sa isang buko pie, tinanggal na rin niya ang plastic no'n. Medyo nanginig pa ang kamay ng babae.
Nakaubos lang ako ng dalawa dahil pakiramdam ko sobrang tamis lang at hindi ako sanay roon. Habang siya malamyang kumakain at tahimik lang.
Ano na naman kaya ang iniisip nito?
"Zach, gusto kong balikan ang ama ko roon, gusto kong sumama sa kanya sa nayon... sa sitio namin." I stiffened on my seat. Nilagay niya ang may kagat niyang buko pie sa box at ipinahid ang kamay sa mahaba niyang damit. Kinuha niya ang kamay ko.
"Zach, alam kong sobra-sobra na ang nagawa mo sa akin... sa amin ng ama ko. Hindi ko alam kung ano ang utang na loob mo sa ama ko, Zach. Pero ngayon hihilingin ko sa'yo ibalik mo na ako roon, gusto ko nang umuwi at samahan ang ama ko."
A series of sobs came out of her mouth.
"Mira, I thought... argh... akala ko nagkausap na kayo ni Mang Arman? Malinaw ang binilin niya sayo, 'di ba? Mira, isipin mo rin na hindi madali kay Mang Arman ang iwan ka sa akin. Mang Arman just knew me for a short time... hours to be exact Mir, and it's hard for him to leave you with me. I am a guy, Mira, and you're a kid... a girl. Alam mo ba iyan?"
Umiling lang siya sa akin. Damn it, English pala yun.
"Pero, Zach–"
Hindi na niya natuloy ang pagsasalita niya ng kabigin ko siya at niyakap.
I don't know what gotten on to me, but I feel like she needs me at this moment. My heart beats like mad right now, and I just set it aside. Eversince this kid came into my house... in my life. I started to get a lot of things I don't know in life.
My shirt was a bit wet from her tears, and I let her cry in my arms. I let her go once she's calm.
"Tumalikod k-ka."
"Huh?"
"Tatanggalin ko lang saglit ang takip ko sa mukha kaya t-tumalikod ka, k-kung pwede."
After hearing her, tumikhim ako at tumalikod.
"Gusto mo pa rin bang umuwi roon?"
Wala itong naging sagot.
"Aalis ka na ba talaga sa bahay ko?"
Muli ay wala itong sagot.
"Do you really want to leave me, Mira? Do you want that?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top