SIX
Chapter Six
Zach's POV
Pagdating ko galing sa opisina ay dumeretso ako sa penthouse dahil 9pm na at muntik ko pang makalimutan na may naiwan pala ako sa penthouse. Walang buhay kong binuksan ang pintuan at hinubad ko ang aking sapatos at nilagay sa shoe rack. Nagsuot ako ng tsinelas na pambahay.
Napansin kong tahimik ang penthouse, nagtataka rin ko nang bukas iyung mga kurtina sa buong sala. Ang remote control naman ng floor to ceiling na binatana ng aking penthouse ay nasa sahig.
Nilapag ko ang aking attache case sa sofa. Nauhaw ako kaya pumunta ako sa kitchen para makakuha ng maiinom. Ngunit laking gulat ako nang pagdating ko sa kusina ay naka-bukas na iyung refrigerator, bukas 'yung mga cupboards at naka-bukas din iyung gripo. Natatarantang nilibot ko ang paningin sa buong kusina. Napamura ako nang makita kong nagkalat mga gamit ko sa kusina at ang mga alak sa ref ay naka-kalat sa sahig. Parang dinaanan ng bagyo ang kusina ko!
What the fuck!?
Mabilis akong lumapit doon sa grupo at pinatay ito. Hinanap ko ang babaeng may kagagawan nito. Wala nang iba pang taong alam kong makakagawa nito kundi siya lang dahil siya lang din naman ang naiwan dito sa pamamahay ko.
Isang libot ko lang sa mata ko ay kita ko na ang buong kusina pero hindi ko mahanap si Mira dito. Kaya naglakad ako papalapit sa mesa nang nasagi ng paa ko ang isang baso kaya napayuko at akmang pupukutin ko yun ng nakita ko ang babaeng hinahanap ko sa ilalim ng mesa.
Fuck! Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan! Anong ginagawa nito dito?
"Hoy, babae lumabas ka d'yan." I squatted para makita siya ng mabuti.
Umiling siya. "Ayaw."
"Ano bang ginagawa mo d'yan?" Takang tanong ko. Huwag niyang sabihin na naglalaro siya ng hide and seek dito at iyung mga nakakalat na mga alak ko ang kalaro niya?
"Natatakot ako." Sabi niya at yumuko saka niyakap ang tuhod niya.
"What? Saan ka natatakot... tsk halika ka nga." Hinatak ko na siya palabas sa ilalim ng mesa, baliw din pala ito. Sa buong buhay ko rito sa aking penthouse ni isang beses ko ay hindi pa ako minulto rito.
"Bitawan mo ako lapastangan ka!" Sigaw niya at winaksi ang kamay ko.
The heck!?
"Huh, ang lakas talaga ng loob mo, you witch! Anong kinatatakutan mo sa bahay ko, huh!?"
Sumandal ako sa mesa at siya naman ay nakayuko lang sa harapan ko. Mauubos yata ang boses ko dito kung araw-arawin niya itong katangahan niya.
Nang mukhang nakabawi siya sa pagsigaw ko ay nag-angat siya ng tingin sa 'kin at huminga nang malalim. "Sinong hindi matatakot sa bahay mo, ginoo, na ultimo ang takip ng malaking bintana salas mo ay umangat. May pinulot lang naman akong isang aparato na maliit at napindut tapos bigla-bigla na lang itong umangat. Kaya pumunta ako dito dahil natakot, kita ko ang tayug pala talaga nitong kinaroroonan ng bahay mo. Tapos nang nandito na ako sa kusina ay nagutom ako dahil kaninang umaga pa ang huling kain ko, wala akong pakialam kong magalit na na kinain ko ang pagkain mo dito sa mesa pero nagugutom talaga ako."
Walang gana ko siyang tiningnan.
"Anong masasabi mo rito sa kusina?" I said in stoic tone. Humalukipkip. Nagtitimpi na ako sa babaeng ito kagabi palang.
May nakita akong takot sa mata niya dahil sa expression ko. Dapat na matakot ka dahil nasa pamamahay kita!
"K-kasi ginutom na naman ako tapos naghanap ako ng pagkain dito, kasi dito naman galing 'yung pagkain mo, 'di ba? Pero hinalughog ko na ang kusina mo ay wala akong nakitang p-pagkain. Kaya nagtiis ako sa t-tubig." Yumuko siya as she fidgeted her fingers.
Napapikit ako ng mariin sa sinabi ni Mira, yeah, nakalimutan kong na may alaga pala ako sa bahay ko. Ang kain lang pala ni Mira ay kaninang umaga pa at tubig lang ang iniinom nito hanggang ngayon. Gusto ko sanang sumbatan na hindi man lang ito nagluto kaso wala namang laman ang ref ko kundi mga alak. Naubusan kasi ako ng stock.
"Halika kumain muna tayo, may bukas pa namang convenience store sa ibaba." Aya ko rito.
Hinatak ko na siya. Isasama ko na siya dahil baka ano pang magawa nito. Mamaya ko na ito pagalitan, pag-nakakain na.
"Kaya kong maglakad h'wag mo akong hawakan." Masungit na sabi niya at hinila ang kamay mula sa akin.
Napanganga na lang ako. Akala mo naman nahahawakan ko ang balat niya, eh nakabukot naman sa kanya ang suot nito.
"Tss, arte, ignorante naman." Nagpatuloy ako sa paglakad.
"Mapanghusga!!"
Napahilot ako sa aking batok, wala yatang araw na 'di kami mag-babangayan, ah. Tatanda pa ata ako ng maaga nito.
"Whatever!"
Mira's POV
Pagdating namin sa convenience store na sinasabi ni Zachary ay namangha naman ako dahil sa dami ng naka-hanay na mga pwede daw'ng kainin sabi ni Zachary.
"Ginoo, wala naman akong alam na pwedeng kainin dito. Pwedeng ikaw na lang ang pumili." Nakasunod lang ako sa kanya dahil natatakot ako sa iilang taong nandirito, iba ang tingin sa akin.
Nakita ko kung paano nila ako tingnan parang nakakadiri akong nilalang. Ngayon lang ata sila nakakita ng kagaya ko. Tiningan ko ang nakatalikod na si Zachary at may nilalagay na kung ano sa isang basket na makulay. Kagaya lang nang una akong makita ni Zachary. Ganion siguro ang mga tao sa dito sa syudad, nanghuhusga kaagad sa kapwa. Hindi naman nila alam ang na ayaw ko rito sa lugar nila.
"Oo nga pala." Sagot ni Zachary at nagpatuloy sa paglalagay ng mga pagkaing nakabalot.
Nilagay ni Zachary ang sabi niya na pagkain daw na nakalagay sa isang parang baso. Nandito kasi kami ngayon sa kusina niya at tapos na itong magluto.
"Anong klaseng pagkain ba ito? Bakit nakalagay ito sa isang baso, ginoo?" Takang tanong ko kay Zachary nang makaupo ako sa isang silya.
"Jesus! 'Yan ang tinatawag na cup noodles." Walang interes na sagot niya. Sinimulan na niya ang pagkain gamit ang isang tusok-tusok na kobyertos.
Ginaya ko ang ginagawa niya pero hindi ako marunong, walang nadadala yung tusok-tusok ko tuwing inaangat ko ito. Ang hirap naman nito.
"Ganito gamitin ang tinidor." Kinuha ni Zachary ang tusok-tusok o tinidor ko at pinaikot-ikot iyon sa noodles. Ang galing niya dahil ang daming nadadala.
Napapalakpak ako.
"Wow."
Binigay niya sa kin ang tinidor na may noodles na. At sinimulan ko na ang pagkain. Nakita kong napailing siya bago sinimulang kumain sa kanyang
"Maraming salamat, ginoo, ngayon lang ako nakakain ng ganitong klaseng pagkain." Buong pusong pasasalamat ko.
Doon sa amin sa bundok ay puro gulay, prutas na kukuha sa gubat, isda na kukuha sa ilog, at kanin lang ang kinakain namin. Pero kahit na simple lang ang pamumuhay namin dun hindi ko iyon ipagpapalit dito.
"No prob." Maiksing sagot niya.
Binaba ko ang aking kamay sa aking hita. "Ginoo, patawarin mo sana ako sa ginawa ko sa bahay mo. Ginulo ko ang bahay mo. Patawad." Pagkatapos ay yumuko ako.
Ramdam ko kanina na nagtitimpi na siya sa 'kin dahil sa ginawa ko sa kusina niya pero masisisi niya ba ako kung nagutom lang din naman ako. At natakot sa pag-angat bigla ng mga tabing sa bahay niya. Nalula pa nga ako ng lumapit ako dahil nakikita ang mga iba't-ibang sasakyan at mga gusali.
"I'm at my fault too, I shouldn't leave you here alone." Ingles niya kaya nagtagpo ang kilay ko dahil wala na naman akong maintindihan.
"Ginoo, ano pong sinasabi ninyo?" Sumimangut ako
"Nevermind. I don't repeat my words. Tsaka isa pa tigilan mo nga kaka-ginoo mo sakin kahapon ka pa." Suway nito sa akin.
Napansin ko sa kanya na ang bilis mag-iba ng ugali niya. Minsan bumabait, minsan masungit, minsan nagsisigaw. May saltik talaga ito
"Eh, anong gusto mong itawag ko sa'yo?"
"Tawagin mo akong Zach... Z-A-C-H, Zach! Naintindihan mo?"
Malumay akong tumango. "Oo, naiintindihan ko pero dapat hindi mo na ako tinatawag na babae at hoy! Tawagin mo rin akong Mira... 'yan din ang tawag sa akin doon sa amin sa bundok."
"NO! Ako ang magdidisesyon d'yan, nasa pamamahay kita kaya tatawagin kita sa kahit na anong gusto ko."
"Hindi pwede 'yan!" Protesta ko.
"Pwede." Kontra niya.
"Hindi nga!" Ipinadyak ko ang paa ko sa ilalim ng mesa.
Napatayo siya. "Ako ang masusunod o aalis ka sa pamamahay ko?!" Bulyaw nito.
Napasandal ako sa aking kinauupuan dahil sa sigaw niya.
Tumiklop ako, minsan talaga nakakalimutan kong nasa bahay niya pala ako. Nagtatapang-tapangan lang naman ako dahil wala akong kakampi rito. Pero bahay niya ito at nakikitira lang ako.
Dahan- dahan akong tumango, sumang-ayon sa kanyang nais.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top