SEVENTEEN

Chapter Seventeen

Zach's POV

Ilang araw matapos kaming makipagkita kay Mang Arman, unti-unti na ring bumalik sa dati ang sigla ni Mira. Minsan madaling araw ay nagsisigawan na kami rito sa penthouse ko. Buti na lang at wala pang nagrereklamo dahil sa ingay namin. Pero masaya ako kahit na ganun dahil alam kong hindi na niya masyadong naiisip ang pag-uwi roon sa probinsya nila. Kagaya ngayon naghahanda siya dun sa kusina kasi gusto niya raw akong pakainin sa lutong natutunan niya sa television.

"I hope it's edible." I prayed inwardly.

"Zach, halika na, kumain na tayo!" Masayang sigaw niya mula sa kusina.

Okay, to make things clear. I'm just doing this para ma-divert yung attention niya. I promise Mang Arman that I will take good care of his daughter and I am keeping it.

"Hmm," tanging sagot ko.

She cooked caldereta.

"Halika tikman mo." Ipinaghila niya pa ako ng upuan.

Alagang-alaga ako ngayon.

Kumuha ako ng konti para tigman iyon at kitang-kita kong sabik na sabik si Mira sa harap ko. Sabik na makita ang reaksyon ko roon sa luto niya.

"Hmm, okay lang."

"Talaga sakto lang sa lasa?" usisa niya.

"Uhm," I assured her. "Umupo ka na, kumain ka na rin."

"Sige." aniya at umupo.

"Baka matagalan ako ngayon dahil marami akong gagawin sa opisina. Tanda mo pa naman yung mga bilin ko sa'yo, hindi ba?" Usal ko habang kumakain siya, nakita kung tumango siya at abala sa pagkain niya.

Itong si Matt naman din kasi, ilang linggo na iyon sa Cebu at hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon. May meetings ang boards ngayon kaya instead of him, I'll represent him because he is busy in Cebu, and I don't know what things he'd do or did there. If I was a miser, well, Matt is a workaholic man. As what I know, his business here is more important there in Cebu.

"Aalis na ako. Don't let strangers step in here."

"Hmm." Tango niya.


Mira's POV

Ilang araw na nga yung lumipas simula noong nagkita kami ni ama at ilang araw na rin ang lumipas simula noong niyakap ako ni Zach. Ngunit parang hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang init ng yakap niya.

Yung bango niya ay parang nakadikit pa rin sa akin hanggang ngayon. Ginawa ko talaga ang lahat para 'di niya mahalata ang kinikilos ko. At mukhang nagtagumpay naman ako dahil umalis na siya at nakahinga na rin ako nang maluwag.

Wala akong balak na ipaalam kay Zach ang nararamdaman ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya ito masusuklian, mabibigo lang ako. Tsaka yung pinapakita niyang pag-aalala at pag-aaruga ay dahil lang may utang na loob siya sa ama ako. Ngayon ko lang ito naramdaman kaya mahirap sa akin kung paano ito mapapawi kung mapapawi man ito. Mabuti sana kung nandito si Edna dahil baka may masabihan ako, namimiss ko na siya, kumusta na kaya siya doon sa nayon namin?

Gustuhin ko mang umuwi sa nayon pero totoo ang sinabi ni Zach na masasayang lang ang sakripisyo ng ama ko. Kung magkataon man na umuwi ako roon at malaman ng mga apo ang totoo tungkol sa pagkatao ko, hindi sila magdadalawang isip na patayan ako at ang ama ko dahil sa kasinungalingan namin.

Gustong-gusto kong matulungan ang ama ko pero alam kong wala akong magagawa. Kaso paano kaya kung nagpakasal naman ako kay Tonio? Hindi kaya magiging ganito ang sitwasyon ko ngayon? Paano naman ang kaibigan ko? Hindi siya mapapanagutan ni Tonio kapag nagkataon. Ayaw ko namang lumaki ang anak ng kaibigan ko na kagaya sa akin na walang kompletong pamilya.

Habang nasa malalim akong pag-iisip ay biglang tumunog ang doorbell ng bahay ni Zach, hudyat na may tao sa labas. Gusto kong makita kung sino man iyon kaya mula sa pagkakaupo ko sa malambot na upuan ay tumayo ako at pumunta sa pintuan at silipin sa pipehole kung sino man ang taong nasa labas.

Lumaki ang mata ko nang makita kong isa sa kaibigan ni Zach ang nasa labas. Yung nakasalamin na lalaki at kung hindi ako nagkakamali si Oliver ito. Hindi ko siya pinagbuksan dahil bilin ni Zach na h'wag na h'wag akong magpapasok dito. Kaso kaibigan niya naman ito at kilala ko na rin naman si Oliver.  Wala naman sigurong kaso iyon, di ba?

Kaya nang tumunog muli ang doorbell ay pinagbuksan ko na siya.

"Hi, good morning." Ang gwapo din naman palang ngumiti ni Oliver.

Pinaupo ko siya doon sa sala at kumuha nang maiinum niya. Nilapag ko sa maliit na mesa iyong nakuha kong inumin.

"Wala rito si Zach kung siya ang pinunta mo rito." Pag-uuna ko nang makaupo ako sa kabilang upuan.

"I'm not here for him. I'm here because of you, Almira." Batid kong seryoso siya sa sinasabi niya pero wala akong maintindihan doon.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Ah, yeah, sorry....hindi ka pala nakakaintindi ng Ingles. Ang ibig ko lang sabihin na hindi ako pumunta rito para kay Zach, nandito ako dahil sa'yo, ikaw ang sadya ko rito."

Napakurap ako sa sinabi ni Oliver. Bakit niya naman ako pinuntahan dito? Anong kailangan niya sa akin? Kakakilala lang namin at kung tutuusin ay pangalawang pagkikita lang namin ngayon. Idinaop ko ang kamay dahil kinakabahan ako.

"Uh, sorry, did I make feel uncomfortable?" Saad niya at hinawakan ang kamay ko.

Mabilis kong iwinaksi ang kamay niya. Nakita ko kung paano lumaki ang maganda niyang mata sa ginawa ko.

"Patawad h-hindi lang ako sanay na h-hinahawakan." Ibinaba ko ang ulo ko.

"Then, why did you let Zach touch and hold you." May diing sabi niya. Kung kanina ay hulat ang rumihestro sa mata niya ngayon ay parang nagdidilim na ito. Nakakatakot.

"Huh?"

"Wala. Ako dapat ang humingi ng tawad, Almira. Alam ko, I'm being reckless for acting like that a while ago. Alam kong bago palang tayong magkakilala at pinuntahan na kita rito. I'm sorry about that. Pumunta lang ako dito para makipagkaibigan sa'yo." May hindi ako naintindihan sa mga pinagsasabi niya pero yung huling salita niya ay naintindihan ko naman. At alam kong wala siyang intensyong masama sa akin at gusto lang niyang makipagkaibigan.

"G-gusto ko rin namang maging kaibigan ang mga kaibigan ni Zach, Oliver at walang kaso sa akin kung maging magkaibigan tayo." Ngumiti ako, batid kong di niya nakikita ang ngiti ko pero ginawa ko pa rin.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya at mabilis itong napalitan ng ngiti. Doon sa nayon namin ay wala akong nakikitang lalaki roon na maputi, tangkad, maganda ang ngipin at makisig na lalaki. Bago sa akin ang mga lalaking ganito lalo na ang mga kaibigan ni Zach hindi ko maitatanggi na humahanga ako sa kanilang taglay na ganda. May mga makikisig naman na lalaki roon sa nayon pero hindi kasing kisig nila. Kasi nakikita ko kung paano ang tindig nila kagaya na lang ni Zach, Oliver at yung mga kaibigan ni Zach na sa tindig palang nila makapangyahiran na.

"Gusto mo bang lumabas tayo?" Tanong ni Oliver. "Mamamasyal lang tayo sa labas."

Nakaka-engganyo ang imbitasyon ni Oliver sa akin dahil nitong nakaraan ay hindi na ako masyadong naglalabas dito sa loob ng pamamahay ni Zach at akmang sasagot na ako kay Oliver ng may biglang nagsalita.

"You can stroll around, Oli, without dragging Mira with you." Matigas na ingles ng lalaking hinahangaan ko. Napalunok ako. Napatingin ako kay Oliver at nakita kong pumikit siya at yumuko. Bumaling naman ako kay Zach na ngayon ay nagtatagis ang bagang na nakatingin sa akin.

"Zach–"

"I thought a doctor like you is a busy man, Oli?" May ngiting sabi ni Zach kay Oliver na ngayon ay nakatayo na pala at seryosong nakatingin kay Zach. Nakangiti nga si Zach kay Oliver pero walang ganang ngiti iyon.

"Zach, I also have a break–"

"And you went here at my place? For what?" Putol na naman ni Zach kay Oliver.

"Z–zach–"

"You shut up, Mira." Napasinghap ako nang tumingin sa akin si Zach.

"You can go now, Oliver." Pagtataboy niya kay Oliver.

"Zach, I mean no harm, I just wanna be friends with Almira. What and why are you being so pissed?"

"None of your damn business, Oliver, now get out of here!" Tumaas na ang boses ni Zach.

"I don't really understand you, Zach. Why are you so damn protective of Almira, like you own her, when in the first place you are not. Always remember that she's just staying in your place but you don't own her! "

Kinakabahan ako sa paraan ng pag-uusap nilang dalawa. Ang lapit ang nila tapos nagtataasan na sila ng boses. Tapos ako ay parang mangmang na hayop lang sa gitna nila, nakaupo at walang magawa.

"Almira, sa susunod na lang tayo lumabas." Mahinahon na untag ni Oliver sa akin bago umalis.

Namayapa ang mahabang katahimikan sa amin ni Zach matapos umalis si Oliver. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nanginginig na din ang mga paa ko pero nagawa ko pa ding tumayo. At aalis na sana ako nang nagsalita si Zach.

"May pag-uusapan pa tayo, Mira. Upo." Matigas na wika ni Zach.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top