ONE

Chapter One

Zach never felt this boredom in his entire life until now. Sinama lang naman siya ng kanyang ama sa camping nito kung saan kasama niya ang kanyang mga tito niya. Which means, na ang mga nakakasama niya is around 40's na at siya 19 years old. So papaano siya hindi maiinip. Sa pinag-uusapan pa lang ng mga ito ay wala na siyang maintindihan.

Napa-sama lang naman kasi siya sa ama dahil ang mommy niya ay umuwi ng Cebu. Ayaw niyang sumama doon dahil akala niya makakagala siya dahil parehong wala ang mga magulang niya pero nagkakamali siya dahil pinasama siya ng mommy niya sa nakakaburyong camping kasama ang mga matatanda. Inaalala kasi ng ina ni Zach na baka raw kasi makakita ng ibang babae ang daddy niya roon sa lugar.

'Anong namang mahahanap dito ni daddy na babae eh nandito sila sa bundok nagka-camping?' Wika na lang ni Zach sa sarili.

"Dad, ayaw ko na rito." Reklamo niya sa ama niya, tila pagod kahit naka upo lang naman.

"Zach, isang gabi lang naman tayo rito at bukas na bukas din ay bababa na tayo." Nagpatuloy ang ama niya sa pag-aayos ng tent nila. "Buti pa tumulong ka rito para may matulugan tayo. Malapit ng gumabi."

Sumimangut si Zach at tinulungan niya pa rin ang ama.

"Dad, una na lang akong bumaba ng bundok, kaya ko naman 'eh at natatandaan ko pa ang daan." Giit pa ni Zach, hindi niya na talaga kayang manatili sa lugar. Wala pa siyang dalang laptop o kahit cellphone man lang.

"Anak delikado, malapit ng gumabi at ang tour guide natin ay dito rin matutulog ang mga 'yan." Paliwanag ng ama ni Zach.

"Pero, Dad!"

"Zachary magtigil ka d'yan, isang gabi lang naman!" Galit na anas ng ama ni Zach. "Naku kayong mga kabataan talaga ngayon, hindi na naa-appreciate ang mga ganitong bagay. Isang gabi lang Zach kaya ipirmi mo ang sarili mo." Sermon pa ng ama ni Zach.

"Pero, dad iba ang kabataan ngayon at sa mga kabataan noon, kaya talagang hindi ko kamai-enjoy 'to. Bakit ba kasi camping pa ang naiisip niyo at dito pa sa lugar na 'to." Litanya ni Zach.

Naiisip ni Zach na kung hindi siya papayagan ng Dad niyang bumababa ng bundok, bakit 'di na lang niya gawin iyon ng 'di nalalaman ng ama niya? Dahil dakilang pasaway si Zach at matigas ang ulo, mamaya ay naiisip niyang umalis. Kapag hinfi na nakabantay sa kanya ang ama. Napangiti si Zach sa naiisip niyang plano.

"Anong ngiti-ngiti mo d'yan 'wag mong sabihing bababa ka talaga!?"  Supla ng ama ni Zach.

Bakit niya sasabihin kung magagalit naman ito at 'di siya payagan?

"Wala dad may naalala lang ako." Pagsisinungaling niya.

Nang matapos nila ang pag-aayos sa kanilang tent ay naging busy ang ama ni Zach sa pakikipagkwentuhan sa mga tito niya at nagba-barbecue saka masayang-masaya ito, matagal na rin kasi nang huling makasama ng ama niya ang mga kapatid nito dahil sa America ito nakatira at nagbakasyon lang ang mga ito sa Pilipinas.

Buti sana kung nandito din ang mga pinsan niya siguro niya mag-ienjoy siya, pero siya lang ang teenager, kaya naiinip siya. Kailan man ay hindi niya kayang mamuhay sa bundok kahit araw lang siguro at 'di niya nakikita ang sarili na nasa bundok.

"Dad sa tent lang ako." Paalam ni Zach sa ama.

"Huwag kang magtatangkang bumaba ng bundok, Zach, delikado." Babala ng ama ngunit binalewala iyon ni Zach.

"Oo, dad." Pagsang-ayon ni Zach sa ama pero syempre pasaway siya kaya hindi niya ito sinunod.

Kinuha ni Zach ang backpack niya sa tent at palihim na lumabas sa tent nila. Dahan-dahan at maingat siyang naglakad palayo ng camp site.

Habang naglalakad si Zach pababa ng bundok ay tiningnan niya ang wrist watch niya, alas sais na na hapon. Madilim na kaya kinuha niya ang flashlight niya. Habang nagbabay siya sa makipot na daan ay napatigil siya dahil parang naliligaw na siya. Nagsimula na pagpawisan ng malamig si Zach, kinakabahan siya dahil mahirap pala maglakad kapag pagdilim. Pero kahit na may takot na nararamdaman si Zach ay nagpatuloy siya sa paglalakad, huminto siya saglit at lumilingon-lingon sa paligid, kung kanina ay pakiramdam ni Zach ay naliligaw siya, sa pagkakataong iyon, mukhang naliligaw na talaga siya at idagdag pa na madilim na gubat.

Napagdisesyonan ni Zach na bumalik na lang sa camp site kung saan naroon ang ama at mga tito niya. Pero mukhang mas naliligaw  pa siya dahil 'di niya alam kung nasaan siya. Napakaraming matataas na puno ang paligid niya ngunit kanina nung naglalakad siya ay wala siyang nadadaanang ganito ka taas na mga kahoy puro matataas na damo ang nadadaan niya. Nilakasan ni Zach ang loob at nagpatuloy sa paglalakad, nababakasakaling sa labas ng mga matataas na puno ay may mga bahay siyang makita.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ni Zach ay may narinig siyang mga yapak ng tao at mukhang marami ito.

'Baka sina dad yun.' Saad ni Zach sa sarili.

Nagbabakasali siyang hinanap siya ng ama niya. "Dad... tito!?" Sigaw niya kahit 'di sigurado kung sino man ang nagmamay-ari ng mga yapak na narinig.

Mayamaya pa ay may narinig na siyang mga kaluskus, nagpalinga-linga si Zach. Kinakahabahan na si Zach sa mga  nangyayari dahil mukhang 'di 'yon mga tito o dad niya. Mukhang napapalibutan pa siya. O 'di kaya'y mga baboy ramo iyon o mga wolf, nagsimula nang bumaha ang malalamig na pawis ni Zach sa noo.

"Sino ang nand'yan?" Sigaw ni Zach.

Pero walang sumagot. May gumalaw sa likod niya kaya mabilis siyang lumingon at tinutukan iyon ng flashlight pero mabilis itong kumilos.

'Dito na ba siya mamamatay?'

"Lumabas kayo, alam kung may tao kung na-nasaan kayo lu-lumabas na kayo." Utal-utal na saad ni Zach.

Mayamaya ay may lumabas na tao at 'di niya kilala kung sino iyon. Hindi 'yon ang ama niya o tito man niya.

"Si-sino ka?" Nauutal na wika ni Zach.

'Di iyon sumagot at lumapit sa kanya, ilang sandali ay may lumabas na mga tao mula sa likod ng mga puno, tansya ni Zach na nasa mga siyam na taoiyon.

'Wala akong laban dito.'  Walang pag-asang sambit ni Zach sa sarili.

"Anong ginagawa ng isang taga-kapatagan dito?" The unknown guy said.

"Sino ka... kayo?" Muling tanong ni Zach.

"Binata nakatayo ka sa teritoryo ko. Anong ginagawa mo rito!?" 'Di nito sinagot ang tanong ni Zach.

Mukhang galit na ito dahil tumaas na ang boses nito.

"Nag-nagka-kamping kami rito." Sagot ni Zach.

"Ikaw lang mag-isa?"

"Hi-hindi may kasama ako, namasyal lang ako pe-pero naligaw ako." Pagsisinungaling ni Zach.

"Hulihin ang binatang iyan mali ka ng taong pinagsinungalingan, hijo. Alam namin na walang taga-kapatagan na napapadpad sa bahaging ito. Hindi na ito sakop ng mga tao sa labas."

Pagkatapos ng sinabi ng isang lalaki na mukhang leader nila ay hinuli na si Zach ng dalawang lalaki. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng mga ito ngunit ang lalakas ng mga humawaka sa kanya.

At saka na sinimulan nang kaladkarin ng mga lalaki si Zach.

MADILIM na nang baybayin ni Mira ang daan tungo sa kubo nila dahil pumunta pa siya sa batis. Ang batis ay may kalayuan mula sa sitio, nasa paanan kasi ng bundok ang batis. Nasisiguro ni Mira na nag-aalala na ang ama niya sa kanya dahil ngayon lang siya naabutan ng dilim sa gubat, hindi naman siya natatakot sa kagubatan dahil dito siya lumaki mas natatakot pa siya sa ama niya kung sakali dahil tumakas lang siya kanina. Siguradong alam na ng ama niya na wala siya sa bahay nila dahil nasisiguro niyang nakauwi na ang ama niya sa mga oras na 'yon.

Habang naglalakad siya nakita ni Mira ang tiyo Hernan niya, ang kapatid ng  kanyang ama, ito ang pinuno nila. Kasama ng tiyo niya ang mga tauhan nito ngunit ang naka-agaw sa pansin ni Mira ay ang bihag nito. Lumaki agad ang mata niya nang makita niya ang ginawa ng tiyo at ng dalawang tauhan nito, may binubugbog itong tao.

Sinundan niya ng palihim ang tiyo niya. Napapatanong si Mira sa sarili, 'bakit nanghuhuli ng tao ang tiyo niya?', bawal iyon sa kanila at binugbog pa.

Pagdating sa sitio nila dinala ng tauhan ng kanyang tiyo Hernan ang bihag sa kulungan at kinulong iyon. May tauhan na lumingon sa gawi niya kaya mabilis siyang nagtatago sa isang puno.

Nanlaki ang mata ni Mira ng may tumakip sa bibig niya.

"Hmmp... hmmp!"

"Tahimik, Mira." Nakikilala niya ang boses na iyon, ang kanyang ama.

Pinakawalan nito ang bibig niya. "Ama!"

"Anong ginagawa mo rito, Mira? Uwi sa bahay!" Galit ngunit pabulong na anas ngbama ni Mira sa kanya.

"Ama ka-kasi—"

"Uwi sa bahay, doon tayo mag-uusap pinapagalit mo ako, Mira."

Nais pa sanang magpaliwanag ni Mira ngunit inaalala niya ang galit ng ama. Wala siyang magawa kung hindi ang sundin ito.

Pagkarating nila sa bahay ay mabilis na sinara ng kanyang ama ang mga bintana at ang kanilang pintuan.

Umupo si Mira sa upuang gawa sa kuwayan.

"Ama patawarin niyo po ako sapagkat tumakas na naman ako." Nakayukong saad ni Mira.

"Mira ang peligro ng ginagawa mo!?"

Naitikom ni Mira ang bibig.

"Anak, pinapahamak mo naman ang sarili mo. Alam mo naman 'di ba? Na 'di ka pwedeng makita ng iba?" Sabi ng ama niya, makatayo ito sa harap niya.

Alam na alam iyon ni Mira, na bawal siyang makita ng iba tao sa tribu nila dahil kakaiba daw siya at totoo iyon. Ibang-iba siya sa mga kaedaran niya sa tribu.

"Alam ko po, ama, paumanhin po hindi na po mauulit iyon."

"Dapat lang, Mira. Teka, bakit nagtatago ka doon sa puno kanina? Alam mo bang hinahanap kita?"

Muntik na niyang nakalimutan ang nakita niya kanina. Napatayo si Mira.

"Ama, si tiyo Hernan po... may bihag po sila, 'di ba po bawal tayong makialam sa mga taga-kapatagan?"

"Saan mo nakita iyan?"

"Doon po sa kagubatan, ama. Kinulong nila ang bihag na kanilang binubog, ama!"

"Napakadelikado ng ginawa mong iyon, Mira maari kang mapahamak doon sa ginawa mo! Kilala mo ang tiyo mo, wala iyong sinasanto."

"Ama naaawa po ako sa bihag nila wala po itong malay kanina."

"Pabayaan mo iyon, Mira hindi naman natin kargo iyon kung sino man!"

"Pero, ama!" Protesta niya dahil naawa talaga siya sa bihag. Hindi man batid ni Mira ngunit naaawa siya sa bihag siguro dahil ito ang unang beses na nasaksihan niya ang bagay iyon.

"Tumahimik ka, Mira, at kumain na para makatulog ka na." Sabi ng ama ni Mira bago lumabas sa kubo nila. Bumuntong hinga siya at napagdisesyonang sundin ang utos ng ama.

Nakahiga na si Mira sa matigas na papag. Hindi mawala sa isip ng sampung taong gulang na si Mira ang nakita niya kanina. Malalim na ang gabi pero kahit na anong gawin niya, hindi talaga siya makatulog dahil sa nasaksihan niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog hangga't hindi niya napupuntahan ang bihag sa kulungan nito.

Kaya napagdesisyonan ni Mira na bumangon, aalis na sana siya nang naisipan niyang dalhan ng makakain ang bihag  dahil alam niyang wala itong kain doon, kung ito'y buhay pa.  Kaya nagdala siya ng nilaga nilang kamote, iyon na lang kasi ang natira sa hapunan nila dahil hindi naman sila nagluluto ng madami, naubos na ang kanin at isda kanina kaya kamote na lang ang dala niya.

Naisipan niya ring dalhan ng tubig at pamunas iyong bihag dahil nasisigurado niyang nabugbug ito ng husto kanina.

Nagmamadali siyang pumunta roon dala yung kamote, tubig, pamunas at ang lampara niya na malapit ng maubos ang gas. Buti na lang pagdating ni Mira ay tulog ang mga nagbabantay sa bihag.

'Lalaki pala yung bihag.' Ani Mira sa sarili.

"Psst, psst, psst." Sitsit niya sa bihag sa loob ng kulungan.

MAKARAMDAM si Zach na parang may tumatawag sa kanya kaya dahan-dahan niyang binuka ang mga pagod  niyang mata. Sobrang sakit ng katawan ni Zach dahil sa natanggap  na bugbog, ayaw niya kasing sumama sa mga ito  at sinubukan niyang lumaban kanina ngunit maliit siya kumpara sa mga ito kaya nabugbog siya ng husto. Pakiramdam ni Zach ay pumangit na ang hitsura niya dulot ng pagbugbog sa kanya.

Nakita ni Zach na may isang bata na nasa labas ng kulungan niya na may dalang lampara na maliit lang ang ilaw. 'Di niya nakikita ang hitsura nito dahil balot na balot ito, siguro dahil bata pa ito at anong oras na din. Pero ang ipinabtataka ni Zach kung ano ang ginagawa ng isang bata salabas ng kulungan niya.

"Ginoo," mahinang sambit ng bata.... ng batang babae. Batid ni Zach na babae ang gumising sa kanya dahil sa boses nito.

Kahit na masakit ang katawa ni Zach ay pilit siyang bumangon sa pagkakahiga. "Anong g-ginagawa mo rito, bata?" tanong niya baka makita ito ng mga nagbabantay sa kanya.

"Ginoo, may dala akong pagkain." Ani ng bata. Sa pagkakataong iyon lang naka-dama si Zach ng sobrang pagkagutom sa tanang buhay. Siguro ay matatawag niyang blessing ang batang ito. "Heto po, pasensya na kung iyan lang ang dala ko." Inabut ng bata ang pagkain na nakalagay sa dahon at ang tubig.

"May pamunas akong dinala pasensya na 'yan lang ang kaya kong maitulong." Sobrang laki na ng tulong iyon para  kay Zach kasi sa sitwasyon niya, kahit anong oras ay maari siyang mamatay.

"Salamat sa'yo, bata." Buong pusong pasasalamat ni Zach sa bata kahit na 'di niya iyon maaninag dahil madilim. Kahit na kamote lang iyon ay pakiramdam ni Zach sobrang sarap na nito. Naiiyak siya dahil alam niyang kasalanan niya kung bakit siya napunta sa sitwasyong iyon. Kung 'di lang sana siya sumuway sa ama niya at sinunod ito ay walang mangyayaring masama sa kanya. Sigurado siyang pinaghahanap na siya at nag-aalala na ang ama niya ngayon.

"Walang anuman, ngunit bakit ka nila hinuli at ikinulong?"  Biglang tanong ng bata.

Walang nagawa si Zach kung hindi i-kwento sa bata ang nangyari sa kanya dahil kung ito man ang maging kapalaran niya ay wala na siyang magagawa pa.

"Kung ganun aksidente lang na napunta ka rito?" Maliit na wika ng bata. Natutuwa siya sa batang babae na kausap niya ngayon.

"Oo, kaya sana kung matutulungan mo ako at itakas mo ako rito." Hingi niya ng tulong sa bata kahit alam niyang imposible rin na matutulungan siya ng bata dahil tansya niya ay nasa siyam or sampung taong gulang palang ito.

"Pasensya ka na pero mukhang 'di kita matutulungan d'yan, ginoo.  Pero susubukan kong humingi ng tulong." Anas ng bata na nagpasigla sa sa kalooban ni Zach kahit alam niyang malabo at maliit ang tyansa.

"Salamat ulit, ano pala ang pangalan mo?" Ani Zach.

"Ako si Al—" ang putol na sambit ng bata.

"Hoy! Sinong nand'yan!?" sigaw ng isang bantay nang ito'y magising.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top