NINETEEN

Chapter Nineteen

Zach's POV

Bumalik ako sa aking sasakyan dahil hindi ko alam kong ang gagawin ko gayung nakita ko ang mukha ni Mira. Paano ko na siya haharapin ngayon? Why did their tribe hide that kind of face? It's very ridiculous! She was bullied because of the cloth on her face, and I once bullied her too. Now, I regret everything I said. But Mira's face seems familiar to me. I don't know, but those features—I feel like I've seen them somewhere.

My phone rings, kaya kinapa ko ito sa bulsa ko at sinagot agad ang tawag ng 'di tinitingnan kong sino ang caller no'n.

"Pre, saan ka ngayon? Tumawag ako kay Reyes wala ka daw sa site sa Batangas, ah?" Bungad agad ni Nic, even without looking at the caller's name alam na alam ko ang boses nang lalaking iyon.

"Uh," maikling sagot ko.

"Nandito kami nina Oli at Frances sa Seaside Bar, pa-despidida para sa g*go." He meant Frances.

"Okay, I'm on my way."

"Oh, sige. Himala agad na pumayag."

Pinatay ko na lang ang tawag dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig no'n. Kahit na ayaw kong makita ang pagmumukha ni Oliver wala akong magagawa. Hindi naman sa galit ako sa kaibigan ko. Naiinis lang ako dahil ang dali sa kanya na sabihin na gusto niya si Mira. 'Bat ang dali niyang nagustuhan ang babaeng iyon?

What more Zach kung makita niya ang mukha ni Mira?

Pero hindi ako papayag na makita niya ang mukha ni Mira. No way!

"O, nandito na ang loverboy." I gritted my teeth at Nic's remarked.

Umupo ako sa tabi ni Frances at sa kabila naman ay si Oliver na tahimik na umiinom. Kumuha ako ng alak na nakalagay sa mesa at nilaguk iyon. Damn it! Kahit na nandito ako, iyong mukha pa rin ni Mira ang nakikita ko. What the hell is happening to me!?

"Kanina pa kayo rito?" I asked them, hoping that someone would answer me

"Uhmm, around 10," Frances answered. "You look... bothered," he added.

Am I that transparent right now?

"It's because of work," I said calmly to him.

"I've never seen you this bothered by work, Zach. That's new, huh?" May panunuyang sabi niya. Kaya matalim ko siyang tiningnan.

"Maybe, I should go." Biglang sabad ni Oliver at tumayo.

"Huh, kararating lang ni Zach, Oli." saad ni Nic kay Oliver.

"Maaga ako bukas, and I need to rest, marami akong inoperahan ngayon." He plainly said. "Mauna na ako, Frances, Nic... Zach." Pagkatapos no'n ay tumalikod na siya sa amin.

"Alam niyo may napapansin ako kay pareng Oli."

"Ano na naman ang nasagap mo, Nic?" Tanong ni Frances.

"Lately kasi parang may napapansin akong kakaiba kay Oli. Tapos, ngayon mabilis na siyang umuwi kapag ganito. E, noon 'yan pa nga ang naghahatid sa 'kin sa bahay ko. Tapos no'ng pumunta akong hospital niya narinig kong naghahanap siya ng private investigator." Umiling-iling si Nic na parang nag-iisip kong ano ba talaga ang nagyayari sa kaibigan namin.

"Bat 'di tanungin total tsismoso ka naman sagarin muna." sabi ko.

"Tssk, parang 'di mo naman kilala ang isang iyon. Hindi iyon masyadong nagsasalita tungkol sa buhay niya." Ismid ni Frances.

Ano ba talaga ang nangyayari kay Oliver at bakit kailangan niya ng private investigator?

Oliver was really hard to predict, even before palagi lang siyang tahimik at parang ang lalim ng iniisip.

"Hmm, let's just wait, alam ko sasabihin din niya sa atin kung ano man ang nangyayari sa kanya. We know he's not really open with us; all we have to do is wait for him to open up to us on his own."

"Hmm." Pagsang-ayon ko kay Frances at tumango rin si Nic sa kanya.

"Uhh, kumusta naman pala si tito, Frances?" Tanong ko mayamaya.

Ang alam ko kasi aalis siya dito pagkatapos niyang ihatid si tito at tita hanggang airport. That means kung may padespidida nahatid na niya sina tito sa airport. I know his poster parents since nakapagbakasyon na din naman kami sa kanila sa Isabela before. At masasabi kong ang babait nila kahit na ampon lang siya nina tito. Itinuring din siyang totoong anak dahil hindi nagkaanak ang mag-asawa.

"He seems okay, but I know he's not, kaya nga siya dadalhin doon, magpapagamot. I just hope maging okay na rin si papa pagkatapos ng operasyon. And if ever susunod din ako roon."

"Tito is strong man malalampasan niya ito." Tinapik ko ang balikat niya.

Tipid siyang ngumiti sa 'kin at tumingin sa direksyon ni Nic. Tumaas ang kilay niya kaya napatingin din ako kay Nic. Napamura na lang ako ng makita kong natutulog na ang isa at yakap-yakap ang bote ng alak.

"Sinong maghahatid d'yan eh, wala si Oli?"

"Aalis ako, Zach, kaya ikaw ang maghatid n'yan sa bahay niya. Pwede mo ring iwan iyan dito pero maawa ka naman sa empleyado mong hilaw." Humalaklak siya.

"Fu*k this man, ang lakas uminom tapos ang bilis din namang malasing."

"Good luck."

Dahil masyado akong mabait, hindi ko iniwan ang kaibigan ko sa Seaside Bar. Hinatid ko siya sa bahay niya. Pero habang akay-akay ko siya patungo sa kwarto niya, bigla siyang sumuka. Mabilis ko siyang binitawan pero hindi sapat ang bilis ko kaya nasukahan niya ako.

"FU*K YOU TO H*LL, NIC!!!" Sigaw ko at wala akong pakialam kong magising ang buong kapitbahay niya.

"Hala, jusko sir!" Histerya ng isang katulong na hula ko ay nagising dahil sa sigaw ko kanina.

"Pasensya na po kayo sir Zach, ako na po ang bahala sa amo ko." Pag-uumanhin ng katulong sa akin.

"Can I used the bathroom?"

D*mn, ang baho ko na!

"Ah, opo, sir, mayroon doon, malapit sa kusina at mayroon din po malapit sa pool."

Tumango ako sa katulong at tinalikuran silang dalawa ni Nic. Sana pala hinayaan ko nalang ang isang iyon sa bar.




Mira's POV

Pagkatapos kong magising sa nakakatakot na panaginip ay hindi na ako nakatulog hanggang sa bumukang liwayway na ay hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Natatakot ako na baka managinip na naman ako ng ganun. Kaya napagpasyahan ko na lang na magluto dahil palagay ko ay pauwi na ngayon si Zach. Habang hinihintay kong maluto iyong sinaing kong kanin ay umupo ako sa mataas na upuan dito sa kusina.

Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang tumunog ang doorbell hudyat na ang tao sa labas. Mabilis akong bumaba sa upuan at tumakbo sa pintuan dahil baka si Zach iyon. Kaya walang dala-dalawang isip kong binuksan ang pintuan.

Pero nagulat ako nang pagbukas ko sa pinto, hindi si Zach iyon, hindi din iyon lalaki, hindi din iyon isa sa mga kaibigan ni Zach. Lumunok ako. Isang magandang babae ang nasa harapan ko maputi, maliit ang katawan, mapula ang labi at nakasuot ng magandang damit.

Sino ang babaeng ito? Naliligaw ba ito?

"Ah... eh... pasensya na nasa maling pintuan ka yata? Ah... sige." Isasara ko na sana ang pinto ng ihinarang niya ang kamay niya sa pinto. Dire-diretso siyang pumasok sa loob. Ngayon ko lang din mapansin na may kasama pala siyang batang lalaki na nasa apat na taong gulang at may yakap-yakap na laruan.

"Ah... sino po kayo? Bakit ka pumasok dito?" Sumunod ako sa kanya sa loob ng bahay.

"Mommy, who is she? Why is she here?" Rinig kong tawag ng bata sa babae.

"I don't know what's happening, anak. Hindi ko rin siya kilala."

Pinagmasdan ko lang sila.

"Where's Zachary Elliot? Nasaan si Zach? Bakit wala siya rito?"

"Uh... ah... h-hindi pa siya umuwi." Hindi ko alam kong sino ang babaeng ito bakit kilala niya si Zach kaano-ano ito ni Zach?

"Who are you? Bakit ka nandito? Ano ka ba ni Zach?" Lumapit siya sa 'kin at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang bata din ay sumunod at tiningnan din ako ng bata gaya ng tingin sa 'kin ng babae.

"W-wife niya ako." Mahinang sagot ko at yumuko.

"Huh?!"

Napatalon ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top