NINE
Chapter Nine
Mira's POV
Nakakabaliw ang pintig ng puso ko sa biglaang paglapit sa 'kin ni Zach upang ikabit sa akin ang seatbelt daw. Sa totoo lang siya ang kauna-unahang lalaki, maliban sa tatay ko ang nakakalapit at nakakahawak sa akin ng ganito. Nakakailang siya dahil hindi ako sanay sa ganito. Natatakkt din ako nga lang hindi ko alam kung saan nanggagaling itong takot ko nararamdaman ko. Ngunit itong hindi normal na pagsipa ng damdamin ko, siguro normal lang ito o baka nabigla lang ako sa ginawa ni Zach? Parang naririnig ko na kasi ang pintig ng puso ko. Hindi hindi ko alam kung sa kaba ba o ano?
Nanalakay pa sa ilong ko 'yung amoy niya at masasabi kong napakabango nito.
"Huwag mo nang gagawin iyon." Nauutal na sabi ko sa kanya. Ayaw kong tingnan ito sa kanyang mga mata.
Magkakasala pa yata ako ngayon dahil sa kanya.
"Bakit? Bawal din bang lumapit ang mga lalaki sa'yo?" Taka at mukhang banas na niyang saad.
"H-hindi naman."
"'Yun naman pala eh, hindi naman pala bawal. Anong inaarte mo?"
Akala talaga ng lalaking ito ay nag-aarte lamang ako.
"Hindi ako nag-iinarte, hindi lang ako sanay na may lalaki na lumalapit sakin."
"Tssk, masanay ka na dahil lalapit talaga ako sa'yo."
Hindi ko alam kong ano ang ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya, pero hindi na ako sumagot pa sa kanya. Mag-aaway lang kasi kami, hahaba na naman ang aming bangayan.
Nagsimula nang tumakbo itong sinasakyan namin ni Zach at tahimik lang ako habang palinga-linga sa aking paligid na lahat ay bago lang sa aking mga mata. Habang binabaybay namin ang daan na mamangha ako sa iba't-ibang klase ng sasakyan at iba-iba din ang laki.
Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko, idagdag pa ang mga matatayog na mga gusali. Namangha rin ako sa isang kwudrong nadaanan namin ni Zach dahil may taong gumagalaw doon, gaya ng TV ni Zach sa bahay pero mas malaki iyon nakakamangha ang mga bagay dito sa patag talaga. May mga higanteng larawan na nakabitay sa tabing daan na hindi ko alam kung ano.
"Tsk!"
Narinig ko si Zach kaya napabaling ako sa kanya. "Ang galing mo namang magmaniobra nitong sasakyan." Nakangiting komento sa kanya.
Tumawa siya. "Hmm, ngayon lang ako na puri sa pagmamaneho ng sasakyan. Unbelievable." Umiling pa siya pero masaya ako, kaya 'di ko na iyon pinansin pa.
"By the way, I didn't formally introduce myself to you, Mira." Nawala sandali ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang palayaw ko. Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa palayaw ko. Hindi niya ako tinatawag na babae o iyong isang tawag niya sa akin kapag galit siya sa akin. "I'm Zachary Elliot Androilan... tang*na!"
Mataman ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niyang 'Zachary Elliot Androilan.
"Ahh, pangalan mo 'yan?" Hula ko. Kasi narinig ko rin na tinawag siya ni ama noong dumating kami dito na Zachary. Hula ko lamang iyon dahil pamilyar ito sa akin.
Bumuntong hinga siya. "Thanks God, oo, 'yan ang totoo kong pangalan... ikaw, Mira lang ba ang pangalan or...?"
"A-almira... Almira Magtayog, y'an ang totoo kong pangalan." Ngiting wika ko sa kanya ngunit alam kong hindi niya naman iyon makikita.
Sandali siyang natigilan na parang may iniisip na kung ano at bumaling sakin.
"Have we meet before?" Ingles niya. Napasimangot ako ingles na naman! Hindi ako pamilyar doon!
"Ano?"
"Nothing...." May sinabi pa siya pero 'di ko na iyon narinig ng klaro.
"Ang ganda." 'Di ko mapigilang ulat nang makita ko ang malawak na dagat sa gilid. Napahawak pa ako sa salamin ng sasakyan niya. Parang gusto ko ring makapunta doon. Naalala ko kasi ang batis na pinupuntahan ko doon sa amin. Hindi naman iyon kalakihan pero malinis ang sobrang linaw din ng tubig doon. Gusto ko tuloy magtampisaw.
"Gusto mo bang maligo o pumasyal d'yan?" Nakahawak ang kamay ko sa salamin ng lumingon ako kay Zach.
"Pwede?"
"Oo, but not now... I mean hindi muna ngayon may project... ibig sabihin kong ay may trabaho pa ako, kaya sa susunod na lang."
"Oo naman hihintayin ko ang susunod na 'yan." Sabi ko at ibinalik ang tingin sa dagat.
"Ano pala ang trabaho mo?" Tanong ko nang wala na akong makitang dagat dahil lumampas na kami.
"I'm an engineer, Mira." Sagot niya.
"Ano ang ginagawa ng isang engineer, Zach?"
"Silly me, natural na hindi mo pala alam 'yun dahil wala namang buildings or any infrastructure sa bundok." Komento niya at ngumisi sa akin. "Gumagawa ako ng mga buildings... mga gusali, bahay mga ganun, Mira." Patuloy niya.
"Napakagaling naman kaya siguro ang galanti mo. Saka, 'yung bahay mo ang ganda rin. Ikaw rin ba ang gumawa nun?"
Lumawak ang ngisi sa kanyang mga labi. "Hindi ako ang gumawa no'n literally, but isa akosa nagplano."
Binalik niya ang kanyang tingin sa daan.
Ngayon ko lang nalaman na ang isang simpleng ngiti pala ni Zach ang magpapakaba sa akin ng ganito. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib.
"Ayos ka lang?" Mayamaya ay seryosong tanong niya habang pasimpleng sumulyap sa 'kin.
Umiling ako ng tatlong beses. "H-hindi... ibig kong sabihin ay ayos lamang ako."
"Okay... ikaw, anong ginagawa mo doon sa inyo? I guess. sobrang lungkot at boring doon ." Hindi ko man naintindihan ang 'boring' na sinasabi niya ngunit hindi ko pa rin nagustuhan iyon.
Hmmp!
"Hindi ko alam ang boring pero sinasabi ko sa'yo, kung ano man 'yan, hindi boring doon sa amin." Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa dinadaanan namin. "Tahimik doon sa amin, malamig ang simoy ng hangin, hindi gaya dito ang init. Alam kong napakaraming bagay na nandirito sa patag na wala doon sa amin pero maganda pa rin doon. Kailanman ay hindi ko ipagpapalit ang lugar na sinilangan ko kaysa rito kahit maraming magagandang bagay sa patag."
"Kung gusto mo doon, bakit ka pumayag na dalhin dito ni Mang Arman?"
"Wala na kaming pagpipiliin pa, Zach. Sumugal lang ang ama ko- ako dito at mabuti na lang at pumayag ka sa pabor ng ama ko. Kahit na hindi ka mabait ay ayos na rin naman."
Nagulat ako nang humalakhak siya may sayad yata ang isang ito. Minsan natutula, minsan masungit, minsan mabait, minsan ngumingiti. Ang hirap niyang pakisamahan sa araw-araw.
"Ako pa talaga ang hindi mabait, huh. Tandaan mo pinatira kita sa penthouse ko. You should be lucky dahil kahit na ang ex ko, hindi pa nga nakakatulog doon."
Ex, ano kaya iyon nakakain ba 'yon? Ingles kasi nang ingles ang may sayad na 'to. Pag ako talaga natuto ng ingles, iingles-in ko rin siya! Kaso ang problema, sino naman ang magtuturo sa 'kin?
"Alam mo nagtataka ako, ano ang ginawa ng ama ko sa'yo at may utang na loob ka sa aking ama?" Pag-iiba ko sa usapan namin dahil baka ingles-in na naman ako, nganga na naman ako.
Nakakainis!
Ang tanong ko ay hindi nasagot ni Zach. Mukhang hindi niya narinig. Nagtataka talaga ako, ano kaya ang ginawa ng ama ko at nagkautang na loob si Zach sa aking ama.
Lumiko ang sasakyan ni Zach at ngayon ko lang napansin ang isang napalawak na gusali at may maraming sasakyan sa labas. Tumigil na 'yung sasakyan.
"Nandito na tayo?" Tanong ko at pinagmamasdan ang labas.
"Oo," sagot niya at tinanggal ang tinatawag niyang seatbelt sa akin. Ang bango niya talaga.
Lumabas na si Zach at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Ano nga 'yung tanong mo kanina?" Tanong niya habang naglalakad kami tungo sa gusali. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad kami patungo sa hagdanan papasok sa gusali. Napakaganda at napakalawak. Napakarami ring tao. Abala ang mga mata ko sa aking paligid.
"Ah, wala 'yun." Sagot ko at lumilinga sa paligid, nakakamangha talaga ng mga bagay na nandirito sa patag.
"Okay... tsk! Almira... eerr... Mira, 'wag kang lumayo sakin baka mawala ka rito!"
Hindi ko napansin na nagkalayo na pala kami kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Tumingin ako sa umahan namin at nakita ko doon ang pintuang gama sa mababasaging salamin. Sumabay ako sa pagpasok ni Zach pero hinarang ako ng nakatayong tao doon.
"Teka, miss, saglit lang."
Hinawakan no Zach ang kamay ko. "She's with me."
"Ay, sorry, sir." Ani ng lalaki at yumuko kay Zach.
"Bakit hinarang niya ako roon, Zach, pero ikaw hindi... dahil ba lalaki ka at lalaki din siya kaya ganoon?" Takang taong ko kay Zach nang nakapasok na kami. Gusto ko mang bawiin ang kamay ko sa kanya pero natatakot akong mawala tulad ng sabi niya dahil sobrang lawak at laki talaga nitong gusaling pinasukan namin. Ang lamig pa ng klima!
"Silly, of course not." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay pinitik niya ang noo ko gamit ang isang kamay niya. Kaya ang ginawa ko ay hinablot ko ang aking kamay mula sa kanya at hinampas siya. Akala niya papautang ako sa kanya? Hindi!
"Fu*k, bakit ka nanghahampas, huh!?" Galit niyang untag.
"Pinitik mo ako Zach." ani ko rin.
Umawang ang labi niya, tila may sasabihin ngunit hindi niya matuloy-tuloy.
Umiling na lang siya at tumalikod na saka mabilis na naglakad, kaya ako na maliit ang binti ay hinabol ko siya sa takot na mawala. Nakakainis talaga ang lalaking ito, hinayaan ko nga siyang hawakan ako eh. Hmmp, may sayad na nga antipatiko pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top