FOUR
Chapter Four
Zach's POV
"Who are you?"
Matagal bago nakasagot ang matandang lalaki na kaharap ko ngayon. Mataman ko itong tinitigan. I don't really remember kung sino siya.
"Pasensya na, binata, nagulat lang ako, sobrang laki nang pinagbago mo." Sagot nito sa akin mayamaya.
I tilted my head.
Kilala ako ng matandang ito?
"Do I know you?" Alinlangang tanong ko rito.
Ngumiti ito sa akin. "Hmm, sa bagay matagal na panahon na iyon at mqaaring nakalimutan na ako, pero ako si Mang Arman, Zachary."
Napanganga ako sa aking narinigmula sa matanda—I mean kay Mang Arman. Hindi agad ako nakapagsalita sa sobrang gulat dahil humugit isang dekada na ang nakalipas at ngayon ko lang siya muling nakita, ang katutubong tumulong sa akin... ang nagligtas sa akin mula sa aking kamatayan.
"M-mang Arman... Arman Magtayog from Apayao Mountain Province?!" Bulaslas ko.
"Ako nga, Zachary, kumusta ka na?"
"Ayos lang ako, Mang Arman." Sagot ko naman pero may napansin akong ibang anino sa likod ni Mang Arman. Kaya sinulyapan ko iyon at nagkataon din na sumilip ang isang tao na balot na balot... who is he... or she?
Napansin na Mang Arman na napatingin ako sa likod niya kaya binalingan niya ang taong nasa kanyang likuran. "Ah, Zachary ito nga pala ang anak ko si Mira." Pagpapakilala ni Mang Arman . Bahagya lang yumuko ang anak nito.
Tinanguan ko lang ito. Uninterested.
Pipi ba ito?
Tiningnan ko ang anak ni Mang Arman at base sa pangalan nito ay babae ito. Mira. I smile inwardly, pinasadahan ko ulit ng tingin ang babae na balot na balot sa kung anong klaseng pananamit nito.
Bakit ngayon lang ako nakakita ng ganito? Alam kong katutubo si Mang Arman pero hindi naman ganon ang kasuotan niya.
Akmang hahawakan ko ang babae para tingnan ng mabuti pero mabilis na nahuli ni Mang Arman ang aking kamay. Nagtatakang napatingin ako kay Mang Arman.
"Huwag Zachary." Pigil nito sa akin.
"O-okay." I just shrugged. "A-ah, pumasok muna po kayo." Alok ko sa aking mga bisita. Pumasok naman ang mga bisita ko at pinaupo ko sila sa sofa sa aking living room. Napansin ko ang bayong na dala nila.
'Mukhang magbabakasyon ang mga ito. Siguro may kamag-anak ito sa syudad.' Untag ng aking isipan.
---
"Ahm, gusto niyo po ba lutuan ko kayo." Alok ko kahit na wala naman talagang laman ang ref ko, puro alcoholic drinks lang naman ang laman no'n. "Or drinks po, what do you want juice, water, coffee?" Dagdag ko para naman welcoming akong pakinggan.
"Hindi na, Zachary." Simpleng sagot nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sagot ni Mang Arman.
Nauumay na ako kaka-Zachary nito. Ayaw ko pa naman na binabanggit ang boung pangalan ko.
"Zach na lang po, Mang Arman."
"Sige, Zach, kung ganoon."
"Ano po pala ang sadya ninyo rito, Mang Arman? Magbabasyon ba kayo rito? Or may bibisitahin kayong kamag-anak?" Usisa ko kay Mang Arman.
Nakita ko ang pagkapit ng anak ni Mang Arman sa braso niya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang panginginig ng kamay at binti ng anak ni Mang Arman. Halata kasi sa suot niyang sobrang haba na palda na ultimo ang paa ay hindi nakikita.
Napataas naman ang kilay ko sa inakto ng anak ni Mang Arman.
"Ah, nandito sana ako para humingi ng pabor, Zach. 'Yung sinabi mo noong tulong, ngayon ko sana kakailanganin iyon. Kung hindi mo pa nakakalimutan." ani Mang Arman.
"Syempre naman po hinding-hindi ko po iyon makakalimutan, utang ko po sa inyo ang buhay ko. I'm a man with his words, Mang Arman at hindi ko po tatalikuran 'yung pangakong sinabi ko sa inyo." Makahulugang saad ko rito.
Sino ba ang makakalimut sa bagay na iyon? Lalong-lqlo na sa sinapit ko sa lugar nila?
"Oh, nakita mo 'yan, Mira mabait ang kaibigan ko dito." Saad ni Mang Arman sa anak pero hindi ito nagsalita kumapit lang ito sa ama nang mahigpit.
Disabled ba ito??
"Ano pong klaseng tulong ang kailan niyo?" Nakangiting tanong ko kay Mang Arman. May pagmamalaki pa iyon dahil syempre, makakaganti na ako sa kabutihan ni Mang Arman sa akin.
"Iiwan ko sana ang anak ko sa puder mo, Zach."
Tila tumigil ang mundo ko sa narinig mula kay Mang Arman.
Ang ngiting nasa labi ko ay unti-unting nawala. Tama ba ang rinig ko? Iiwan ni Mnag Arman ang anak niya sa akin? Anong klaseng ama ito na basta-basta na lang iiwan ang anak sa tulad ko? Lalaki ako at babae ang anak niya.
"H-huh?" 'Di makapaniwalang saad ko.
"Iiwan ko muna pansamantala ang anak ko sa'yo, Zach mga kalahating taon lang naman saka huwag kang mag-alala babalikan ko ang anak ko. Atmasunurin naman itong anak ko." wika ni Mang Arman.
Sa gulat ko ay napatayo ako.
Pansamantala pero anim na buwan ang kalahating taon. Akala ko ay isang linggo lang.
"Mang Arman hindi niyo po ako lubusang kilala at lalaki ako, babae po ang anak ninyo. Hindi po ba kayo nag-aalala." Subok paliwanag ko dahil baka maliwanagan si Mang Arman.
"Sa ating dalawa ako ang mas nakakaalam d'yan, Zach pero may tiwala ako sa'yo. Alam kong magiging ligtas ang anak ko dito." Seryosong saad nito.
Siguro ganun na lang ka-laki ang kinahaharap o suliranin nito ngayon at sumugal ito na iwan ang anak niya sa 'kin.
"P-pero po Mang Arman." Nauutal kong anas. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Mang Arman. Napakahirap ng pabor na hinihingi nito sa akin.
I didn't imagine myself loving with a stranger woman. Lalo na sa mga panahon na ito.
"Naiintindihan ko, Zach, kung hindi ka papayag ay ayos lang naman iyon sa akin. Sumugal at sumubok lang naman ako sa pangako mong walang kasiguraduhan noon. Alam kong matagal na rin iyong pagtulong ko sa'yo. Hindi naman ako humihingi ng kapalit 'non sumubok lang ako sa pagkakataong ito." Sa tono ng boses ni Mang Arman ay parang kinukonsensya niya ako.
Oo nga naman, noong panahon na wala na akong pag-asa ay dumating ito at buong puso akong tinulungan nito. Kung iisipin ko pa ay kinuntra nito ang sariling tribu para lang makatakas ako doon sa lugar nila. Kagaya ni Mang Arman ngayon, sumubok lang din ako nang sinabi nito na itatakas niya ako kahit na walang assurance. Kaya alam ko ang sitwasyon ng ni Mang Arman ngayon. Sumubok lang din ito sa pangakong binitawan ko noon.
"Tara na, anak." Mahinang saad ni Mang Arman at tumayo kasama ang anak saka binitbit ang bayong na dala.
Mapapikit ako. Pumunta pa ito sa penthouse ko, bumyahe ito sa mahabang oras para sa pangakong walang kasiguraduhan. Nawala ang pagka-Man with his words ko nito.
Bago pa mabuksan ni Mang Arman ang pintuan ay pinigilan na ko ito. 'Anim na buwan lang naman and time flies fast naman. Maybe I can endure this.' I comforted himself.
"Anim buwan lang po, 'di ba? Papayag na po ako."
Ang kaninang matamlay na mata ni Mang Arman ay biglang nabuhayan.
"Talaga, Zach." Tumango ako dito. Bumaling ito sa anak. "Tingnan mo na, anak, ang bait niya, 'di ba."
"In one condition, Mang Arman." Pahabol ko.
---
Kanina pa nakaalis si Mang Arman pero itong anak niya hindi man lang nagsasalita. Magkaharap kami nito ngayon at nakayuko naman ito. Nahihiya pa talaga ito, eh, mata lang naman halos ang makikita sa kanya.
"Hey! Eyes up here." Kuha ko sa atensyon ni Mira. Pero wala itong ginawa kung hindi ang i-yuko ang ulo.
Naiinis na ako. Akala siguro ng babaeng ito ay gusto ko ito dito sa pamamahay ko. Kung pwede lang na ibalibag ko ito sa labas ay matagal ko na itong ginawa.
"C'mon woman, are you deaf or what!??" I asked, she is making my blood boils. It's infuriating, it feels like I really want to throw this woman out of my penthouse. At this moment, I'm still on the process— stage of moving on... moving on from my fucking girlfriend who runaway with other man.
Fuck!
"Shit! How can we understand each other if you are deaf?! I don't even know a single sign language." Problemadong sambit ko.
"H-hindi kita nauunawaan, ginoo." Mahinang untag nito na nagpagitla sa tenga ko.
Jesus! Nagsasalita naman pala ito, 'bat ngayon lang ito nagsasalita? Tangina kanina pa ako nagsasalita rito 'di man lang nagreklamo.
"Damn, nagsasalita ka naman pala! Akala ko kasi ay may problemasa'yo!" I said sarcastically.
"Oo, ginoo marunong akong magsalita! Hindi lang kita maintindihan." Galit na bwelta nito sa akin.
Umawang ang labi ko. Ang lakas ng loob!
Pero parang pamilyar sa akin ang tono ng boses niya. Parang may tumawag na sa akin ng ganoon dati kaso hindi ko lang maalala kung saan o kailan. O baka ay guni.-guni ko lang din ito.
Tumayo ako. Ito pa ang may ganang magalit sa akin ngayon. Walang hiyang taga-bundok!
"Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita, babae." Mataman ngunit nanggigigil ko nang saad.
"'Yan ang hinding-hindi makakalimutan, ginoo." Ismid nito.
Kung makapagsalita naman ito ay parang pagmamay-ari din nito ang bahay ko.
"Hoy, babae ka, akala mo ba gusto kong nandirito ka! P'wes, para malaman mo. Ayaw kita rito sa pamamahay ko, kung 'di lang dahil sa tatay mo ay malamang sa kalye ka na ngayon pupulutin!"
Marahas itong tumayo na kinagulat ko rin.
A-abay ang lakas talaga ng loob!
"P'wes kung ayaw mo sa 'kin, ayaw ko rin sa'yo. Nalinlang mo ang ama ko na mabait ka. Pero mukhang marami kang mukha. Mapagkunwari ka! Walang babaeng nanaisin na makasama ka!" Sigaw nito sa aking pagmumukha.
Napaatras ako sa huling sinabi nito. Para akong binato nito at sumapol iyon deretso sa aking mukha. Hindi ko matukoy kung ano, pero nasaktan ako sa sinabi nito.
How dare she say that to straight to my face?
"You don't know me, you, witch!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top