EIGHTEEN
Chapter Eighteen
Mira's POV
"Anong binilin ko sa'yo bago ako umalis dito, Mira? Tanda mo pa ba ang mga iyon?" Mahinahon niyang tanong pero batid kong nagtitimpi na siya sa akin.
Nakita ko rin kung gaano kahigpit ang pagkakuyom niya sa kanyang palad.
Tumango ako bilang sagot sa kanya.
"Nasaan na ang boses mo kanina. Ang ayos mong makipag-usap kay Oliver tapos ngayon sa 'kin ganyan ka na?" Ayaw kong umasa pero parang tunog na nagseselos si Zach. Pero, bakit naman siya magseselos?
"T–tanda ko pa, Zach." Nauutal na sagot ko.
"Tanda mo? Pero, ano itong naabutan ko ngayon, Mira!" Napapikit ako dahil sa biglang paglakas ng boses niya.
"Z-zach, kaibigan mo naman si Oliver h-hindi naman siya ibang tao at mabait naman siya. G-gusto niya akong maging kaibigan niya, Zach." Dahil sa kabog ng dibdib ko ay nauutal na pa rin ako.
Gusto ko rin naman siyang sigawan pero hindi ko magawa-gawa iyon. Noon na wala pa akong nararamdaman sa kanya ay nakakaya kong sigawan at sagut-sagutin siya pero ngayon parang 'di ko na kaya. Ayaw kong mag-away pa kami at wala na namang pansinan. Naninikip ang dibdib kapag ganon.
Nahimigan kong may pinagsasabi siya pero 'di ko iyon naririnig ng maayos at umiigting ang panga niya sa galit.
"Bumalik lang ako rito para sabihin na hindi ako uuwi ngayong gabi dahil may kailang akong asikasuhin. Pero tang*na, Mira, 'yon ang aabutan ko. Kung hindi siguro ako dumating ay sumama ka na kay Oliver." Buong pag-uusap namin ay nakatutok lang ako sa kanya pero siya nakayuko lang at nakatungkod ang kamay sa tuhod niya.
"Kung sasama man ako kay Oliver, Zach dito pa din naman ako uuwi dahil ito ang bahay ko at ikaw ang uuwian ko." Inosenteng saad.
"You're really a naive, woman." Tumigil siya saglit. "Do you really think pumunta lang dito si Oliver para makipagkaibigan sa'yo?"
"Oo, Zach, dahil iyon ang sabi niya." Sagot ko sa kanya.
"Hindi ko alam kong magpapasalamat ba ako o hindi na napakainosente mo, Mira." Pagkasabi niya no'n ay tumingin siya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit pero ito na naman na parang siya lang ang nakikita ko at parang kung may ano sa tiyan ko na gustong kumawala. Nagwawala sila sa loob ng t'yan ko. Tila mga insektong gustong lumabas.
"Zach."
"Aalis ako at ikaw lang ang maiiwan dito mag-isa. Aasahan kong hindi ka na magpapapasasok ng tao rito, Mira, kaibigan ko man o hindi. Malinaw ba?"
"A-ah... eh..oo... malinaw." Putol-putol na saad ko sa kanya.
"Aasahan ko 'yan." Tumayo siya at aalis na sana pero mabilis kong hinuli ang kamay niya.
"H-hindi ka na g-galit?"
Tiningnan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang kamay. Napalunok ako. Pero mas hinigpitan ko pa lalo ang kapit ko roon.
"I'm not angry at you. I'm angry at myself. Oliver was right—you were never mine in the first place. But why did I act like I owned you? Sige na aalis na ako."
Siya na mismo ang nagtanggal sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Para akong nanghina, wala akong maintindihan sa sinabi niya maliban sa aalis na siya. Galit ba talaga siya dahil doon?
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman kong parang may dumagan doon na kung ano pero bumigat iyon. Hanggang sa makaalis si Zach ay hindi ako gumalaw dito sa kinauupuan ko.
****
"Dapat hindi ka na bumalik dito anak." Napaiyak ako sa nasasaksihan ko.
Duguan ang ama ko at tinutugis siya ng mga kawal ni Tonio. Umalis ako sa pamamahay ni Zach dahil hindi na umuwi si Zach sa bahay, hindi na niya ako binalikan pa simula noong umalis siya. Kaya wala akong nagawa kundi ang umalis sa pamamahay niya. Masakit sa 'kin ang pag-alis ko sa bahay niya. Hindi ko man lang siya nakita sa isang pang pagkakataon.
Tapos ito pa ang madadatnan ko rito sa kagubatan pauwi sa nayon. Bakit ganito ang kapalaran ko? Bakit ang lupit ng panginoon sa 'kin?
"A-ama."
"Umalis ka na, Mira... anak umalis ka na h'wag mong sayangin ang sakripisyo ko sa'yo. Bumalik ka na kay Zach, mas magiging ligtas ka roon."
Ilang beses akong umiling sa ama ko bilang pag 'di sang-ayon sa sinabi niya. Hinawakan ko siya at inakay ko si ama sa braso ko. Wala akong pakialam kong maging duguan man ako.
"Hindi... hinding-hindi kita iiwan, ama. Ikaw lang ang taong hindi tumalikod sa akin, ikaw lang ang taong hindi ako iiwan. Si Ina ay iniwan ako... si Z-zach na m-mahal ko iniwan din ako." Mabilis na kumawala ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman. "Ikaw... ama, ikaw lang ang taong alam kong hinding-hindi ako iiwan, di ba? Mabubuhay ka pa 'di ba?"
Gamit ang isang kamay ko ay tinanggal ko ang tela na nakatakip sa mukha ko. Wala nang silbi ito sa 'kin.
"B-bakit mo tinanggal, a-anak?" Nahihirapang tanong ni ama at may dugong lumabas sa bibig niya. Mas lalo akong umiyak dahil kung hindi sa 'kin hindi ito mangyayari. Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito. Dahil ako ang naging bunga ng kasalanan ng ama at ina ko.
"Wala nang silbi sa akin ang tela na iyan, ama, kung ganito man lang din ang mangyayari sa'yo. Bakit ganito? Handa akong magpabitay sa kanila, ama, dahil ako naman talaga ang dahilan ng lahat ng ito di ba?"
Naramdaman ko ang panghihina ni ama sa braso ko. Mabagal ang paghinga niya. Alam ko, ano mang oras ay mawawala na siya.
"A-anak, k-kailaman man hindi pagkakamali ang tingin ko sa'yo. I-ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko. M-mahal na mahal kita, anak. K-kaya bumalik ka na kay Z-zach dahil alam ko na kung nandun ka sa kanya... m-mamamatay akong matiwasay. S-sige na, anak, umalis ka na bago ka pa nila maabutan dito." Pagkatapos iyong bigkasin ni ama sabay naman no'n ang pagpikit niya at pagkawala ng buhay niya.
"Ama!!!"
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan dahil sa masamang panaginip. Tumingin ako sa paligid, nandito pa rin pala ako sa kinauupuan ko kanina at nakatulog. Nararamdaman kong basa ang telang nakatakip sa mukha ko. Tumingin ako sa paligid wala naman si Zach, kaya tinanggal ko ang tela na nakatabing sa mukha ko at saka pinunasan ang mga luha.
Bakit parang totoo ang mga iyon? Ang ama ko, bakit ako nanaginip ng ganon? Naalala ko na sa aking panaginip na hindi ako binalikan ni Zach dito kaya ako umalis. Kumabog ang dibdib ko sa kaisipang hindi na babalik si Zach dito sa bahay.
'Panaginip lang iyon at hindi iyon mangyayari.' Pagkukumbinsi ko sa sarili. Alam ko babalik pa si Zach at ligtas ang ama ko.
Wala sa sarili akong bumaba sa upuan at lumuhod para mag-usal ng dasal para sa kaligtasan ng ama ko. Sinali ko na rin na sana umuwi si Zach.
Zach's POV
Habang nasa kaligatnaan ako sa pagtatanaw ng blueprint sa aking harapan, hindi ako mapakali. Laging sumasagi sa isip ko ang mata ni Mira... iyong malungkot niyang mata sa pag-alis ko. Hindi naman talaga ako galit sa kanya galit lang ako sa sarili ko dahil sa inakto ko. Ewan ko, no'ng nakita ko roon si Oliver at kausap siya, wala akong ibang maisip kundi paalisin ang kaibigan ko. Ayaw kong maging malapit silang dalawa. Dahil sa tingin ko ay kahit anong oras ay mawawala sa 'kin si Mira.
Why do feel threatened because of my friend?
Syempre, gusto ng g*go kong kaibigan si Mira at minsan lang magseryoso ang isang iyon. Alam kong hindi niya biro-biro iyon.
Sinabi niya pa kay Mira na makikipagkaibigan siya. Tsk... kaibigan, my ass!
"Engineer Reyes!" Tawag ko sa kapwa engineer sa resort na ito.
"Yes, engineer."
"Aalis ako uuwi lang ako."
Tumawa siya. "Alam mo engineer para ka nang may asawa at anak. Hindi na kita masyadong nakikita rito sa site at kung pumunta ka man ay aalis agad. Ano may binabahay ka na?" He teased me.
Tang*na pati ba naman ito.
"Hindi ko alam na tsismoso ka pala, engineer." anang ko.
"Hahahahaha, sige na umalis ka na loverboy." Pagtataboy niya pero bago pa ako makaalis ay pinakitaan ko siya sa gitnang daliri ko, mas lalo pang tumawa ang g*go.
Ilang oras akong nasa byahe bago nakarating sa building kung saan ang penthouse ko. Ginabi na rin ako. Pagkarating ko sa floor kung saan ang penthouse ko, malalaki ang hakbang ko at pagkadating ko ay walang alinlangan kong binuksan ang pintuan.
Pero bago pa ako makarating sa sala, napako ang paa ko sa sahig. Natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sa nakita ko. Nakita ko si Mira na nakaluhod at nakapikit ang mata niya pero ang balabal sa mukha niya ay wala na.
Lumaki ang mata ko alam kong bawal makita ang mukha niya pero heto ako at tinititigan siya. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Siguro kaya niya tinanggal ang balabal niya dahil sinabi ko kanina na hindi ako uuwi ngayon. Pero heto ako at umuwi.
Para akong senemento sa aking kinatatayuan. Iba ang inaasahan ko sa hitsura ni Mira, hindi dapat ganito. Ilang beses ko ng naiisip ang mukha niya pero hindi ganito. Ang nasa isip ko na mukha niya ay maitim siya at sarat ang ilong. Ngunit ito siya at parang ipinapamukha niya sa 'kin na nagkamali ako. Ang mukha niya ay sobrang puti, matangos ang maliit na ilong, mahulma ang kilay, manipis ang kulay rosas niyang labi at kita ko kahit dito sa kinatatayuan ko ang mahaba niyang pilik-mata. Ang buhok niyang maitim ay bagsak na bagsak.
Bago pa si Mira makamulat ay nagkukumahug na akong umalis sa penthouse ko. Napapikit ako habang nasa loob ako ng elevator. Why does she have such a beautiful and captivating face? It's almost a sin to behold a face like that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top