EIGHT

Chapter Eight

Zach's POV

I don't know what's happening to me pero nung tinawag ako ni Mira sa pangalan ko ay parang nagslow-motion ang buong paligid ko. She just said my name, and then that happened. It's not normal anymore kagabi lang ay niisip ko ang  tawa niya at ang mga careless at ignorant action niya, the way she argue with me, pati boses niya ay naririnig ko pa. It gives me quivers.

Nagulat pa ako nang hawakan niya ang braso ko kanina at nakangiti pa ako na pinaghanda niya ako kahit noodles iyon.  Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko sa sink ang pinagkainan ko. One thing that I've noticed from her is that she's a docile and resilient.

May pagka-mabait din naman pala ang tagabundok na iyon.

Papunta akong kwarto at syempre madadaanan ko ang salas ng penthouse nang makita ko si Mira na nakatutok sa TV. Huwag njyang isipin na gaagwan niya ng masama ang TV ko? Walang kurap-kurap siyang nakatingin doon. Tiningnan ko kung ano ang palabas but it's a forest. I can't help it but to stare at her she's crying. What's wrong with her? Even though I can not see her face. I know she's really crying from the moist in her eyes.

"Magbibihis lang ako maghanda ka na rin dahil aalis na tayo."  Tawag ko sa kanya. Mabilis niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng telang nakatakip sa mukha niya at alam kong pinahid niya ang luha niya doon.

Nagkasagutan pa kami dahil nag-english ako. Nakakalimutan ko kasi minsan na hindi pala ito nakaka-intindi no'n ang aking kausap, kaya napapa-english ako. Nasasanay ako na laging masungit at matapang si Mira sa aking harapan kaya nung nakita ko siyang umiiyak ay parang may kung anong nagpabigat sa dibdib ko.

Watching her eyes sad, it makes me wanna go to her and hug her. The fu*k.

I scowled at her as I changed my pace to my room.

I started to rummage my closet to look for clothes to wear. I decided to wear a plain black t-shirt shirt partnered with faded, rugged jeans and leather boots. I also bring a jacket with me. Inayos ko rin ang aking buhok bago tumungo sa labas

Pagdating ko sa salas ay nakita ko siyang ganon pa rin ang suot niya. I rolled my eyes.

"Hey!"

"Uhh, alis na tayo?" Mabilis siyang tumayo, parang excited na excited pa.

"Yeah, aalis na at sabi kong magbihis ka, 'di ba?" I said as I looked at her from head to her toe. "Bat 'di ka pa nagbibihis?" Ani ko at tumingin sa kanyang mukhang 'di nakikita.

Duda ko, pangit talaga itong babaeng ito. Kasi bakit tinatakpan niya ang kanyang mukha? Saka iyong sinasabi niyang magiging reyna siya, tsk! Anong akala niya sa akin? Bata na naniniwala sa fairytale? Kaya walang duda, I'm sure she's ugly. Period!

"May mali ba sa suot ko? Saka ito naman talaga ang isusuot ko. Maaga kaya akong nagising kanina dahil sabi mo aalis tayo tapos ikaw ang tagal mong nagising."

Kinonsensya pa ako tang*na. Kasalanan ko bang matagal ako magising at maaga siyang nagigising kaysa sa akin? Hindi ko na kasalanan na naghintay siya nang matagal. Kaso naisip ko, wala naman akong kinlaro na oras sa kanya, ang sinabi ko lang ay lalabas kami ngayong umaga. Tssk, bahala nga siya. Pero nakokonsensya pa rin talaga ako.

"Hmm, I'm sorry!"

"Humihingi ka ba ng tawad?" Nakangising saad niya. It gives me chills.

Umiling ako. "Sabi ko, tara na!" I dismissed.

Nauna na akong maglakad sa kanya palabas. Damn, she's the first person who makes me apologized involuntarily. It's not really good, dammit. This is not me.

Pagkarating namin sa baba ay pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Ngunit nang tiningnan ko sila ng maayos hindi pala sila nakatingin sa 'kin kung di sa babaeng nasa likod ko.

Tumigil ako sa paglalakad at bumaling kay Mira na nakayuko at naglalakad patungo sa 'kin. Napatigil siya nang humarang ako sa harap niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Look at your way when your walking, babae." Pangngangaral ko sa kanya.

"H–huh?"

Dammit, hindi pala nito naintindihan ang sinasabi ko.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo." Ulit ko in Tagalog.

"K–kasi naman ang mga tao tinitingnan nila ako na para bang isa akong nakakadiring tao, naiilang ako." Yumuko sa Mira at pinagtatagpo-tagpo ang daliri niya. Bata talaga. Ignorante. Masungit pa.

"Hindi mo sila masisi maski ako nung una kitang nakita, di'ba? Kaya huwag mo na lang silang pansinin."

"Nakakailang lang kasi ang tingin nila."

Bumuntonghininga ako at masamang tumingin sa mga taong nakatutok kay Mira.



Mira's POV

Hindi ko alam na ganito pala ang mga tao dito sa syudad masyadong mapanghusga. Hindi ko rin naman gusto na ganito ako, gusto ko din namang maging normal na tulad nila, na walang sinusunod na alituntunin na kagaya sa 'min. Mahirap din sa akin na maging kakaiba sa nakakarami.

Pakiramdam ko ang bababa kong tao. Ayaw ko mang magpa-apekto at gustuhin ko mang h'wag pansinin ang mga titig ng mga tao sa akin gaya ng sabi ni Zach kaso naapektuhan pa rin ako. Masakit sa 'kin ito na iba ako sa kanila.

"Tara na, h'wag mo ng dibdibin sila, ang importante wala kang naapakang tao, understand?" Hinawakan ni Zach ang panga-han ko at inangat para magtagpo ang mga tingin namin. Hindi ko man naintindihan ang huling sinabi niya pero tumango na rin ako. Gusto ko mang magreklamo sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko, baka kasi mapurunada pa itong lakad namin. Tuwang-tuwa pa naman ako kanina kung hindi lang sa mga taong nakita ko rito sa baba ng tinitirhan Zach.

Pagdating namin sa labas ay may lalaking lumapit kay Zach at may binigay na kung ano sa lalaki at nakita kong tumango si Zach sa taong nakaunipormeng puti. Lumapit ako sa kanya .

"Saan tayo?"



Zach's POV

"Saan tayo?"

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa init ng araw at saka bumaling kay Mira. 'Di ko man nakikita ang mukha niya pero alam kong excited siya. Nararamdaman ko.

"Groceries lang. Wala na kasi akong pagkain, dumagdag ka pa sa papalamunin ko." I joked.

"Hmm, kung ayaw mong pakainin ako ay ayos lang sa 'kin, Zach. Maghahanap ako ng makakain ko rito." Pagmamalaki niya, akala niya siguro nasa gubat siya. Kung makapagsalita pa siya ay akala niya naman bundok itong kinatatayuan niya. Akala niya ba pupulutin lang ang pagkain dito? Tsk!

I smiled.

I think she's okay now, nagawa na niya akong sagut-sagutin, eh. Ewan ko, pero nang nakita kong malungkot siya kanina at nawala ang confidence niya dahil sa mga taong tumitingin sa kanya, nalungkot din ako. It makes me wanna coo her and say comforting words to her to ease her sadness. And I just realized na nababaliw na rin ako sa mga lumalabas na salita sa bibig at sa ma senaryong naglalaro sa utak ko. This is not really me, damn!

"At saka, g–groceries, ano 'yan?" Takang tanong niya mayamaya.

Really we're having this kind of conversation under the scorching rays of the sun.

I let out a deep sigh. "Bibili tayo ng pagkain... makakain, okay na? Pwede na ba tayong pumasok sa sasakyan?" Gusot ang mukha kong wika dahil sa init ng araw.

Hindi na siya nagsalita kaya pumasok na ako sa sasakyan. Fu*k, ang init! Hinintay ko siyang pumasok sa loob ng aking kotse. Kaso  nakita kong nakatayo pa rin ang babae sa labas.

Damn! Nakalimutan ko na naman posibleng 'di rin niya alam kung paano ito buksan. Lumabas na naman ako sa aking sasakyan. Nawawalan na akong gana na lumabas, parang gusto ko nang umakyat sa penthouse at matulog.

Binuksan ko ang pintuan ng shotgun seat. "Pasok." I commanded her.

"Ayaw." Diretsong sagot niya at napakunot noo naman ako lalo. Pagtatalunan pa ba namin ito? "'Di ba sa taong naka-unipormeng puti iyang sasakyan na 'yan? Bakit ka pumasok d'yan?"

Damn she's talking about the valet lately.

"Damn, this is my car." I said but I suddenly halted when I realized I'm talking in english and I'm talking to this brat from mountain province. "Akin ang sasakyang ito, babae, kaya kung gusto mong makaalis na tayo at ayaw mong bumalik tayo sa taas, pumasok ka na." Malapit na talagang maubos ang pasensya ko rito.

Tahimik siyang  pumasok sa sasakyan at parang napipilitan pa ang babae. Tangina!

"Seat–" 'di ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil alam ko namang hindi niya rin iyon maiintindihan.

Kaya ang ginawa ko; walang imik akong dumukwang sa kanya upang makabit ang kanyang seatbelt. Naestatwa ito sa kanyang kinauupuan. Nararamdaman ko ring hindi siya humihinga dahil sa biglaang galaw ko.

Dumistansya ako sa kanya matapos ikabit ang seatbelt.

"H–h'wag mo nang gagawin iyon." Nauutal na saad niya.

Tumaas ang kilay ko.

"Bakit bawal din bang lumapit ang mga lalaki sayo?"

"H–hindi naman."

"Yun naman pala 'e,di naman pala bawal. Anong iniarte mo?"

"Hindi ako nag-iinarte di lang ako sanay na may lalaki na lumalapit sakin." She reason out.

"Tssk, masanay ka na dahil lalapit talaga ako sayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top