HSLP#10

Madilim sa gubat na ito kahit yata sobrang liwanag na ng buong mundo ang parteng ito lamang ang hindi masisinagan ng liwanag ng araw, sa lugar na ito nakatirik ang kaharian ng Dismal.

Maingay ang buong lugar na nagmumula sa mga pinupukpok na mga espada at iba pang ginagawang mga armas sa paligid ng lugar, maingay din ang mga mangangalakal na nasa paligid na tumatawag ng mga mamimili.

Blanko ang mukhang lumitaw si Grey sa sentro ng kalakalan ng Dismal halos lahat ng tao ay nagulat na makita ang isa sa pinakapinagkakatiwalaang heneral ng hari.

Isang tingin lang ng malalamig na mata ng binata ay nagbigay daan agad sila sa kanya. Taas noo siyang nag lakad patungo sa isang bahay aliwan na nasa bayan upang puntahan ang isa pa sa pinagkakatiwalaang heneral ng hari, si Thunder.

Pagkapasok niya sa loob ng bahay aliwan ay ang amoy ng alak at opium ang bumungad sa pangamoy ng binata, hindi niya pinansin ang mga babaeng tinatanong siya ng kung ano ano at nalakad sa pasilyo papunta sa kinaroroonan ng kaibigan.

"Thunder."

Pagtawag niya sa lalaking may tigdadalawang babae na naka hilig sa ilalim ng balikat niya. Tumingin sa kanya si Thunder.

"Grey, andito ka pala. Halika nga dito masyado mong pinapagod ang sarili mo."

Tss... tong taong toh talaga laging pambabae at pagsasaya ang inaatupag pero kahit naman ganyan lagi ang inaatupag ni Thunder ay magaling pa rin naman itong makipaglaban ano pa't naging isa siya mga heneral ng hari.

"Hindi ako nagpunta dito para magsaya, kundi para sabihin sayo na maghanda."

"Maghanda?! Eh wala ngang kalaban laban ang mga magagaling DAW na kawal ng limang kaharian eh!"

Puno ng pagmamataas na sabi ni Thunder sabay inom ng alak mula sa kopita.

"Nandito na ang mga prinsesa kasama si Vandelle at napatay din ni prinsesa Mahika si Hole."

Parang nabulunan bigla si Thunder ng marinig ang balita. Si Hole pinatay? Imposible! Isa si Hole sa pinaka brutal at magaling sa pakikipaglaban sa kanilang lahat! At mula pa noon ay kasama na si Hole sa pakikipaglaban ng kaharian ng Dismal sa limang kaharian! Kaya napaka imposible nito!Tumayo si Thunder mula sa pagkakaupo.

"Tara na, parang mas masisiyahan pa ako sa pakikipaglaban kesa dito."

Sabi nito at sabay silang umalis sa gusali.

~~~~

Punit ang mga laylayan ng gown ng mga babaeng nakasakay sa likod ng mga alaga nila. Handa nang lumaban sika Mahika sa mga damuhong nanira ng gabi nila.

"I will really batok that panet na nag poop sa beautiful kong party!"

"Oo na."

Bored na tugon ni Mahika sa parereklamo ng kaibigan niya. Nasa kagubatan sila papunta sa kaharian ng Dismal Phoenix, kailangan na nilang matapos ang kaguluhan na dulot at maidudulot pa ng kahariang ito. Hindi naman natural na masama ang Dismal noon ngunit ng maupo na sa trono ang nagiisang anak noon ng hari na si Eris ginusto na niyang sakupin ang iba pang kaharian para sa kapangyarihan kaya magmula noon ay naging kalaban na ang turing ng anim na iba pang kaharian sa Dismal.

"Kakauwi pa nga lang natin laban na agad?! Aba! Hindi siguro sila makapaghintay na matalo natin sila."

Mapagmataas na sabi ni Rosen, matagal tagal na rin mula ng masangkot sila sa ganitong labanan. Pasalamat na rin silang lima dahil mas mabuti pa yatang nasa laban sila kaysa mananatili sa lugar na pinanggalingan nila at maki pagplastikan sa mga bisita nila.

Nang makarating sila sa parte ng gubat malapit sa kaharian ng Dismal ay sinimulan na nilang lima na maglakad.

"In fairness hindi mabaho."

Komento ni Garnet sa masangsang na amoy ng Dismal.

"Kasing baho ng mga nakatira."

Biro ni Zephyra. Ikinumpas niya ang kamay at sa isang iglap ay nabago ang amoy na nasa hangin. Itinapat naman ni Rosen ang kamay niya sa lupa at lahat ng nadaanan nila ay tinutubuan ng berdeng damo ang lupa at ang mga puno ay muling nabuhay.

"Thats more I like it."

Nagpatuloy ang paglalakad nila at ng matanaw na nila ang abalang lungsod ng kaharian isa lang ang nasa isip nila.

They will be seeing a pool of blood tonight.

~~~~

Naiinis na tinanggal ni Vandelle ang suit niya. Nabalitaan niya kasing sumugod ang mga prinsesa sa kaharian ng Dismal ng walang kaplano plano, lagi nalang silang ganyan! Parang mga batang hindi marunong mag-isip.

"Anak."

Narinig niya ang kanyang ama kaya lumingon siya sa kinaroroonan nito. Nakita niyang hawak na ng kanyang ama ang sandata niya.

"Huwag kanang mainis diyan at puntahan mo na sila lalo na si Mahika."

Alam niya. Walang ibang lumabas mula sa bibig ni Vandelle at agad na inagaw sa kanyang ama ang sandatang hawak nito.

"Susunod kami."

Huling bilin nito bago tuluyang umalis si Vandelle sa punong bulwagan ng kaharian, dumiretso siya sa kagubatan.

"Serdon!"

Tawag niya sa bakal na kabayong siya mismo ang gumawa. Sumamapa siya sa likuran nito at tsaka ito inutusang pumunta sa Dismal.

Hindi kalayuan sa kaharian ni Van na tinatawag na Armament ang kaharian ng Dismal dahil pareho nilang inuukopa ang kaparehong kalupaan ngunit hindi madaling madaig ang Armament dahil sa isang sumpa, sumpang hindi mawawala hangga't hindi namamatay si Vandelle.

Inilahad niya ang kanyang kamay malapit sa kanyang mukha at naglabas ng itim na lagablab.

"Hanapin mo si Mahika at ang iba pang prinsesa. Protektahan mo sila abot sa makakaya mo."

Bulong nito at ang itim na lagablab ay lumutang paalis at nagpunta sa kung saan hinahanap si Mahika. Si Vandelle naman ay hinugot ang kanyang itim na espada may ibunulong siya rito gamit ang kakaibang lengwahe at nawala ito mula sa kanyang kamay.

"Madali Serdon!" Utos niya sa kanyang sinasakyan.

"Subukan lang nilang hawakan kahit ang kahulihulihang hibla ng buhok ni Ae sisiguraduhin kong higit pa sa gutay gutay ang gagawin ko sa kanila."

Tiim ang bagang pagbabanta nito sa makakalaban niya. At totohanin niya ito ng walang awa't pagdadalawang isip. Nanag maamoy na ni Vandelle ang masangsang amoy na nakadikit na yata sa hangin at makita ang madilim na langit ay alam niyang malapit na siya sa impyernong mapupuno ng dugo mayamaya lang.

~~~~

Ang tunog ng mga naggigit gitang mga sandata at sigaw ng mga nagkakagulong mamimili sa siyudad ng Dismal ang iilan sa mga tunog na maririnig. Nagsimula na ang mainit na labanan ng mga prinsesa laban sa mga heneral ng Dismal Phoenix.

Kanya kanyang may kinakalaban ang bawat isa. Nilisan na ng mga manganga lakal at mamimili ang plaza at iniwan bilang isang lugar ng labanan para sa apat na natitirang heneral ng Dismal at sa limang prinsesa.

Mabilis ang bawat kilos at malalakas ang bawat atake at naglalagablab ang tingin nila sa isa't isa tuloy ay napapangiti na lamang ang hari ng Dismal na nakatingin mula sa kanyang balkonahe.

"Kahanga hanga." Pabulong niyang sambit habang nangingiting nakatanaw sa labanan gamit ang isang teleskopyo.

"Yan lang ba ang kaya mo?"

Malamig na tanong ni Mahika sa kalaban. Ang pang-apat na heneral na si Leo.

Umismid ang lalake bago mabilis na sinipa ang tagiliran ni Mahika.

"Nagpipigil lang ako prinsesa baka kasi magsumbong ka sa ama mong hari para tapusin ako eh."

Mapangkutya nitong sabi. Naiinis na pinaulanan siya ng sipa at wasiwas ng espada na hinahabol kung saan man si Leo pumunta. Hindi naman nabigo si Mahika dahil natamaan niya ang tiyan nito.

Isang daing naman ang lumabas mula sa bibig na lalake.

"Magbabayad ka! Tatapusin kita!"

Sigaw nito.

"Kung kaya mo."

Patakbong sinugod siya ni Leo ngunit laking gulat ni Mahika ng maging abo ito bigla.

"Ae."

"Vandelle"


**********************************************************************************

Thank you for Reading.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top