HLSP#7
Third person POV
Nang makalabas sila sa kabilang bahagi ng portal narating na nila ang gubat ng kaharian ni Kairin.
Estuary Hydra Kingdom
"Its good to be home."
Sambit ni Kairin at naglakad na paalis ng gubat. Ang lupang kinatitirikan ng kaharian ng mga kumokontrol sa elemento ng tubig ay nasa ilalim ng pinakamalaking karagatan sa mundo nila.
Pagkapasok nila ay halos lahat ng mga nakakasalubong nila ay nagugulat at napapayuko bilang pagbigay galang sa mga susunod na mga hari at reyna.
Agad dumiretso ang grupo nila Cattleya sa silid ng mga armas kung saan nakatago ang dati nilang mga kasuotang pandigma.
Habang abala sa pagsuot ng kanilang mga kasuotan ay dumating ang ama't ina ni Kairin.
"Anak!"
Napalingon ang dalaga sa kinarorounan ng kanyang mga magulang na hindi talaga maitatago ang saya sa kanilang mga mata. Inilapag niya ang kanyang kasuotang pandigma na pinaghalong kulay pilak at bughaw. Isang mainit na yakap ang iginawad niya sa mga magulang at ganun din naman ang mga ito.
"Namiss ko ang prinsesa ko."
May halong kasiyahan ang tono ng pananalita ng ina ni Kairin, si Reyna Arianna. Nang matapos ang yakapan ng pamilya ay agad na nakakitaan ng kuryusidad ang Hari Kaison.
"Bakit kayo napabalik agad natuklasan na ba ni Van ang...."
"Hindi pa po ama."
Agad na tugon ni Kairin bago pa matapos ng kanyang ama ang sikreto ni Cattleya. Sa mundong ginagalawan nila hindi kilala si Kairin sa pangalan nito dahil dito sa mundong ito kilala siya bilang ang pinakamagaling at malakas na taga kontrol at taga pangalaga ng katubigan na si
Aisla Kairin Thalassa.
Habang naguusap ang pamilya ay natapos na rin sa paghahanda ang iba pa.
"Mawalang galang na po kamahalan ngunit nais po namin malaman ang nangyari dito."
Pagtatanong ni Van sa hari at reyna, dahil sa pagtatanong ng binata ay hindi magawang hindi ipakita ang takot at pagkabahala sa mata ng reyna.
"Ang Dismal ay nagbalik na mula sa pagkakalugmok ay muli na silang nakabangon at naghahasik na naman sila ng kasamaan sa kahit saang kaharian."
Pagkukuwekto ng hari sa kanila.
"Sa kasalukuyan ay nasasakop na nila ang iba pang sakop ng Aero, Terra Firma at ng... Estuary."
Hindi mapigilang mapamura silang anim habang nakikinig kay Haring Kaison. Ngayong alam na nila ang kaganapan sa mundo nila ay biglang naramdaman nila ang pagkabahala.
"Oh ano pa hinihintay natin dito? Magsiuwian na tayo ng makapag handa tayo."
Lahat sila ay nagkasundo ng umalis at umuwi matapos nilang mamaalam at magpasalmat sa Hari at Reyna ng Estuary.
"Talagang pupulbosin ko sila dahil sa ginawa nila sa Phoenix ko sisiguraduhin ko na walang bakas nila ang matitira."
Halata ang pagkaseryoso sa sinambit ni Allina at sisilay na sana ang mga ngiti sa mga labi nila dahil hindi na nila narinig ang kakonyohan niya pero sadyang maarte talaga ang babaeng to.
"I will really patay them with my so beautiful weapon."
Sabay sabay silang napadaing sa sinabi ni Alina.
"Ugh... will you shut up Alina?"
Pagmamaktol ni Charm na nagpahaba sa nguso ng dalaga. Magsasalita pa sana si Yuki nang biglang dumating ang maraming mga lalaking nakaitim na kasuotang pandigma at alam na nila kung sino ang mga ito.
"Oh look the weak underlings of Dismal f*cking Phoenix."
Saad ni Van sabay hugot sa kanyang sibat na sa magkabilang dulo ay merong malalaking talim.
"Let the the war begin."
Agad na binunot ni Cattleya ang kanyang dalawang espada na kulay pilak at ang hawakan ng mga ito ay kulay puti. Mabilis ang bawat galaw nila ng simulan na and pakikipagbakbakan.
"Haaayy... Ang boring niyo kalabanin."
Sambit ni Yuki at sa isang pitik ng kanyang mga daliri ay binawian niya ng buhay lahat ng mga kalaban nila.
"What have you done?"
Tanong ni Charm kay Yuki na ngingisi ngisi sa gilid.
"Tinanggal ko ang hangin na nasa katawan nila."
Puno ng pagmamalaking sabi niya. Napapailing nalang sila sa kahanginan ni Yuki. Sabagay siya ang prinsesa ng kaharian ng mga kumokontrol sa hangin at tinuring pa si Yuki na pinakamagaling kaya naman bagay sa kanya ang maging mahangin.
"Kailan pa ba kami masasanay sa kahanginan mo Princess Zephyra Breeze!"
"Ha ha ha!! ewan ko sa inyo!!"
Natatawa na sabi ni Yuki o Zephyra Breeze sa mundong ito.
Kinumpas niya ang kanyang mga kamay sa hangin at sa isang sandali pa ay nasa kalangitan na siya at lumilipad.
"Bye bye!!"
Pamamaalam niya at mabilis na siyang tinangay ng hangin pabalik sa kanyang tahanan. Sa kabilang banda ay si Allina naman ay tumugtog ng isang musika gamit ang kanyang plauta at ilang sandali pa at may narinig na silang pagaspas ng pakpak ng isang dragon.
"Flare!!! Aaahhh! My cutie dragon!"
Tila isang bata si Allina habang hinhintay na lumapag ang kanyang kaibigang dragon na inaalagaan na niya simula pagkabata.
"Bye guys!! I'll see you around nalang!!"
Sigaw ni Allina habang nakasakay sa likod ni Flare na lumilipad na pataas.
Si Charm naman ay hinawakan ang lupa at bumulong ng isang orasyon. Maya maya pa ay yumanig ang lupa sa di kalayuan at nakita nila ang ang isang lobo.
"Green!"
Sinalubong ni Charm ang higanteng lobong alaga niya. Sumampa siya sa mabalahibong likod nito at nagpaalam sa mga kaibigan.
"Ingat kayo sa pag-uwi."
"Mag ingat ka rin prinsesa Rosen."
Tinanguan na lamang sila ni Charm o mas kilala bilang Rosen Alexandra.
Nang mawala na sa paningin ni Cattleya at Van ang kanilang mga kaibigan ay tsaka pa sila nagdesisyong umalis.
"Paano ba yan.... Uwi na tayo."
Suhestyon ni Cattleya na sinangayunan naman ni Van.
Sa loob ng tatlong taon magkakahiwalay na naman kami.
Malungkot na sabi ni Cattleya sa isip niya. Isang awitin ang inawit ni Cattleya upang tawagin ang alaga niya na kaibigan na rin.
Matapos ang kanta ay nakita na ni Cattleya ang ang kanyang kulay puting Pegasus na tumatakbo papalapit sa kaniya.
"Aleya!"
Nakangiti na hinawakan ni Cattleya ang ulo ng kanyang Pegasus. Sumampa na si Cattleya sa likod ng kanyang pegasus. Bago umalis ay hinuli ni Van ang kanyang kamay na nagpalingon sa kanya.
"Magiingat ka mahal na prinsesa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top