HLSP#5

Cattleya's Pov

After a few more walk around the palace napagdisesyunan na naming umalis na dalawa ni Van, I cant deny I'm a bit exhausted because of our tour so I leaned my back and took a sleep.

Pakiramdam ko ay nakalutang ako at wala na sa sasakyan kaya unti unti ko iminulat ang mga mata ko and my heart skipped a beat upon seeing Van this close to me. His carrying me in a bridal style and I cant help but stare in his handsome face.

"I see that your already awake princess."

Napapitlag ako ng magsalita siya bigla at kusa ako bumaba sa mga bisig niya kahit sa kaloob looban ng puso ko ay gusto ko pa mantili sa ganoong posisyon.

"Ugh... thank goodness you jumped Ae nangangalay na din kasi ang kamay ko. Mabigat ka pala noh."

Isang malakas na sapak ang iginawad ko sa kanya how dare him say that Im heavy well in fact Im undeniably sexy. Nasa sala na kami ngayon ng bahay at dahil medyo antok na ako ay umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Bago matulog ay nilinis ko muna ang sarili ko at nahiga na sa kama.

Kinabukasan ay napansin ko na maingay sa kusina I concentrated to know who is the person behind the noises. Mula sa naririnig ko andyan na ang mayordoma namin na si Manang Lilith at iba pang kasambahay.

I took a bath and dressed up. As I descend from the stairs nakita ko si Van na may kausap na naman sa cellphone niya. Minsan natatawa nalang ako sa lalaki na ito, masyado kasi bulag at manhid kaya hindi niya alam na nasa harap na niya ang hinahanap niya.

"Morning."

He greeted at me still holding the phone seems like he made his investigator wait to just greet me. So I gave him my sweetest smile and greeted back.

Dumiretso ako sa dining area at nakita ko na nakahain na ang mga pagkain sa mesa, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na ako kumain.

"Hindi ka naman gutom sa lagay na yan."

Van appeared out of nowhere and said that while looking at my plate. Puno ng pagkain ang plato ko na parang isang taon ako hindi nakakain.

"Sorry naman gutom lang."

Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain ko, naramdaman kong nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko.

Its a message from Yuki. Saying.

From: Yuki

LEYA PUPUNTA KAMI JAN SA BAHAY MO OKAY?! NO BUTS!!!

Parang habang binabasa ko ang text niya ay parang naririnig ko na sinisigaw niya yung nilalaman ng text niya sa akin. Kahit kailan talaga tong babaeng toh.

"Who is that?"

Tanong ni Van sa akin habang sumusubo ng pancake. Inirapan ko siya, ganyan yan tinatanong ako lagi kung saan ang lakad ko, sino katext ko or kahit galaw ko dito sa bahay dapat lagi niya alam minsan para na siyang si Ama kung magbantay.

"None of your business mister."

I said not looking at him while replying to Yuki's text message.

"Ae your father told me to---"

"Take care of me and guard me at all times."

Pagtatapos ko sa sasabihin niya, whenever  I fail telling him about the things I will do he would always tell me those words that my father said before we left.

"Tell me now Ae I hate worrying about you."

"Then dont worry! Worry about your future queen. Prince Vandelle."

And with that I left the dining room and went straight to the garden. In my world I can control the flow of life, and the nature even the weather kaya hindi na nakagugulat na napakaraming bulaklak sa iba't ibang uri ang makikita sa hardin na ito na tanging ako at si Van lang ang nakakapasok.

I dumped myself into the ground as the flower in that spot moved and gave me space. I looked up at the sky, maganda ang panahon at ayoko naman na sirain ito pero gusto ko sana ilabas itong nararamdaman ko. Para akong tanga alam ko na ako ang hinahanap ni Van pero nasasaktan ako.

Yun ay dahil pakiramdam mo iba ang hinahanap niya at kahit na kailan ay hindi ikaw ang makikita  niyang prinsesa na nakalaan na sa kanya.

Siguro nga ganun na kahit kailan ay hindi ako ang magugustuhan niya kahit na kailan pagkakaibigan lang maibibigay niya sa akin. Di ko namalayan na tumutulo na ang ulan at kasabay nun ay ang pagbuhos ng ulan.

Third Person's POV

Marami ang nagtaka sa biglaang pagulan. Sabado ngayon at marami ang mga pamilya at magkakaibigan ang namamasyal at nagbobonding sa mga parke, marami ang nadismaya sa biglaang pagulan.

Ang iba ay di magkamayaw sa pagtakbo para makasilong.

"Ang sabi sa balita ay hindi uulan eh ano to? Snow?"

"Haaay ngayon na nga lang tayo uli nakapamasyal umulan pa."

"My God! Basa na ang damit ko dahil sa ulan ano ba yan nakakainis!!"

Pagrereklamo ng mga tao, pilit namang pinipigilan ng apat na dalaga ang sarili nila na hindi manapak ng tao lalo na yung mga maarte na nabasa sa ulan. Alam nila kung bakit bigla nalang umulan kahit ang ganda ng panahon kanina lang.

"Napuno na naman siya sa sakit."-Charm

"Thats okay kaysa naman ma-crazy si Leya right?"-Allina

"Nako pag nakita ko si Van sasapakin ko siya."-Yuki

"At ano ibulgar sa kanya ang sikreto ni Leya? Kapag nagkaganoon himdi nakapasa si Van malalayo sa kanya si Leya at ipapakasal sila sa iba."-Kairin

Napatahimik na lamang sila at walang pagdadalawang isip na lumusong sa ulan nang makalayo sa paningin ng mga tao ay kinontrol ni Kairin ang ulan upang hindi sila mabasa pa nito at gamit uli ang kapangyarihan niya ay inihiwalay niya ang tubig sa mga damit nila.

"Kailangan tayo ng iyakin na prinsesa kaya tara na."

Sambit ni Charm habang patuloy pa sila sa paglalakad. Bigla silang humawak sa kamay ng isat isa at sa isang kisap mata ay  nawala na sila sa lugar na kinatatayuan nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top