Chapter 8


"HALA!" Di ko napigilang mapabulalas.


Nakatanaw ako ngayon sa isang malawak na karagatan kung saan ako dinala ni Just Lander. Nasa isang isla raw kami, isang pribadong isla na pag-aari ni Just Lander, kulay puti ang lupa rito na ang tawag ay buhangin.


Bumalik ang tingin ko sa bughaw na karagatan na kasing kulay ng mga mata ni Just Lander at kakulay din ng kalangitan. Napakalawak niyon at hindi ko matantya kung mababaw lang ba o malalim. Hindi ko tuloy maimahe kung ilang basong tubig ito.


Basta ang dami-daming tubig, hindi ko kayang ubusin kahit inumin ko buong buhay ko.


Nilingon ko si Lola Peach. "Lola, pwede na ba akong pumunta ron?"


"Nakow! Eh, hintayin mo na natin si Ser para ba sabay-sabay na tayong mag-swimming." Sabay hawak nya sa strap ng aking bra. Inayos nya iyon dahil pilipit.


Nakasuot lang kasi ako ng bra at panty. Ang sabi ni lola ay two-piece daw ito. Ganito raw talaga ang isinusuot kapag nasa tabi ng karagatan.


Napansin kong maluwang ang bra ni lola kaya binuhol ko iyon sa likuran. Naka-swimsuit din kasi sya. "Lola, may tanong po ako?"


"Sige, hija, tira."


"Bakit po idinampi ni Just Lander iyong mga labi nya sa mga labi ko?"


"Ang tawag dun ay halik."


"Halik?"


Humarap sa akin si lola matapos kong higpitan ang kanyang bra sa likuran. "May iba't ibang halik, hija."


"Iba't ibang halik?"


"Merong smack kes, french kes at torrid kes."


"Ano po iyong smack kiss?"


"Mabilis iyon na halik."


"Eh, yun pong french kiss?"


"Sipsip."


"Iyon pong torrid kiss?"


"Laplap."


"Ano naman po iyong tawag doon sa halik na ginawa sa akin ni Just Lander?"


"Putragis."


Kumiling ang aking ulo. "Putragis?"


Iniangat ni lola ang suot nyang salamin sa mata na shades daw ang tawag. Mas malaki pa iyon sa kanyang mukha. "Si Ser ba talaga yung nakikita ko, hija?" Nakatingin sya sa nasa likuran ko.


Nilingon ko iyon.


Si Just Lander nga!


"Punyemas na katawan yan..." usal ni lola.


Napaawang ang mga labi ko.


Nakasuot si Just Lander ng maliit na shorts. Hapit iyon kaya bakat ang kanyang santol. May ilang mapipintog na bahagi sa katawan nya. Kabilang na roon iyong walong piraso ng parang pandesal na nasa kanyang tiyan. Kumikinang ang mga iyon lalo na't nasisikatan ng araw dahil bahagya siyang pawisan.


Tila ba kay sarap niyang pagmasdan sa ganoong itsura niya. Parang kahit pawisan siya at magulo ang buhok niya ay mabango pa rin siya.


Naalala ko tuloy ang sinabi niya, na magkasama naming hahanapin ang pagibig. Gusto ko sanang itanong sa kanya ang bagay na iyon kaya lang baka galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Hihintayin ko na lang siguro na banggitin niya ulit iyon sa susunod.


Ngumiti ako sa kanya. Ni hindi man lang gumanti ng ngiti sa akin si Just Lander. Pero ayos lang iyon, ang importante ay hindi salubong ang kilay niya ngayon.


Bumaling ulit ako kay lola Peach. "Lola, bakit po hindi naka-two-piece si Just Lander?"


"Dahil hindi naman ako babae." Si Just Lander na ang sumagot na namalayan ko na lang na nakalapit na pala sa akin.


Nang humarap ako sa kanya ay doon sya sa dibdib ko nakatingin.


Lumapit ako sa kanya at tiningala ko sya. "Just Lander, galit ka pa ba sa akin?"


Sumagot sya pero hindi sa akin nakatingin. "Hindi." Inalis niya na rin ang mga mata sa dibdib ko.


Napapalakpak ako. "Naku! Talaga? Salamat, Just Lander."


Lumikot muli ang kanyang mga mata at tumama muli iyon sa aking dibdib.


Napatingin tuloy ako roon. Ano kayang meron dito sa dibdib ko at palagi niyang tinitingnan? Saka bakit parang namumula ang pisngi ni Just Lander.


Napabuga siya ng hangin kasabay ng pag-iisang linya ng kanyang bibig. Bahagya ring tumataas-baba ang kanyang lalamunan. Iyong tipong hindi sya mapakali na hindi malaman ang dahilan.


Nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti ako sa kanya. Bigla na lang syang tumalikod at tila ba lalo syang namula. 


...


I tried so hard not to stare at Aviona's breast too much, but I just couldn't help it. Bakit ba kasi lagi na lang tumatalbog iyon sa tuwing naglalakad sya? Bakit ba kasi ang lambot ng mga ito sa tuwing kakapit sya sa akin?


Lalo pang naging takaw tingin ang itsura niya ngayon dahil basang-basa na siya. Bumakat tuloy iyong nipple niya dahil hindi naman kakapalan ang foam ng suot niyang bra. At parang wala siyang pakialam sa bawat kilos niya, kahit parang maaalis na ang suot niyang bra sa kagaslawan niya. Lalong nahuhubog ang dibdib niya sa bawat takbo at pakikipaglaro niya sa alon. Para siyang batang walang inhibisyon.


Inis akong tumalikod sa gawi ni Aviona.


Badtrip pa itong si lola Peach. Panay ba naman ang kindat sa akin. Kapag kakain ito ng tahong, grabe makasipsip. Kapag sumusubo ito ng hotdog, grabe makakagat.


Ano ba ang gustong palabasin ng matandang ito? Bakit ba lagi na lang nitong nilalaro ng dila iyong gilagid nitong wala namang ngipin? Darn, ang sarap niyang batuhin ng granada!


Maybe I should call for a help. I dialled on my phone. Sumagot naman agad ang tinatawagan ko.


"What a surprise!" Malagom ang boses nito. Kung ang karamihan ay nangingilag na makausap ito, ako ay hindi.


Nagtagis ang mga ngipin ko. Hindi ko alam kung bakit siya ang naisipan kong tawagan.


Tumikhim ito ng di makarinig ng salita mula sa akin. "How's my youngest and favorite son?"


"I need your help, Ybarra."


Ybarra Montenegro was my father. Ama namin ni Kyo Montenegro, my indifferent older brother. 


"What kind of help, my dear favorite son?" he asked.


"Diversion."


Humalakhak ito. "Cheap. Hindi ba dyan ka magaling?"


Sumulyap ko kay lola Peach na ngayon ay sinisipsip na ang sariling mga daliri.


"Am I really talking to my Lander?"


My jaw clenched. "Just be here. I'll email you the exact place." Pinatay ko na ang linya at nag-send ako ng email sa kanya. Pagkatapos ay hinagilap ng aking paningin si Aviona Camille.


There she is. My heart froze thereafter. Nangingibabaw sya sa iba.


She looked like a princess in her two-piece. God, she's beautiful. But who the hell is that guy she's laughing with? The man is standing a little too close to her, and I didn't like it. Kaya naman marahas akong tumayo at mabibigat ang yabag na lumapit sa kanila.


Shit! It was Patrick Ko! Anong ginagawa nya rito? How did he fuc king know that we're here?!


Saka ko napansin ang isang malaking chopper sa dulo ng private resort ko. Holy fuck, ni hindi ko iyon namalayang dumating kanina!


Akma ko nang susugurin si Patrick nang sumulpot sa harapan ko si Chandra. "Long time no see, Lander Montenegro."


"C-Chandra? W-what are you doing here?"


The woman was my ex-socialite fling. 


She was wearing a turquoise one-piece. She has a big funky black straw hat on her head and goofy black sunglasses. I was really surprised to see her here.


"Actually, she's with me," Patrick said. Nasa gilid na pala ang lalaki at sabay akbay kay Chandra. "Your butler told me that you're here with Aviona." Ngumisi ito. "Sinamahan ko si Chandra, she wants to see you."


My fists clenched. How I wanted to murder him right now. Isang mainit na palad ang dumampi sa aking kamay. Nang lingunin ko kung sino ay para akong binanlawan ng malamig na tubig. It was Aviona holding my hand.


Nakalabi pa siya nang lingunin ko. Para bang nahihiya siya na hinawakan niya ang aking kamay. Na natatakot siya na baka magalit ako sa ginawa niya.


(Unedited raw copy)


She made face saka bumitaw sa akin. "S-sori..." Iniiwas niya ang paningin.


Hinuli ko ang kanyang kamay at pinagdaop ang mga palad namin. "Sorry saan?"


Lumamlam ang kanyang mga mata. The tension left my body as she looked at me again. "Akala ko kasi nagalit ka na hinawakan ko ang kamay mo."


Humigpit ang pagkakapit ko sa kanya. Napailing ako. I had never been this before in such one touch of a hand.


Nagulat pa sya nang bahagya kong pisilin ang malambot niyang palad.


"Wag," I said to her.


Pumaling ang kanyang ulo. "A-anong wag?"


"Wag ka ng bibitaw ulit."


"Ha?"


"Magagalit ako kapag bumitaw ka ulit."


Sunud-sunod syang napatango. "Oo, hindi na ako bibitaw."


Nang lingunin ko si Patrick ay nakakunot-noo na ito. Hindi naman maipinta ang mukha ni Chandra.


Ilang sandali pa'y isang helicopter ang bumaba mula sa itaas. Nilipad ang buhangin sa paligid dahilan upang kamuntik na kaming mapuhing.


I think I have an idea who's inside the chopper. And I was right. Mayamaya lang ay bumaba si Ybarra dito kasunod ang dalawa nitong unipormadong bodyguards.


The old guy broke the moment. However, I was grateful he came. And as expected, wala syang kilay.


Damn, I forgot about that, ang tagal ko na kasi siyang hindi nakikita. He still had no brows. Hindi ko alam kung kailan ba tutubo iyon o baka naman pinapaahit nya palagi.


Napasipol sya nang makalapit sya sa akin. Nakatingin sya kay Aviona.


"The barbie doll is now a lady, huh?"


Sinamaan ko siya ng tingin.


"Oh... you never changed, my son. Madamot ka pa rin pagdating sa mga laruan mo." Makahulugan siyang ngumisi saka inalis ang mga mata kay Aviona.


Si Aviona naman ay papalit-palit lang ng tingin sa amin, marahil nagtataka siya dahil walang kilay ang lalaking kaharap namin.


"Who is she, by the way?" inginuso ni Ybarra iyong nasa likuran ko.


Nilingon ko ito. He was referring to lola Peach. Napatikhim ako. "Ahm, she's the problem."


Ybarra snapped me on my butt habang nakatanaw sa matandang babae. "She's hot."


Seriously?


But it looks like he's going to save my ass.  


JAMILLEFUMAH 

@JFstories  


You're all welcome to join my Facebook group: JF Society

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top