Chapter 6

IBANG –iba si Tirik kaysa kay Just Lander. Tirik ang tawag ko sa kanya kasi patirik ang kanyang buhok.


Ang sabi niya ay uso raw ang buhok niya. Brushed up hairstyle daw angtawag sa ayos ng buhok niya na ginamitan ng wax.


Lagi syang nakangiti at hindi sumisimangot. Mas madalas nasa akin ang kanyang mga mata kaysa sa kung saan.


Ni minsan ay hindi sya nawalan ng kuwento. Kahit yung ibang salita nya nga lang ay hindi ko maintindihan. Mabuti na lang at kasama namin si Lola Peach. Kapag hindi ko maunawaan ay ipinaliwanag nito sa akin. Nakakatuwa pang binilhan nya ang matanda ng isang kilong santol.


Huminto ang kotseng sinasakyan namin sa isang malaking bahay. Mas malaki pa ito sa bahay ni Just Lander. Nakakapagtaka lang na maraming tao roon na katulad namin. Magkakaiba man ng mukha ay tiyak kong ka-uri ko sila. Mayroon kasing pahaba ang mukha at mayroon ding malaki ang panga. May maliit at may mataas din. May maputi at may maitim din.


"Tirik, kaninong mansyon iyan?"


Nangunot ang kanyang noo. "Tirik?"


Si lola Peach ang sumagot. "Mall ang tawag dyan."


"Mall?"


"Wait," awat ni Tirik.


Bumulong si lola. "Sabi nya, sandali."


"Why are you calling me Tirik?"


"Bakit mo raw sya tinatawag na Tirik?"


Umangat ang isang kilay ng lalaki. "Yeah. Bakit mo ako tinatawag na Tirik?"


Lumabi ako. "Kasi tirik ang buhok mo."


Napahalakhak sya. "Patrick ang pangalan ko."


"Patrick?"


Sumingit si lola bago sumubo ng santol. "Oh, eh katunog naman. Pa-Tirik."


Natatawang napapailing na lang si Tirik. "Patrick Ko ang pangalan ko."


"Patrick Ko?"


Tumango sya pero nakangiti pa rin.


"Patrick Ko, saan na tayo pupunta?" tanong ko habang nililinga ang paligid.


Natawa muli sya. "Patrick na lang."


"Ha?"


"Patrick only."


Pumaling ang aking ulo. Pagkatapos ay kinuha ko ang kanyang kamay at hinila na sya palabas ng kotse. "Halika na, Patrick Only."


Parang biglang nakunsumi si Patrick. Napakamot sya ng ulo.



DINALA ako ni Patrick Only sa loob ng malawak na mansyon na tinatawag daw na Mall at sa di ko maunawaang dahilan ay nakaramdam ako ng pagkasabik. Parang pamilyar, parang nanggaling na ako dati sa ganitong lugar.


Sa loob niyon ay maraming tao. May hagdan doon na umaandar. Dalawang klase nga iyon. Iyong isa ay pataas ang andar, iyong isa naman ay pababa ang andar.


Bukod doon ay may kuwarto rin na umaangat. Ang sabi ni lola Peach bago sya nabulunan ay elevator daw ang tawag doon. Sumakay ako doon nang makailang ulit.


May pinasukan kaming isang lugar na maraming damit. Pinasukatan ako ni Patrick Only ng isa sa mga iyon. Nakangiti sila ni Lola Peach nang maisuot ko iyon.


"Nakow! Eh, kaganda talaga ng batang ere." Sabay kurot nya sa tagiliran ng lalaki. "Ganireng-ganire rin ako noong dalaga pa ako."


Napakagat-labi na lang ako. Kakaiba kasi ang titig sa akin ni Patrick Only.


Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa kanya na hindi katulad ngpakiramdam ko kay Just Lander na palagay na palagay ako.


Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking kamay. "Gusto mo ba ang damit na iyan?"


"Pwede bang akin na lang ito?"


"Oo naman." Nilingon nya ang paligid. "Kunin mo ang lahat ng gusto mo."


"K-kahit ano?" Hindi ako makapaniwala. 


"Oo. Kahit ano, bibilhin ko para sa 'yo."


Nagliwanag ang mukha ko. "Talaga?!"


Ngumiti siya. "Talagang-talaga."


Tumakbo ako palabas na ipinagtaka nilang dalawa ni Lola Peach. Hinihingal ako nang marating ko iyon. Mabuti at nasa likuran ko na pala sila at nakasunod.


Bumaling ako kay Patrick Only. "Pwede ko rin kunin ito?"


"Ha?" napatigagal sya.


"Itong..." hinawakan ko iyon. "...elevator?"


...


PAGKAGALING namin sa mall ay dumerecho kami sa isang mataas na lugar. Ang tawag nila lola rito ay picnic ground dito sa Antipolo.


Sa taas ng lugar ay natatanaw ko ang buong paligid. Sa baba niyon ay maraming mga bahay na parang langgam sa liit dahil nga sa taas ng kinaroroonan namin. Meron din akong natatanaw na parang mga kahon na bahay, matataas iyon at gusali raw ang tawag. Nakakatuwa kasi nakakita ako non kanina malapit sa mall, malaki sa malapit at maliit sa malayo!


Pero mas nag-enjoy ako sa tinatapakan kong lupa. Malambot iyon at masarap lakaran.


"Hala! Ito na ba ang lupa?" namimilog ang aking mga mata habang nakayuko ako at nakatitig sa aking tinatapakan.


Lumapit sa akin si Patrick Only at hinawakan muli ang aking kamay. "Oo." Pinisil nya ang aking palad.


"Talaga?! Yay!" sa sobrang saya ko ay niyakap ko sya.


Kakaiba lang sa pakiramam dahil nga sa hindi siya si Just Lander kaya kumalas agad ako at lumayo. Masayang-masaya lang talaga ako ngayon kaya nayakap ko siya. Siya ang nagpakita sa akin ng lupa bagay na matagal ko ng nais makita. Nakakita naman na ako ng lupa sa paso pero hindi ganito kalawak. 


"Patrick Only, may tanong ako."


Iniangat nya ang aking baba gamit ang kanyang daliri. "Ang cute mo talaga."


"Cute?" Tumingin ako kay lola.


Sumubo muna si lola Peach ng santol bago sumagot. "Cute. Ibig sabihin, nakakalibog."


Hindi ko alam pero napangiwi si Patrick Only.


"A-ah, hindi ganun iyon." Lumikot ang kanyang mga mata. "Anyway, ano nga pala iyong tanong mo?"


"Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?"


"Ha?"


Napayuko ako. "Si Just Lander kasi... hindi naman nya hinahawakan ang kamay ko."


Napabuga sya ng hangin at napangiti. "Sorry."


"Sori? Bakit ka nagso-sori?"


"Kasi hindi mo yata gustong hinawahakan ang kamay mo."


Pero hinuli niya muli ang aking kamay. 


"Pero kasi... masarap hawakan."Bigla na lang lumamlam ang kanyang mga mata.




...


"SALAMAT, Jack," nakangiting sabi ni Patrick Only nang nasa tapat na kami ng mansiyon ni Just Lander. 


"Salamat? Di ba dapat ako ang magpasalamat?"


Umiling sya. "Nagpapasalamat ako kasi naging masaya ako."


"Talaga?" Napapalakpak ako. "Napasaya kita?"


"Oo naman. Ang tagal na rin mula nang maging masaya ako. Nakalimot ako sandali sa reyalidad." Ang mga mata niya ngayon ay malamlam. "You're a breath of fresh air, Jack."


Hindi ko naunawaan ang huli niyang sinabi kaya hindi ako sumagot. 


"Nakow!" sumilip si lola sa bintana ng kotse. Kanina pa pala sya nakababa. "Eh, panu Pa-Tirik? Uwi na kami."


Agad bumaba si Patrick Only at pinagbuksan ako ng pinto.


Pagbaba ko ng sasakyan ay niyakap nya ako. "Good night."


Bumulong si lola. "Magandang gabi raw."


Ngumiti ako kay Patrick Only. "Magandang gabi rin."


Napapakamot nalang sya habang papasok ng kanyang kotse.


Pumasok na kami ni Lola Peach sa malaking gate ng mansyon ni Just Lander. Ang mga guwardiya sa loob ay masama ang mga tingin sa amin pero hindi naman sila nakapalag kay Lola Peach. Dumiretso na kami sa malaking pinto ng mansiyon at pagbukas namin ay bumungad agad ang isang lalaki na naka-upo sa silya. 


Si Just Lander!


Nagtatagis ang mga ngipin at nagni-ningas ang kulay kalangitan niyang mga mata habang nakatitig sa akin. 


"Where the hell had you been?!" Parang kulog ang boses niya na nagpalundag sa amin ni lola Peach sa gulat.


Bumulong si lola. "Saang impyerno ka raw galing."


Humarap ako kay Just Lander. "Sumama kami kay Patrick Only."


Umigting ang kanyang panga. "Come again."


Bumulong muli si lola. "Labasan raw ulit."


Napasentido si Just Lander. "Leave us."


Sa isang kurap ay bigla na lang nawala si lola. Nasaan na kaya iyon?


Tumayo si Just Lander at niluwagan iyong kurbatang nasa kanyang leeg. "Bakit ka umalis nang hindi ko alam?"


Bigla akong kinabahan dahil ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Ganito katindi ang galit na para bang maaari siyang manakit.


"Dammit! Answer my question!"


Napaatras ako. "J-Just Lander, galit ka – "


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong sinakal at ibinalya sa pader. "Ngayon lang!"


Napangiwi ako sa paglagapak ng likuran ko sa matigas na pader ng sala. At halos hindi ako makahinga sa higpit ng pagkakasakal niya sa leeg ko.


"Ngayon lang may humiram ng pag-aari ako!" Sigaw niya sa mukha ko.


Pag-aari? Ano bang sinasabi nya?


Hindi rin nagtagal ay bumitiw sya sa akin. Napa-upo ako sa sahig habang habol ang aking paghinga. "J-Just Lander, bakit ka ba nagagalit?" gumaralgal ang tinig ko. Hindi ko kasi maintindihan.


Lalong nanlisik ang kanyang mga mata lalo nang mapansin nya ang suot kong damit. Animo syang isang mabangis na hayop na nakahanda akong sakmalin ano mang oras.


"Kanino galing iyang damit mo?" mahinahon lang ang kanyang boses pero gumagalaw ang kanyang panga.


Napahawak ako sa aking damit. "B-bigay sa akin ito ni Patrick Only."


Bumaba ang paningin ni Just Lander sa iba pang ipinamili sa akin ni Patrick Only. Mga damit iyon at sapatos na naka-kahon sa loob ng tinatawag na paper bags. 


Lalong nagdilim ang kanyang mukha. Segundo lang ang lumipas at itinapon nya sa kung saan ang lahat ng iyon. Nadamay pa ang ibang gamit sa paligid. Itinumba nya rin ang mesa malapit sa amin. May mga sinasabi sya pero hindi ko naiintindihan. Basta pulang-pula ang buong mukha niya habang nagwawala.


"S-sori..." sabi ko sa gitna ng aking pagluha. Takot na takot ako sa kanya.


Mabibigat na mga paa niya nang lapitan nya ulit ako. Hinablot nya ang aking damit at pinunit ito mula sa itaas. Lumikha ng tunog ang natastas na tela at ramdam ko sa aking balat ang hapdi ng kamay niya. Hindi sya tumigil hanggang sa tuluyan na iyong mahubad sa katawan ko. Kitang-kita ko pa kung paano nya pinira-piraso ang damit ko at saka tinapakan sa sahig pagkatapos.


"J-Just Lander..." hagulgol ko. Ang tanging natira na lang sa katawan ko ay ang suot kong panloob na panty at bra.


Hinila nya ako sa pulso na halos magkandangudngod na ako.


Kinaladkad niya ako patungo sa kuwarto niya sa ikalawang palapag ng mansiyon. Binuksan niya ang salaming pinto ng veranda at doon niya ako itinapon. Kaagad sumigid sa halos hubad ko ng katawan ang lamig ng gabi.


"Just Lander..." Sinubukan kong bumalik sa kuwarto pero nasara na niya ang pinto. Ikinandado nya na ito mula sa loob.


Hindi ko na maintindihan si Just Lander. Bakit kaya bigla na lang syang nagagalit? Bakit hindi na lang nya sabihin sa akin kung may nagawa ba ako? Bakit hindi na lang nya sabihin sa akin ang mga bagay na hindi nya gustong gawin ko?


Ilang saglit lang ay nakasilip ako ng pagasa ng bigla siyang bumalik. Kitang-kita ko sya dahil salamin lang naman ang pintuan. Akala ko ay papasukin niya na ako pero hindi pala. May kinuha lang pala siya sa loob.


Napahikbi ako nang bigla niya akong sabunutan at saka ilagpak sa tabi ng pasimano ng veranda. Tumama ang pang-upo ko sa malamig na sahig. Lumuhod siya sa harapan ko para gamitin sa akin ang kinuha niya mula sa loob ng kuwarto.


Napatitig ako sa makintab at bilog na bagay na hawak niya. Matigas iyon at may susi. Nagulat ako ng ikabit niya iyon sa paa ko at saka ikandado. Hinablot niya rin ang natitirang saplot sa katawan ko.


"Just Lander, 'wag..." Pero nagawa na niya.


Pinunit niya ang panty at bra ko saka itinapon iyon sa kung saan. Ngayon ay wala na talaga akong suot na kahit ano.


Kinabahan ako nang tumayo na siya.


Kumapit ako sa binti niya at umiiyak na nagmakaawa. "J-Just Lander, papasukin mo ako... sori na... papasukin mo ako..."


"No." Tinitigan nya ako nang masama. "Dito ka lang hangga't gusto ko." Malamig ang boses na tinalikuran niya na ulit ako. Pumasok siya pabalik sa loob ng kuwarto at saka isinara ulit iyon.


Iyak ako nang iyak habang tinatawag ang pangalan niya mula sa labas kahit na hindi niya na ako naririnig.


Natatakot ako. Ayaw ko rito. Mas gusto ko pa sa pinagku-kulungan sa akin dati. Dito kasi sa veranda ay madilim at maginaw. Marami ring mga lumilipad na nangangagat na insekto na masakit sa balat. Wala rin akong kumot at unan.


Napagod na lamang ako sa kakaiyak ngunit hindi na ako muling binalikan ni Just Lander. Isinara niya pa ang kurtina kaya lalong dumilim sa akin ang paligid. Maski ang buwan ay pinagkaitan na din ako ng liwanag dahil nagtago na ito sa makakapal at itim na mga ulap.


Wala na akong nagawa kundi mamaluktot na lamang. Yakap-yakap ko ang aking sariling katawan. Damang-dama ko ang malamig na hanging panggabi.


Niyapos ko ang aking dibdib at sumiksik sa gilid ng pader. Tanging ang aking mga luha lamang ang mainit nang gabing iyon.


Wala akong ideya kung bakit may masakit sa parte ng aking dibdib. Nasasaktan ako. Hindi ko lang matunton kung puso ko ba iyong nasasaktan ng mga sandaling ito.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top