Chapter 28
"SINO po ang naghihintay sa akin, Lola?"
Kami lang ang magkasama ngayon ni Lola Peach. Binalikan ni Lola Merdie si Piccolo dahil narealized daw ng matanda na sa dami ng naging ex niya ay si Piccolo lang ang nagbuwis ng buhay para sa kanya. Pak gurl nga raw kasi si Lola Merdie dahil hindi raw talaga siya nagseseryoso. Masaya ako para sa kanya na sa wakas ay may natagpuan na rin siyang pag-ibig kahit pa ang sabi ni Lola Peach ay malapit ng mamatay si Lola Merdie dahil nga matanda na.
"Basta..." sabi ng matanda. Pinagpalit niya ako ng damit na nakuha niya mula sa malaking closet na pag-aari ni Kia.
Pansamantala kasing dito kami nakikituloy sa kuwarto ni Kia. Tabi kaming matulog ni Kia sa kama at si Lola Peach naman ay sa sahig dahil malambot naman ang carpet. Ewan kung bakit ayaw siya ni Kia na makatabi sa kama gayung napakalaki naman ng higaan.
Narito kami ngayon sa mansiyon ni Kyo Montenegro at ilang araw na kami rito. Malaking bahay ito, pero ayaw kaming bigyan ng sarili naming kuwarto dahil nagtitipid daw sila sa kuryente. Kuripot daw kasi ang mommy ni Kia at asawa ni Kyo na si Ruby Montenegro.
Mansiyon din ang bahay na ito na katulad ng kay Just Lander. Ang pinagkaiba lang sa lugar na ito ay wala masyadong mga tauhan. Sabi ni Lola Peach ay ayaw raw kasi ni Ruby Montenegro na may ibang tao sa mansiyon nila kaya halos lahat ng tauhan ay nasa labas nakadestino. Hindi ko pa nakikita ang Ruby Montenegro na iyon dahil wala ang babae ngayon. Nasa ibang bansa raw, sa Italy, kasama ni Kyo para magbakasyon. Galit na galit pa nga si Kia nang dumating kami rito at malamang wala ang mga magulang niya.
"Lola, bakit po galit si Kia na wala ang Mommy Ruby at Daddy Kyo niya?"
"Ay sus! Spoiled brat kasi iyong si Ma'am Kia. Ang gusto niya sa kanya lang naikot mundo ng mga magulang niya!"
"Ganoon po ba?" Lumabi ako.
"Oo. Sana nga ay magbago na si Ma'am Kia dahil sa 'yo. Turuan mo ng magandang asal iyong babaeng iyon at sakit iyon sa ulo hindi lang nina Ser Kyo kundi pati ng Ybarra ko!"
"Iyong boyfriend niyo pong walang kilay?"
"Tumpak!" Tumirik pa sa kisame ang mata ng matanda.
Ngumiti ako. "Kakaibiganin ko po si Kia para po bumait na po siya."
"Oo gawin mo 'yan. Naku, kahit daw noon pa ay walang nagtatagal na kaibigan diyan kay Ma'am Kia dahil napakasungit niya. Sa tingin ko ay ikaw lang ang tatagal sa kanya dahil bobita ka." Sinuklayan na ako ni Lola Peach. "O hala bilisan na natin at nandoon na sa baba ang naghihintay sa 'yo."
"Sino nga po iyon, Lola?" tanong ko muli.
"Ah, basta..." katulad pa rin nang kanina na sagot niya.
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba na tila nagkaroon ng luha ang mga mata ni Lola Peach habang sinusuklayan niya ako. Nang maayos niya na ang buhok ko ay bigla niya akong niyakap.
"Lola?"
Nang humiwalay siya ay nakangiti siya. "Di ba lab ka ni Lola?"
Tumango ako.
"Kahit baliw si Lola, lab ka. Tandaan mo 'yan!"
"Opo."
"Alam ko, kahit kailan ay hindi ako naging perpekto..." Pasimple siyang suminghot. "Pero hija, mahal na mahal ka ni Lola. Kung uulitin ang mga nangyari, kung babalik tayo sa panahon na paslit ka pa, aalagaan pa rin kita. Hindi pa rin ako susuko na alagaan at mahalin ka..."
Niyakap ko siya. "Lola Peach, kung uulitin po ang mga nangyari, ikaw pa rin po ang gusto kong maging lola..."
Gumanti siya ng yakap sa akin. "Pero hindi ko nagawa ang isa sa mga dapat kong ginawa sana noon... Patawarin mo ako, hija..." Namalat ang boses niya. "Patawarin mo ako kung hindi kita isinoli sa iyong pamilya..."
"Kung isinoli niyo po ako, hindi ko po ba makikilala si Just Lander?"
Nagpunas siya ng luha saka ngumisi. "Hindi. Kaya mabuti na lang talaga at di kita sinoli, talandi ka!"
Napangisi na rin ako. "Mahal na mahal kita, Lola Peach!"
"Cool!" Hinila niya na ako. "Tara na sa baba."
Sa malawak na sala ng mansiyon nina Kia ay naghintay ako sa pagpasok ng kung sino na gusto raw akong makausap. Lumipas ang ilang minuto na wala namang dumarating kaya nagtanong na ako kay Lola Peach na hindi magkandaugaga sa kakapabalik-balik sa harapan ko.
"Lola, nasaan na po iyong kakausap sa akin?"
"Ay ewan, hija!" pawisan na sagot ni Lola Peach kahit pa malamig naman. "Kanina pa raw nasa labas kaya ewan bakit ayaw pang pumasok. Baka kinakabahan!" Maski si Lola Peach ay mukha ring kinakabahan.
Nang biglang bumukas ang malaking pinto ng mansiyon. Iniluwa niyon ang nakaitim na babae. "Aviona, 'you ready, bitch?"
"Kia!" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa.
Itim na itim siya maliban sa maputi niyang balat. Itim na damit, itim na sandalyas, at itim na salamin sa mata. Ang buhok niya ay nakapuyod paitaas at ang mga labi niya ay walang kangiti-ngiti.
Namewang siya. "Hindi ako nag-iisa. May kasama ako."
"Ha?"
Mula sa pinasukang pinto ni Kia ay may isa pang babaeng sumunod na pumasok. Napakagandang babae kahit pa may edad na. Luhaan ang kanyang mga mata nang mapadako sa akin ang paningin niya.
"She's Camilla Montemayor."
Camilla Montemayor? Narinig ko na iyon kay Just Lander, kay Lola Merdie, at kay Lola Peach. Kung hindi ako nagkakamali ay ang lumuluhang babaeng ito ang aking ina. Siya ang nagluwal sa akin sa mundong ito. Napalunok ako nang marahan siyang lumakad palapit sa akin.
"She's your mom, bitch."
Sa mga oras na ito ay tila lang ako itinulos sa aking kinatatayuan. Boses lang ni Kia ang gumigising sa diwa ko.
"Isa ito sa mga bilin ni Uncle Lander. Sinundo ko ang mommy mo para magkita na kayong dalawa. You're welcome."
Naguguluhan ako at ang pintig ng puso ko ay bumibilis at lumalakas habang nakatingin ako kay Camilla Montemayor, sa aking ina.
"Baby..." nanginginig ang boses na sabi niya nang huminto siya sa harapan ko.
Napatulala ako nang yakapin niya ako.
"Baby ko..." bigla na lamang siyang humagulhol sa balikat ko. Halos hindi siya makahinga sa paghingal. Nanginginig din ang katawan niya.
Nang tumingin ako kay Lola Peach ay umiiyak na rin ang matanda.
Humigpit ang yakap sa akin ni Camilla Montemayor. "Ang bunso ko... Ang mahal kong bunso..."
Humiwalay sa akin si Camilla Montemayor para hawakan ang mukha ko. "Ang laki-laki na ng bunso ko... Ang ganda-ganda..." Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa pag-iyak.
"Siya si Madam Camilla..." sabi ni Lola Peach sa garalgal na boses. "Siya ang mommy mo, hija. Tawagin mo siyang mommy."
"M-mommy..." anas ko.
Napatitig ako sa magandang mukha ng ginang. Ang hugis ng kanyang mga labi ay katulad ng sa akin. Siya nga ang ina ko. Tila pinupunit ang puso ko sa naghahalong sakit at pananabik.
"Yes, baby... Ako ito. Ako ito, si Mommy. Mahal na mahal kita, baby." Kahit pumipiyok at namamalat ang tinig ay sinisikap niyang sabihin ang mga salita. "Natatandaan mo ba? Hindi ka nakakatulog noon hanggat hindi kita binabasahan ng bed time stories? Paborito mong panoorin noon ang Barbie shows. Gustong-gusto mo rin na palagi kitang kinakarga, nagseselos ka pa nga kapag naglalambing sa akin ang mga kuya mo. Baby ako ito si Mommy..." Panay haplos niya sa mukha ko. "Nang mawala ka, halos mabaliw ako. Araw-araw, gabi-gabi akong umiiyak. Hindi kita makalimutan. Hindi ako matahimik kung ano na ba ang nangyayari sa 'yo..."
Hinaplos ko ang luhaan niyang mukha. "Tahan na po..."
"Oo, baby ko... Bunso ko... Tatahan na po ako..." sabi niya ngunit umiiyak pa rin. "Tatahan na ako sa wakas... Hindi na ako iiyak kasi alam kong buhay ka. Kasi makakasama na kita..."
Pumitik sa ere si Kia kaya nakuha niya ang atensyon namin. "Try niyong umupo. Nakakangalay aba!"
Iginaya ko naman si Mommy paupo sa sofa dahil parang nanghihina na siya sa kakaiyak. Kahit nang makaupo na kami ay hindi niya pa rin binibitawan ang mga kamay ko. Napapagitnaan namin siya ngayon ni Lola Peach.
"Ang mga kuya mo, sina Kuya Carick at Kuya Rand mo, palagi ka nilang inaalala. Palagi nilang dinadalaw ang nursery room mo sa mansiyon. Ang Daddy Hendrick mo, kahit pa feeling strong iyon, alam ko at ramdam ko na katulad ko, palagi ka rin niyang iniiyakan."
Hinayaan ko si Mommy na pakatitigan ako kahit pa hindi yata siya magsasawa kahit kailan. Luhaan pa rin ang mga mata niya, pero nakangiti na ang mga labi niya.
"Lahat kami sa villa ay hindi ka makalimutan. Kahit ang buong Hacienda Montemayor, hindi ka makalimutan. Ikaw ang prinsesa namin. Ikaw ang unang prinsesa ng angkan natin..."
Hinalikan niya ang mga kamay ko at muli akong pinagmasdan nang walang kasawaan.
Mayama ay tumingin siya kay Lola Peach na nasa tabi niya. "Ikaw ba ang sinasabi ni Kiana Louise na nag-alaga kay Aviona?"
Pasimpleng nagpunas ng luha ang matanda. "Yiz, Ma'am!"
Tumayo si Mommy para lumuhod at yakapin ang matanda na nakaupo sa sofa. "Salamat sa pag-aalaga sa prinsesa ko..."
"Walang anuman, Ma'am."
Tumingala si Mommy kay Lola Peach. "Pwede bang ikwento mo sa akin ang mga gusto at ayaw niya?"
Napakamot ng leeg ang matanda. "Hindi naman po siya maselan, Ma'am. Mababaw lang kaligayahan niyang alaga ko."
Ngumiti si Mommy at sumulyap sa akin. "Anong paborito niyang kainin?"
"Santol."
"Santol?" ulit ni Mommy.
Nakagat ko ang ibaba kong labi.
"Paboritong damit?"
"Panty."
Muling natigilan si Mommy sa sagot ng matanda.
"Paboritong panoorin?"
Ngumisi si Lola Peach bago sumagot. "Ako."
"Ha?"
"Hindi siya mahilig sa TV." Umiwas ng paningin si Lola Peach. "Salat man siya sa mga materyal noong lumalaki siya, pero hindi siya nagugutom. At wag kang mag-alala..." bahagyang pumiyok ang matanda habang nagsasalita. "H-hindi siya kinulang sa pagmamahal."
Hindi ko namalayang lumuluha na rin pala ako habang nakikinig sa kanila.
"Hindi ko akalaing mamahalin ko 'yan kahit paka iyakin niyan noon, Ma'am."
Tahimik si Mommy na nakatingin na lang.
"Wala e, napamahal na. Hindi na ako nakaatras sa pag-aalaga kasi mahal na mahal ko na nga. Pinangatawanan ko na lang talaga." Suminghot si Lola Peach. "Tumayo po kayo. Wag kayong lumuhod sa akin dahil makasalanan ako. Nagkasala ako sa inyo."
Inalalayan ko naman si Mommy na tumayo.
Nagpatuloy si Lola Peach na ngayon ay luhaan na ang bulwat na mga mata. "Pasensiya na dahil kahit mahal ko si Aviona, hindi pa rin ako bumaliktad at nagsumbong sa mga awtoridad. Hindi ko pa rin siya piniling ibalik sa inyo na tunay niyang pamilya. Mas nanaig pa rin sa akin ang loyalty at utang na loob ko sa mga Montenegro. Pero ang maipagmamalaki ko lang sa inyo Ma'am, hindi ako tumigil na mahalin ang batang 'yan. Anak ko ng itinuring 'yan. Pinakamamahal ko 'yan higit sa sarili ko."
Ngumiti si Mommy matapos lumamlam ang paningin. "Sapat na sa akin na minahal mo ang anak ko para patawarin ka..."
"Abnormal ako, Ma'am." Ngumisi ang gilagid ni Lola Peach sa kabila ng kanyang pagluha. "Hindi ako perpekto. Marami akong palpak at pagkakamali. Hindi naman kasi ako sanay mag-alaga ng bata, pero sinikap ko na alagaan at palakihin 'yang bebe gurl natin sa abot ng makakaya ko."
"Kahit ngayon ko pa lang siya nakakasama, kahit maiksing oras pa lang, alam ko sa puso ko na napalaki mo nang maayos at mabuting tao ang anak ko."
"Drama!" matinis na boses ni Kia na nagpalingon sa amin. Nakapamewang siya at nakasimangot.
Lumapit si Mommy sa kanya. "Thank you, Kiana Louise. I owe you..."
Humalukipkip si Kia. "Hindi mo pa siya pwedeng isama dahil sasama si Aviona sa akin sa US."
Tumango si Mommy habang malungkot ang mukha. "I know. At pumapayag ako sa set up na inihanda niyo."
"You don't have to worry about her, makakasama niya ako." Inginuso ni Kia si Lola Peach. "At ang gurang na iyon."
Hinarap ako ni Mommy at nginitian. "Palaging kitang dadalawin doon, baby."
Hindi ko man naiintindihan ang pinag-uusapan nila ay tumango ako.
Tumikhim si Kia para kunin ang atensyon ni Mommy. "How about your promise?"
"Oh..." May kinuha si Mommy mula sa loob ng bag niya at inabot kay Kia. "This is Carick's calling card."
"Thanks!" Namilog ang mga mata ni Kia nang tanggapin ang calling card daw. "But aside from this, gusto ko ring i-backer mo ako anytime na gustuhin kong pumasok sa Hacienda Montemayor."
Nangunot ang noo ni Mommy pero tumango naman siya.
Ngumisi si Kia. "Don't worry hindi pa naman ngayon. Wala pa akong plan to visit Hacienda Montemayor and the villa."
"I'm curious, Kiana Louise. What do you want from Carick? Hindi ba anak nina Cynthia at Leo ang gusto mo?"
Sumimangot si Kia. "So chatty, Mrs. Montemayor."
Nanalim ang mga mata ni Mommy pero hindi siya nagreklamo. Lumalagutok ang takong ng suot na sapatos ni Kia nang maglakad na siya patungo sa hagdan ng mansiyon para iwan kami. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa amin na aalis na siya.
"Pagpasensiyahan niyo na at ipinaglihi iyon sa sama ng loob," ani Lola Peach.
Tipid na ngumiti lang si Mommy sa matanda.
"Pero wag kayong mag-alala, ganoon lang si Ma'am Kia, pero gagawin nun lahat para alagaan si Aviona. Iyon ang ipinangako niya kay Ser..."
Niyakap na ulit ako ni Mommy. "Baby ko..."
Gumanti ako ng yakap sa kanya dahil iyon ang bulong ng puso ko.
Masuyong hinalikan niya ang noo ko. "Sandali lang, bunso... Sandali na lang, magkakasama na tayo..."
Tiningnan ko ang luhaan niyang mga mata. "Si Just Lander, Mommy? Makakasama rin ba natin siya?"
Malungkot na ngiti lang ang naisagot ni Mommy sa akin.
...
"DID YOU HEAR THAT?" I asked Kia.
Agad ko siyang kinalabit nang marinig ko ang aking pangalan sa kung saan.
"Did someone call my name?"
Kia crossed her arms. "Wake up, bitch. You're just imagining things!"
In five years ay wala na akong ibang bukang bibig sa kay Kia kundi ang kanyang Uncle Lander. Alam kong naiirita na siya sa akin dahil haragan niya iyong ipinapakita at ipinaparamdam.
Bumagsak ang balikat ko. Kailan ba siya totoong darating si Lander para sunduin ako? Para hindi na ako napa-praning nang ganito. Katulad ng mga nakaraang sandali sa buhay ko sa loob ng lumipas na limang taon.
Namasa ang mga mata ko. Para akong mamamatay sa lungkot at pangungulila.
"Hey!" Pukaw sa akin ni Kia. "Tatanga ka na lang diyan?"
"Thank you for the ride, Kia... Dito na lang ako." Bumaba na ako kotse.
Kia slowly shook her head. "What did uncle do to you?" pagkuwan ay napabaling siya nang tingin sa isang malaking bahay. "What the hell is this place?" Hindi ako sa condo ko nagpahatid, at iyon marahil ang ipinagtataka ni Kia.
Kia was my colleague when I went to college. It's been only a month since we graduated. America is big, at wala akong ideya kung paano ako nakarating ng kolehiyo nang ganoon kabilis. Marahil dahil sa pera ng pamilya ko kaya napadali ang lahat. Kaya pati edukasyon ko ay naproseso agad.
Nakatapos ako nang may matataas na grado after my eleven-month-review period. Ngunit hindi lang iyon dahil sa mga dokumentong gawa ng pera at kapangyarihan ng mga Montemayor kundi dahil na rin sa akin mismo. Naging masigasig kasi talaga akong matuto dahil gusto kong malaman ang mga hindi ko pa alam. Gusto kong ihanda ang sarili ko sa lahat ng bagay. Wala akong tutol kahit pa buong buhay ko rito sa America ay puro pag-aaral at paghahanda lang.
Mabilis akong natuto at naipasa ko ang mga exams. Humanga pa nga ang aking mga tutor dahil natural daw ang talino ko. Hindi lang nila alam, iisa lang ang dahilan kaya todo ang pagsisikap ko. Dahil gusto ko nang umuwi sa Pilipinas, dahil umaasa ako na makikita ko na ang lalaking iniibig ko.
Wala akong sinayang na sandali at lahat ng oras ko ay ibinuhos ko sa pag-aaral. Kahit tapos na ang review ko at ang mga exams ay tuloy-tuloy pa rin ako sa pagpapa-tutor. Hindi lang rin ako nakatutok sa academics kundi pati na rin sa self-enhancement training. Bukod ang tutor ko sa acad at mga coaches sa special classes ko. Weekly ang Social Elite Etiquette classes ko. Iba-ibang coach in social etiquette class, communication etiquette class, dining etiquette class and drinking etiquette class. Uma-attend din ako sa mga elite gatherings at mga fashion parties.
Dumungaw si Kia sa bintana ng kotse and she gave me a tired look. "I gotta go, bitch!"
Tumango ako. Sanay na ako sa ganoong tawag sa akin ni Kia. Mabait naman siya sa akin.
Napalinga muna ako sa paligid bago ko siya tinalikuran. Nagbabaka-sakaling nasa paligid lang si Lander. Baka maisipan niyang pumunta rito.
Pero wala. Wala pa rin siya...
Tinungo ko na ang pinto ng malaking bahay. Hindi na ko kumatok sa pinto dahil feel at home naman ako sa bahay na ito. No one knows kung sino ang dinadalaw ko. Kahit si Kia ay hindi kilala kung sino ang pinupuntahan ko rito every month.
"Nandito na po ako..." Matapos ma-unlock ang code ng main door ay dumiretso na agad ako sa backyard.
Natanaw ko agad siya sa duyan na nasa terasa. Puting-puti na ang buhok niya at mas kulubot na ang balat kaysa noon. Sa paglipas ng panahon ay mas tumanda na siya. She was chewing something, I guess. But this time, I'm sure hindi na santol ang pinagkakabalahan ng bibig niya.
"Nakow, narine ka na!" Aniya matapos niya akong malingunan. "Ay mis yuw!"
I sat on her side. Like what I was thinking, mayroon nga siyang sinisipsip sa bibig. "Ayaw nyo na po ba sa santol?"
"Para saan pa, eh, nadiskubre ko na itong M&M?" sabay abot niya sa akin ng isang mangkok na puno ng makukulay na M&Ms.
Kumuha ako ng isa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano siya nagkakaroon nito samantalang di naman siya bumibili.
Alam ko dahil ako ang taga-grocery niya parati o kaya naman ay kasama niya ako tuwing nais niyang mamasyal o mamili. Kahit kasi matagal na siya rito sa America ay hindi pa rin siya sanay na lumabas mag-isa. Mula noong matuto akong mag-english at makasanayan ko na kahit paano ang pamumuhay rito ay sa akin na siya talaga dumipende kahit pa may nurse, sariling kotse, at helper siya. Ako pa rin talaga ang gusto niyang kasa-kasama at pinagkakatiwalaan niya sa kanyang mga pangangailangan.
"Ow, bat ang lungkot ng mukha mo?" Tanong niya. Tumitig siya sa akin.
Nagpakawala ako nang malalim na paghinga. "Pinaasa niya ako..." I'm talking about Lander.
Saglit na natigilan ang matanda.
"Lola, sabihin mo sa akin... may inaasahan pa ba talaga ako?" Pumiyok na ang boses ko. Siya lang ang tanging tao na hinahayaan kong makita ang tunay kong emosyon.
"Eh, tumawag naman siya sa'yo, di ba?"
Tuluyan ng bumagsak ang ilang butil ng luha mula sa mga mata ko. "Tumatawag? Opo. Tumatawag siya. Iba-bang number ang gamit niya."
Lola Peach sighed. "Ilang beses na ba siyang tumawag sa'yo?"
"For five years?" Nilingon ko siya at malungkot na nginitian. "Tatlong beses o dalawang beses sa isang taon. At matagal na ang limang minuto sa bawat tawag niya."
"Hija..."
"Lola... hindi niya na ba ako mahal? Kasi ang taong nagmamahal hindi makakatiis na hindi makita ang taong minamahal. Nakakarating siya sa kung saan-saang bansa pero dito ay hindi? Magkano lang ang ticket para sa isang Lander Montenegro? Gasino lang na dalawin niya ako kahit isang minuto? Ano ang ginagawa ng mga private plane niya kung ayaw man niyang sumakay ng eroplano?"
Nakatingin lang sa akin ang matanda.
"Lola... miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na siya... bakit ako? Bakit hindi niya man lang ako nami-miss? Ni hindi ko siya puwedeng tawagan, ni hindi ko siya puwedeng makita kahit sa computer man lang? Bakit niya ako natitiis kung talagang mahal niya ako?"
"B-baka busy lang. Alam mo naman na marami siyang pinagkaka-abalahan. Bumabawi sa negosyo si Ser, unawain mo na lang. Ang gawin mo ay maging maganda ka, magmaganda ka lang para pag pinuntahan ka na niya, jugjugan na agad! Bawi ang limang taon!"
Umiling ako. "Hindi na ako makakapaghintay."
"Eh, kumain ka na lang netong M&M, ang sarap!"
Napanguso ako, alam kong binabago niya ang usapan. "Lola, magtapat ka sa akin, parang awa mo na..."
"Kow! Anong ipagtatapat ko, de puta ka! Hala kumain ka na lang!"
"Lola, naman! Baka po alam nyo kung nasaan talaga siya at ano ang ginagawa niya. Nasaang bansa siya ngayon, Lola? I graduated now, handa na ako. At alam niyo bang babalik na ako sa Pilipinas? Sinabi sa akin ni Mommy na iuuwi niya na ako."
Napailing siya. "Alam mo ba, hija, kung gaano kasarap ang M&M chocolate na ito?"
"Lola?"
Ngumisi siya at itinaas ang maliit na hugis itlog na candy. "Meron itong peanut sa loob na coated ng chocolate."
Iniiba na naman niya ang usapan. "Lola Peach, my mom will be here soon. I don't know kung kailan ulit siya dadalaw para iuwi na ako, pero bago sana mangyari 'yon ay makita ko na si Lander. Please, Lola, help me find him. Kung ayaw niya ako pupuntahan, ako ang pupunta sa kanya."
"Walang makakahanap sa kanya. Eh, kahit nga si Ser Kyo na ubod ng pogi ay hindi alam kung nasaan siya." Sabay puna niya sa mangkok na iniabot niya sa akin kanina. "Ubos na?"
Ngumunguya pa ko nang tumango ako sa kanya. "This is better than santol, Lola."
Humugot siya ng supot na puno ng mani, wala iyong chocolate kagaya ng M&M. "Oh, mag-uwi ka. Patikimin mo si Kia."
"Parang gusto nyo na ako agad pauwiin."
"Eh, kakatukin ko pa kasi si Merdie sa kwarto nya at baka nilalapa na naman si Piccolo. Ang dalawang iyon kasi ay walanghiya. Madalas eh sa tabi ko pa nagchuchurva!"
Napangiwi ako. Napakatanda na ng dalawang iyon, gumaganoon pa rin? Iyon nga lang unang punta rito ni Lola Merdie ay nakasaklay na siya dahil hindi na siya makalakad nang maayos dahil sa sobrang katandaan. Nasa ninety na nga yata ang edad nila pareho.
Kumuha ako ng mani sa supot na bigay niya. Masarap pa rin naman kahit walang chocolate. Nakakailan na ako ng mapaisip ako. "Lola, you told me that M&M has a peanut inside na coated ng chocolate. Paano nyo po nangunguya yun kung wala naman po kayong ngipin?"
"Eh, sino ba may sabi sa'yong nginunguya ko iyon, de pungas ka. Siyempre sinisipsip ko lang."
"Mukha ngang sarap na sarap ka, mani lang binigay mo sa akin, eh."
"M&M din yan. Iyan iyong sinisipsip ko kanina. Oh, di ba iwas ka sa diabetes!" Ngumiti siya sa akin kaya lumitaw ang kanyang gilagid na walang ngipin.
Shit!
...
ALAS ONSE na ayon sa relo na nasa dingding. Hindi ako mapakali, pang ilang buwan na ngayon? Pang anim? Dapat tumawag na siya. Pero bakit wala pa?
Nakaabang ako sa cellphone at telepono. Hindi ko alam kung saan siya tatawag, basta malakas ang pakiramdam ko na tatawag siya. Nagpunas ako ng mga luha. Nami-miss ko na siya.
Ilang gabi na hindi na naman ako makatulog. Hindi na naman ako makakain nang tama. Iniisip ko siya. Hindi siya mawala sa isip ko kahit saglit. Bawat araw ay tumitindi ang kirot sa puso ko. Hanggang kailan ba ito? Ilang taon pa ba ang hihintayin ko?
Gustong-gusto ko na siyang makita. Kahit hindi ko na siya malapitan o mahawakan man lang, basta sana kahit makita ko lang siya, kahit nakatalikod pa. Damn it! What I wouldn't give to see him again. To see the man I love.
Muntik pa akong mapalundag nang tumunog ang telepono. Halos magkanda-tali-talisod ako makalapit lang doon. Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang telepono.
"Hello, Lander?!"
Ang mababaw na paghinga sa kabilang linya ay nagpasikdo nang mabilis sa puso ko. Oh my God! Ang mahal ko! Hindi ko siya maaaring ipagkamali kahit kanino.
"Lander... mahal ko... Lander..." napasibi ako. Nangangatal ang mga labi.
"Aviona..."
"L-Lander?!" Napahagulhol na ako. Ang mahal ko nga!
"How you doing?"
Pumikit ako nang mariin. Pilit kong dinadama ang boses niya sa pandinig ko, gusto kong manatili ang baritonong tinig na gusto kong palaging naririnig. Kung sana ay maire-record ko ang boses niya, kung sana ay di nagwawala ang sistema ko at hindi makagalaw ang katawan ko sa pagkasabik, lungkot at kaba, na baka ano mang sandali ay tapusin niya na ang tawag.
"Lander? Kailan kita makikita? Please! Kahit sandali lang. Kahit sandaling-sandali lang. Hindi na ako katulad ng dati. May pinag-aralan na ako. Pino na akong kumilos, sinikap ko ring matutunang mag-Ingles. Lander, hindi na ako tatanga-tanga katulad ng dati. Hindi ka na mahihiyang makasama ako. Hindi na ako gagawa ng kalokohan at mas lalong wala na akong kotseng ibabangga. Lander... lahat ng puwede kong gawin ay ginawa ko na. Sana pagbigyan mo na akong makita at makasama ka..." kahit garalgal ang boses ay tulot-tuloy kong sabi. Malabo na ang paningin ko sa luha. "Lander... I miss you..."
"Hey... hey, baby... hush..." nasa timbre niya ang pag-aalala. Pero bakit ganoon? Kung nag-aalala siya ay hindi siya makokontento sa ganito.
"Anong hush?!" Kumawala na ang matagal ko ng kinikimkim. "Nasaan ka? Bakit ka ganyan? Ilang buwan ka mula ng huling tumawag! Pagkatapos papatahanin mo ako? Hindi mo na ba ako mahal? Sabihin mo sakin, ano na ba talaga ang mangyayari sa atin—"
"I need to go. I'm sorry." Putol niya.
"Ha?"
"Bye."
"L-Lander, wait!" Ngunit nakababa na ang telepono. Kahit anong gawin ko ay hindi niya na maririnig ang pag-iyak at pagmamakaawa ko na sana magpakita na siya sa akin.
"Nakakainis ka! Nakakainis ka..." sargo ang luha na sumalampak ako sa sahig.
Limang taon. Limang taon na hindi siya nagpakita sa akin... limang taon niyang pinahihirapan ang puso ko.
"I hate you..." sumubsob ako sa mga palad ko at doon umiyak nang umiyak, katulad ng nakaraang limang taon na nangungulila ako sa kanya.
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top