Chapter 24
"LOLA PEACH, nanaginip lang po ba ako? Totoo po ba na pakakasalan ako ni Just Lander?" tanong ko kay Lola matapos nila akong hilahin sa isang maliit na kuwarto. Kailangan daw kasi nila akong ayusan bago ang kasal.
"Nakow! Eh, kung fingerin kaya kita ngayon, nang malaman mo kung nanaginip ka lang o hindi?"
Sumingit si Lola Merdie na may bitbit na damit. "Oh sya, eh tama na muna iyang usapang-kahayupan. Bilisan na natin at mainipin si Piccolo."
Si Piccolo marahil iyong ex nya na tila dalawang ulo na magkapatong ang mukha. Ayon pa kay Lola Peach ay pahaba lang daw iyon at hindi magkapatong. Nagkataon din na wala kasi itong buhok kaya lalong naging oblong. Ito rin daw ang magkakasal sa amin.
"Wag niyong ini-ismol si Piccolo. Kahit hindi iyon mukhang tao ay makadiyos naman. Di niyo naitatanong, dati itong bilyaran na pinag-ipunan niya nang todo para mapagawa lang na maliit na simbahan. Minsan kasi sa buhay niya ay nangarap ding maging pastor ang ulupong na ex kong iyon."
Napapalakpak naman si Lola Peach. "Ang galing mo talagang pumili ng boys, Ati! Sana ol!"
Napairap si Lola Merdie. "But I don't need boys. Libangan ko lang sila dahil sa malungkot ang buhay ko. You know, umiikot lang sa pagpapadala ng pera para sa probinsiya."
Nakwento nga sa akin ni Lola Peach na may sinusustentuhan daw si Lola Merdie sa probinsya. May mga naiwan pa raw kasi silang kamag-anakan doon. Baka nga raw meron doong naiwang anak si Lola Merdie na hindi binabanggit sa kanya. Malihim daw kasi ang ati niya kaya hindi siya sigurado kung totoo. Isa pa, hindi niya ito kasamang lumaki dahil sanggol pa siya noong maghiwalay ang mga magulang nila kaya wala talaga siyang ideya. Hindi na rin nagpakita pa ulit si Lola Peach sa mga kamag-anakan nila dahil noong makalaya siya sa sindikato ay sa akin na umikot ang kanyang mundo. Pero kung may anak man sa probinsiya si Lola Merdie ay tiyak na matanda na rin daw iyon. Sobrang bata pa raw kasi ni Lola Merdie noong unang gumarutay.
"O siya. Magbihis ka na, hija, at baka naiinip na ang groom mo."
Mabilis akong hinubaran ni Lola Merdie at sinuotan ng kulay gatas na baro. May inilagay naman si Lola Merdie na pulbos at kung anu-ano sa aking mukha at mga labi.
"Mayamaya lang ay isa ka na ring Montenegro. Tiyak na masasakal ako ng tatay mo kapag nalaman nyang kasabwat na naman ako sa eksenang ito."
"Ako po? Magiging Montenegro? Eh, di ba po, Montemayor ako?"
"Kapag ikinasal ka na kay Ser, ibig sabihin, asawa ka na nya." Si Lola Peach ang sumagot. "Dadalhin mo na rin ang apelyido nya. Magiging isa ka na sa kanila: Montenegro."
Kung ganoon, magiging Montenegro na pala ako. Hindi ko alam pero ang saya ko. Kinakabahan man pero nananabik ako. Gusto ko na na maging bahagi ako ng isang Montenegro.
"At alam mo ba kung ano ang pinakamasarap na bahagi pagkatapos ng kasal?" tanong ni Lola Merdie na ngiting-ngiti.
"Ano po?"
Napasighap si Lola Peach. "Ang honeymoon." Siya na ang sumagot.
"Honeymoon po?"
Sunud-sunod ang tango ni Lola Merdie. "Pulot-gata. Ito iyong kadyutan sa ilalim ng buwan."
May ganoon pala? Lalo tuloy akong nanabik.
"Kaya ihanda mo yang pepe mo. Kung gusto mo, mag-ahit ka." Ani Lola Peach habang sinusuklayan ako.
"Galingan mo sa kama, hija, para mabuntis ka." Payo naman ni Lola Merdie.
"Paano ko po ba gagalingan?" napanguso ako.
Pinanlakihan ko ng mga mata ni Lola Merdie. "Aha, gusto mo ng payo na cool?"
Tumango ako.
"Umibabaw ka, hija. Pumatong ka sa kanya."
"Ako po ang iibabaw sa kanya?" napakamot ako. "Eh, baka po mabali titi nya?"
Nagkatawanan ang dalawa. "Pucha, eh ang bobita pala nitong alaga mo, Pechay." Napailing pa si Lola Merdie. "Not cool."
"Basta umibabaw ka sa kanya at isuksok mo iyong kuwan nya dyan sa kipay mo. Tapos." Kulang na lang ay sabunutan na ako ni Lola Peach.
May hinugot si Lola Merdie sa bulsa nya. "Gusto mo pa ng isang cool? Oh, heto."
Inabutan nya ako ng candy. Candy iyong tawag doon sa matamis na pagkain na sinisipsip lang. Minsan na akong nakakin nito dahil binigyan na ako nito dati ni Lola Peach.
"Candy mint yan."
"Mint po?"
"Malamig sa bibig." Sabat ni Lola Peach.
"Ano pong gagawin ko dito?"
"Sumipsip ka muna nyan bago mo sya iblow-dyab." Napahalukipkip si Lola Merdie. "Ewan ko na lang kung di mapamura at mapatirik ang mga mata ni si Ser!"
Cool nga!
...
I WAS standing inside a huge white room. Walang ano mang gamit dito maliban sa iilang upuan. Merdie recommended this place. And right here, I'm gonna marry Aviona Camille Montemayor.
Ang magkakasal sa amin ay ex-boyfriend din ni Merdie. Isa raw itong judge. And his name is fucking Piccolo, for God's sake! I can't believe there's such a name like that! Pero wala na akong pakialam, ang importante ay matuloy lang ang kasal.
My heart raced inside my chest. The thought of Aviona will be mine forever made me feel like this.
Hindi ako papayag na hindi kami makasal ngayon. Natatakot ako na baka kapag nabawi siya sa akin ng mga Montemayor ay makalimutan niya ako. Yes, natatakot ako. At napakahirap palang matakot. Natatakot ako na kapag nagkahiwalay kami ay baka mawala na siya sa akin. Even the thought of it was enough to torture me.
Sighing, I closed my eyes. Mapapanatag lang ako ngayong gabi kapag asawa ko na sya. Mawawala lang ang pangamba ko kapag tapos na kaming ikasal na dalawa. Mapapasakin na siya. Legal na paraan. Sa batas at sa mata ng Diyos na pinapaniwalaan ng mga Montemayor.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto. Nahigit ko ang aking paghinga nang iluwa nito si Aviona kasunod ang dalawang matanda.
Unconsciously, nailagay ko ang isang kamay ko sa tapat ng aking dibdib. Nakatitig ako sa kanya at nakatitig din sya sa akin. The moment was priceless.
May bulaklak na nakaipit sa kanyang kaliwang tainga. She's wearing a simple white dress pero nagmistula itong en grande because she's the one who's wearing it. God, she was a breathtaking view.
My chest swelled with pride as I looked at my lovely bride. She was walking down the aisle, and this must be the longest time of my life. Huminto kasi ang lahat ng nasa paligid ko.
I will never ever effing forget this day. The day that I will be hers and she'll be mine. That her life will revolve only around me.
Inilahad ko ang aking palad nang makalapit siya sa akin. Kinuha naman niya iyon at humarap kami nang sabay sa judge na nasa harapan namin. Bahagya kong pinisil ang kanyang mga palad. Humugot siya nang malalim na paghinga matapos magtagpo muli ang aming mga mata.
Tumikhim si Piccolo. "Magsisimula na tayo."
Wala na bang ibibilis ito? Gusto ko ng matapos. Gusto ko ng makatiyak na magiging asawa ko na siya.
"Tayo ay pinagtipon sa lugar na ito upang," napatingin ito kay Merdie. "Saksihan ang kasal nila Lander Montenegro at Aviona Camille Montemayor." Bigla itong namutla. Pilit sinisipat iyong binabasa. "M-Montenegro?" napatingin siya sa amin ni Aviona. "M-Montemayor?"
My brows wrinkled. "Is there a problem?" I asked irritatedly.
"A-aware naman siguro kayo na," Piccolo swallowed deeply. "M-Montenegro kayo at Montemayor, tama ba?"
I get what he was saying. Laman ng mga business magazines and newspapers ang mga Montemayor at Montenegro. Hindi lihim sa masa na mortal na magkaaway ang dalawang angkan hindi lamang dahil sa pag-aagawan sa spot ng most richest and influential clan in asia, kundi dahil sa noon pa man ay may mga grudge na talaga sa isa't-isa ang dalawang angkan. Lalo pang lumala ang hidwaan ng mga Montemayor at Montenegro noong maitatag ang Saavedra Phoenixes Agency na tumutuligsa sa mga sindikatong kinabibilangan ni Ybarra. Pinag-iinitan ng mga Montemayor si Ybarra dahil sa marumi nitong pamamalakad sa negosyo at dahil na rin sa haka-hakang isang lihim na druglord ang ama ko, which was true.
And right at this very moment ay sagad na talaga ang galit ng angkan na iyon sa amin dahil sa paniniwala nilang ang mga Montenegro ang dahilan ng pagkawala ng kanilang prinsesa, which was true again. Dahil totoong nasa poder ng mga Montenegro si Aviona.
I heaved a sigh. "Peach, my gun?" I asked without looking at her.
"Andito po, Ser, sa akin, nakasuksok sa panty ko."
Dammit! Bakit naman kaya nakasuksok sa panty nya?
Humugot si Piccolo ng panyo at pinunasan ang namamawis na noo. "H-hindi ko kayo pwedeng ikasal. Ako naman ang malalagot."
I gritted my teeth. "Peach, ang baril, asan na?"
Nagbago ang mukha ng judge. "Joke lang."
Crap!
"Ituloy na natin ito," pagpapatuloy nito. "Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba si babae bilang iyong katuwang sa buhay? Nangangako ka ba sa sasamahan mo siya saan man siya magpunta, makikinig ka sa kanya ano man ang sabihin niya, at aalagaan mo siya ano man ang kalusugan niya? Pagsasaluhan niyo ba ang hirap at ginhawa, bilang katuwang sa buhay, mangingibig at kaibigan? Tatanggapin mo ba siya bilang iyong asawa mula ngayon at magpakailanman?"
Hinuli ko muli ang palad ni Aviona at marahang pinisil. "Yes."
Napatikhim muli si Piccolo. "Ikaw naman babae..."
Napaangat ng mukha si Aviona.
"Tinatanggap mo ba si lalaki bilang iyong katuwang sa– "
"Ano po yung katuwang?" napalabi si Aviona.
Napasintido ako.
Kandautal si Piccolo matapos mapatingin sa akin. "Ah, iyong partner mo. I-ibig sabihin, iyong kahalili mo sa buhay, ganun."
"Cool pala." Namimilog ang mga mata ni Aviona.
Cool? Kanino naman nya kaya natutunan ang ganoong salita?
Ngumiti siya. "Kung ganoon po ay wag nyo na akong tanungin. Dahil ang lahat ng itatanong nyo po sa akin ay 'oo' lang po ang isasagot ko."
Napangisi ako. That's my girl.
Sunud-sunod namang napatango si Piccolo. "At ngayon, isuot nyo na ang singsing sa isa't isa bilang simbolo at tanda ng inyong pagmamahalan."
Lumapit sa amin si Peach at inihatid sa amin ang wedding ring. Nang madampot ko iyon sa palad ng matanda ay kinuha ko ang kaliwang kamay ni Aviona. Bago ko isuot sa kanya itong singsing ay may nais akong sabihin.
"Aviona,"
"Ha?" nakatitig lang sa akin ang inosente nyang mga mata.
Napakurap ako. "Magulo ang kinalakhan kong buhay. Ako at ang kuya ko ay lumaki sa ibang pamamamaraan. Wala kaming kinagisnang kamag-anak na pwede sa aming gumabay dahil ang ibang Montenegro ay hiwalay sa amin. Hiwalay sa emperyong itinayo ng ama naming walang puso. Isang mas madilim na emperyo na ang tanging kulay na makikita mo ay kulay ng dugo..."
Lumamlam ang kanyang mga mata.
"Nasilaw ako sa kapangyarihan ng emperyong iyon. Nangarap ako na maging malakas at higit pang makapangyarihan. Wala akong ginusto na hindi ko makukuha. Hanggang sa malaman ko na ang pamilya mo ang isa sa pinakamalaking kalaban ng pamilya ko.
Nagmamasid ako. Naglalaro ng buhay ng ibang tao. Ipinagbubuntis ka ng ina mo noon ng maisip kong sana ay babae ang bunso ng mga Montemayor. At nang malaman kong babae, napangiti ako. Bata pa ako noon, Aviona. Pero nangarap na ako na makapangasawa ng Montemayor."
Goddammit! Totoo bang nasasabi ko ang lahat ng ito?
"Nasa tiyan ka palang ng iyong ina, inangkin na kitang bilang pag-aari ko. Naalala ko noong una kitang makita. Noong tatlong taong gulang ka pa lang at wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Para kang anghel noon, nagalit ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng tuwa ng makita ka. Dahil gagamitin lang naman kita para makuha ang gusto ko, pero bakit natutuwa ako kapag nakikita kita. I was very impatient type of man, pero sa unang pagkakataon, naghintay at nagtiyaga pa ulit ako. Hinintay ko hanggang sa lumaki ka pa nang kaunti."
Nakatingin lang ang lahat sa akin.
"At nang hindi na ako nakatiis," I continued. "Kinuha na kita. I stole you from your family and the life you truly deserve. I stole your entire life because I am a selfish and dominating beast."
"Just Lander..."
"Ikinulong kita at itinago para masigurong akin ka na. Na wala ng ibang makakakita sa'yo, wala ng hahanga sa mala-anghel mong mukha at inosenteng mga mata. Na akin ka na. I was fourteen then, and you were just an innocent little girl. Akin ka na habambuhay. Subalit," bahagya akong natigilan. "Naging mas magulo ang mundo ko. Dahil naging abala ako sa gawain na ipinamana sa akin ng tumayong ama ko."
Pumatak na ang mga luha ni Aviona.
"Nalulong ako sa kapangyarihan. Sa pagiging diyos sa libo-libo naming tauhan. Hindi ko namalayan na lumilipas ang panahon. Nakalimutan kong ikinulong ko pala sa kwarto ang isang babaeng nakatakdang mapangasawa ko pagkalipas ng maraming taon."
"Ser Lander..." napaiyak na rin si Peach sa tabi namin.
"Pero nagtagpo muli tayo. At wala sa hinagap ko na babaguhin ako ng isang tulad mo." Pagkasabi'y isinuot ko ang sising sa daliri nya. "You changed me more than I ever thought possible, Aviona. You even calmed down the monster inside me. Every moment with you felt so different. So effing different and refreshing. With you I am totally lost." Alam kong hindi nya naiintindihan pero nagpatuloy ako. "I was never good at accepting defeat. But now I am accepting it. You win. You already owned me. Whole. All of me."
"H-hindi kita maintindihan..."
Kinuha ko isang singsing sa palad ni Peach at inilagay sa palad nya.
"My life is in your hands now."
Mukhang naintindihan naman nya ang nais ko kaya isinuot nya agad ang singsing sa daliri ko.
"You taught me to feel the things I'd never felt before. You helped me find the 'word' that you were searching for."
Ikinulong ko ang kanyang mukha sa aking mga palad.
"I finally found it. I finally found 'love'."
"H-ha?"
Pagkuwan ay siniil ko na siya ng halik. Hindi ko na hinintay na sabihin ni Piccolo ang salitang 'you may kiss the bride.' Kapwa kami hinihingal ni Aviona nang maghiwalay ang aming mga labi.
"A-Aviona..."
"J-Just Lander..."
"You may sign now the certificate." Sumingit si Piccolo. Inabutan nya kami ng papel.
Pipirmahan ko na sana iyon ng matigilan ako. "What the hell is this?!" iniangat ko iyon.
Namutla si Piccolo.
"Tissue?" nagtatagis ang mga ngiping bumaling ako kay Merdie. "Pipirma kami sa tissue?!"
Napangiwi ang matanda. "A-akala ko, alam nyo Ser?"
"Na ano?!" galit akong lumapit sa kanya.
"N-na kasal-kasalan lang ito."
"What?!" My loud voice filled the room like thunder.
"N-na kunwa-kunwarian lang. Hindi po ako tunay na judge..."
Galit na nilingon ko si Piccolo. "What the fucking hell?! Explain! Now! Damn it!"
"K-kinasal ko kayo, Ser, pero–"
"Pero ano?!"
Bumalatay ang takot sa mukha nya. "J-Joke lang..."
Napailing si Aviona. "Not cool."
"Peach!" sigaw ko.
"Yis, Ser!" Lumapit sya agad.
"Ang baril, akin na!"
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top