Chapter 22
NAGISING ako na nakayakap kay Just Lander ang aking kaliwang braso. Pareho kaming walang damit sa ibabaw ng kama. Marahan akong bumangon at agad nagbihis. Umaga na ayon sa liwanag na nagmumula sa nakabukas na salaming bintana sa tabi namin kaya nakapagtataka na tulog pa rin siya. Di ba dapat gising na rin siya dahil umaga na?
Hinanapan ko rin siya ng maisusuot saka sinubukang damitan. Kahit mahirap dahil mabigat siya ay pinilit ko siyang masuotan ng damit dahil mainit ang buo niyang katawan. Siguro ay nilalagnat na naman siya dahil sa mga sugat niya sa likuran.
Lumipas ang ilang minuto at aag-alala na ako dahil hindi pa rin nagigising si Just Lander kaya naman hinagilap ko na sa labas ng kuwarto sina Lola Peach at Lola Merdie. Sinuyod ko ang buong bahay ni Lola Merdie mula sa malawak na kusina, sala, mga kuwarto at hanggang sa garahe kung saan may nakaparadang nabubulok na sasakyan, pero wala ang dalawang matanda. Nasaan kaya sila? Kailangan ko sila. Hindi ko alam ang gagawin ko kay Just Lander at natatakot ako na baka lumalala na pala ang sakit niya.
Tumakbo na ako palabas ng gate para magbakasakali na makahanap ng tulong, pero wala akong makitang mga tao sa paligid. Ang buong daan ay sementado at ang gilid ay mga puno. Tila katulad sa mansiyon ni Just Lander ay pribado ang lugar na ito.
Sinubukan kong lumayo pa. Ang tagal ko ring lakad-takbo hanggang sa makakita sa kadulu-duluhan ng daan ng ilang kabahayan at ilang sasakyan na nagdaraan. Napangisi ako sa kabila ng aking paghingal at pagod.
Kung may sasakyan at kabahayan, e di ibig sabihin ay meron ding mga tao!
Dala ang pag-asa na makakakita ako ng mga tao ay tinalunton ko ang daan papunta roon. Nang makalabas ako sa tila mababang gate ay doon na nakatagpo ng mangilan-ngilang taong naglalakad. Patakbo ko silang nilapitan upang pagtanungan.
"Nakita niyo po ba ang Lola Peach ko?" tanong ko doon sa lalaking halos kasing taas ko lang. May edad na siya dahil puti na ang ilang piraso ng buhok niya. Nakatayo siya sa gilid ng daan at abala sa hawak niyang cell phone.
"Ha?" Gulat na gulat siya nang lingunin ako. "Do I know you, Miss?"
Pati ang ibang nasa malapit na tao ay tila nagugulat at nagtataka sa akin. Gulat at nagtataka siguro sila dahil hindi pa ako nagsusuklay. Pasimple ko na lang na sinuklay ang mahaba kong buhok gamit ang aking mga daliri.
"Iyong Lola Peach ko po. Nakita niyo po ba?" tanong ko sa lalaki.
Umiling iyong lalaki. "Hindi ko kilala ang sinasabi mo."
"Kulay gatas po ang buhok nya sa ulo. Wala po syang ngipin kundi gilagid. Pero ngumunguya po sya ng santol. Iyong dibdib nya po lawlaw."
"Alam mo, hija, doon ka humingi ng tulong sa bayan. Doon sa police station mismo para hindi ka maloko." Iiling-iling siya. "Hindi ka dapat basta-basta lumalapit kung kani-kanino."
Nagsalita na rin ang may edad na babaeng nasa gilid niya. "Saka hija, hindi ka dapat lumalabas ng wala kang suot na bra. Ang nipis pa naman ng bestida mo. Hayan at pinagtitinginan ka na tuloy."
Napatingin ako sa aking suot. Oo nga, manipis nga. Wala naman kasing ibang ipinahiram na damit sa akin si Lola Merdie akin kundi itong kamison niya dahil magkasing-sexy raw kami kaya ito raw ang bagay sa akin. Ang sabi niya pa kagabi noong isinusuot ko ito ay "if you have it, flaunt it." Iyon daw ang motto niya at dapat ay iyon na rin daw ang motto ko.
"Dumiretso ka sa bayan." Itinuro niyong matandang lalaki ang daan sa kaliwa. "Malapit na iyon dito. Diretsuhin mo lang 'yang daan."
"Talaga po?" Napapalakpak ako. "Sa tingin niyo po ba ay doon nagpunta ang Lola Peach ko?"
"Posible. Kasi maraming mabibili doong santol."
"Salamat po." Pagkasabi ko'y nanakbo na ako papunta sa daang itinuro nito.
Medyo malayo rin ang lugar na iyon dahil hindi ko na matandaan kung ilang oras akong naglakad. At tama nga ang sinabi sa akin ng napagtanungan ko. Marami ngang tao rito. Marami akong mapagtatanungan.
Tama rin na marami ngang mabibilhan ng santol dito dahil bukod sa marami ritongtao ay marami ring prutas sa daan. Akma na akong magtatanong sa isang tao na nasadi kalayuan ko nang makakita ako ng isang pamilyar na mukha. Kabababa lang niyasa nakaparadang kulay pulang kotse. Sa likuran naman niya ay may isang itim navan na katulad ng mga sasakyan noon ng mga guwardiya ni Just Lander sa mansiyon.
Akma na akong matatanong sa isang tao na di kalayuan sa akin nang makita ko ang pamilyar na mukha.
Kilala ko ang lalaking iyon na may kausap. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Patrick Only yun!
Tinawag ko sya. "Patrick Only!"
Nanakbo ako palapit sa kanya.
Agad naman nya akong nilingon. "Jack?"
Sa tuwa ko ay nayakap ko sya. "Hindi Jack ang pangalan ko." kumalas ako sa kanya. "Aviona Camille."
Nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. "Okay."
"Anong ginagawa mo rito?" nilingap ko ang paligid. May mga kasama kasi syang mga nakaitim na lalaki. "Kasama mo sila?"
Galing ang mga nakaitim na lalaki sa itim na van na nasa likod ng kotse niya.
"Ah," nilingon nya rin iyong nasa likuran nya. "Oo, kasama ko sila."
"Bakit kayo narito?" Ngayon ko lang rinnapansin na may iba pa palang sasakyan sa likod ng van. Mukhang lahat iyon aykasama rin ni Patrick Only.
"Hinahanap ko kasi si Lander. Alam mo ba kung nasaan sya?"
"Oo, kasama ko sya." Humawak ako sa kamay. "Tulungan mo sya."
Nangunot ang kanyang noo. "Bakit? Anong nangyari sa kanya?"
"May sakit sya. Mainit sya dahil sa mga sugat nya sa likod."
Humawak sya sa magkabila kong balikat. "Nasaan sya, Aviona. Gusto ko syang tulungan."
"Salamat." Yumakap ako sa kanya. "'Lika at ituturo ko ang daan."
Nilingon nya iyong mga tauhan nya. "Let's move." Pagkasabi nya niyon ay sumakay na kami sa kanyang kotse.
Ang mga kasama naman niya ay nagsibalikan sa van.
Tatlong sasakyan yata iyong kasunod namin habang tinatalunton ang daan pabalik sa bahay ni Lola Merdie na hugis pagong.
Habang bumabyahe ay ilang ulit ko pang nahuli ang mga mata ni Patrick Only na sumusulyap katawan ko, partikular sa gawing dibdib ko. Pasimple ko na lamang na niyakap ang aking sarili.
Nang makarating kami ay bumaba ako agad. Nagmamadali kong binuksan ang pinto. Kasunod ko na agad si Patrick Only.
"Just Lander!" tawag ko. Hinanap ko siya sa kuwarto na pinag-iwanan ko sa kanya pero nakapagtatakana na wala siya roon.
"Nasaan na siya?" tanong ni Patrick Only na nakikihanap na rin.
Napakamot ako ng ulo. "Andito lang siya kanina, eh."
Nakarinig ako ng kasa ng baril. Paglingon ko kay Patrcik Only ay may nakatutok ng baril sa kanyang ulo.
Si Just Lander!
"Just Lander, anong ginagawa mo? Bakit mo tinututukan ng baril si Patrick Only?" nagtataka kong tanong.
"Kalaban siya, Aviona," sagot ni Just Lander.
"Kalaban?"
Natawa si Patrcik Only. "Ano bang pinagsasasabi mo, Lander? Nandito ako para tulungan ka."
"You can not fool me, Patrick. I'm smarter than you."
Napangisi si Patrick. "So you knew."
Hindi ko maintindihan kung ano pinag-uusapan nila.
Biglang may sumulpot na lalaking nakaitim sa likuran ni Just Lander. Natumba sya sa sahig nang pukpukin sya nito sa likod.
"Just Lander!" nilundag ko si Just Lander dahil napalupagi sya sa sahig. Kaya nga lang ay nahawakan ako ni Patrick Only.
Nabitiwan ni Just Lander ang baril na hawak niya. Namimilipit siya habang nakahiga siya sa lapag.
"Not this time, Lander. Hindi mo ako mauutakan ngayon," sabi ni Patrick Only sa kanya na parang masaya pa.
Tiningala ko si Patrick Only. "Anong nangyayari, Patrick Only? Di ba kakampi ka namin?"
"Kakampi mo ako, Aviona. Pero hindi ni Lander Montenegro."
"Ha?"
Ngumisi sya muli. "Inupahan ako ng kapatid mo para magpanggap bilang business associate ni Lander."
"Kapatid? Sinong kapatid?"
Bumaling sya kay Just Lander. "Si Carick Tiger Montemayor."
Kung ganun, totoo nga. May kapatid nga ako. At parte ang Carick Tiger na iyon ng pamilya ko. "B-bakit ka nya inupahan?"
"Para makalapit ako kay Lander. Upang alamin na rin kung buhay ka pa ba o hindi na."
Napatigagal ako.
"Matagal ka ng hinahanap ng mga Montemayor, Aviona. Hanggang ngayon, hindi pa rin sumusuko ang pamilya mo sa paghahanap sa'yo."
Bigla na lang naglandas ang mga luha ko. Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako.
"Tahan na." Niyakap ako ni Patrick Only. "Sumama ka sa akin dahil iuuwi na kita."
Kumalas ako kay Patrick Only at tiningala. "Salamat. Pero hindi ako uuwi hangga't hindi ko kasama si Just Lander." Pagkuwan ay nanakbo ako papunta kay Just Lander. Subalit bago ako makalapit sa kanya ay nahawakan ako niyong isang lalaking nakaitim at inilayo ako sa kanya.
"Dammit! Patrick! Wag mo syang sasaktan!" hiyaw ni Just Lander.
Humalakhak si Patrick Only. "Is that really you, Lander? Kailan mo pa natutunang mag-alala para sa kapakanan ng ibang tao?"
"Shut up, you dumbass!" Sinubukang tumayo ni Just Lander para lapitan ako pero pinukpok siya ng baril sa ulo niyong mga lalaking kararating lang.
"Just Lander!" hagulgol ko.
kumawala ako sa lalaking nakahawak sa akin at nilapitan ko si Patrick Only. "Patrick Only, wag mong saktan si Just–" hindi ko na natapos ang aking nais sabihin nang bigla nya akong sampalin.
Nabuwal ako sa pagkakatayo dahil nahilo ako sa lakas ng palad niya na tumama sa aking pisngi. Humampas ang mukha ko sa sahig.
Buong lakas na tumayo si Just Lander pero bago pa man ay nahawakan na sya ng mga lalaking nasa likuran nya. Hinawakan sya ng mga ito sa magkabila nyang kamay. "Damn you, Patrick! I will kill you!"
Inayos ni Patrick Only ang suot na kurbata. "You can't, Lander." Pagkatapos ay dinampot nito ang baril ni Just Lander na nabitiwan at itinutok sa akin. "Because I'm smarter than you."
Namilog ang mga mata ko. Balak ba akong patayin ni Patrick Only? Bakit niya ako tinututukan ng baril?
Lalong nagalit si Just Lander, pero wala siyang nagawa para makawala. Paano'y walong katao iyong may hawak sa kanya. Ang iba'y pinupukpok pa siya sa ulo ng baril.
"What if I tell Carick that you shot Aviona, huh?" Ikinasa ni Patrick Only ang hawak na baril na nakatutok sa akin. "Hindi ka lang basta papatayin ng buong Montemayor. Susunugin ka pa nila hanggang sa maging alikabok ka na lang."
"Just kill me, Patrick. Ibalik mo na lang si Aviona sa pamilya nya at wag mo ng saktan!" ani Just Lander.
"Just Lander..." usal ko na lang. Nahihilo pa kasi ako kaya hindi ako makatayo.
"Fine." Sabi ni Patrick Only. "Pero gusto ko munang magmakaawa ka."
Nagtama muna ang mga mata namin ni Just Lander bago sya nagsalita. "N-Nagmamakaawa ako, Patrick..." napapikit sya. "Nagmamakaawa ako sa'yo... wag mong sasaktan si Aviona..."
Biglang nagtawanan ang mga lalaking nakaitim sa paligid. Kahit si Patrick Only ay walang tigil sa paghalakhak. "You heard that, guys? He just begged me for mercy!"
"J-Just Lander..." Tagaktak na ang luha ko. Nakikita ko kasing hirap na hirap siya sa pinapagawa sa kanya, pero ginawa pa rin niya. Pagkatapos sa huli ay pagtatawanan lang siya.
Lumapit sa kanya si Patrick Only at dinuraan sya sa mukha. "Weak!" binayo sya nito sa ulo sanhi para mapadapa sya.
Nang nakadapa na siya ay pinagtatadyakan ang likuran niyang namamaga pa dahil sa mga sugat. Ang puti niyang tshirt ay ngayo'y basa na ng dugo ang likuran.
"W-wag..." gumapang ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naabot ang mga kamay nya. "W-wag nyong saktan si Just Lander..."
Nakalapit na pala sa akin si Patrick Only at hinila ako sa paa. Inilayo nya naman ako kay Just Lander at saka nya ako itinihaya. Kumubabaw sya sa akin. "Matagal na akong nanggigil sa'yong puta ka, alam mo ba yun?"
Hala! Anong gagawin nya sa akin?
Inililis nya ang aking damit at pilit hinuhubad ang aking panty.
"I'm gonna fuck a princess. A fucking Montemayor. What an opportunity, huh?" Inililis niya ang aking damit at pilit hinuhubad ang aking panty. "Show me what you've got, Jack. Or shall I call you, Aviona Camille?"
"A-anong gagawin mo, Patrick Only?" nanginginig kong tanong dahil hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya. Takut na takot ako dahil may kutob akong hindi maganda ang gagawin niya sa akin.
Sinampal na naman nya ako.
Nang makita ako ni Just Lander ay pinilit niyang muling tumayo. Subalit walang tigil siyang tinatadyakan sa likuran niyong mga lalaki. Duguan na siya hindi lang ang kanyang likod bagkus pati ang kanyang mukha.
Kumakawala ako kay Patrick Only pero malakas ang lalaki. Marahas niyang ibinubuka ang mga hita ko.
"W-wag, Patrick Only..." iyak ko.
"At bakit wag, huh? Ayaw mo ba sa akin? So ano? Si Lander lang ang gusto mo?" Tila siya demonyo habang pinupwersa akong ibuka ang aking mga hita. "I am a lesser evil than him, Aviona! Pwede kitang paligtasin kung magiging mabait ka lang sa akin. I could also marry you after this if you want. Papanagutan kita!" sabi niya na hindi naman nagpatigil sa paghagulhol ko
Natahimik lang ako nang makita ko ang lalaking may asul na mga mata. Tinutukan nito ng baril sa ulo si Patrick Only. "One more move and you'll die."
Kilala ko ang lalaking ito. Kapatid ito ni Just Lander.
Si Kyo Montenegro!
Ni walang nakamalay sa bigla niyang pagdating at pagpasok rito!
Bago pa nakahugot ng baril iyong nanggugulpi kay Just Lander ay nagsitalsikan na ang mga ito sa ere ng pagbabarilin niya. Dahil sa likuran ni Kyo ay may dalawa pang pares ng mga mata ang kakulay din ng mga mata nila.
Iyong isang lalaking bumabaril ay walang kilay. Ito marahil iyong syota ni Lola Peach– si Ybarra. Sa tabi nito ay may babaeng kulay kalangitan din ang mga mata. Naalala ko pa sya. Sya si– Kia!
May mga paang huminto sa aking uluhan. Nang tingalain ko ito ay dalawang matanda ang may hawak ng shot gun. Nilingon ako ni Lola Peach. "Wag kang matakot hija." Humarap sya sa mga kalaban. "Dahil kasama natin –ang mga Montenegro."
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top